TL Chapter 7 : Unexpected Plan

3112 Words
Stacy Ivy Barmeda POV Pag-open ko pa lang ng Wi-Fi ay sunod-sunod na ang notification na pumasok sa aking cellphone. Pagbukas ko nga ng social media account ko ay tadtad na ako ng messages sa gc na ginawa ko. Habang binabasa ang kanilang kulitian ay napangiti na lang ako. Nag type na ako sa keyboard at binati sila ng, “Good morning!” with emoji pa iyon. “Free ba kayo this weekend? Gusto niyo ba pumunta dito sa bahay?” tanong ko sa kanila. Nakita kong nag ta-type si Anica. At ilang sandali pa ay nag pop-up ang message niya, “Anong meron? Pwede! Para naman makagala ako. Nabobored din ako sa bahay,” saad niya. “Present din ako riyan basta rampahan!” dugtong ni Shiela. Maya-maya pa ay si Brant naman ang nag send ng message, “Zion? Sama tayo?” tanong niya at minention pa nga si Zion. “Geh!” kaswal na sagot niya. “Nice,” chat ko. “Tuloy natin ang pag-uusap sa school. Baka ma-late tayo. BRB!” Nakita kong question mark naman ang reply ni Zion. “Bobo mo talaga!” kantiyaw ni Brant. “Be right back. Iyon ang ibig sabihin ‘nun!” “Ikaw na! Talino mo, e!” sagot ni Zion with funny emoji. Puro LOL na emoji ang sinend namin sa gc. Pagbaba sa sala ay nakita ko si Ate Airene na naka-upo sa sala at busy mag cellphone. Hindi ko siya inistorbo dahil baka magalit pa siya. ‘Nakakapanibago lang dahil ang aga niyang gumising ngayon.’ Dumiretso ako sa kusina kung saan nakita kong abalang kumakain ang dalawa ko pang kapatid kasabay si Lola. “Umupo ka na rito at baka mahuli ka,” saad niya at ina-atras pa ang upuan para makaupo ako kaagad. Napalingon ako muli kay Ate Airene na ngayon ay patawa-tawa pa. Muling binalik ko ang tingin kay lola at nagtanong, “Tapos na po ba kumain si ate?” tanong ko. Tumango si lola, “Oo. Himala nga at maagang nagising. Nakakain na rin ng almusal at ikaw na lang ang hinihintay.” “Talaga po?” tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni lola. “Pati nga ako ay nagtataka kung bakit. Isang himala ata ang nangyari,” puna ni lola. Patango-tango na lang ako habang palingon-lingon kay ate. Hindi ko naiwasan mag-isip kung dahil ba kay Kuya Zach kaya’t bigla na lang nagbago ang ugali ni ate. Nakasakay na kami sa kotse papuntang eskwelahan. Ang magandang mood niya ay hindi nagbago, mas gumanda dahil napapangisi pa siya. Dahil sa kuryosidad ay hindi ko na napigilan magtanong. “Ate? Okay ka lang ba?” tanong ko. “Mukhang masayang-masaya ka ngayon,” puna ko habang nakangiti. “None of your business,” kaswal niyang sagot sa akin at nakatuon pa rin ang atensyon sa kaniyang cellphone. Dahil sa pagkapahiya ay umiwas na lang ako. Pagtigil ng kotse sa entrance ng eskwelahan ay nagmadali naman bumaba si ate pagkatapos bayaran ang driver. “Bakit nagmamadali siya?” tanong sa aking sarili. Nasa entrance na ako at isa-swipe ko na ang aking ID ng bungguin ako. Paglingon ko ay si Anica iyon, kasunod si Shiela. “Ui, tuloy ba bukas?” tanong ni Anica. “Please say YES, nakapag-paalam na ako kay Mommy at Daddy.” “Ako rin! Basta wala ng bawian ng plans, ha?” dugtong ni Shiela. “Next time sa house naman namin ang next stop. Let swim and enjoy, gusto niyo iyon?” tanong sa amin. “Sureness!” usal ni Anica. “I’ll buy a new swimsuit. Let’s feel the heat. Summer na rin naman, e!” Nakalagpas na kami sa entrance at hindi pa rin tumitigil ang dalawa sa pagkukulitan. Ang dami na nila kaagad na plano. “Magpapaalam muna ako,” usal ko sa kanila. “Pero sigurado naman papayag si lola o si Mama at Papa kapag nagpaalam ako.” “Sige. Pero we will not accept a no!” tugon sa akin ni Shiela. “Yayain din natin si Brant at Zion.” “Oo nga! Para mas masaya,” saad ni Anica. Naglalakad kami sa quadrangle papunta sa freshmen building ng kalabitin ako ni Anica. “Girl, kapatid mo iyon, ‘di ba?” tanong sa akin ni Shiela. Nakatingin at nakaturo ang daliri. “Oo nga,” kumpirma ni Anica. “And why are they fighting?” tanong pa niya. “Wait a minute! Si Kuya Zach iyon, ‘di ba?” “O-oo nga, no!” pagsang-ayon ko. “Puntahan ko kaya,” sabi ko. Dahil naka-kawit ang kamay ni Shiela sa akin ay pinigilan niya ako. “Hayaan mo na sila. Hindi ba usapan na rin naman na in a relationship na silang dalawa?” tanong niya. “Natural lang siguro ang misunderstanding sa ganiyang relasyon.” “O-okay!” tugon ko. “Hayaan na natin sila. Baka ma-late pa tayo sa room kung pupuntahan ko pa siya.” Pag -akyat namin sa second floor ay natanawan na namin si Brant at Zion na nakatingin sa kabilang building. Dahil sa kalokohan ni Anica ay ginulat pa niya ang dalawa dahil sa seryosong mga ipinapakita nila. “Ano iyan?” tanong ni Anica. Napatigil din si Anica sa pagsasalita at napatitig din sa tinitingnan ng dalawa. “Grabe! Nasa school tayo, kailangan ba talaga gawin ang ganiyan bagay?” tanong niya at tumingin sa akin. “Stacy, okay lang ba sa parents mo ang ginagawa ng ate mo? Beside, babae pa naman siya.” Nang tingnan ko iyon ay magkahalikan na ang dalawa. Mabilis na umiwas ang aking mata at nakaramdam ng init sa katawan. ‘Nakikita ko iyon kay Mama at Papa pero never ko pang nakita kay Ate Airene na gawin iyon.’ “Pa-pasok na tayo!” yaya ko sa kanila at dumiretso na sa loob ng classroom. Nauna akong umupo sa aking kinauupuan at sinundan ng aking mga kaibigan. Napalingon pa ako sa aking likuran ng magsalita si Brant. “Stacy, what time pala bukas?” tanong niya. “Dadalhin ko iyong Xbox ko para makapaglaro tayo,” usal niya. Ngumiti ako, “Kahit after lunch na siguro,” sagot ko. “Ibibigay ko na lang ang address ko sa gc at landmark.” “Sige! Magdadala rin ako ng mga snacks para masaya.” Nagulat kami ng marinig ang boses ng aming guro. “Brant! Go back to your seat. Ang aga-aga pa para ligawan mo si Stacy,” biro ni Maam Teri. Napakamot sa ulo si Brant, “Ma’am naman! Baka may maniwala sa inyo, e.” “Okay! I’m just kidding,” tugon ni Mrs. Teri. Nakangiti na rin siya. “Good morning, everyone! Before we tackle a new lesson, let me ask you first about our previous lessons. Dahil kung nahihirapan kayo sa topic natin kahapon, for sure mas mahihirapan kayo dahil connected ito sa isa’t-isa.” Unang subject pa lang ay ubos na ubos na nga ang lakas namin. Mahirap at kailangan ulit-ulitin pa ang solution bago sagutin ang next formula. Ang dami sa mga classmate ko ang nagkakamali dahil sa pagkuha ng unang sagot, kaya kapag inilagay na ang sagot sa next formula ay nagkakamali na. Pati si Mrs. Teri ay nawawalan na ng pasensiya dahil halos lahat ay nagkakamali. “Stacy, answer number 3 on the board!” Sambit ni Ma’am Teri. “Anica, number 4, and Shiela number 5.” Nagsitayuan kami sa aming mga upuan at pumunta sa harap ng pisara para sagutin ang nakatalagang tanong sa amin. “Now, explain your work Miss Barmeda!” Huminga ako ng malalim at in-explain ang aking sagot. Nakikinig naman silang lahat habang nag-eexplain ako. “Very good! You may sit down, Stacy!” saad ni Ma’am Teri. “How about you, Anica? How did you get your answer?” Pautal-utal si Anica habang nagpapaliwanag pero natapos niya ang pag-e-explain. “Correct!” usal ni Ma’am. “Very good, Shiela. Tama rin ang sagot mo,” puna niya. “Everyone! Silang tatlo lang ba ang nakakagets sa mga ine-explain ko?” Nagsimula na naman siya manermon. “Do at home Activity 2 to Activity 4,” sabi niya. Nagrereklamo ‘man ang ibang kaklase namin ay wala kaming magagawa. Kilala na namin si Ma’am Teri at kapag hindi ka nakagawa ng assignment ay mapaparusahan ka. Lunch break na ng magtipon-tipon kami sa garden at doon kumain. Pinagpag namin ang wood table dahil sa alikabok at mga dahon na naroon. “Stacy, pakopya ako ng assignment!” usal ni Brant. “Medyo nahihirapan ako sa first solution, e!” “Ang kapal mo talaga Brant! Ang talino mo naman noon, bakit ngayon nabobo ka?” tanong na asar ni Shiela. “E kasi wala na iyong katabi ko noong elementary,” tugon niya. “Joke!” pahabol na sabi. “Medyo naguguluhan lang ako pero konting explanation pa at mage-gets ko na.” “Wooh! Palusot ka pa,” saad ni Anica. “Akala ko mag-eenjoy tayo bukas,” malungkot niyang sabi. “Tinambakan na naman tayo ng assignment, e! Paano naman natin mae-enjoy ang weekends?” “Ganoon talaga,” saad ni Brant. Sumabat naman si Zion, “Sa bahay na lang tayo ni Stacy gumawa ng assignment. Agahan na lang natin bukas.” Tiningnan ako ni Zion, “Okay lang ba Stacy kung maaga kami pumunta sa bahay niyo?” Tumango ako, “Oo naman! Sa bahay na rin kayo mag lunch. Magpapaluto ako ng mga pagkain kay lola. Siguradong matutuwa iyon dahil matitikman niyo ang luto niya.” “Set na!” saad ni Anika at pumalakpak pa. “Ngayon, kumain na tayo dahil mauubos ang oras natin.” Kapag uwian ay automatic na hinihintay ko si Ate Airene sa may exit gate. Mabuti na lang at may mga upuan doon para komportableng maghintay. Kagaya kahapon ay kasabay kong naghintay si Zion at Zane dahil wala pa ang aming mga kapatid. Halos thirty minutes na kami naghihintay pero wala pa rin si Kuya Zach at Ate Airene. Tumayo si Ate Zane, “Hintayin niyo akong dalawa dito at titingnan ko lang ang dalawang iyon.” Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Zion at natahimik. “Totoo ba na girlfriend na ng kuya mo ang ate ko?” tanong ko kay Zion. Baka mas maging malinaw sa akin ang tanong sa aking isip kung kukumpirmahin niya iyon. “Wala akong alam tungkol sa kanilang dalawa,” sagot niya. “Pero kagabi, magkausap sila ni Kuya. Siguro nga sila na.” “Siguro nga,” sang-ayon ko. “Hindi naman sila magki-kiss kung wala, hindi ba?!” ngiti kong tugon. “Siguro,” sagot niya. Ilang minuto pa ang lumipas at bumaba ang kapatid ni Zion na si Ate Zane. Halatang badtrip ito. Nakasunod si Ate Airene at Kuya Zach sa kaniya. Gaya kahapon ng makita sila ay ganoon na naman ngayon. ‘Posible kayang may nangyayari pang iba sa kanilang dalawa?’ tanong ko sa aking sarili. ‘Wala pa ako sa wastong edad para isipin ang bagay na iyon pero dahil nabasa ko noon sa Science ang tungkol sa reproductive system ay nagiging green minded na ako.’ “Tara na!” bulyaw ni Ate Zane kay Zion at dire-diretso nag martsa palabas ng gate. Sinundan siya ni Kuya Zach na bago ako lagpasan ay napatingin sa akin. Hinabol naman ni Ate Airene si Kuya Zach, “Wait!” saad niya. “No need!” malamig na tugon ni Kuya Zach kay Ate Airene. Inirapan ni ate ang lalaking papaalis sa amin harapan. Nakayakap pa siya sa kaniyang dib-dib at may binubulong sa sarili. “Late na ata kayo nakakauwi?” tanong ni lola ng salubungin kami ni ate. Dire-diretso si ate paakyat sa hagdan habang ako naman ay nagmano kay lola. “May ginawa pa po kasi si ate sa school kaya nalate kami ng uwi. Sorry lola at pinag-alala pa namin kayo.” “Ganoon ba? Magpalit ka na at magpahinga. May miryenda akong niluto sa kusina.” “Salamat po, lola.” Bago umakyat sa hagdan ay muli ko siyang binalikan. “Lola, pupunta po bukas dito ang mga classmate ko. Gagawa po kami ng assignment sa Math. Okay lang po ba na dito na sila kumain ng tanghalian?” “Oo naman, apo. Nakakatuwa naman at bibisita ang mga kaklase mo dito sa bahay natin. Ako na ang bahala bukas,” sabi ni lola. Zion Royce Buenavista POV “Ate, ano ba ang nangyari?” tanong ko sa kaniya. Nilayo niya ang tingin sa akin. “Masyadong maselan ang problema namin ni Kuya Zach. Sa ngayon hindi mo pa maiintindihan iyon.” Napabuntong hininga siya at napahilot sa kaniyang ulo. “Hindi naisip ni kuya ang posibleng mangyari dahil sa pakikipaglaro niya sa babaeng iyon.” “Nasa tamang pag-iisip na siya, Ate Zane. Hayaan mo na lang siya.” “Kung simpleng issue, pwede pa. Pero hindi ko na kayang manahimik pa. Isusumbong ko talaga siya kay Mommy at Daddy para itigil na niya ang kalokohan niya.” Nang sumakay si kuya sa kotse ay natahimik naman si ate. Nag-iiwasan silang dalawa. Maya-maya pa ay hindi na nakatiis si kuya at dinungaw niya si ate. “Zane, please. Huwag mo na akong isumbong kay Mommy at Daddy. Kinausap ko na siya na layuan na niya ako. I promise, iiwasan ko na siya.” “Kung hindi pa ako dumating, baka kung ano na naman ang nangyari sa inyo. Kuya hindi biro makipaglaro kay Airene. Baka ikapahamak mo pa ang desisyon mo na patulan siya. At sa tingin mo titigilan ka niya? Nagkakamali ka! Pinagkalat na niya sa room namin ang nangyari sa inyo. And do you know the worst thing that can happen? May video siya habang ginagawa niyo iyon!” “I already deleted the video! Don’t worry. It will never ever happen!” sagot ni Kuya. “Siguraduhin mo lang Kuya Zach! Sana lang hindi ka magsisi sa mga kalokohan na ginawa mo.” Pagdating sa bahay ay parang walang nangyari na alitan sa pagitan ni kuya at ate. Normal silang kumilos at hindi nagpahalata na walang problema. Dahil okupado ang aking isip ay ako pa ang napagkamalan ni Mommy na may problema. “Kanina ka pa nakatingin sa mga kapatid mo. May problema ba?” tanong ni Mommy. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti ako. “Wala po,” sagot ko. “Mommy, pupunta po ako bukas sa bahay ng classmate ko. Pwede po ba akong magpahatid kay Kuya Alex?” “Sinong classmate mo?” usisang tanong niya. “Sa bahay nila Brant?” Umiling ako, “Hindi po! Sa bahay po nila Stacy. Kasama ko po ang iba naming classmate including Brant. Gagawa po kami ng assignment sa Math,” paliwanag ko. “Sige! Bibigyan na lang kita ng additional allowance para kung may kailangan kayong bilhin, may mabili kayo. Bibigyan din kita pang snack niyo.” “Mommy, cookies na lang po. Iyong bine-bake niyo.” “Sure!” sang-ayon ni Mommy. “Dadamihan ko para naman mag-enjoy kayo.” Maaga akong natulog dahil sa excitement. May chance na akong makilala ang pamilya ni Stacy. ‘And I’m hoping na sana makapalagayan ko sila ng loob.’ Alas singko pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Nadatnan ko si Mommy na naghuhulma ng dough para sa gagawin niyang cookies. “Ang aga mo atang nagising?” tanong niya. Dinantay ko ang aking mga siko sa counter table at pinanood si Mommy sa kaniyang ginagawa. “Mommy, siguradong magugustuhan nila Stacy iyang baked cookies mo. Alam niyo po ba palagi niyang sinasabi sa akin kung gaano kasarap ang luto niyo. Siya nga po ang pasimuno sa amin sa pagbabaon,” kwento ko. “Ngayon para kaming nagpi-picnic sa school dahil lahat kami nagbabaon na. Hindi lang iyon, nag-eenjoy pa kami at nakakapag bonding.” “Ay ‘sus! Ang bunso ko mukhang nagkakagusto na,” biro sa akin ni Mommy. “Crush mo ba si Stacy anak?” tanong niya. “Kanina mo pa bukang bibig si Stacy,” sambit niya. Umiling ako at umiwas ng tingin. “Hindi, ah!” tanggi ko. “E bakit namumula ka riyan?” tanong ni Mommy. Pangisi-ngisi pa siya kaya mas lalo akong nahiya. “Alam mo anak, wala naman problema kung humanga ka sa isang babae. Normal naman sa kabataan na katulad mo iyon lalo na kung maganda, matalino at mabait. Gawin mo siyang inspirasyon para mag-aral ng mabuti.” Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Stacy. ‘Totoong maganda siya lalo na kapag nakangiti. Bukod sa mabait at responsable ay hindi maitatanggi na matalino talaga siya.’ Natawa si Mommy, “Hay naku, anak. Hindi mo maitatanggi sa akin iyan dahil napagdaanan ko rin iyan. Basta tandaan mo lang na may limitasyon ang lahat. Mas kailangan mong i-priority ang pag-aaral mo, ha!” “Mommy naman,” sagot ko. Napakamot ako sa aking ulo at umalis na palayo sa table counter. Narinig kong ngumisi si Mama, “O saan ka pupunta?” tanong ni Mommy. “Ang pikon mo naman bunso,” dugtong niya. Hindi ko na pinansin at pinakinggan si Mommy. Humiga ulit ako sa kama. Kinuha ko ang aking cellphone at nag browse sa aking social media. Habang ini-scroll iyon ay napahinto ako sa pag pindot. Nag back read ako at nakita ko ang timeline ni Stacy. Nag change profile pic siya at ginawang cover photo ang buo niyang pamilya. “Nice to meet you, Papa. Nice to meet you, Mama!” mahina kong bulong sa aking sarili. Kalaunan ay naramdaman kong namula ang aking pisngi. Kinuha ko ang aking unan at itinakip iyon sa aking mukha. ‘It’s just wishful thinking!’ Before 9 am ay nakaligo at nag ready na ako. Hinihintay ko na lang mag chat ang mga kaibigan ko. ‘Anong oras na pero wala pa rin nag me-message?’ “Morning,” chat ko sa GC with smiley face emoji. Naka-pinned na ang address ni Stacy na sinend niya kagabi. “On my way,” replied ni Shiela sa pinned message. Ilang segundo pa ay nag send siya ng picture. Magkasama sila ni Anica. “Otw,” replied naman ni Brant. Hindi naman siya nagpahuli at nag picture din ng sarili. ‘Nakagel ang buhok at naka style iyon na aquano.’ “Siguradong patay ang butiki kapag nahulog sa ulo mo,” pang-aasar ni Anica. “Wahahaha!” laughing emoji. “Hello,” chat ni Stacy sa GC. “Wait ko na lang kayo rito sa bahay. See you!”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD