07

2155 Words
Chapter 07 3rd Person's POV "May sakit si Messiah?" Bumisita sina Owen matapos nga hindi pumasok si Eira at Messiah. Nakita nila pababa si Eira na hinihilot ang bridge ng ilong at parang antok na antok. "Manang, ready na ba ang soup. Oras na ng pag-inom ng unggoy na iyon ng gamot," ani ni Eira pagkababa ng hagdan. Napatigil si Eira matapos makita sina Owen na napatalon matapos lumingon si Eira. "You scared all crap of me," ani ni Owen na ngayom ay hawak ang dibdib. Napa-pokerface si Eira. "Kayo magbantay sa unggoy na iyon matutulog ako. Siguraduhin niyo na iinom siya ng gamot mamayang mga 6pm kapag hindi iyon nakainom— apat kayong magkakaroon ng bukol sa akin," ani ni Eira at pumasok sa kusina. Nagtakbuhan pataas ng hagdan iyong tatlo. Natawa na lang ang headmaid matapos makita iyon. Takot na takot ang apat na lalaki kay Eira. Umupo si Eira sa upuan at agad siya binigyan ng makakain ng mga maid. "Tumawag ba ngayon sa tita Michelle?" tanong ni Eira sa mga katulong. Agad na sumagot ang head maid ng hindi. "Anong problema young lady?" tanong ng head maid. "Sinabi ko kay Tita Michelle na may sakit si Messiah. Is that— wala bang balak si tita Michelle alamin lagay ni Messiah?" ani ni Eira. Bahagyang ngumiti ang head maid sinabing siguradong busy lang ang madam nila. Kinuha ni Eira ang kape at sinimsim iyon. Sinabi ni Eira iyong sinabi ni Messiah noong sinabi niya na kinausap niya ang ina ni Messiah about sa nagkasakit ito. "Natural lang na sumama ang loob ni Messiah doon young lady. Walang oras sina madam kay young master." Napatigil si Eira at napalingon sa head maid. Sinabi ng head maid na after mag-isang taon si Messiah sila na ang nag-alaga kay Messiah dahil palaging wala ang mag-asawang Jimenez. "Nagre-rebelde ba siya? How childish," natatawa na sambit ni Eira. Hindi makapaniwala ang mga katulong na nagawa ni Eira tumawa doon. Nagpaalam na si Eira. Sinabing ang mga maid na ang magtaas ng tray. "Hindi ba masyadong heartless si young lady?" tanong ng katulong. Siniko siya ng kasamahan. Lumambot ang expression ng head maid. "Iyon ang dahilan bakit nasabi kong perfect match sila ni young master. Hindi siya heartless puno lang ng sincerity si young lady. Instead she feels bad for young master she wants to understand what young master exactly feels." Iyong expression at tingin kasi ni Eira hindi iyon ang mukha ng naawa o something na nako-curious. Nakatulog nga si Eira sa room niya. Sina Owen nga ang nagbantay kay Messiah sa room nito. Noong nagising si Messiah nakita niya ang tatlo at hindi si Eira. Tinanong ni Messiah kung anong ginagawa doon nina Cross. Nakaupo si Cross sa harap ng study table— nakaupo sa ibaba ng kama si Jackson at feel at home naman si Owen na nakahilata sa sofa. "Tinitingnan lang namin kung buhay ka pa. Hindi din kasi pumasok iyong girlfriend mo. Dadaan pa nga kami dapat sa purinarya incase na ayon nga sinalvage ka na ng girlfriend mo," sagot ni Owen. Lumipad kay Owen iyong tray na nasa gilid ng kama na walang laman. Tawa lang ng tawa si Owen na agad bumangon para iwasan iyon. "Uminom ka daw ng gamot. Kaakyat lang ng maid mo nito. Kailangan mo uminom ng saktong 6pm bubukulan daw tayo ng girlfriend mo kapag hindi ka uminom. Lagi kaming nadadamay ah," ani ni Cross at inabot kay Messiah ang soup. Pilit na bumangon si Messiah at kinuha iyon. Kumpara kaninang umaga mas okay na ang pakiramdan niya. Binantayan siya ni Eira magdamag o tamang sabihin na binantayan nito ang oras para hindi siya makalampas sa oras ng pag-inom. "By the way— napano iyang leeg mo? Sinakal ka?" natatawa na sambit ni Jackson at tinuro ang leeg ni Messiah. Napa-pokerface si Messiah. 7am oras ng pag-inom ng gamot at pagkain ayaw na niya. Sobrang sama ng pakiramdam niya nagulat na lang siya sinakal siya ni Eira at tangkain nitong ibuhos sa bibig niya iyong sopas Tawa ng tawa sina Owen matapos maikwento ni Messiah iyong part na tinangka siya ni Eira buhusan ni Eira ng mainit na sopas. "Pero infairness— binantayan ka niya magdamag. Halatang antok na antok siya kanina. Kung hindi kami dumating nukhang walang balak matulog ang girlfriend mo," ani ni Cross na ngayon ay may binabalatan na orange. Hindi umimik si Messiah. Matindi mood swing ng babaeng iyon. Ayaw niya na lang magsalita. — Nagising si Eira ng madaling araw. Noong tuluyan nagising ang diwa niya ay bumaba na siya ng kama at lumabas ng kwarto. Walang ingay siya naglakad palapit sa pinto ng room ni Messiah. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nakita niya si Messiah— inuubo ito. Wala na din iyong mga kaibigan ni Messiah. Naglakad papasok si Eira sa room ni Messiah. Pinagpapawisan na si Messiah— hinawakan ni Eira ang noo ni Messiah. May lagnat pa din si Messiah ngunit mukhang pagaling na ito dahil pinagpapawisan na si Messiah. "Hailey, no, don't leave me. Don't go." Napatigil si Eira matapos hawakan ni Messiah ang kamay ni Eira noong tangkain ni Eira bawiin ang kamay niya. Napa-pokerface si Eira. Bigla siyang na-curious kung sino naman iyong Hailey. Babaero si Messiah sigurado siyang isa iyon sa mga girlfriend ni Messiah. Napatigil si Eira matapos tumulo ang luha ni Messiah habang hawak ang kamay ni Eira. "I'm sorry, I failed to protect you." Sa pagkakataon na iyon walang kahit na sino ang nakakaalam ng eksaktong iniisip ni Eira at kung anong eksaktong dahilan kung bakit umiiyak si Messiah. Nakita na lang ni Eira ang sarili na pinupunasan ang luha ni Messiah gamit ang isang kamay. — Pagkalipas lang ng dalawang araw ay gumaling na si Messiah at nakapasok na siya ng school. Pumasok na din si Eira na agad dumiretso sa faculty para kausapin ang teachers at mag-take ng lesson na hindi niya na-itake noong absent siya. "Ate Eira! Flowers for you!" Napatigil si Eira. Sinalubong kasi siya noong highschool student na nanliligaw nga sa kaniya. Tulips iyon na kulay yellow. Napangiti si Eira matapos makita iyon. "Tatanggapin ko ito ngayon pero hindi ko sinasabing pwede ka manligaw ayoko makulong," biro ni Eira. Napanguso ang highschool student at sinabing hindi na siya manliligaw. "May na-meet kasi ako na cute girl noong araw na ni-reject mo ako. Thank you gift ko iyan sa iyo," ani ng highschool student. Natawa si Eira at tinanong kung sino naman ang girl na iyon. Nasa daan sila nagkukwentuhan about nga doon sa girl na nabangga ng highschool student at nakaka-chat nga sa f*******:. Mula sa bintana nakikita ni Messiah si Eira kaharap iyong bata. Napa-pokerface si Messiah. "This b***h. Kapag sa ibang tao ang bait bait parang anghel. Plastic," ani ni Messiah. Salubong ang kilay ni Messiah habang naka-cross arm. Hindi naman nito maalis ang tingin sa mukha ni Eira dahil iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang kalmado si Eira— hindi salubong ang kilay, nakangisi at hindi naka-pokerface. Napaubo si Cross na nagkataon na umiinom ng coke. Tiningnan niya si Messiah na hindi maalis ang mata sa labas ng bintana. Tumunog na ang bell kaya naman pumasok na si Eira. May dalang tulips si Eira— sinundan siya ng tingin ni Messiah patungo sa upuan. Nakita ni Messiah na umupo si Eira sa upuan at iniipit ang tangkay ng tulips sa libro bago inilagay sa ilalim ng table. Napangisi si Messiah. Humalumbaba si Eira at noong dumating na ang professor nila na pinako niya ang tingin sa professor nila at nakinig. Noong lunch na tumayo si Eira. Tiningnan niya sina Messiah na mukhang mga walang balak mag-lunch. Kumakain na ang mga ito habang pinalilibutan ng mga babae. May tagasubo pa talaga si Messiah. Napa-pokerface si Eira at naglakad na palabas ng room. Pagkabili niya ng juice, sandwitch at french fries bumalik na din siya sa classroom. Nakita niya si Messiah na nakikipagtawanan kina Owen. Noong nakita nina Jackson at Cross si Eira bahagya ng mga ito tinulak ang upuan palayo sa dalawang lalaki. Lumapit si Eira sa table niya. Tiningnan niya kung may mga nilagay na naman na kung ano ang mga lalaki. Napatigil si Eira matapos makitang nagkalat ang petals ng tulips sa upuan niya at tangkay na lang ang nakaipit sa libro. Nahawakan ni Eira ng mahigpit ang gilid ng table matapos niya maibaba ang mga pagkain na dala niya. "Jimenez!" Agad na lumapit si Eira at tinulak ang babae paalis sa hita ni Messiah na agad nahulog ss sahig. Hinablot niya ang kwelyo ng suot na uniform ni Messiah. "Ikaw ba ang sumira sa bulaklak?" madilim ang anyong tanong ni Eira. "What? May ebidensya ka ba? Nakita mo ba na nasira ko iyon?" tanong ni Messiah. Inosente nitong tiningnan si Eira. Nanginginig ang katawan ni Eira sa galit. Tinakpan ni Owen ang mga mata. "Hindi lahat ng tao katulad mo Jimenez. Hindi marunong maka-appreciate. Sumusobra ka na." Nangingilid ang luha ni Eira na tinulak si Messiah pabalik sa upuan niya at bumalik sa table niya. Kinuha ni Eira ang mga gamit at naglakad paalis ng classroom. Napa-what the f**k si Messiah. "Dahil lang sa isang piraso na bulaklak na iyon iiyakan niya," ani ni Messiah na may hindi makapaniwalang expression. "Huwag kang mag-alala Messiah. Hindi ka namin kakalimutan. Mananatili ka sa ala-ala namin habang buhay," ani ni Owen na ngayon ay hawak ang balikat ni Messiah. Namura ni Messiah si Owen at binatukan ito. Tiningnan ni Messiah ang pinto ng classroom. Kalaunan naglalakad si Eira palayo ng building. Kinukusot ang mata niya. Nagluluha ang mata niya kanina dahil sa hangin ng aircon na nasa gilid lang nina Messiah kanina. Sobrang hapdi ng mata niya. Nababadtrip pa din niya kaya napagpasyahan niya na hindi muna pumasok ng klase. Baka kasi kapag pumasok siya ulit doon at makita si Messiah mabangasan niya ang gwapo nitong mukha. Patungo siya sa cafeteria since doon niya na balak kumain at hintayin ang tawag ng isa sa mga kapatid niya. Nakatanggap kasi siya ng text kanina at sabi nga ng kapatid niya tatawag sa kaniya ito mamaya. Naghanap si Eira ng table. Umupo siya doon at ibinaba ang mga gamit niya. Noong umupo siya doon at hinahalungkat ang mga gamit niya may isang grupuhan ang umupo sa table na nasa likuran niya. "A-attend ka ba mamaya ng burol ni Ashley?" tanong ng babae at humila ng upuan. "Maraming activities ako na tinatapos ngayon isa pa remember grounded ako." "I just wondering kung sino gumawa 'non kay Ashley at anong motibo niya. Wala naman akong naaalala na nakaaway siya like what the heck masyadong brutal ang gumawa 'non sa kaniya. Halatang galig na galit— durugin ba naman lahat ng buto niya sa katawan." "Danica, gosh. Huwag mo ng idetalye. Nagtataasan pa din ang balahibo ko tuwing naririnig ko iyan," reklamo ng isa sa mga babae. "Wait bibili lang muna ako ng makakain natin. Ano mga kakainin niyo? Akin na pera niyo." Kumagat si Eira sa hawak na sandwich habang hawak ang phone. May sinend na link kasi ang kapatid niya at tinitingnan niya iyon ngayon. Lahat iyon tungkol kay Messiah. Napagpasyahan niya na humingi ng tulong sa kapatid para imbestigahan si Messiah. Ayaw niya naman kasi magtanong sa parents ni Messiah dahil mukhang wala din alam ang mga ito about kay Messiah. Ayaw niya tanungin ang barkada ni Messiah dahil mukhang wala din ang mga ito sasabihin kahit pa tanggalan sila ni Eira ng mga daliri. "Naalala niyo may naging ganiyang case din 6 years ago?" ani ng isa sa mga babae. Napatingin ang mga kasamahan nito sa babae. "Ah tama. Iyong girlfriend ni Messiah Jimenez. Hailey ba iyon? Muntikan na magsara ang school 'non at nabalitaan nga na muntikan na mabaliw si Messiah matapos nga mangyari iyon. Pinatay ang girlfriend niya sa mismong harapan niya." Napatigil si Eira sa pag-scroll at pagbabasa matapos marinig iyon. Pumasok sa isip niya iyong umiiyak na mukha ni Messiah. "May kumalat nga na babae iyon at masyadong obsessed kay Messiah." "Nakakabaliw naman kasi talaga ang kagwapuhan ni Messiah. Kung totoo iyon at nagkataon na ligawan ako ni Messiah willing ako mamatay anytime basta madala ako ni Messiah sa langit kahit isang beses." Nagtawanan ang mga babae at sinabing paano kung si Messiah ang killer literal na nadala sa langit ang kaibigan nila. Itinungkod ni Eira ang isang braso sa table at tahimik na uminom ng juice. Hindi niya akalain na may ganoong past si Messiah na pinagdaanan. Napatigil si Eira matapos may mabasa sa phone niya. Kumunot ang noo ni Eira at napatayo. Agad na kinuha ni Eira ang mga gamit at dali-daling umalis ng cafeteria. Hinagis nito ang lalagyan ng juice sa basurahan at iyong plastic. Napalingon ang mga lalaki na papasok sa entrance ng cafeteria matapos makita iyon. Nakita nila si Eira na tumatakbo patungo sa senior high building. 'Allergies: Flowers and orage juice. Rashes and irritation.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD