04

2131 Words
Chapter 04 3rd Person's POV Nagising si Messiah sa tunog ng phone niya. Patuloy kasi iyon sa pagri-ring. Nahihilo pa ang binata dahil sa sobrang kalasingan. Napatigil ang lalaki matapos niya hindj maigalaw ang kamay niya para patayin ang tawag. Doon tuluyan nagising ang diwa ni Messiah at nakita niya ang sarili na nakatali ang dalawang kamay sa head board ng kama. "What the f**k!" "Ow— great, gising ka na pala, Mr. Jimenez," ani ni Eira habang nakaupo sa pang-isahan na sofa hindi malayo sa kama. Kasalukuyan itong may hawak ma gunting. Biglang kinilabutan si Messiah matapos makita ang babae at tiyura niya ngayon. Wala siyang pang-itaas at tanging boxer lang ang suot niya pang-ibaba. "You guess, anong oras na Mr.Jimenez?" tanong ni Eira at tumayo. Sumalubong ang kilay ni Messiah. "Pakawalan mo ako dito! You b***h! How dare you para gawin mo ito sa tagapagmana ng mga Jimenez!" sigaw ni Messiah. Tumawa si Eira at walang ingay na naglakad palapit sa kama. "I'm your girlfriend? And I have a rights since isa iyon sa napagkasunduan namin ng parents mo. Gagawin ko ang gusto ko but this thing is beyond my limit Mr.Jimenez. Iyong puyatin mo ako," ani ni Eira. Pinakita ni Eira nag gunting. "Sa mansion ng mga Mayer, pagdating ng 8pm lahat ng miyembro ng pamilya nasa loob na ng mansion. We have a rules. Then pagdating ng 9pm lahat na tulog even my brothers na mas matanda sa iyo ng ilang taon. Alam mo kung bakit?" tanong ni Eira. Ngumiti ng matamis si Eira. "Para ma-gain namin ang tinatawag na peace of mind but thanks to someone. Nawala ang peace of mind ko ngayon gabi— how can you compensate me?" tanong ni Eira. Sinigawan ni Messiah si Eira at sinabing nababaliw na ito. "Napansin ko na mahaba na ang buhok mo. How about i-trimmed natin ng kaunti?" tanong ni Eira. Nanlaki ang mata ni Messiah. "No! No! Don't touch my hair!" Natahimik si Messiah matapos siya saksakan ni Eira ng panyo sa bibig. Kinabukasan, Bumulahandrit ng tawa sina Cross matapos makita ang bagong hairstyle ni Messiah. Bagay naman kay Messiah— pinaayos niya iyon sa parlor bago pumasok sa school pero mukhang hindi maka-move on sina Cross at Jackson matapos malaman na iyong girlfriend nga nito ang gumupit sa buhok niya kagabi. Naka-pokerface si Messiah habang patuloy pa din sa pagtawa sina Cross. Sinipa ni Messiah ang upuan na nasa harapan niya para ipakita na nabubwisit na siya. Pinigilan na nina Jackson matawa pero bigo sila. Hindi pa din tumigil ang mga ito. Kahit si Owen na dapat kakampi niya ay natatawa na din. Paano ba naman kasi ngayon lang sila naka-encounter ng taong may lakas na loob na banggain si Messiah Jimenez. "I don't get it. She have a guts to messed up with you— sino ba ang babaeng iyon?" tanong ni Cross na mukhang unang naka-get over. Sa status pa lang ni Messiah sapat na para maging aware ang maraming tao na hindi dapat ini-offend ang kalibre na katulad ng kay Messiah. "Actually, nakalimutan ko last name niya. Meye— maya— ah—" "Malala ka na," ani ni Jackson na ngayon ay sapo ang noo. "Ms. Mayers— please introduce yourself." "Ayon Mayers— wait! What!" Napalingon si Messiah. Nandoon iyong gulat sa mukha ni Messiah. Masama ang kutob niya doon. Hindi aware si Messiah na nagi-start na ang klase at dumating na ang professor nila. Nakapabilog pa din kasi ang upuan ng grupo nina Messiah. By the way wala naman pake ang professor nila kung makinig sila o hindi. Maraming babae ang namangha matapos pumasok si Eira. Sinong hindi— sa aura at tindig pa lang nito masasabi mong hindi lang ito ordinaryong babae. "Eira Averie Mayers, from Clofen High— 21 years old," pakilala ni Eira. Ngumiwi sina Cross at Jackson. Doon na-realize nila na hindi pala talagang ordinaryong babae ang bumabangga kay Messiah. "By the way— goodluck dude," ani ni Cross at tinapik si Messiah sa balikat. Sa isip ni Cross mukhang desidido na ang tita Michelle nila na patinuin ang anak. Isa pa talaga sa mga Mayers ang pinatawag niya para maging babysitter sa tagapagmana ng mga Jimenez. Oo babysitter, hindi sila naniniwala sa girlfriend thigy at the first place mukhang wala sa dalawa na nag-iisip na may ganoon silang relationship. "Clofen? Iyong sikat na university? Gosh, doon siya galing? Anong ginagawa niya dito?" bulong ng isa sa mga estudyante. Ang Clofen high ay isang elite university— this university is not all about money. You need to be a gifted para makapasok sa university na ito— as in gifted; looks, talent, without limit inteligent capacity and more on. "I don't know kung maiinggit ako o maaawa sa iyo brother Messiah. Meron kang napakagandang girlfriend at mukhang matalino pa. Hindi biro ang nakapasok sa Clofen. O maawa ako sa iyo kasi may vibes siya na katulad ng kay tita Michelle at mukhang mas malala pa— ginupitan ka niya dude tapos sinira lahat ng sasakyan mo," ani ni Owen na natatawa. Mukhang hindi narinig iyon ni Messiah. Kasalukuyan kasi itong nakatitig kay Eira at iniisip kung paano siya makakaganti sa ginawa nito kaninang umaga. Ngumisi si Messiah. Napa-pokerface si Jackson matapos makita ang ngisi na iyon ni Messiah. Eira Averie Mayers's POV Actually, hindi ako umaasa na magkakaroon ako ng tahimik na highschool life ngayong year since nasa iisang lugar kami ng hayop na Messiah na ito. Bakit ba kasi kinuha ni tita Michelle sa bible ang pangalan ng gago na ito. Nanatili ang tingin ko kay Messiah na nasa pangalawang palapag. Sa likod nito ang apat na kaklase namin na lalaki na mukhang sila ang nagbuhos sa akin ng tubig. "Kamusta ang temperature? Sira kasi iyong shower sa men's room. Cold water kang available. Concern lang ako kasi baka naiinitan ka na," ani ni Messiah na may ngiti sa labi. Ano kala niya sa akin papatalo ako? Ngumiti ako ng matamis at bahagyang sinuklay ko ang buhok ko pataas ay hinubad ko ang coat ko then niluwagan ko ang necktie ko. "Thanks for your concern, Mr. Jimenez. I assumed na huwag ka na mag-abala sa susunod. Cold water is not cup of my tea— i prefer hot water either sa ganitong season," ani ko. Nakita ko siyang natulala. He's guy after all. Who can resist my natural beauty and charm? Tumalikod ako. Napa-pokerface ako— humanda ka sa akin mamaya Messiah. Napangisi ako matapos ma-imagine ang magiging reaction niya sa susunod na gagawin ko. P.E uniform na ang sinuot ko since isang uniform pa lang ang naibibigay sa akin at hindi pa ako nakakapagpatahi. After ko isuot ang P.E uniform ay naglakad na ako palabas ng locker room. Itinago ko sa bulsa ng jogging pants ko iyong papel at naglakad na palabas ng building. Malapit na mag-start ang klase. — Nakaupo ako sa upuan ko. Pinaaiikot ang ballpen sa mga kamay ko. Pumasok na iyong target— nakita ko sa peripheral vision ko na pumasok si Messiah kasunod iyong mga alipores niya. Typical na mga bully sa school at spoild brats. Nahulog iyong ballpen ko kaya naman yumuko ako para damputin iyon. Napatigil ako matapos may makita kong paper bag malapit sa bag ko. Aabutin ko iyon para tingnan nang makarinig ako ng sigaw at galabog. Lumingon ako. Nakita si Messiah na ngayon ay nakabaliktad sa upuan. Napaupo ako ng ayos then tumawa. As in tawa ako ng tawa. Paanong nahulog siya sa ganoon ko na trap. May nilagay ako sa bag ni Messiah na string then patay na ipis. Kapag binuksan niya ang bag niya tatlasik palabas ang ipis. Nakahiga si Messiah sa sahiga habang ang mga paa nito ay nakapatong sa natumbang upuan. Lumingon siya sa akin na naka-pokerface. Tawa ako ng tawa. Ang epic ng mukha ni Messiah. "You witch!" Sa pagtawa ko may lumipad na notebook sa mukha ko. Nawala ako sa focus kaya naman hindi ko iyon naiwasan at tumama sa mukha ko. Napatigil ako si Messiah naman ang tumawa. Sinabihan pa ako nitong mukhang husky. This jerk. 3rd Person's POV Bumulong na lang sina Cross na bagay ang dalawa at may chemistry. Parehong mga bayolente at kulang sa turnilyo. Hindi iyon ang unang naging pagkakataon na sinabotahe ng dalawa ang isa't isa sa loob ng classroom na iyon. Palala ng palala at wala sa university na iyon ang makapigil sa dalawa. Hanggang sa magkaroon ng P.E sa kamalas-malasan si Messiah at Eira ang magkapartner. "Sasabihan ba natin ang professor about sa dalawang iyan?" tanong ni Cross. Tumawa si Owen at sinabing hayaan ang dalawa. "Kapag pinipigilan ang apoy mas lalong nagliliyab. Baka kapag nangialam tayo baka tayo pa matupok," ani ni Owen na nagi-stretch. Pinalatag na ang fitness mat. Dahil lady's first nga si Eira ang unang hihiga sa mat. Hinawakan ni Messiah ang mga hita ni Eira. Nagulat si Eira dahil nagkadikit ang balat nila ni Messiah. Naka-pants siya at tinaas lang naman nito ni Messiah iyong sa ankle niya. Napangisi si Messiah. Ang mga babae hindi komportable sa physical contact. Nakahiga si Eira— napa-pokerface ang babae sa idea na hindi tatahimik si Messiah. Napatigil si Messiah matapos maramdaman ni Messiah ang isang paa ni Eira sa pagitan ng mga hita niya. Tumingin sa kaniya si Eira at ngumisi. Napa-pokerface si Messiah. Marami ng babae dumaan sa mga kamay niya. He's shameless from the core at aminado siya doon. Na-shocked si Eira matapos yakapin ni Messiah ang mga tuhod niya. Ramdam na ramdam ni Eira iyong bukol sa mga hita niya. Hindi pa sumisipol ang instructor niya. Agad na bumangon si Eira. "f**k!" Iniuntog ni Eira ang ulo niya sa ulo ni Messiah. Napabitaw si Messiah na ngayon ay hawak ang noo niya. Napatigil si Messiah matapos hablutin ni Eira ang kwelyo ng uniform niya at halikan siya sa labi. Sa harap ng maraming estudyante at instructor nila. Itinulam ni Eira si Messiah at madilim ang anyong umalis sa gymn. Naiwan si Messiah doon na tulala at hindi makagalaw. Na-offend niya si Eira— nakita niya na nagalit ito ngunit— para saan iyong kiss. "Gosh! She's my type!" "3 point for Eira Mayers," ani ni Owen matapos humagalpak ng tawa. Napa-pokerface si Messiah— ngayon alam niya na kung para saan iyon. Napangisi si Messiah. Mas nagiging interesado si Messiah kay Eira. Nakarating si Eira sa likod ng building. Pulang-pula ang mukha ni Eira at hinahabol ang hininga habang nakatayo sa harap ng gumuho na pader. Nanlilisik ang mga mata ni Eira at nanginginig ang kamao. Gustong-gusto niya basagin ang mukha ni Messiah at baliin lahat ng buto nito sa katawan. Sumusobra na ito. "Pervert!" Nagliparan ang mga ibon paalis sa gubat. Gigil na gigil si Eira. Pumikit ng madiin si Eira at pilit na kinalma ang sarili. Nagbilang siya ng nagbilang sa isip at sinubukan alalahanin kung bakit siya nandoon. Ilang taon lang— mabilis lang ang dalawang taon. Kapag nagawa ko patinuin ang tagapagmana ng mga Jimenez malaya na siya sa kasunduan na ginawa ng family ng mga Mayers at Jimenez. "Hindi ko hahayaan ikulong ang sarili ko sa kupal na iyon habang buhay. Bukod sa mukha niya wala ng maganda sa kaniya," bored na sambit ni Eira at binuksan ang mga mata. Umalis na si Eira doon at tinahak na ang daan pabalik ng building. Pag-akyat niya sa pangalawang palapag nakita niya si Messiah— sa labas ng classroom nakikipaghalikan ito sa babaeng mukhang taga-ibang klase. Nakita siya ni Messiah. Napa-pokerface si Eira at nilampasan ang dalawa. Sinundan ng tingin nina Cross si Eira na naglalakad papasok ng classroom nila. "Hindi ko talaga alam kung anong napapala ni Messiah sa pambu-bwisit sa girlfriend niya. Sakit lang naman ng katawan ang nakukuha niya. Iyong totoo? Masokista ba siya?" "Hey, Messiah. Free ka ba mamaya?" Rinig na rinig nina Cross ang usapan ng dalawa about sa overnight something sa hotel. Nakita nila si Eira na ngayon ay may hilang garbage bin. Napasapo si Cross sa noo na nakaupo sa upuan malapit sa bintana matapos makitang binuhusan nina Eira ng basura si Messiah at iyong babae. "Kyah!" Itinaklob ni Eira ang garbage bin sa ulo ng babae na nagtitili. "Oops— i thought ito na iyong trash can. Tao pala mga nandito. Umaalingasaw kasi, sorry," ani ni Eira na may ngisi sa labi. Inalis ni Messiah ang balat ng saging sa ulo niya at salubong ang kilay na tiningnan si Eira. "Ikaw— hindi mo talaga ako titigilan? Ano bang gusto mo mangyari?" tanong ni Messiah. Tumawa si Eira the creepy one. "Maging miserable din buhay mo katulad ko," sagot ni Eira na nakangisi. Parehong nabalutan ng itim na aura ang dalawa. "Pipigilan na ba natin sila ngayon? Mukhang anytime magpapatayan na silang dalawa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD