05

2225 Words
Chapter 05 3rd Person's POV Napatalon ang mga maid sa mansion na iyon matapos hampasin ni Eira ang table. Nawala ang susi ng sasakyan ni Messiah. "Car racing," madilim ang expression na bulong ni Eira. Isa iyon sa pinagbabawal ng ina ni Messiah kay Messiah. Hindi masamang mag-enjoy minsan pero delikado ang car racing lalo na at wala pa din sa legal age si Messiah. "Bullshit," bulong ni Eira at naiinis na sinuklay ang buhok. Walang balak papigil si Messiah at inuubos nito ang pasensya niya. Tumayo si Eira mula sa pagkakaupo sa sofa at tinahak ang daan pataas ng hagdan. "Matulog na kayong lahat. Kung anong marinig niyo mamaya huwag kayong lalabas— dedma lang naiintindihan niyo ba?" ani ng head maid sa mga kasamahan. Galit na galit ang young lady nila. — "Messiah! Akala talaga namin hindi ka pupunta," natatawa na sambit ni Cross pagkababa ni Messiah sa sasakyan nito. Nasa isa silang racing area. Marami pa doon na grupuhan at binati si Messiah matapos siya makita. "Ilang linggo ka din namin hindi nakita dito. Nagkasakit ka ba pre?" Itinikom nina Cross ang bibig para maiwasang tumawa. Alam nila ang dahilan bakit hindi nakakapunta si Messiah. Bigla tuloy silang na-curious kung paano nakawala si Messiah sa galamay ng girlfriend niya. "How about i-start na agad natin ang game," ani ni Messiah. Sinadya nito dedmahin ang tanong ng mga kasamahan. Napunta ang topic sa ranking, status at sa mga baguhan sa area na iyon. Marami nga ang naghamon kay Messiah. "149! Dito ang start ng game. Nandito ang mga sasakyan na gagamitin niyo!" Lumingon si Messiah. Maraming nakahanay na mga sasakyan doon at tinawag si Messiah. "I think huwag ka na muna ngayon sumali Messiah. Wala kang sasakyan diba?" ani ni Jackson. Sinabi ni Messiah na hindi niya kailangan ng sasakyan. Gagamitin niya ang sasakyan sa racing area. Nagkatinginan si Owen at Cross. Hinawakan ni Owen ang braso ni Messiah. Napatingin si Messiah. May umakbay kay Messiah at sinabing simulan na nila ang laro. "Simulan natin ang bid sa 20 million." Napa-pokerface si Messiah at hinila ang braso niya. Tinanong pa nito kung kaya ng mga ito bayaran iyon kung sakali. Ngumisi pa si Messiah. Ang dahilan bakit ayaw nina Owen payagan si Messiah ay dahil maraming galit kay Messiah. Ayaw nilang isipin ang mga posisbleng mangyari kapag pinayagan nila ito. "Alam niyo ba number ng girlfriend ni Messiah?" tanong ni Jackson at tiningnan ang mga kaibigan. "Number lang ng mansion ng mga Jimenez meron ako," ani ni Cross. Hindi nila mapipigilan si Messiah. Nagkaroon na ng bilangan at sumakay na ng sina Messiah sa kani-kanilang sasakyan. "f**k! Sasali ako!" sigaw ni Cross. Sumakay si Cross sa sasakyan niya at naiwan kay Jackson ang phone. Nag-start na ang racing. Maya-maya may babaeng dumaan sa gitna nina Owen at Jackson. Napatigil ang dalawa matapos huminto ito sa harapan nila. "Heh! Inuubos talaga ng gago na ito ang pasensya ko," ani ni Eira. Nilipad ang suot ni Eira na itim na cap. Lahat ng mga nanonood doon ay napatingin kay Eira. Itim na tube, coat at itim na rip jeans. Nakatali din ang mahaba nitong buhok at nakatingin sa malaking screen. Nakikita ngayon ni Eira ang game at ang ngiti ni Messiah habang nagda-drive. Napa-pokerface si Eira. Balak niya patigil ang game sa paghugot ng projector ngunit in some reason nagdadalawang isip siya. Dalawang linggo hindi pumunta doon. Nag-cross si Eira. Tiningnan nina Owen iyong babae sa unahan nila. Kumpirmado na ito ang girlfriend ni Messiah at himalang hindi gumawa ng ruckus. Dumaan ang mga sasakyan sa harap nila. Napako ang tingin ni Eira sa sasakyan ni Messiah. Kumunot ang noo ni Eira. Hindi pamilyar ang sasakyan na iyon. "Pinagamit niyo ng sirang sasakyan si Messiah?" tanong ni Eira at nanlalaki ang matang hinabol ng tingin ang sasakyan. "Sira?" ulit ni Jackson. Napaayos ng tayo si Eira at lumingon sa dalawa. "May sasakyan ba kayo na maipapasok sa game!" sigaw ni Eira. Napatalon ang dalawa. Dali-daling inabot ni Jackson ang susi ng sasakyan niya. Napamura si Eira. "s**t! Papatayin ako ni tita Michelle kapag may nangyari na masama sa abnoy niyang anak," ani ni Eira. Pinindot niya ang alarm ng sasakyan at lumapit sa sports car na nakaparada sa harapan lang din nila. Hindi alam nina Owen kung mag-aalala sila dahil sinabi ng babae na sira ang sasakyan o tatawa dahil malinaw nila narinig na tinawag na abnoy ni Eira ang boyfriend. Sumakay si Eira sa sasakyan. Nanlaki ang mata ni Owen. "Balak niya ba makipagsabayan kina Cross?" ani ni Owen. Mabilis kasi pinaandar ni Eira ang sasakyan niya. Gumusot ang mukha ni Messiah matapos may ma-realize. Hindi siya maka-preno. Hindi niya makontrol ang sasakyan. May mali sasakyan na iyon. "Jimenez! Stop your freaking car! You jerk!" Napalingon si Messiah. Nagulat siya matapos makita si Eira. Dala nito ang sasakyan ni Jackson. "Hindi ko makontrol ang sasakyan!" sigaw ni Messiah. Nanginginig ang kamay ni Messiah. Nakita niya na ang paliko ang daan. "Ipreno mo!" sigaw ni Eira. Ginawa iyon ni Messiah. Hindi 'man lang bumagal ang sasakyan. "What the f**k are you doing!" Ginitgit ni Eira ang sasakyan para maibalik sa kalsada si Messiah. Ang sasakyan ni Eira ang gumigitgit sa gutter. Na-shocked sina Jackson matapos makita iyon. Noong makalampas sila sa curve line lumampas si Eira sa kalsada. "Averie!" sigaw ni Messiah. Hindi niya maihinto ang sasakyan. Napamura na lang si Messiah at sunod-sunod ang ginawa niyang pagtapak sa preno. "Messiah!" sigaw ni Cross. Napatigil si Messiah matapos makita ulit ang sasakyan ni Jackson galing sa kabilang bahagi ng kalsada. Hinarang ni Eira ang sasakyan at dahil doon tumama sa sasakyan ni Eira ang impact ng sasskyan ni Messiah. Nakaladkad ang sasakyan ni Eira. Humarang din ang sasakyan ni Cross. Parang binuhusan ng malamig na tubig sina Owen matapos makita iyon. Napasubsob si Messiah sa manubela matapos huminto din ang sasakyan. Nanginginig ang katawan niya sa takot. "Ano buhay ka pa?" Napatigil si Messiah matapos marinig ang pamilyar na boses. Unti-unti siyang lumingon. Nakita niya si Eira na pinagbuksan siya ng pinto. "Messiah!" Maraming grupuhan ang dumating. Bumaba na din ng sasakyan si Cross at napamura dahil nasira ang sasakyan niya. Lumabas si Messiah at nagulat ang lahat matapos itulak ni Eira si Messiah at dinikit ang mukha ni Messiah sa bubungan ng sasakyan. "My dear, hindi ka talaga matututo hanggang hindi ka nababalian ng buto hindi ba?" tanong ni Eira. Sobrang dilim ng expression nito. "Wait! Ms. Mayers!" Kumuha ng tubo si Eira. Hindi nakagalaw si Messiah habang hawak siya sa batok ni Eira. "Mayers? Kaanu-ano niya iyong magkakapatid na Mayers?" Binitawan ni Eira si Messiah at nagulat ang lahat matapos may hampasin si Eira sa ulo ng tubo. Nagulat ang lahat. Napaupo ang lalaki na iyon at nanlalaki ang matang tiningnan ang kamay niya na dumudugo matapos ihawak sa ulo. "Kayo ang nagbigay ng sasakyan na ito sa boyfriend ko. Where did you get the f*****g guts to bully my boyfriend in front of me— tapos sa playground ko pa?" ani ni Eira na nakangisi. Binili ng kapatid niya buong racing area na iyon at iniregalo sa kaniya. Napatigil ang lahat matapos sirain ni Eira lahat ng sasakyan na nandoon. As in sinira niya gamit ang tubo. May ilang nagtakbuhan paalis sa idea na nasisiraan na ng ulo ang babae. Nababalutan ng itim na aura si Eira na ngayon ay nakatingin sa mga lalaking nagtatakbuhan paalis. In some reason gusto na din ni Cross tumakbo paalis. Iyong nakita niya kanina paghampas sa isa sa mga lalaking nagpasakay kay Messiah sa sasakyan wala 'man lang ito pagdadalawang isip na hinampas iyon ng tubo. "Kuhanin niyo si Messiah at kaladkarin niyo pauwi ng mansion," malamig na sambit ni Eira. Nagulat si Cross matapos may mga lalaking naka-suit ang biglang sumulpot at binitbit si Messiah na nagsisigaw. Tauhan ito ng mga Jimenez. "What the f**k are you doing! Let go of me!" Isang sampal ang nagpatahimik kay Messiah. Kahit ang mga tauhan ng mga Jimenez nagulat. Malakas ang pagkakasampal na iyon. Walang emosyon si Eira na nakaangat ang kamay at nakatingin kay Messiah. Bubulyawan ni Messiah si Eira nang mapatigil ito matapos may makita siyang malapot na bagay na tumutulo sa sahig galing sa isang braso ni Eira. May injury si Eira. "Kung hindi ka masaktan ni tita Michelle dahil anak ka niya. Ibahin mo ako Messiah— kung kinakailangan ko putulan ka ng paa para sumunod sa mga gusto ko gagawin ko," malamig na sambit ni Eira habang nakatingin sa mga mata ni Messiah. — Monday, Kumunot ang noo ni Messiah matapos makitang wala sa upuan si Eira. Napansin ni Cross na patingin-tingin si Messiah sa kabilang row. "Worried ka? Akala ko magkasama kayo sa iisang bahay? Hindi mo alam kung pumasok siya?" tanong ni Cross na nakangisi. Napa-pokerface si Messiah. "Sinong may pake sa kaniya. Sinapak niya ako kagabi," pikon na sambit ni Messiah. Natawa si Owen matapos maaalalang pinakaladkad si Messiah ni Eira ang worst nasampal pa nga ito. Namumula pa din ang pisngi ni Messiah dahil doon. Humalumbaba si Jackson. "Kung ako ang girlfriend mo Messiah baka hindi lang kita nasapak. Muntikan ka na kahapon doon," ani ni Jackson habang nakatingin sa unahan. "Interesting din ang babaeng iyon. Kung hindi ka professional at hindi nagkamali ka ng tantiya sa bilis at impact ng sasakyan siguradong bali-bali ang katawan ng girlfriend mo. Walang taong maglalakas ng loob na gawin iyon sa gitna ng racing competition. Sa action movies ko lang napapanood iyong mga ganoon kadelikadong stunt," ani ni Owen habang nakasandal ss upuan at naka-cross arm. Hanggang sa mga oras na iyon nagtatayuan pa din ang balahibo niya habang inaalala iyong mga nangyari kagabi. Kung hindi hinatang ni Eira ang sasakyan nito noong babangga si Messiah sa gutter at ginitgit ito— tataob ang sasakyan ni Messiah dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito. Buwis buhay ang ginawa ng babae kahapon at hindi 'man lang ito natakot. Mas lalo tuloy siya naging interesado sa babae. Napatigil si Owen at Messiah matapos may kumatok sa pinto at bumukas iyon. Pumasok si Eira. "Why are you late Ms.Mayers?" tanong ng professor. "Dumaan pa ako sa hospital professor," sagot ni Eira. May binigay si Eira sa professor nila at tinungo ang upuan niya. Sinundan ni Messiah ng tingin si Eira. "Injury? Ayos lang ba ang braso mo Ms. Mayers?" tanong ng professor. "Hindi ko lang siya maigagalaw ng ilang araw," sagit ni Eira na totoo naman. Dudugo panigurado ang sugat niya kapag ginalaw niya iyon. Nadurog ang sasakyan kahapon. May bakal na bumaon sa kanang balikat niya. Sumandal si Eira sa upuan. Pinagdadasal ni Eira na hindi iyon malaman ng kapatid niya dahil sure siya kakaladkarin siya ng mga ito paalis ng mansion. Lunchbreak, As expected hindi 'man lang nakatulog si Eira. Kapag oras ng klase natural na gising ang diwa niya. "What! Gusto mo makipag-break sa akin!" Napatingin si Eira sa side ni Messiah. Umismid si Messiah at sinabing nabo-bored na siya sa babae. "I can't do s*x anymore ano pa at mayroon akong girlfriend hindi ba?" banat ni Messiah. Napa-pokerface si Eira. Nako-curious tuloy si Eira kung anong klaseng uod ang kumakain sa utak ni Messiah. Mangiyak-ngiyak ang babae. Sinabi pa nito na hindi iyon pwede gawin ni Messiah sa kaniya. "Bakit hindi? Kasal na ba tayo?" tanong ni Messiah. Ngumisi si Messiah. "We're not married," ani ni Messiah. Nasampal si Messiah. Napa-whoa sina Owen. Umiiyak na tumakbo ang babae. "Ano bang meron sa kaliwa kong mukha at iyon laging nasasampal. Sa kanan naman pwede ba?" ani ni Messiah na nakakunot ang noo at kinakamot ang pisngi niya. Nailing na lang si Eira at tumingin sa bintana. Wala ng pag-asa si Messiah. Narinig niya pa ang tawanan ng mga barkada ni Messiah at pag-aasaran ng mga ito. "Mayer, may naghahanap sa iyo." Napatigil si Eira at bahagyang lumingon. May nakita siyang lalaki na may hawak na bulaklak— tinulak ito papasok ng mga kabarkada. Napa-what the f**k si Messiah matapos makita iyon. Pinipigilan nina Jackson na matawa. Lumapit ang lalaki kay Eira at nauutal na sinabing gusto niya si Eira. Nakayukong inabot ng lalaki ang bulaklak. Puro rosas iyon at chocolate. "Hey, kung manliligaw ka chin up. Wala ang mukha ko sa sahig. By the way mas prefer ang tulips sa roses and hindi ako masyadong fan ng chocolates mas prefer ko ang letter in everything." Pinagsiklop ni Eira ang mga kamay at ngumiti. The calm one. "Kung gusto mo ako ligawan. Paalam ka sa boyfriend ko. Ayon sa likuran mo," ani ni Eira. Napatigil ang lalaki at lumingon kay Messiah na ngayon ay salubong ang kilay. "Ipagpapalit mo ako sa bata you b***h!" Tumayo si Messiah at tiningnan si Eira. Tinaasan siya ng kilay ni Eira. "May sinabi ba akong gagawin ko siyang boyfriend? Sakit lang sa ulo ang mga bata. Sapat ka na— wala na akong balak magdagdag pa," banat ni Eira. Sumulpot si Cross sa likuran ng highschool student. Lumingon ang lalaki dahil hindi na ito nakaalis sa pwesto. Nagsimula na naman ang bardagulan nina Eira at Messiah. "Nakikita mo naman hindi ka welcome sa mundo ng dalawa na iyon. Huwag mo na din i-try pumagitna dahil ikaw lang ang kawawa. Tara treat ka lang namin ng ice cream." Inaya nina Jackson iyong lalaki. Hiningi ni Owen iyong chocolate. "Okay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD