09

2185 Words
Chapter 09 3rd Person's POV "What are you doing! Ako una tumusok sa hotdog na ito!" "Anong sinasabi mo. Nakatusok sa tinidor ko ang hotdog at nakailang hotdog ka na!" Nagsusukatan ngayon ng tingin si Messiah at Eira na ayaw magpatalo. Nag-aagawan ang dalawa sa hotdog. Naghihilahan ang mga ito gamit ang tinidor. Napatigil ang dalawa matapos may naglapag ng isang plato ng hotdog. Mabilis na kinuha iyon ni Messiah at inilayo kay Eira. Napa-pokerface si Eira at kinuha iyong hotdog na pinag-aagawan nila kanina. Masyadong childish. Napabuga ng hangin ang mga katulong matapos matahimik ang dalawa. Patingin-tingin si Messiah kay Eira na tahimik ng kumakain. Focus ang babae sa pagkain ng meat. Dahan-dahan ni Messiah binaba sa lamesa iyong plato. Hindi siya makakain ng hawak iyon. Hindi pa nga nailalagay ni Messiah ang kuyertos niya sa plato para kumain ng kanin bang mabilis na tumusok si Eira doon at kinagat. "Iluwa mo iyan! Akin na iyan!" Parang bata na nilabas ni Eira ang dila at pinakita kung paano niya nginuya iyong kalahati ng hotdog. Hinawakan ni Messiah ang panga ni Eira at sinabing iluwa ang hotdog niya. "Bakit basta mo na lang sinubo ang hotdog ko! Iluwa mo iyan!" Napatigil ang dalawa matapos may mga mahulog na gamit. Pareho silang lumingon at nakita nila sina Cross. "Habang tumatagal mas lalo kayong nagiging bold na dalawa," komento ni Cross. Magkadikit na ng upuan ang dalawa. Hawak ni Messiah ang dalawang pisngi ni Eira at magkalapit ang mukha. Nagkatinginan sina Eira at Messiah— doon napansin nilang dalawang pulgada na lang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Sabay na tinulak ni Eira at Messiah ang isa't isa. "Maniac," bulong ni Eira. Napa-pokerface si Messiah at sinabing magnanakaw ng hotdog si Eira. Nagmurahan pa ang dalawa. Napakamot sa ulo si Cross at sinabing dapat talaga bukas na sila pumunta doon at sa mansion na muna sila ni Jackson nag-stay. "Baka gusto niyo naman kami ayain mag-dinner. May sarili na naman kayong mundo na dalawa," banat ni Owen. Umupo si Owen sa tabi ni Eira. Napalingon si Eira. "Anong ginagawa niyo dito na tatlo?" tanong ni Eira. Nakita niya n nagsasandok na si Owen ng pagkain niya. "Kakain," sagot ni Owen. Napa-pokerface si Eira at sinabing unggoy number 2 si Owen. Tumawa si Owen. "Sino number 1?" tanong ni Owen. Tinuro ni Eira si Messiah. Pinasok ni Messiah iyong donut sa daliri ni Eira na nakaturo sa kaniya. Napamura si Eira at sinaksak iyon sa bibig ni Messiah. Sinalpak naman ni Messiah iyong nadampot niyang pancake sa mukha ni Eira. Napabuga ng hangin sina Cross na umupo na lang sa harapan ng dalawa at bumulong na huwag ng pansinin ang dalawa. Binigyan ng mga maid ng plato sina Cross. Hindi na sila kumain sa unit nila dahil nga agad sila nag-prepare ng mga dadalhin nila sa dorm ng university. Dumiretso sila doon para sabay-sabay na sila bukas. Umalis din si Eira sandali para maghilamos. Sumakto kasi sa mukha niya iyong pancake tapos may maple syrup pa sa ibabaw. "Akala ko pa naman makakapag-bar pa tayo. Kasama din pala girlfriend mo," ani ni Owen. Napa-pokerface si Messiah. "Hiwalay dorm ng lalaki at babae. Makakatakas tayo," bulong ni Messiah. Hindi makapaniwala sina Cross. Hindi pa din nagbabago kasi ang dalawa. Sumasali sila sa ganoon na event dati ay para makatakas si Messiah sa parents niya dahil before talaga ang event ay nanatili sila sa dorm ng university for preparations. "Nandito sila tita." Napatigil ang dalawa. Nakita nila si Eira ma may hawak na phone at kasalukuyang may kausap sa kabilang linya. Iniharap niya ang camera sa dining area at doon nakita sina Messiah. "Mukhang nagpaplano na iyong dalawang unggoy kung paano sa akin makakatakas sa araw ng event," ani ni Eira na nakangiti ng matamis. Napangiwi si Messiah at Owen na agad na naghiwalay. Natatawang bumati lang sina Cross at Jackson. "Nagkita na ba kayo ng kapatid mo? Nasa manila daw si Eiron. May available naman na room diyan sa mansion pwede mo siya pag-stay-in diyan," ani ng ina ni Messiah. Sinabi ni Eira na nakausap niya na ang kapatid. "Isa pa din sakit sa ulo iyon. Tama na muna si Jimenez. Isa pa hindi iyon tita pumunta sa manila para magbakasyon hindi niyo siya need alalahanin," nakangiti na sambit ni Eira habang naglalakad pabalik sa upuan niya. Noong mamatay ang tawag tinanong ni Cross si Eira about sa mga Mayers. "Mga kapatid ko?" ulit ni Eira. Sinabi ni Eira na apat sila. Iisa siyang babae. "Si Eiron kakambal ko," sagot ni Eira. Napatanong si Jackson kung paano sa mansion na iyon napunta si Eira. "Kapag sinagot ko mga tanong niyo dapat may kapalit na impormasyon," ani ni Eira na ngayon ay nakangiti ng matamis. Napangiwi sina Cross at sinabing nevermind. Napa-pokerface si Eira. Wala siya mapapala kina Cross ayaw ng mga ito magsalita about kay Messiah. After ng dinner nag-prepare na si Eira ng mga gamit niya. Napatigil siya matapos masira ang zipper ng maleta niya. Napa-what the heck si Eira. Nagkakamot sa ulo si Eira na lumabas ng kwarto niya. Lumapit siya sa pinto ng room ni Messiah. Tatanong niya kung may available pa ito na maleta. "Hindi ba masyadong wierd? May kakambal ba si Hailey?" tanong ni Jackson. Sinabi ni Owen na kamukhang-kamukha ni Hannah si Hailey. "Huwag niyo ako tanungin hindi ko alam," sagot ni Messiah habang nakatayo sa harap ng closet at may hawak na mga damit. May kumatok sa room ni Messiah. Napatingin si Messiah. Bumukas iyon. "Unggoy pahiram ng maleta. Nasira iyong zipper noong akin," bored na sambit ni Eira. Napataas ng kilay si Messiah at sinabing hindi siya nagpapahiram ng mga gamit niya. "No." Pero dahil nga ito si Eira Averie Mayers pumasok ang babae. Kinuha ang isa sa mga maleta sa kama. Nag-thank you si Eira at tumakbo paalis. "Averie! You b***h! Ibalik mo iyan dito!" Tumatawang binagsak ni Eira ang pinto pasara. Gumusot ang mukha ni Messiah na ngayon ay nakatingin sa pinto. Todo pigil si Messiah sa sariling sundan ang babae at makipag-agawan sa maleta. Gusto niya kahit kaunti magkaroon siya ng dignidad bilang lalaki. Kinabukasan, "Ate Eira!" Napatigil si Eira matapos marinig ang pamilyar na boses. Nakita niya iyong highschool student. Kumakaway ito habang kasama ang mga kaklase. "Yuan," natatawa na sambit ni Eira. Kakaway siya pabalik nang may bumangga sa balikat niya. Natawa si Messiah na napa-oopps at nag-act na nagulat matapos makita si Eira na nabitawan ang hawak niyang popsicle. "Messiah Jimenez!" Sinundan ni Owen at nina Cross ng tingin si Messiah na tumakbo matapos siya habulin ni Eira na may hawak na cartolina. "Hi mga kuya." Napatalon sin Cross dahil sa gulat may babae lang naman ang biglang nagsalita mula sa likod niya. Napatigil sila matapos makita ang doppelganger ng ex bestfriend nila. Nakangiti ang babae at tinanong ang mga ito kung kumain na. "May dala ako dito na ilang foods. Hindi ko kasi mauubos gusto ko sana i-share," nakangiti na sambit ng babae. Mas kinilabutan sina Cross dahil iyon ang exactly na sinabi dati sa kanil ni Hailey noong elementay pa lang sila. "Ah— kumain na kami sa mansion ng mga Jimenez," sagot ni Cross. Nagtataasan ang balahibo niya in some reason. "Hannah?" Napatigil sina Cross matapos dumating si Messiah na ngayon ay hinihimas ang likod ng ulo. "Messiah," nakangiti na sambit ng babae. Napatigil si Messiah. Biglang pumasok sa isip niya ang mukha ng ex girlfriend. Tinanong ni Messiah kung anong ginagawa doon ni Hannah. Sinabi ni Hannah na may mga dala siyang pagkain. Gusto niya iyon i-share. Mamaya pa naman ang orientation kaya naman tumungo sila sa cafeteria. Binigyan ni Hannah sina Cross at Messiah ng mga dala niya na pagkain. "Tikman niyo bilis ako nagluto 'nan. Nagkataon kasi na mahilig ako magluto," ani ng babae. Nakaupo si Hannah sa harapan ni Messiah. Nakahalumbaba ang babae at nakangiti kay Messiah ng matamis. "Uy! Mukhang masarap iyan. Pahingi ako," ani ni Eira. Tumabi si Eira kay Messiah. Gumusot ang mukha ni Messiah at nilayo ang pagkain niya sa babae. Bahagyang umilap ang tingin ni Hannah. Napalitan din iyon ng natutuwang expression at sinabi kay Eira na may foods pa doon hindi ni Eira kailangan agawan ng pagkain si Messiah. "Ha? Pwede naman kami mag-share ni Messiah. He's my boyfriend after all," ani ni Eira. Palihim na kinurot ni Eira ang hita ni Messiah. Naibaba ni Messiah ang lalagyan at kumuha doon si Eira. "By the way ang sarap ng luto mo. Recipe mo ba ito?" tanong ni Eira. Napatigil sina Cross matapos matikman iyong mga niluto ng babae. Hindi si Messiah makapagsalita matapos matikman din iyon. Nabitawan ni Messiah iyong kubyertos. Napatingin si Eira. Messiah Jimenez's POV 'How is it honey?' Nakita ko ang sarili ko na ngumiti. Hindi trip ang lasa ngunit sinabing masarap. Ayaw ko ng lasa ng hinalong pinya sa adobo. Inabot ko iyon kay Averie at sinabing busog pa ako. Tinanong ni Averie kung baboy ba tingin ko sa kaniya. "Hindi ako kumakain ng tira-tira." Tinawag ako ni Hannah. Napatingin ako. Nakita ko ang lungkot sa expression nito at tinanong kung hindi ba masarap luto niya. Katulad ng dati ayoko ng lasa ng pineapple sa adobo. Hindi ko pwedeng sabihin iyon— napamura ako dahil nakikita ko si Hailey sa kaniya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kubyertos. Bahagya akong ngumiti at sinabing masarap iyon. Sinabi ko na marami akong nakain kanina sa bahay na totoo naman. Paanong hindi dadami kinakain ko lagi akong inuubusan ni Averie ng pagkain lalo na ng hotdog. Napa-pokerface ako matapos maaalalang tinataguan ako ni Averie ng hotdog. Biglang tumunog ang speaker. Pinapupunta na lahat sa field. Tumayo na ako at humingi ng paumanhin kay Hannah. Hindi ko kasi gaanong nakain iyon. Tinulungan siya nina Jackson iligpit iyon. Lumabas ako ng cafeteria at hinawakan ng mahigpit ang strap ng bag ko. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili na hindi iyon si Hailey. Hindi iyon ang babaeng minahal ko. Eira Averie Mayers's POV Isa lang ang napapansin ko sa ugali ng unggoy na si Messiah. Nag-iiba ang attitude nito sa babaeng iyon. Bahagya kong nilingon iyong babae kanina na nakatingin kay Messiah na naglalakad palayo. Kung tama pagkakarinig niya kahapon kamukha ng Hannah na iyon ang ex girlfriend ni Messiah. Napataas ang kilay ko— napalitan ba ng fantasy ang genre ng story na ito ng hindi ko nalalaman? Reincarnation? Incarnation? Tiningnan ko si Messiah na ngayon ay nakikipag-usap kina Cross. Naglakad na ako palapit sa direksyon nila. Hindi ko na lang siguro papakialaman ang future love life nitong si Messiah. Mai-stressed lang ako. Kailangan ko lang naman gawin ay patinuin si Messiah at maging mabuting guardian hanggang sa makabalik sina tita Michelle. Akala ko madali ko lang madededma iyon ngunit hindi ko akalain na mas komplikado pa pala iyon sa iniisip ko. Nai-report ko kasi kay tita Michelle iyong about sa girl na bumubuntot palagi kay Messiah. "Ilayo mo kay Messiah ang babaeng iyon, Eira," ani ng ginang. Nag-iba ang boses ng ginang mas naging malamig iyon. "Matagal ng patay si Hailey. May pumatay kay Hailey at pinatay si Hailey sa mismong harapan ni Messiah. Ayoko ng isipin kung anong magiging epekto ng existance ng babaeng iyon sa anak ko," ani ni tita. Hindi ako makapaniwala. Konektado pala talaga iyon kay Messiah and worst pinatay ang girlfriend ni Messiah sa harapan ni Messiah mismo. Base sa pagkaka- describe ni tita sa relationship ni Hailey at Messiah— perfect couple ang dalawa at mahal na mahal ni Messiah ang ex girlfriend niya. "Don't worry tita. Ako an bahala," ani ko. Sinabi ni tita na mag-iingat ako. "Pinatay si Hailey dahil girlfriend siya ni Messiah. Hindi pa nahuhuli ang killer ngunit malakas ang kutob ko na malaki ang interes 'non sa anak ko." Napangiti ako sinabi kong wala dapat ipag-alala si tita. Atleast hindi na boring ang mission ko na iyon. Hindi na lang basta para sa mission ang relationship namin na dalawa. Biglang pumasok sa isip ko ang expression ni Messiah na umiiyak. Napaisip ako kung anong klaseng sakit ang naramdaman 'non ni Messiah. Pinatay ang girlfriend niya sa mismong harapan niya. Binaba ko na ang phone at sumandal sa pader. Tiningnan ko ang pinto matapos bumukas iyon. Kung minamalas ka nga naman si Hannah ang naging kasama ko sa dorm at may dalawa pa itong kasama. By the way sa isang kwarto may apat na double deck. Sa kaliwa ako pumuwesto sa ibabang bahagi ng double deck. Dapat mga kaklase ko kasama ko sa dorm pero puno na kaya kinailangan baguhin ang arrangement ng dorm namin. Nasama ako sa ibang department. "Ate Eira!" natutuwa na bati ni Hannah. Lumapit pa ito at sinabing magkapareho sila ng room. Lagi itong nakangiti at masayahin talaga ngunit may something sa babaeng ito na hindi ko gusto. Masama ang kutob ko dito kaya naman kahit hindi sabihin ni tita na ilayo ko si Messiah dito. Wala akong balak na paglapitin ang dalawa. Feeling ko kasi may masamang mangyayari. Kung hindi sa babaeng ito baka kay Messiah. "Yeah, wala na kasing space sa 3rd floor kaya binago ang arrangement."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD