06

2191 Words
Chapter 06 3rd Person's POV "Nasaan si Jimenez?" tanong ni Eira. Nasalubong niya sina Cross. Nabitawan ni Owen ang hawak na mineral water matapos biglang sumulpot ang babae. "Nandoon!" Iba-iba ang direksyon na tinuro ng tatlo. Napa-pokerface si Eira. "Ah tama! Nandoon siya!" Nagkapalitan iyong tatlo. Napa-what the f**k si Owen matapos hilahin ni Eira ang tenga ni Owen at kinaladkad ito pababa ng building. "Wait lang Mayer!" Hinabol ng dalawa si Eira at Owen. Noong nakalabas sila ng building mag nadampot si Eira na dustpan. "Kung ako sa inyo sasabihin ko na kunh nasaan si Jimenez. Kasi kung hindi—" Ngumiti ng matamis si Eira at pinakita ang dustpan. "Babakat ang mga mukha niyo dito sa dustpan. So? Where he is?" Namutla at napulunok ang tatlo. Sobrang pamilyar sa kanila ng scenario na iyon. Ganoon na ganoon din ang ginawa sa kanila ng ina ni Messiah noong apat na araw ito hindi umuwi sa kanila. Bakit ba sila laging nakakatanggap ng death threat. Pagkatapos kasu ng klase biglang nawala si Messiah at iyong tatlo na lang ang nakita ni Eira. "Saang motel?" — Hindi makapaniwala si Eira. May inuwi na babae si Messiah sa mansion nila. Pinatawag ni Eira ang mga tauhan ng mga Jimenez and guess what— pinakaladkad ni Eira ang mga kaibigan ni Messiah patungo sa mansion ng mga Jimenez. Namumutla ang mga maid matapos makita si Eira. Nakayuko ang mga ito. Tinanong ni Eira kung nakauwi na si Messiah. Sinabi ng head maid na nasa taas na ang young master nila. Napatingin si Eira sa sofa. Nandoon ang mga gamit ni Messiah. May coat din ng isang babae at bag. "Jimenez," bulong ni Eira at nagkakamot sa ulong niluwagan ang suot na necktie. "Shoot," bulong ni Owen. Namungay ang mga mata ni Eira at nawalan ito ng expression. "Curious tuloy ako kung ilang buhay meron ka," ani ni Eira bago walang ingay na naglakad pataas ng hagdan. "Anong unang tatawagan natin? Hospital o police?" tanong ng isa sa mga maid. "Tawagan niyo na kaya si madam," ani ng headmaid. Napatalon ang mga katulong matapos marinig ang sigaw ni Messiah mula sa ikalawang palapag. "Madam! Nagdala ulit ng babae si young master! Galit na galit si young lady!" natataranta na sambit ng maid hawak nito ang phone at naka-loudspeaker. "Bitawan mo iyan, Averie! Papatayin mo ba ako!" sigaw ni Messiah. "Ow, tumawag na kayo sa hospital in advance. Magpadala na kayo ng ambulansya diyan. Kung hindi makaligtas si Messiah ayos lang din. Gagawa na lang kami ni Michael ng bagong anak," ani ng ginang sa kabilang linya. Napaubo si Owen matapos marinig iyon. Nalaglag ang panga nina Cross matapos marinig iyon. Namatay na ang tawag— hindi na kasi nakapagsalita ang maid after 'non. Nakita nila iyong babae na tumatakbo ang babae na tanging kumot lang ang takip sa katawan. Nagsisigaw ito palabas ng mansion. Sunod na bumaba si Messiah na tanging boxer lang ang suot. "Tulungan niyo ako! Nababaliw na ang babaeng iyan!" Tinuro niya si Eira na may hawak na katana at pababa ng hagdan. Napa-what the f**k si Jackson. "Saan niya nakuha ang katana na iyan!" Nagkaniya-kaniya silang takbo at iwas matapos sila atakihin ni Eira. Mali si Messiah lang ang hinahabol niya ng espada. Nagkabasag-basag ang mga furnitures doon. Kahit ang mga tauhan ng mga Jimenez ay napatakbo na palabas dahil sa takot sa babae. Kinukuhanan naman ng head maid ng video iyong lima na naghahabulan sa living room. "Bakit ba ako nadamay!" sigaw ni Owen. Napadapa siya kasama si Messiah. Muntikan na sila mawalan ng ulo kanina. "f**k!" Lumipad ang espada sa gitna ng mga hita ni Messiah. Nakaupo ngayon ang lalaki sa sahig at nakabukaka. Sa pagitan ng mga hita niya— nakabaon sa sahig iyong dulo ng katana malapit sa alaga niya. Pinagpawisan ng malamig si Messiah matapos makita iyon. Binunot ni Eira iyon at nanlalaki ang matang nakatitig si Messiah kay Eira. "You want s*x? Papayagan kita pero gagawin niyo iyon sa mismong harapan ko. Malinaw ang bilin ni tita. Ayaw niya ng apo sa ganiyan na edad mo and I want to make sure na walang makakalusot. Papayagan kita, Jimenez," ani ni Eira. Ngumiti ito ng matamis at itinutok ang katana sa gitna ng mga hita ni Messiah. "Kapag ginamit mo iyan ng walang pahintulot ko sa susunod puputulin ko na iyan," ani ni Eira. Napaupo si Jackson sa sira-sirang sofa. Napaupo sa sahig si Cross dahil biglang nawalan ng lakas ang tuhod niya. Habulin ba naman sila ni Eira ng katana. Napalunok si Messiah, Kinabukasan, tahimik si Messiah na nakaupo sa sulok. Kagat nito ang daliri at mukhang nag-iisip ng malalim. "Owen tulungan—" "No! No!" putol ni Owen at pinag-cross ang mga braso. "Posible na matulungan kita makalusot kay tita mga 5% pero doon sa girlfriend mong bulldozer. Hindi maari— gusto ko pa dumami ang lahi ko marami pa akong pangarap. For god's sake ayoko pa mamatay," ani ni Owen. Tumango-tango sina Cross. Ayaw nila madamay. "Mga kaibigan ko ba talaga kayo!" reklamo ni Messiah at hinawakan sa leeg si Owen. Inalog-alog ni Messiah si Owen marami itong sinabi about sa pagkakaibigan nila. — Breaktime, Nakasandal si Eira sa poste malapit sa cafeteria habang umiinom ng juice at nakatingin kay Messiah na nakikipaglampungan sa maraming babae. Sa apat si Owen lang at Messiah talaga ang mga babaero. Gustong-gusto ng mga ito napapalibutan ng babae except doon sa Cross at Jackson na mukhang mga walang pakialam na naglalaro ng online ng game. Napa-pokerface si Eira. May ilang babae pa na tinuturo siya. May ibubulong si Messiah then tatawa. Napairap si Eira. Napatingin siya sa kabilang direksyon. Napatigil si Eira matapos may makitang babae hindi sa kalayuan. May hawak itong camera at mukhang kinukuhanan ng litrato ang grupo ni Messiah. Marami siyang nakikitang babae na ganoon. Kumukuha ng litrato kina Messiah ngunit iba ang kutob niya sa babae na iyon. Itinapon ni Eira ang juice sa basurahan. Hindi niya gaanong makita ang mukha ng babae. Napatigil si Messiah at bahagyang napatingin kay Eira na biglang umalis. Lumingon si Messiah at sinundan ng tingin si Eira. Napatayo si Messiah. May nakita si Messiah na babae at hinahabol ito ni Eira. "Cross!" sigaw ni Messiah. Mabilis na kinuha ni Messiah ang gamit at tumakbo. Agad siya hinabol nina Owen out of instinct. Hindi nga nila alam bakit tumakbo si Messiah. Nakarating si Eira sa kabilang bahagi ng university. Pumasok sa masukal na daan iyong babae. Mahaba ang buhok nito, may suot na salamin at may creepy na ngiti. Napahinto si Eira at ginala ang paningin sa paligid. May naramdaman si Eira na presensya. Agad niya hinablot ang kamay ng tao na iyon at inikot. Napasigaw si Messiah at agad na napaluhod habang nasa likod ang mga braso. Nabitawan ni Eira si Messiah na napadapa sa lupa. "What the f**k!" mura ni Messiah. Napa-pokerface si Eira at tinanong kung anong ginagawa doon ni Messiah. "Anong nangyari?" tanong nina Owen na ngayon ay hinahabol ang hininga. Kumunot ang noo ni Eira at nilingon sina Cross. Napatalon iyong tatlo matapos makita doon si Eira. "Tinakot mo iyong secret photographer ko!" sigaw ni Messiah at nilingon si Eira. Napa-pokerface si Eira. "Secret photographer?" ulit ni Eira na naka-pokerface. Sinabi ni Messiah na for exposure iyon sa internet. "Alam mo ba kung anong f******k? ** at twitter? Pustahan tayo hindi," banat ni Messiah na nakaupo sa lupa at nakatingin kay Eira. "Sa tingin mo kailangan ko pa iyon?" tanong ni Eira. Umismid pa ang babae at naglakad paalis. Sinundan ni Messiah ng tingin si Eira na naglalakad palabas sa lugar na iyon. Tumalim ang expression ni Eira matapos makalayo sa lugar. Hindi siya engot para hindi mahalatang nagsisinungaling si Messiah. May tinatago ang mga ito sa kaniya. — Napa-pokerface si Eira. Nakatingin siya ngayon sa madilim na langit at malakas na ulan sa labas ng building nila. Wala siyang dalang payong at malayo ang parking lot mula doon. Tiningnan ni Eira ang phone niya— ayaw niya tumawag pa ng iba para makaistorbo. Bahagyang napatingin si Eira sa magkakaibigan na nagsha-share ng payong at naglalakad paalis ng building. Mukhang kailangan niya maghintay doon hanggang sa tumigil ang ulan. Maya-maya napatigil si Eira matapos may dalawang pares ng sapatos ang huminto sa harapan niya. Nakita niya si Messiah. "Ano hindi ka sisilong? Don't tell me balak mo hintayin tumigil ang ulan?" tanong ni Messiah. Tinitigan siya ni Eira na may pagdududa. Tiningnan pa ni Eira ang isang kamay ni Messiah kung may hawak pa ito. "Anong kinakapa mo!" sigaw ni Messiah. Napatingin ang mga estudyante. Kinakapkapan siya ni Eira. "Tinitingnan ko lang kung may hidden weapon ka na hawak or something na katulad ng pepper spray, paint or something na pang-prank," ani ni Eira. Napa-what the heck si Messiah. Noong nakita ni Eira na safe at walang hidden weapon lumapit na si Eira at sinabing sasama siya kay Messiah. "Wait bakit bigla kang naging mabait? Wala akong balak payagan ka mag-overnight o mag-night hang out somewhere," banat ni Eira. Napairap si Messiah. "Ini-expect ko lang naman na may maganda kang sasabihin kay mommy katulad ng pinayungan kita papunta sa sasakyan mo," sagot ni Messiah. Napatigil si Eira at biglang tumawa. "As if— masama pa din ugali mo at babaero ka," ani ni Eira. Inilayo ni Messiah ang payong. Nababasa na si Eira. "Hey! Nababasa ako!" Hinabol ni Eira ang payong. Nilalayo iyon ni Messiah at sinabing hindi iyon gawain ng playboy at masama ang ugali. "Eh di ibalik mo muna ako sa building! Maraming mababasa sa bag ko!" Napatigil si Messiah matapos may papasok na sasakyan sa parking lot. Hinawakan niya ang balikat ni Eira at hiniblot ito. Napayakap si Eira kay Messiah at nabitawan ni Messiah ang payong. Rinig na rinig bi Eira ang lakas ng t***k ng puso ni Messiah. "Putangina mo! Mag-ingat ka nga sa susunod! Muntikan ka ng makasagasa!" sigaw ni Messiah. Nakayakap pa din si Messiah kay Eira. Napatigil si Messiah matapos may ma-realize. Wala na iyong payong, basa na sila at kayakap niya si Eira. Nailayo ni Messiah si Eira. Nagkatitigan ang dalawa. "What are you looking at! Basa na tayo!" bawi ni Messiah. Agad na kinuha ni Messiah ang payong. Pagtalikod ni Messiah nakita ni Eira nag pamumula ng tenga at leeg ni Messiah. Bahagyang napangisi si Eira. Sinong mag-aakala na makayakap lang ito sa kaniya sapat na para mamula ng todo ang isang Messiah Jimenez. Sabay na bumalik ang dalawa sa mansion sakay ng magkaibang kotse. Basang-basa ang mga ito kaya naman nagkagulo ang mga maid dahil umuwi ang dalawa ng basang-basa. Agad na bumahing si Messiah. Napalingon si Eira at tinanong su Messiah kung lalaki ba ito. "Gusto mo ng patunay?" maangas na tanong ni Messiah at hinawakan ang hem ng slacks niya. "Heh! Kung kasing haba ng sungay at buntot mo iyang alaga mo baka matuwa pa ako makita iyan," pang-aasar ni Eira. Napasigaw ng what si Messiah. Nagtatawa si Eira na umakyat sa hagdan dala iyong towel na inabot ng isa sa mga maid. Maraming napatingin kay Messiah na maid then sa harapan niya. Tinakpan iyon ni Messiah at pinaningkitan ng mata ang mga katulong. Sa kalagitnaan ng gabi nagising si Eira. Nauhaw siya kaya lumabas siya ng kwarto. Paglabas niya ng kwarto narinig niya umuubo si Messiah. Bukas ng kaunti ang room ni Messiah na nasa harapan lang ng room ni Eira. Lumapit ang babae sa pinto at bahagyang tinulak iyon— sumilip si Eira. Nakita niyang balot na balot si Messiah ng comforter. Napa-pokerface si Eira at bumulong ng weak. Umalis si Eira doon at naglakad pababa ng hagdan. Naghihikab si Eira na binuksan ang ilaw ng kusina at nagbukas ng ilang cabinet doon. Minulat ni Messiah ang mga mata matapos may maramdaman na mainit na palad sa noo niya. Unti-unti luminaw ang paningin niya at nakita niya si Eira. "Nagluto ako ng soup. Kumain ka then uminom ng gamot," ani ni Eira. Inalis ni Messiah ang kamay ni Eira sa noo niya at sinabing hindi niya kailangan ng awa ni Eira. "Hindi ako naaawa sa iyo. Wala ako 'non para sa tulad mong walang modo, walang hiya at babaero na tulad mo. Ginagawa ko ito dahil binilin ka sa akin ni tita. Kapag namatay ka kargo de konsensya ko pa. Umupo ka at kumain kung ayaw mong ako ang magbukas sa bibig mo at itapon ko na lang ito sa bibig mo," ani ni Eira. Ngumiwi si Messiah matapos makita ang soup na nasa study table at umuusok pa iyon. Iba ang saltik ni Eira. Napa-pokerface si Messiah at pilit na bumangon. Kinuha ni Eira ang bowl at inabot iyon kay Messiah. "Sinabi ko kay tita Michelle ang lagay mo," ani ni Eira. Tinanong ni Messiah kung para saan iyon. "You don't need to inform her about small trivial things like this— it's useless. Wala din naman silang pakialam." Napatigil si Eira matapos marinig iyon. Nakita niya din kung paano magbago ang expression ni Messiah at ang boses nito. "Siguradong gusto lang naman nila malaman kung buhay pa ako at anong mga kagaguhan ginawa ko ngayong araw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD