"HELLO! Surpriseee!" 'yon sana ang dapat na ibubulalas ni Monaliza, the moment na tumapak ang Dior niyang sapatos sa bungad ng pintuan ng bahay ng mga Olivarez na siyang naging tahanan din niya sa mahaba-haba rin na taon. Kaya lang ay kaagad na napuna ng mga taong naroon ang presensya niya, nabitin tuloy sa dulo ng dila niya ang dapat na sasabihin niya— ang dapat na masiglang pagbati niya. Nalaman niya mula sa kasambahay ng mga Olivarez na sinumpong ng sakit nito si Kate, oo nga naman, bakit siya bubulalas ng gano'n, awkward. Pero kasi rin, may pakiramdam siyang hindi rin magandang pambungad 'yon sa nabungaran niya sa sala ng bahay. Basta lang. Ngunit ang basta lang na 'yon ay kaagad na nasagot nang makita niya ang kahuli-hulihang tao na aasahan niyang makikita niya sa bahay na 'yon...