4: THE OTHER FRIEND

1518 Words
"SABI ko na nga ba at ikaw ang bisita na sinasabi ng mga katulong e," pambungad na bati ni Kate kay Mincy. Isang malapad naman na ngiti ang ginanti nito sa kaniya. "Hi! Naku, e, alam mo naman, ngayon ko lang magagawa ang mag-bake ng pastillas sa kusina niyo—sa kusina mo pala!" Napailing na lang siya. Dumiretso siya sa fridge at kumuha siya ro'n ng maiinom. Galing kasi siya sa pag-ja-jogging nang umagang 'yon. Daily exercise niya, ang kaibahan lang niya sa mga taong nagde-daily jog sa umaga ay mas matagal ang nakokonsumo niyang oras. 'Yon ay dahil hindi naman niya maaaring madaliin ang lahat ng mga ginagawa niya. And I hated myself for that. Hay, ano pa ba naman ang pinagsisintir niya, buong buhay naman niya ay gano'n na siya dahil sa kaniyang kondisyon na sakit sa puso. Sanayan na lang, ika nga. "Malapit ka na bang matapos d'yan? Sorry ah, palagi akong nagtatagal for jogging at nata-timing naman sa oras ng punta mo," aniya na lang kay Mincy, binaling niya ang tingin niya rito at sa kasalukuyan na ginagawa nito. Kung may nakaka-miss naman sa kaibigan niyang 'to, 'yon ay ang husay nito talaga sa paggawa ng mga matatamis na gano'n. Nakangiting nilingon siya nito. "Almost. Saka, ayos lang 'no, sanay na 'ko sa 'yo. Sanay na rin ako na pinaghihintay mo, sus, sino lang ba 'ko sa 'yo?" tugon nito sa nagbibirong tono. Pagak siyang natawa at umiling. May point 'to pero hindi na nila dapat na pag-usapan ang gano'n at iba naman noong kabataan nila sa ngayon na mga adult na sila. "Hmn, kumusta na 'yong naikuwento mo sa 'kin noon na lalaki nga pala? 'Yong nakabungguan mo sa mall at napagkamalan kang mandurukot?" Pagsisimula na lamang niya ng healthy convo nila. Nilapitan niya na rin 'to, nangalumbaba siya sa counter at pinagmasdan lang niya 'to. First rule sa mga gano'ng gawain is 'wag mong pakialamab ang isang tao na nasa kusina at nakaharap sa mga ginagawa nito dahil gano'n din siya 'pag nakaharap sa mga bine-bake niyang cakes and such. Buti nga si Mince ay puwedeng kausapin, siya kasi ay ayaw niya talaga ng kausap. Depende sa kausap, let me remind you, Kate, anang kung sino na nagsalit sa dulong bahagi ng utak niya. Alright, kung si Monaliza nga naman ang kausap niya ay ayos lang. In fact, bonding time nila ang pagbe-bake kahit 'yon ang isa sa mga ginagawa niyang hindi nito kayang gawin. Ah, I miss her... Bumungisngis si Mincy kaya naalala niyang naroon pala 'to. "Ayos lang 'yon Kate, hayun, dating pa rin naman ang status naming dalawa," sagot nito sa tono na kinikilig din naman. Napangiti na lang siya habang nagpupunas ng sarili niyang pawis. Gano'n naman kagaan kausap si Mincy, parang parating walang problema. Mabungisngis at palangiti. Repleksyon 'to ng isang matatawag na happy soul. Isa si Mincy sa naging kaibigan niya sa buong existence niya sa mundo bukod kay Monaliza. Kapitbahay nila 'to. Nakatira ilang bahay lamang ang pagitan sa bahay ng mga Olivarez sa subdivision na 'yon na matatagpuan sa pusod ng Metro. Ngayon na umalis na si Monaliza, nangibang-bansa at hindi nagpapigil ay natutuwa naman siya na available pa rin si Mincy sa kaniya kahit na kung tutuusin ay na-least priority niya 'to sa friendship nilang tatlo nang dumating sa buhay niya si Monaliza at naging legally adopted child na ng dad at mom niya. Hindi man sila nagtatalo na tatlo ay dama niya noon ang malaking pader na nakaharang dito at kay Monaliza. Vocal din naman 'to sa pagsasabi sa kaniya na nauunawaan nito na mas naging malapit siya sa huli. Wala raw problema 'yon. Sa trio friendship daw ay gano'n talaga, mayroon talagang maiiwan at hindi mapupuna na napag-iwanan, hindi man daw gustuhin. 'Yon nga rin ang madalas ikainis dito ni Mona, ang pagiging paawa effect daw nito, na of course, tinatawanan na lamang niya. Pareho niyang kaibigan ang dalawa, nagkataon lang na mas matimbang si Monaliza sa kaniya dahil 'yon na ang naramdaman niya rito sa simula pa lamang ng pagkakakilala nila. Soulmate. Nararamdaman daw kasi 'yon talaga. Na sa libong tao na nabubuhay sa mundo ay talagang may itinakda para sa 'yo. Hindi lang upang maging kabiyak mo, mas para pa nga maging kaibigan mo. 'Yon ang nangyari sa kanila ni Monaliza, undeniable spark—as friends, as sisters. Naniniwala sila pareho na kung nagkataon na naiba ang hulma sa kanila ay magkapatid talaga sila dapat at hindi basta mag-bestfriends lang. Ah, oo, habang narito ang kakasabi lang niya na isa pa niyang kaibigan ay nakaka-guilty bigla na si Monaliza ang nasa utak niya. Lihim na napailing na lang siya at napagpasyahan na purihin ang ginagawa ni Mincy, "Hmn, mukhang masarap ang pastillas na 'yan ah, kaysa sa huli mong ginawa for me." Paborito niya kasi ang panghimagas na 'yon kaya 'yon ang madalas na ibigay sa kaniya ng mga taong nakapaligid sa kaniya. At dapat niyang alalahanin na hindi kasama si Monaliza sa mga taong 'yon. Ayaw raw kasi nito na ang ibinibigay sa kaniya ay generic na. Isa 'yon sa madalas na pagtalunan nito at ni Mincy. Ang huli kasi ay naniniwalang walang ibang makakapagsaya sa tao kundi ang mga gusto nito, habang si Mona naman ay mas naniniwalang ang buhay ay hindi dapat umikot lang sa mga gusto ng isang tao. Dapat daw ay kinukuha natin ang gusto natin pagkatapos ay mag-explore ng bagong magugustuhan. Kaya nga siya lumisan pa rin, kahit gustong-gusto niya at secured naman siya sa mga bisig ni Marco Polo... "Mas tinamisan ko kasi talaga 'to kaysa ro'n," Minsy said. "Hmn? Baka binuhos mo na ang asukal d'yan, hala, lagot ka kay Dad. Ayaw no'n nang nawawalan ng asukal dito!" biro niya sa kaibigan. Sabay lang nilang tinawanan 'yon, of course. But her dad really don't want it. Ikaw ba naman 'tong owner ng mga sweets, gugustuhin mo ba na ang asukal pa ang maglaho sa bahay mo? "Sira! Hindi mauubusan ng asukal ang dad mo 'no. Ang dami panigurado sa pabrika niyo!" ganting-biro naman din nito sa kaniya. "Loka ka talaga." "S'yempre ay tinamisan ko 'to at alam kong hindi ka masaya ngayon." Nabura ang ngiti niya sa winika nito, "Kate, ito lang ang magiging ambag ko sa nararamdaman mong kalungkutan sa tuluyang pag-alis ni Mona." Namasa kaagad ang mga mata niya pagkaalala sa matalik na kaibigan. "S—Salamat." Bakit gano'n? Hindi man lang niya na-appreciate noon si Mincy, ang bad niya rin talaga minsan. May bad side rin talaga ang mga tao, tiyak 'yon dahil 'yon lang ang alam niyang rason kung bakit niya nagawang kalimutan ang feelings ng isa pa niyang kaibigan na 'to habang nag-e-enjoy sila ni Monaliza together. Ni wala nga siyang maalala na maling ginawa o sinabi sa kaniya nito para makalimutan niya na okay naman din na maging kaibigan niya 'to. "Aw, halika nga, let me hug you, Mincy," aniya na lang rito para maitago niya na rin ang luha na namumuo na sa nag-iinit niyang mga mata. Mincy spread her arm in an instant, natatawang pumaloob na lamang siya mga bisig nito. Mahinang tinapik niya 'to sa balikat pagkatapos. Kung alam lang nito na napakalaking tulong sa kaniya ng moral support nito sa kaniya ngayon dahil sa pag-alis ni Monaliza ay hindi lang siya nawalan ng kaibigan, higit na nawalan siya ng kapatid kahit pa ba hindi sila related by blood ng huli. "Hayst, tama na ang iyak!" Marahan na tinulak siya nito, hinarap siya at tinulungan na magpahid ng mga luha. "Hindi ka dapat umiiyak while with me dahil ang goal ko pa naman ngayong araw na 'to ay pasayahin ka, aba!" Napaigik at hagikgik na lang siya nang pabirong kalabitin siya nito sa bewang niya kung saan alam nitong malakas ang kaniyang kiliti. "Tara na nga at tapusin mo na 'yan at nang matikman na," aniya, pumiraso siya ng pastillas, binitiwan niya rin 'yon nang mapaso siya gawa nang mainit pa nga. Nagkatawanan sila. "Heto kasi!" Iniumang sa kaniya nito ang nasa isang tray na pastillas na mukhang napa-cool na nito. "Wow!" Nakapikit niya 'yong tinikman. Matamis ngang sadya. Pang-comfort sa isang pusong nasasaktan. Sabi nga nila, life is short, unahin na ang sweet foods kung sakali dahil naroon ang tamis. "So, ano nang balak mo ngayon?" untag sa kaniya ni Mincy. Sinulyapan niya 'to, she just shrugged her shoulders as an answered while eating her pastillas with gusto. Masarap 'yon, in fairness! "Huuu, don't me, Katherine Kate, kilala kita, alam kong may plano ka ngayong araw na 'to kaya spluk mo na 'yan," giit nito sa kaniya, she even rolled her eyeballs at her. Uminom muna siya ng tubig bago 'to sagutin. "Kilala mo pala e, 'di nahuhulaan mo na kung ano ang plano ko." Taas ang isang kilay na sambit niya rito. "Uh—huh, pero hindi mo naman ikamamatay ang pagiging specific." Nagtaas-baba naman. ang mga kilay nito sa kaniya. Natawa siya. Hindi rin talaga siya makakaligtas dito pagdating sa mga gano'ng usapan. Shrugging again her shoulders, she answered, "Plano kong puntahan si Marco Polo ngayon, 'sama ka?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD