08

2228 Words
Chapter 08 3rd Person's POV Bumalik si Eira sa classroom. Walang teacher. Nakita niya si Messiah na tahimik at salubong ang kilay. Tinatago nito ang kamay sa ilalim ng table. Lumapit si Eira sa table ni Messiah. Napatigil sina Cross noong biglang hawakan ni Eira ang braso ni Messiah at itinaas. Napa-pokerface si Eira. Nagi-start na mamula ang kamay ni Messiah. Napatigil si Messiah matapos makita si Eira at hawak ang braso niya. "Tayo pumunta ka ng clinic," utos ni Eira. Hinila ni Messiah ang braso at sinabing ayaw niya. Inismiran niya si Eira. "Ahhh!" "Aray! Aray bitawan mo ako!" Hinila ni Eira ang tenga ni Messiah. Napatayo si Messiah hawak ang tenga. Dinampot ni Eira ang bag ni Messiah at hinagis kay Cross sinabing dalhin iyon. Napatayo ang tatlo at agad na napasunod sa dalawa. Sunod-sunod ang mura ni Messiah habang hawak ang tenga niya na kasalukuyang hinihila ni Eira. Pinagtitingnan sila ng lahat ng estudyante na nadadaanan nila. Hindi maalos ni Messiah ang kamay ni Eira sa tenga niya. Noong makalabas sila ng building hinawakan ni Messiah ang buhok ni Eira. Sinabunutan niya ang babae. Napatingin si Eira. Napatigil sina Cross matapos nakitang sinasabunutan ni Messiah si Eira. Nagkatinginan sina Owen. Hindi nagtagal iyon dahil mas hinila ni Eira ang tenga ni Messiah. Napasigaw si Messiah. Kinaladkad ni Eira si Messiah. Sinabi ni Messiah na ayaw niya pumunta sa clinic. Walang pakialam si Eira at patuloy pa din siya sa paghila kay Messiah patungo sa clinic. Noong nakarating sila doon binuksan ni Eira ang pinto. Napatigil ang nurse matapos makita si Eira at sina Messiah. "Auntie, meron ba kayo gamot dito for skin allergies? This idiot touch my flower," ani ni Eira. Napatigil sina Owen then iyong nurse. Natawa iyong guy na nakaupo sa swivel chair. "What flower?" tanong ng lalaki. Napamura si Messiah na kasalukuyang hinimas-himas ang tenga niya. "Stop talking. You make them misunderstand something," pikon na sambit ni Messiah. Kumunot ang noo ni Eira at nilingon si Messiah. "You touch my flower. That flower I hid under my table," ulit ni Eira. Natawa ang nurse at sinabing may ipapainom lang siya kay Messiah na gamot at may ibibigay na gamot. Pinaupo ng nurse si Messiah sa single bed. Nakahalumbaba ngayon ang lalaki sa table at nakatingin kay Eira na nakatingin kay Messiah. "By the way nabalitaan mo na ba? Bumalik na si Anthony? Nakita ko siya sa mansion ng mga Mayers last saturday," ani ng lalaki. Napatigil si Eira at lumingon. "Anthony?" ulit ni Eira. Nakataas ang kilay ng babae. "Si Anthony iyong ex-boyfriend mo," ani ng lalaki na ngayon ay hinihimas-himas ang sentido. Sa peripheral vision ng lalaki nakita niya na nakatingin sa kanila iyong guy na kasama ni Eira. "Ow, nakabalik na pala siya. Good for him. Buhay pa siya," ani ni Eira. Muntikan na masubsob ang lalaki sa table matapos marinig ang sinabi ng pamangkin. "Binigay ko number mo. Hindi mo pa ba siya nakakausap?" tanong ng nurse kay Eira na ngayon ay may binubuksan na kahon. "Hindi ako nasagot ng unregistered number," sagot ni Eira na ngayon ay nakasandal na sa table at may binubuksan plastic ng bubble gum. — "High ka ba? Bakit ka natawa mag-isa diyan?" tanong ni Eira. Nakalabas na sila ng clinic at nakita niya si Messiah na nagpipigil ng tawa. "Kasi naman hindi ako makapaniwala na may pumatol sa iyo. Sino naman gusto magkaroon ng girlfriend na amasona at walking bulldozer," sagot ni Messiah. Napasigaw si Messiah at sinabing matatanggal na ang tenga niya. "Dapat talaga pinaturukan na lang kita kay tita eh," ani ni Eira. Pinagmumura ni Messiah si Eira at sinabing bitawan na ang tenga niya. "Hindi ko alam kung nag-aaway ba sila o naglalandian," ani ni Jackson. Tumawa si Cross at Owen sinabing same. Para makarating sa building kung nasaan ang next class nila ni Messiah dadaan sila sa ginagawang building. Maraming workers doon at may inaangat na malaking salamin. Kasalukuyang minumura ni Messiah si Eira dahil sa pagkakapit nito sa tenga niya kanina. Napatigil si Eira matapos may maramdaman ulit siyang nakatingin sa direksyon nila. Lumingon si Eira. Maraming estudyante ang nakatingin sa kanila dahil kay Messiah. Nauuna si Messiah na kasalukuyang hinahawakan ang tenga. "Oy mala-late na tayo," ani ni Owen. Si Eira ang kausap niya. "Iangat niyo pa!" Napatigil si Eira at tumingin sa direksyon ni Messiah. Tumagilid iyong salamin sa itaas kaya napatingin si Eira sa itaas. "Messiah!" sigaw ni Eira. Bago pa siya makatakbo para iligtas si Messiah may babae ang biglang sumulpot. Niyakap niya si Messiah at pareho silang natumba malayo sa pabagsak na salamin. "Iyong mga estudyante!" Napamura si Messiah na ngayon ay nakahiga sa sahig. Napaingit si Messiah at pagmulat niya ng mata napatigil si Messiah. "Are you okay nasaktan ka ba?" Hindi nakagalaw si Messiah. Natulala ang lalaki matapos makita ang babaeng kasalukuyang nakapatong sa kaniya. "Messiah!" sigaw nina Cross. Agad na lumapit sina Cross kasunod si Eira. Umupo ang babae sa lupa. Tinulungan nina Cross si Messiah na tumayo. Tinanong kung nasaktan ba sila. Napatigil sina Owen noong paglingon nila sa babaeng nagligtas kay Messiah. Natulala sila at parang nakakita ng multo. Napatingin si Eira sa lugar kung saan nanggaling iyong babae kanina. Umilap ang mga mata ni Eira matapos makita ang lugar na iyon. Sumulpot na lang ang babae galing sa loob ng building na iyon. Tiningnan ni Eira ang babae. "Nasaktan ka ba?" tanong ng babae. Hahawakan ng babae si Messiah nang mapaatras si Messiah at pinagpapawisang nakatingin sa babae. "Ayos ka lang ba?" "Paanong— bakit kamukha mo siya? Sino ka?" naguguluhan at bulong ni Messiah na hindi inaalis ang tingin sa babae. — Maraming teachers ang dumating. Natuwa ang mga ito sa ginawa ng babae. Napagalitan naman sina Messiah na dumaan sa area na iyon. Hindi maka-get over si Messiah dahil sa idea na kamukha ng babaeng iyon ang ex girlfriend niya. Mula sa kilos, galaw, pagsasalita, tingin sa kaniya at habit ay parehong-pareho.. Nalaman lang yata nila na ibang tao ito dahil sa pangalan na sinabi nito. Hannah Valdez. Hindi umimiik si Messiah hanggang ss makarating siya sa classroom nila kasunod sina Cross. "Wait nasaan si Mayers?" tanong ni Jackson. Napalingon ang tatlo. Hindi na nila kasama iyong babae sa likuran nila. Lumingon si Messiah matapos marinig ang last name ni Eira. Kumunot ang noo ni Messiah at tinanong kung saan sumuot ang babae. Before mag-start ang 3rd subject pumasok na si Eira sa classroom. Noong makaupo si Eira binaba na nito ang mga gamit niya at nilabas ang book niya sa sunod na subject "Mayers, hi." Lumingon si Eira. Napangiwi ang lalaki. Siniko siya ng kasamahan. Naaalala ni Eira mga class officer ito. Ang class president at vice president. "Gusto sana namin itanong kung interesado ka maging class representative ng klase natin para sa darating na event natin." Eira Averie Mayers's POV Gusto nila ako maging class representative? Dagdag grades iyon pero— hindi ko pwede unahin iyon. Hindi pwede mawala sa paningin ko si Messiah unggoy. "Ah—" "Wait— you don't need to worry. Class representative din si Messiah. Magiging magka-partner kayong dalawa sa Mr. and Ms. Campus King and Queen." "What?" ulit ni Eira. Muntikan na ako masubsob sa table. "Akala ko sa sports." Napakamot sa ulo ang class president. Sinabing marami pang slot sa sports ngunit wala silang nakikitang mailalaban nila sa campus king and queen. "Please! Please Ms. Mayers pumayag ka na. Last year wala talaga kaming nailaban sa ibang year napagalitan kami. Nage- excel ka sa kahit anong subject at mga sports natin sa P. E." Nagmamakaawa na sa akin ang class president at vice president. Makakatanggi pa ba ako? Kasali din si Messiah at siguradong mananatili si Messiah sa university ng ilang months. Mananatili sa dorm kasama ang iba pang representative. Tiningnan ko si Messiah. Sigurado akong pumayag ito dahil inaakala nito na hindi ako sasali. Gusto nito makatakas. Napa-pokerface ako. I just wondering kung anong mga kagaguhan na naman ang binabalak ni Messiah. "Fine sasali ako," sagot ko. Maraming babae ngayon ang masama ang tingin sa akin. Sigurado ako na iniisip ng mga ito kaya sasali ako dahil kay Messiah— tama si Messiah naman talaga pero iba ang rason. Hindi ako interesado kay Messiah. Tuwang-tuwa ang president sinabing may chance na sila manalo. Maya-maya dumating na ang professor namin. Sinabi sa akin ng president na mamaya magkakaroon ng meeting. Maiiwan sila sa room. Nginuya ko iyong bubble gum na nasa bibig ko at humalumbaba. Ayoko talaga ng mga bagay na related sa fashion specially heels. Hindi ko nadadala ng maayos ang sarili ko gamit ang heels. Mabilis lang naman natapos ang klase. Naiwan ako doon at ilan pa namin kaklase siyempre nandoon din iyong unggoy na si Messiah kasama ang mga barkada niya. Pumunta sa unahan ang president. Sumali nga si Messiah bilang campus king. Hindi ko akalain na mahilig siya sa mga ganoon na competition active siya pagdating sa sports. Sumali din kasi siya sa basketball, tennis and chess. "Ms. Mayers, may gusto ka ba salihan na sport?" tanong ng president. May nga binanggit siyang slot at kulang pa ng mga manlalaro. "Basketball girls and track and field," sagot ko. Sumali na din naman ako bakit hindi ko pa-enjoy-in. "Don't get me wrong ah. Hindi kaya magkalas-kalas ka. Kaya mo maglaro?" banat ni Messiah. Napa-pokerface ako at nilingon si Messiah. Tumatawa ito habang nakahalumbaba at nakatingin sa akin. This idiot. Hindi talaga kumpleto araw nito ng hindi sinisira ang araw ko. "Sa iyo pa nanggaling iyan. Remember, napaluhod ka ng maliit na katawan na ito kagabi," ani ko at ngumisi. Napatigil si Messiah. Napa-what the f**k si Messiah. "Huwag niyo kami tingnan ng ganiyan!" sigaw ni Messiah at nilingon ang mga kaibigan niya na nagtatawa. Napa-pokerface ako. Napaluhod ko naman talaga si Messiah kagabi. Nag-wrestling kami since ayaw niya na talaga uminom kahapon ng gamot. Hindi ko na pinansin iyong apat na nagsasapukan na. Naririnig ko pa ang bulungan ng mga babae na akala nila napakalinis kong babae. Napairap na lang ako sa kawalan. Ang dudumi ng utak. Matapos mailagay ang mga pangalan namin doon as a class representative pinauwi na kami ng class president. Matapos ko tumayo kinuha ko na ang gamit ko. Nakita ko na sina Messiah na palabas ng classroom kasama ang ilan namin na kaklase na babae. Lumabas na din ako ng classroom at tinahak ang parehong daan na pinupuntahan nina Messiah. Napatigil sina Messiah. Napataas ang kilay ko matapos makita ulit ang babae. "There you are brother Messiah!" Lumapit ang babae kay Messiah at tinanong ito kung ayos lang ba ito kanina. Kung nagkasugat ba ito. Pinaikutan pa ng babae si Messiah. "Bata, bawal highschool student dito. Nakikita mo ba na paalis na kami?" tanong ng isa sa mga classmate namin na kasama nina Messiah. Sinabi ni Messiah na tama na. Pinigilan niya iyong kaklase namin. Sinabi ni Messiah na hindi siya nasaktan at uuwi na siya. "Pwede ba ako sumabay pababa! Naiwan na kasi ako ng mga kaklase ko. Galing sila sa faculty. Dumaan lang talaga ako para tingnan ka," may ngiti na sambit ng babae. Napa-pokerface ako. May hindi talaga tama sa babae na iyon. Tiningnan ko si Messiah. Kung hindi ako nagkakamali kamuha ng babae na iyon ang ex ni Messiah. May kakambal ba iyon or something? Dapat ko siguro ito alamin. Napakamot ako sa ulo. Parami ng parami ang trabaho ko. Nilampasan ko na sila. Uuna na lang ako bumaba. Napatigil ako noong tumunog ang phone ko. Agad ko iyon kinuha mula sa bulsa ng skirt ko. Kumunot ang noo ko matapos makita ang pangalan ng kapatid ko. Agad ko na sinagot iyon at nilapit sa tenga. "Hindi ba sinabi ko na Eiron na huwag mo na muna ako tatawagan lalo na kapag nasa school ako?" bungad ko at humakbang pababa ng hagdan. "Eira, how are you?" Napatigil ako sa pang-apat na baitang ng hagdan matapos marinig ko ang pamilyar na boses. "Bakit mo hawak ang phone ni Eiron?" 3rd Person's POV Hindi makapaniwala sina Owen na sasali talagang campus king si Messiah like hindi naman ito sumasali dati. Kapag may mga ganoon na event sasalihan niya lahat ng sport except doon. Nagtaka tuloy sila bakit sumali si Messiah. Then nakita na lang nila lumapit iyong class president kay Eira at inaya nga ito maging campus queen. Tatawa-tawa na lang sina Cross matapos malaman iyon. Nagkaroon na kasi sila ng idea bakit sumali si Messiah. Naiwan sila sa classroom na iyon dahil kukuhanin na ng class president ang mga name ng mga magpa-participate. As usual may mga babae naman bumuntot sa kanila dahil kay Owen at Messiah. Hanggang sa napatigil ang apat matapos makita iyong babaeng naghihintay sa kanila sa hallway. Nakita nila iyong babaeng kamukha ng ex girlfriend ni Messiah. Nagulat pa sila akala nila namalikmata lang sila like— kamukhang-kamukha ito ng ex gf ni Messiah na mamatay. Biglang kinilabutan sina Cross dahil imposible naman mangyari na ito ang ex ni Messiah. Medyo worried sila kay Messiah dahil alam nila na hindi pa din ito nakaka-move on. Kinausap ng babae si Messiah ngunit nawala din ang atensyon dito ni Messiah matapos dumaan si Eira. May tumawag dito then narinig nila ang pangalan na Eiron. "Hindi ba sinabi ko na Eiron na huwag mo na muna ako tatawagan lalo na kapag nasa school ako?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD