TL Chapter 6 : Mood Swing

3406 Words
Stacy Ivy Barmeda POV Naka ilang katok na ako sa kwarto ni Ate Airene ngunit hindi pa rin niya binubuksan ang pinto. “Ate!” tawag kong muli kasabay ang katok sa pinto. “Male-late na tayo!” muli kong sabi. “Mahuhuli tayo sa flag ceremony,” paalala ko. Napalingon ako sa aking gilid ng makita si Mama na naglalakad papunta sa aking kinatatayuan. “Aireen! Buksan mo itong pinto!” utos niya. “Male-late na kami ng Papa mo sa trabaho,” sabi pa niya. Pailing-iling siya. Dahil hindi pa rin binubuksan ni ate ang pinto ay nilakasan na nga niya ang pagkatok. “Airene!” bulyaw niya. “Hindi ka pa ba lalabas!” Ilang segundo lang at bumukas ang pintuan. Bumungad sa amin ang kakagising lang na si ate. “Ma, mauna na kayo! Mag co-commute na lang po ako!” sabi niya. Pahikab-hikab pa siya. “Hindi!” tugon ni Mama. “Bilisan mo magbihis at bumaba ka na!” Pagkatapos magsalita ni Mama ay tumalikod na siya. Nakita ko naman si Ate Airene na mukhang naiinis. “Hintayin kita sa baba,” sambit ko. “Tsk! Ang aga-aga pa, madaling-madali kayo!” Pabalang niyang tugon sa akin at binalibag ang pinto sa pagsara. Pagbaba ko sa sala ay nakita ko si Mama at Papa na kakapasok lang muli sa pintuan. Natanawan ko na sinundo na pala ng school bus sina Kenzo at Andie. “Asan na ang ate mo?” tanong ni Mama sa akin. “Pababa na po, Mama.” sagot ko. Umupo si Mama sa sofa at kinuha ang kaniyang bag sa lamesa. “Anak, kayo na muna bahala dito sa bahay. Meron kaming two days out of town ng Papa niyo.” “Huwag mo ng problemahin ang mga bata,” saad ni Lola na kakalabas lang ng kusina at may dalawang lunch bag para sa amin ni ate. “Alam ko po iyon, ‘Nay. Ikaw lang din ang iniisip ko kaya’t kailangan ko silang pagsabihan. Baka magpasaway sa inyo ang mga apo niyo!” tugon ni Papa na may halong pag-aalala. Narinig namin ang mabigat na yabag ng sapatos. Sinalubong kaagad siya ni Lola at inabot ang lunch bag, “Dinagdagan ko na ang baon para habang nasa kotse ay makakain ka ng almusal.” Kinuha ni ate iyon at dire-diretso lumabas ng bahay. “Wala talagang pagbabago ang batang iyan!” saad ni Mama. “Kailan kaya mababawasan ang sakit ng ulo ko sa batang iyan!” “Huwag ka ng magsalita at baka marinig ka pa ng anak mo. Magbabago rin iyan!” sagot ni lola. “Ewan ko, ‘Nay. Bigla na lang nagbago ang ugali ng batang iyan,” tugon ni Mama. “Hindi na ako magtataka kung bakit ganiyan ang ugali niya. Palibhasa, may pinagmanahan.” Tumingin si Mama kay Papa at binigyan ng makahulugan na tingin. Napangisi naman ako, “Manang-mana pala sa iyo, Papa! E mabait na si Papa ngayon. Posibleng pag nag mature si ate ay bumait na rin siya. ‘Di ba, lola?” “Oo, apo! Tama ka riyan,” sagot ni lola. Inabot na rin niya sa akin ang bag, “Umalis na kayo at hinihintay na kayo ni Airene.” Pagkuha ni Papa ng kotse ay sumakay na kaagad si ate sa passenger seat. Habang nasa byahe ay kinain nga ni ate ang pagkain na ipinadala ni lola. Kahit sandwich lang iyon ay tiyak na mabubusog siya dahil sa palaman na itlog, ham at gulay. “May business trip kami ng Papa mo,” sabi ni Mama. “Airene, tulungan mo ang Lola Salve mo na alagaan at bantayan ang mga kapatid mo.” “Opo!” sagot ni ate. “Thank you,” saad ni Mama. “Bukod sa lola mo ay ikaw lang ang aming maaasahan. Kaya sana iwas-iwasan mo na ang magpasaway.” “Ako na naman ang nakikita niyo! Pag pasaway ako kaagad?” sagot niya. “Nagpapaalala lang kami, Airene! Ikaw pa naman palagi ang may problema,” saad ni Mama. “Anak, malaki ka na at ahead sa tatlong mga kapatid mo. Sana naman maging responsable ka sa mga sinasabi namin sa iyo.” “Ang aga-aga niyo naman mang sermon, Mama!” pabalang na sagot ni ate. “Hindi kita sinesermonan. Sinasabihan lang kita para ayusin mo ang ugali mo!” “Tama na iyan, Caroline” awat ni Papa kay Mama. “Malaki na si Airene at naiintindihan na niya ang sinasabi natin.” Tumahimik na si Mama at tumingin na lang sa labas ng bintana. Tahimik kaming apat sa loob ng sasakyan. Pasulyap-sulyap lang ako kay ate na nakatingin sa labas ng bintana. Ganoon din si Mama at hindi na pinansin pa si ate. “Airene!” tawag ni Papa. “Sorry sa nasabi ng Mama mo. Gusto niya lang mapabuti ka at umiwas sa mga g**o. Kawawa naman kasi ang Lola niyo kung magkakaproblema pa siya sa pag-aalaga.” “Okay lang po! Naiintindihan ko,” sambit ni Ate. “Totoo rin naman ang sinasabi ni Mama. Sorry din po!” “Salamat, anak!” In-extend ni papa ang kaniyang kamay at kinuha ang kamay ni Ate. “Huwag ka sana magalit o magtampo sa amin .” “Hi-hindi po ako galit,” sabi ni ate. Buong akala ko ay ayos na ang lahat. Nakaramdam pa nga ako ng kasiyahan dahil inaako na ni ate ang kaniyang pagkakamali. Nagkaroon ng pagkakaintindihan sa pagitan niya at ng aming magulang Pagbaba ng sasakyan ay dire-diretso si ate pumasok ng entrance. Narinig ko pa ang sinabi niyang, “Badtrip!” ‘Akala ko ay okay na. Hindi pa pala!’ Dahil late na sa flag ceremony ay hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni ate. Sa quadrangle ay nagmadali akong pumunta sa linya ng section namin. Tuwing flag ceremony ay hindi basta-basta kakanta ka lang ng Lupang Hinirang, Hymn ng lungsod at kung anu-ano pa. May mga nag pe-perfom din na kapwa namin kamag-aral. Maari silang kumanta o sumaway per group depende sa gusto nilang i-share na talent. ‘In that way mabo-boost din ang confidence ng bawat estudyante na ipakita ang kani-kanilang mga talento.’ “Palakpakan natin, ang inyong mga kamag-aral na nagpakita ng kanilang husay sa kanilang mga talento. Bago bumalik sa inyong mga kaniya-kaniyang room ay may announcement ang inyong kamag-aral na si Zach na nasa kaniyang ikaapat na baitang ngayong taon,” saad ng aming guro. “Good morning, fellow classmate! Gusto ko lang i-announce na mag-o-open na ang iba’t-ibang club kung saan pwede kayong sumali para malinang o mahasa ang inyong husay. For registration, humingi lamang sa faculty room upang makakuha ng form base sa sasalihan niyong club. I hope marami ang mag pa-participate sa inyo. Thank you!” Nagsimula ng magbulungan ang mga estudyante. Ang ilan sa mga kaklase ko ay gusto ng sumali. Narinig ko pa silang tinatanong ang isa’t-isa. “Ano kayang club si Zach? Gusto ko sumali!” sabi ng isa. “Sa journalism ata siya, e!” sagot ng nasa unahan niyang babae. “Pero malalaman naman natin iyan kapag nag inquire tayo.” “Wow! Excited na ako!” saad ng dalawa. ‘Kitang-kita naman talaga sa mukha nila at kinikilig pa.’ Pagpasok sa room ay kaniya-kaniya na kaming upo sa aming mga silya. “Na-late ka ata, Stacy!” Puna ni Anica. Tumango ako, “Oo! Na-late ng gising si Ate Airene kanina!” tugon ko. “Sasali ba kayo sa club?” tanong ni Shiela. “Sali tayo!” “Pwede!” ani Anica. “Check muna natin kung anu-ano ang mga available.” Tumingin sa akin ang dalawa. “Ikaw?” “Sali rin ako,” tugon ko. Nang mag ring ang bell ay dumiretso kami sa faculty room pero hindi namin inaasahan na madami na ang estudyante na nakapila para humingi ng form. “Hindi ko ine-expect na ganito!” saad ni Shiela. “Marami pa naman araw, e!” saad ko. “Kumain na lang muna tayo.” Papunta kami sa canteen ng makasalubong si Brant at Zion. “Ang daya niyo!” sambit ni Brant. “Iniwan niyo kami,” reklamo niya. “Babagal-bagal kasi kayo,” sagot ni Anica. “Galing kami sa faculty room kaya lang ang haba ng pila.” “Zion, alam mo ba kung anong club leader ang kapatid mo?” tanong ni Shiela. “Para makasali kami.” “Puro major subject,” tipid na tugon ni Zion. “Mamaya tanungin niyo na lang siya kapag nakita natin.” Pumila kami sa canteen at isa-isang kumuha ng tray para mag-order ng pagkain. Napakaluwag at walang siksikan ngayon dahil nga ang mga estudyante ay nakapila pa para sa club registration. “Iyan lang ang o-orderin mo?” tanong sa akin ni Zion ng makita na bumili lang ako ng desert at juice. “Oo!” ngiti kong tugon. Inangat ko ang aking lunch bag, “Madami kasing pinadala si Lola Salve sa akin.” Pag-upo namin sa lamesa ay isa kong nilabas ang baon na niluto ni Lola. Nang maamoy nga nila ay todo papuri silang, “Ang sarap!” “Stacy, patikim!” request ni Anica. “Uhm! Ang sarap naman,” sambit niya ng matikman ang pork steak. Naka cut na iyon into bite size kaya mabilis lang nakain iyon ni Anica. “O, ito pa!” Shinare ko sa kanila ang ilang baon ko. “Next time papa-dagdagan ko kay Lola, para lahat tayo makakain.” Tumingin ako kay Zion, “Tikman mo, oh!” alok ko sa kaniya. “Masarap?” tanong ko ng nguyain na niya iyon. “Sarap, no?” “Oo!” tugon sa akin. “Thank you!” Ngumiti ako at tinugunan ang kaniyang sinabi, “You’re welcome!” Nagkangitian na lang kaming dalawa at tinuloy-tuloy ang aming pagkain. Simula first day ng class hanggang ngayon second week ng school ay kami-kami ang magkakasama. Kilala na namin ang isa’t-isa pero nagkakaroon pa rin ng ilangan. Ang iba naman ay may circle of friends na rin. “Hello,” bati ko kay Kuya Zach ng makita namin siya. Uwian na kaya’t hinihintay na talaga niya si Zion. “Sali ka sa club, ha?” Inabot niya sa akin ang form. “Just fill-out this and ako na ang bahala na mag process.” “Kami rin, Kuya Zach!” sabay na sabi ni Shiela at Anica. “Sure!” sabi niya. Binuksan niya ang bag at inabot ang form sa dalawa. “Thank you,” sabi namin. Napatingin kami kay Zion at Brant ng manghingi rin sila ng form. “Sali rin kami!” “Sigurado ba kayo?” tanong ni Zach sa dalawa at tumawa. “Oo naman, Kuya Zach!” sagot ni Brant at kinalabit pa si Zion, “Makakatulong nga ito sa pag-aaral namin, ‘di ba, Zion?” tanong niya sa kaibigan. “O-Oo nga, Kuya! Sali kami.” Zion Royce Buenavista POV “Mama, magbabaon ako!” sabi ko kay Mama kinagabihan pa lang habang kumakain kami ng hapunan. “Sure!” sabi ni Mama. “Good decision dahil makakatipid kayo at healthy food pa ang kakainin mo.” Tumingin siya kay Kuya. “Ikaw Zach, ayaw mo bang magbaon?” tanong niya. “No need na, Ma! Bibili na lang ako sa canteen or malapit na fast food. Kasabay ko kasi minsan ang mga kaibigan kong kumain.” “Okay!” tipid na tugon ni Mama. “Kamusta pala ang second week ng school niyo?” dugtong niyang tanong. “Okay naman po. Marami na rin kaming activity and project na ginagawa,” sagot ni Ate Zane. Sumabat naman si Kuya, “Mag-o-open na ulit ang school clubs kaya medyo magiging busy na po ako Mommy. Medyo male-late na rin ako umuwi.” “Sasali naman ako sa club, Mommy!” sagot ko. “Magandang idea iyan,” tugon ni Daddy. “Ma-e-enhance ang knowledge mo. Hindi lang iyon kasi malalaman mo kung anu-ano ang mga bagay kung saan ka interesado. At mas mate-test ang abilities mo. Iyan din ang umpisa ng pagpapakita mo ng resourcefulness at initiative.” “Iyon nga po ang mga rason ko kaya ako sumali,” tugon ko. ‘Pero ang totoong rason ko ay para makasama at mapalapit kay Stacy.’ Kinabukasan, pagbaba ng canteen ay dinala ko ang lunch bag na pinabaon sa akin ni Mommy. Nagulat pa ang mga kaibigan namin dahil pati ako ay nagbaon na rin. ‘Gusto ko kasing ipatikim sa kanila ang luto ni Mommy.’ “Stacy, tikman mo ito! Niluto ito ni Mommy. Since napansin ko na mahilig ka rin sa lean meat and veggies, baka magustuhan mo ito!” “Sige!” sagot niya ng kunin ang lalagyan na inabot ko. Inilapag niya sa gitna ng lamesa ang mga ulam. “Kuha lang kayo,” saad niya. Ngumiti ako at ginaya ang ginawa niya, “Marami talaga akong pinaluto kay Mommy para sa ating lahat.” “Magbaon na lang kaya tayong lahat?” tanong na suggestion ni Anica. “Mas masarap kumain ng lutong bahay kaysa rito sa canteen.” “True! Mahal pa,” sang-ayon ni Shiela. “At magandang idea kasi, pwede rin tayong kumain sa may garden. Hindi ba’t may mga wood table and bench doon?” “Oo nga!” sang-ayon ni Stacy. “Mapapasarap pa ang kain natin. At syempre makakadagdag pa sa good mood natin ang ambience.” “Try natin bukas,” saad ni Anica. “Para lang tayong nagpi-picnic.” “Excited na akong gawin iyan,” tugon ni Shiela. Pagbalik sa room ay dalawa na naman kami ni Brant na magkatabi. Habang hinihintay ang susunod naming teacher ay nagkwekwentuhan kami. “May gusto ba ang Kuya Zach mo kay Stacy?” tanong niya. “Bakit mo naman natanong?” balik kong tanong. “Wala lang! Pansin ko lang,” tugon niya. “Ah, alam ko na! Kasi girlfriend pala ni Kuya Zach si Airene, ‘di ba? Kaya siguro mabait siya kay Stacy.” Nagkibit balikat na lang ako. “Ewan!” ‘Akala ko ay ako lang ang nakakapansin. Sa pinapakita ni kuya ay iyon ang nararamdaman ko. May gusto siya kay Stacy.’ Pinagmamasadan ko si Kuya Zach sa tuwing nakikita at nakaka-usap si Stacy. Napapansin ko na kakaiba ang emosyon na ipinapakita niya. ‘Nakangiti ang mata, namumula ang tenga at masiglang nakikipag-usap kay Stacy.’ Isang gabi ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na tanungin si Kuya Zach. Pinuntahan ko siya sa kwarto. Ilang beses akong kumatok sa pinto bago niya buksan iyon. “Bakit?” tanong niya. Hawak ang kaniyang cell phone ay may narinig akong may kausap na babae si Kuya sa kabilang linya. “Wa-wala!” sagot ko. “Bukas na lang. May kausap ka, e!” “Zach?” tawag ng babae sa kabilang linya. Nang marinig muli ang boses ay napagtanto ko na boses iyon ni Airene. “Isasali mo naman kami sa club, ‘di ba?” tanong niya. “Good night, Kuya!” paalam ko at umalis na sa harap ng pinto. Pagpasok sa aking kwarto ay nakaramdam ako ng kaba. ‘Maling-mali nga ang iniisip ko.’ Si Airene nga ang gusto ni Kuya Zach at hindi si Stacy. Habang lumilipas ang mga araw ay nagiging close kami ni Stacy. ‘Hindi lang kami ni Stacy, pero iyong circle of friends namin.’ Kung minsan ay nakakaagaw na nga kami ng atensyon sa klase dahil sa masaya namin kantiyawan at usapan. “Maghihintay ka rito?” tanong ko kay Stacy ng kaming dalawa na lang ang naiwan sa entrance. “Oo!” Kailangan sabay kami ni Ate umuwi kasi mag-aalala si Lola Salve. “Ang bait-bait siguro ng lola mo no?!” “Sobra!” proud na sagot ni Stacy. “Gusto mo ba siya makilala? Yayayain ko rin sila Brant, Shiela at Anica.” “Talaga?” Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. “Sige ba! Magdadala ako ng snack.” “Deal! Bukas sabihan natin sila,” sagot niya. Nakababa na si Zane pero hindi kasabay si Airene. Pati si Kuya Zach ay wala pa. “Text mo si Kuya” saad ni Ate Zane. Kanina pa tayo naghihintay dito, e!” “Hindi nga sumasagot,” sabi ko. Napatingin ako kay Stacy na abala rin dinudutdot ang cellphone. “Ang tagal naman,” reklamo ni Ate Zane. “Kain muna kaya tayo?” tanong niya. “Sama ka na rin Stacy. Text mo na lang si Airene kung nasaan tayo. Patapos na kami kumain ng snack ng sabay dumating si Kuya Zach at Ate Airene. Nakapulupot ang kamay ni Airene sa braso ni ni Kuya. Hindi nakalusot sa aking mga mata ang mga lukot na damit ng dalawa. Medyo magulo rin ang lipstick ni Airene. Halata sa mukha ni Kuya Zach na parang pagod siya. Naghiwa-hiwalay kami ng landas. Sumakay si Stacy at Airene sa car rental habang kami naman ay sinundo ni Kuya Jonathan. Sa kotse pa lang ay bad mood na si Ate Zane. ‘Hindi ko alam kung bakit.’ Si Kuya naman ay tahimik at parang iritable. “May problema ba kayong dalawa?” tanong ko sa kanila. “Wala!” sagot nilang pareho. ‘Mataas ang tono ni Ate Zane, habang si Kuya ay neutral lang.’ Pagkatapos magbihis ay naulinigan ko ang dalawang boses na iniipit pero halata ang galit sa tono. “Tell me, Kuya Zach! Kayo na ni Airene?” tanong ni Ate Zane. “Sabi mo hindi ka papatol sa babaeng iyon?! Alam mo naman hindi maganda ang ugali ng babaeng iyon, pero talagang sineryoso mo.” “Stop, Zane! Hindi ako seryoso okay,” tugon ni Kuya. ‘We’re just playing!” “Playing? Kuya, kapag hindi ka talaga umayos, isusumbong kita kay Mommy at Daddy!” banta ni Ate. “Usap-usapan na may nangyayari sa inyong dalawa. God, Kuya! Para kang nawalan ng utak.” “Natukso lang ako!” sabi niya. “Please, ‘wag mong sasabihin kay Mommy and Daddy. Nag-iingat naman ako.” “Ewan ko sa iyo!” galit na tugon ni Ate Zane. ‘Ano bang mga sinasabi nila?’ tanong sa aking sarili. ‘Wala akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila.’ Pagdating sa aking kwarto ay humiga na ako sa kama. Chineck ko ang aking social media account. Napatalon pa ako ng makita ang profile ni Stacy na may friend request. Halos kiligin ako. Imbes na i-confirm iyon ay na-reject ko. “Putek!” usal ko. Agad kong pinuntahan ang kaniyang social media account pero naka-locked iyon. ‘Nasayang pa ang pagkakataon ko.’ “Tanga!” sigaw sa aking sarili. ‘Pakiramdam ko ay hindi na ako makakatulog dahil sa nangyari.’ Ilang minuto pa akong nag browse sa aking social media ng mag pop-up ang notification ng friend request. At nang makitang si Stacy ulit iyon ay kinalma ko ang aking sarili at pinigilan ang kilig para matama ang ginawa ko kanina. Nang ma-confirm ang friend request ay nakita ko ang mutual friend namin na sina Anica, Shiela at Brant. Nag pop-up rin sa chat ko. ‘Tropa-tropa!’ Iyon ang pangalan ng group chat. Nang i-open ko iyon ay ang haba na ng conversation nilang apat. “Ayan na pala ang isnabero,” chat ni Stacy na may galit emoji. Nag type ako kaagad, “Sorry na! Hindi ko sinasadyang ma-reject,” paliwanag ko. Nag send ako ng peace sign emoji at puppy eyes. “Muntanga lang ‘to si Zion, oh!” kantiyaw ni Anica. “Sleep na ko guys, maaga pa pasok bukas. Goodnight,” paalam niya with kiss and hug emoji. Nang makitang naging tahimik na sa group chat ay inis-stalk ko ang social account ni Stacy. ‘New account lang kaya wala pa gaanong post.’ Pero seconds ago ay pinost niya ang group picture namin sa garden habang kumakain. Nakalagay sa caption, “A friend is like a four-clover leaf (Anica, Shiela, Brant and Zion). Hard to find and lucky to have.” Pupusuan ko na iyon pero naunahan ako ni Brant. “Same here,” comment ni Brant sa post. Ilang segundo pa at nag comment si Shiela, “Kami kaya ang unang friends niya. PS: Last comment. Matutulog na talaga ako. Hihi!” Iniisip ko kung anong emoji ang dapat kong i-comment pero natameme ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD