ANG dating batang si Angel na salat sa kayamanan at sagana lamang sa pagmamahal ng kumpletong mga magulang ay kabaligtaran na ang buhay ngayon. “Angel, kumusta ba ang bago mong kwarto? Nagustuhan mo ba? Magpapabili pa tayo ng mga bagong kubrekama. Wala kasing pambata na gamit dito. Kapag nag-mall kayo ng Mama mo mas mabuting ikaw na ang mamili, okay?” “Naku Lola napaganda po at ang laki-laki ng kwarto. Parang isang daang beses na mas malaki sa dati naming tinutuluyan!” Naniningkit ang mga mata ni Lola dahi lsa pagngiti. Gusto yata niya na iminostra ko pa sa pamamagitan ng pagdipa ng braso kung gaano kalaki ang sinasabi ko. Natatawa si Mama na napapailing dahil alam niyang over reaction lang din naman ang pinagsasabi ko. Nang makita ko siyang nakangiti habang kumakain