47: REKINDLED FIRE

1261 Words

"DOKTORA!" Nalingunan ni Monaliza ang humahangos na si Doc Bari. Inunahan na siya nitong iyakap sa katawan niya ang binasa niyang kumot nang madaanan niya kanina ang isa sa mga k'warto ng pasyente ro'n na nakabukas ang pinto. Siguro ay nakita siya nitong pumasok sa k'warto dahil segundo lang ang pagitan sa pagdating nito at pagbasa niya ng kumot. "Doc Bari! Salamat at ligtas ka," hindi niya napigilan na masambit. "Hindi na tayo makakapasok do'n. Tayo nang bumaba, hinihila ko si Mr. Sandoval pero—" "Teka, 'wag mo 'kong ibaba! Pupunta ako ro'n!" Pinabigat niya ang sarili para maawat niya ang paghila nito sa kaniya sa nagmamadaling paraan. Marumi na ang blazer ni Doc Bari, halatang sumuong sa apoy o usok, halatang nagbukas ng fire extinguisher din ang hilatsa niyon. Halatang sumabak sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD