19: SURPRISE

1241 Words

NANG huling sumpungin si Kate ng sakit niya ay kakatapos lang din niyang mag-bake noon. Kasalanan din niya siguro iyon. Imbes kasi na magpahinga na siya muna, iniligo niya ang katawan, siguro ay nabigla. Sinumpong siya ng pananakip ng dibdib at alam niyang walang makakatulong sa kaniya nang mga oras na iyon kung hindi ang sarili niya lamang. Dapat nga ay sanay na siya. Pinilit niyang kumalma noon at kumuha ng hangin. Hangin—iyon naman ang palagiang alaala sa kaniya ng mga duktor. Kailangan niya ng hangin sa tuwing nasa ganoon siyang sitwasyon. Mabuti na lamang ay naaalala naman niya sa tuwina, kahit sobrang nakakapagpakaba ang atake na nangyayari sa kaniya. Naupo siya noon sa tiles na sahig ng banyo at pinakalma niya mag-isa ang sarili. Pinakalma niya habang isa lang ang nasa isip niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD