2: LIFE GOAL

2188 Words
"AW, natanggal na naman siya," reklamo ni Monaliza sa sarili nang maramdaman niyang bumuka na naman ang suwelas ng suot niya sapatos. "Mukhang hindi maganda ang nabili kong pandikit," patuloy niyang pagkausap sa sarili sa loob-loob niya habang inakay niya ang sarili sa mga upuan na naroon sa bungad na bahaging 'yon ng ospital kung saan bumuka ang suwelas ng suot niya sapatos. Nasa bag naman niya ang nabili niyang pandikit para do'n. Kukunin niya muna nang madikitan muli. Shoe glue. Tag sampung piso lang kasi kaya siguro hindi ganoon kadikit. Saka kasalanan niya rin naman na bumigay 'yon at nagmamadali siyang pumunta sa ospital. Pinagpapasalamat na rin niya at nasa loob na siya ng ospital nang matanggal ang dikit niyon dahil kung nagkataon na sa jeep siya inabutan ng ganoong sitwasyon, nakakahiya naman kung sa loob siya ng jeep magdikit ng suwelas. Natawa siya sa naisip. E, ngayon naman ay maraming nagdaraan sa harap niya pero hindi naman siya nahihiya. Nakiupo pa siya sa hagdan ng ospital para madikitan saglit ang sapatos niya. Siya pa ba? Alam naman niya na ngayon lang 'to. Sa mga susunod na araw ay marami na siyang sapatos na mabibili para sa sarili. At ito na nga ang unang hakbang, kaya nga siya nasa ospital na 'yon ngayon. Ah, naalala niya tuloy bigla ang partikular na gabi na 'yon. Kung saan unang beses na nasira ang sapatos niyang 'to. Iyon ang gabi na naging opisyal ang relasyon nila ni Marco Polo... The Don's Boys Restaurant... ANG elegante ng fine dining restaurant na 'yon. Hindi mapigilan na mamangha ni Monaliza. Sabagay, matagal na rin naman niyang naririnig ang mga reviews sa The Don's Boys Resto, kung saan naroon sila ni Kate ngayong gabi. Sa resto na 'yon daw ay nagpa- reserba si Kate talaga para sa kanila, sa pagse- celebrate nila dahil kaninang umaga ay nagtapos na sila sa kolehiyo pareho. Natutuwa si Monaliza na kahit may seryosong nararamdaman ang matalik niyang kaibigan ay nakamit nila pareho ang araw ng pagtatapos. They made it. Kaunti na lang ang dapat na ilaban ni Kate. Matagal na niya naman 'yong sinasabi sa kaibigan. Na gagawin niya ang lahat upang madugtungan pa ang buhay ni Kate. Gagawa siya ng paraan. Na alam niyang hindi basta- basta pero pagsusumikapan niya. Hindi nga alam ni Kate ang bagay na 'yon. Ang application niya sa Norway. Ang makapag- aral sa prestihiyosong school do'n ng medisina at makapag- master roon upang maging cardiologist. Nang marinig niya ang tungkol sa application na 'yon ay kaagad niyang sinubukan na mag- apply. Nakamit na niya ang mga grado na nararapat para ro'n, resulta na lang ang kaniyang hinihintay. Malapit naman na... kaunti na lang. Yes, claim na niya. Dahil hindi naman siya hihinto sa pagtupad ng pangarap niyang 'yon at 'yon lang ang madaling paraan upang makatulong siya sa matalik na kaibigan. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya ni Kate. Kinupkop siya ng mga ito at nararapat lang niyang kapitan ang tulong na nagawa ng mga Olivarez sa kaniya patungo sa pagkamit ng kaniyang pangarap. "An-- Ang sosyal naman dito," hindi mapigilan na sambit ni Monaliza sa matalik na kaibigan. Humagikgik naman si Kate. "Sira, naka- formal naman tayo. Bagay tayo sa lugar na 'to, ano ka ba!" Pareho silang naka- dress at naka- doll shoes. Formal nga dahil hindi sanay si Monaliza sa ganoon na kasuotan. Sa tuwing may lakad siya ay pantalon na maong at shirt lang ang palaging suot niya. Ngayon niya nakuha ang sagot sa tanong niya sa isipan kanina kung bakit kailangan niyang mag- dress at mag- ayos, ayon na rin sa utos ni Kate. Napangiwi si Monaliza nang pampaantok na musika ang bumungad sa kanila pagkaupong- pagkaupo nila sa table na naka- reserba sa kanila ni Kate. Klaro na sa kaniya na ang lugar na 'to ay tulad sa mga napapanood niya sa pelikula at nababasa na setting sa mga nobela. "Feeling ko, hindi lilipas ang sampung minuto ay aantukin ako," hindi niya napigilan na reklamo kay Kate. "Ang KJ!" "Sanay naman ako na sa bahay lang nagse- celebrate. Ang layo pa nito sa bahay, ano ba ang nakain mo at dito mo pa 'ko dinala?" Totoong malayo. Tagaytay ba naman! Nagulat na lang din si Monaliza na Tagaytay pala ang punta nila kanina. "Sshhh, Mona, iba ang gabing 'to, believe me." Kate wink at her. Monaliza raised her one eyebrow to her friend. "Ano 'yan, ha?" "Secret!" "Hmp, bahala ka. Ikaw ang umorder at wala naman akong kaalam- alam sa ganito." "E, kasi naman Monaliza, wala kang ginawa sa bahay kung hindi mag- aral. Mas pinili mo pa na samahan akong magmukmok sa bahay. Kaya heto, ako na ang nagdala sa'yo rito." Totoo 'yon. Wala naman kasing makakasama si Kate sa bahay kung hindi mga katulong lang kung sasama si Monaliza sa mga gatherings na pinupuntahan ng mga Olivarez. Hindi naman niya mapapayagan 'yon. Mahirap na mapag- isa si Kate dahil sa sakit niya. Nang halos matapos na sila ni Kate sa pagkain na inorder ng huli para sa kanila, saka lang niya naintindihan ang sinabi ni Kate na iba ang gabing 'to sa lahat ng gabing nagdaan na magkasama sila ng matalik na kaibigan. Dahil the moment na ipunas niya ang table napkin sa bibig niya, siyang dilim ng paligid sa resto at tanging kapirasong ilaw lang ang nakasindi sa maliit na stage at nakatapat 'yon sa isang lalaking kilalang- kilala na ni Monaliza kahit may kadiliman ang paligid. Ang upong 'yon at tindig, ang may kasingkitan at nangungusap na mga mata, ang malalim na dimple na kahit sa may kalayuan nakaupo si Monaliza ay pamilyar na pamilyar naman sa kaniya. Kilala niya ito. Kilala niya ang ngayon ay kumakanta sa harap nila at pinanonood ngayon ng hindi karamihan na kumakain sa fine dining restaurant na 'yon... "Th-- That's MP!" Hindi napigilang bulalas ni Monaliza nang makita niya si Marco Polo sa stage ng resto na kumakanta. Napatingin din siya kay Kate na may malawak ang ngiti ngayon sa kaniya. Obviously ay alam ni Kate ang nilutong pakulong ito ni Marco Polo! "You--" Hindi na nakuhang sisihin nang pabiro ni Monaliza ang matalak na kaibigan ng tawagin siya ni Marco Polo sa stage at pabirong tinulak siya ni Kate na daluhan si Marco Polo ro'n. "Go, Mona!" "Hindi ba-- nakakahiya?" "No, ano ka ba?" Nahihiya man ay tinanggap na rin ni Monaliza ang nakaumang na palad ni Marco Polo. Inabutan siya nito ng bulaklak. Boquet of mixed red and white roses. They say, these mixed roses are perfect for the new person in your life that you're excited to get to know better, right? "WOW, so, girlfriend na nga kita?" "Marco Polo," nahihiya niyang saway rito. Sila lang naman ang tao sa loob ng kotse nito pero... basta, nakakahiya pa rin! Nasapo pa nga ni Monaliza ang nag- init na pisngi. Marco Polo burst out a laugh. "I just... gusto ko lang na ulit- ulitin bago tayo magkahiwalay ngayong gabi." Inihatid na kasi siya ni Marco Polo at umuwi at hindi na siya sumabay sa driver ng mga Olivarez na si Mang Caloy. Sinagot na kasi niya si Marco Polo. Official nang sila na ngayong gabi. Nang dumukwang si Marco Polo para alisin ang seatbelt niya ay hindi na napigilan ni Monaliza ang sarili at hinalikan niya si Marco Polo sa pisngi. Mabilis lang na kiss pero dama pa rin niya ang pag- iinit ng pisngi at ng magkabila niyang tenga. Gah, matagal na silang nagkaka- holding hands ni Marco Polo at ngayon naman na opisyal na ang kanilang relasyon ay baka hindi naman na masama na magnakaw ng kiss. Sa pisngi lang naman. Nang tignan siya ni Marco Polo at nginitian, sinabayan na 'yon ni Monaliza ng paglabas sa kotse. Well, nahihiya siya kasi siya. Kaya lang ay panira ang sapatos niya. Bumuka ang suwelas. Hindi niya natakasan si Marco Polo tuloy. "Mona." "Huwag mo 'kong kaawaan, uy!" Biro niya kaagad sa boyfriend. Marco Polo chuckled. "No. Yes. I mean, okay ka lang ba? Hindi ka ba natapilok?" "Medyo lang." "Me--Medyo?" Kunot- noo na tanong ni Marco Polo sa kaniya. Nang tumango si Monaliza ay hindi na niya kailangan na magsalita at binuhat na siya ni Marco Polo. Naihilig na lang ni Monaliza ang ulo niya sa dibdib ng nobyo at hinayaan niya ang sarili na mahalina sa bango ni Marco Polo habang nakapulupot ang mga braso niya sa leeg nito. "Mona?" "Hmn?" "Gusto kong ngayon lang ito." "Mmmm..." Nakapikit na tugon ni Monaliza. "Kaya naman kitang regaluhan ng shoes." "Yes, Sir. But not now." Monaliza heard him chuckled once again. "Okay, 'pag CCEO na 'ko ng company ni Don Marco Sandoval, puwede na ba kitang bilhan ng sapatos? Kahit ilang pares?" "Yes, Sir." Sir ang nakagawian niyang itawag kay Marco Polo simula nang malaman niya kung ga'no kayaman ang pamilyang kinabibilangan nito. Marco Polo pinched her nose. "Goodnight, Girlfriend." "Sus, sige, goodnight din, Sir Boyfriend!" Tatalikod na sana si Monaliza nang tumalungko si Marco Polo at kinuha ang isang pares ng sapatos na suot niya. 'Yong nasira. "Hmn, not that bad. Puwede mo pa 'tong dikitan." "Sheeesh..." Embarrased, kiniskis ni Monaliza ang sariling pisngi sa pagkakataon na 'yon. Halakhak ang tugon ni Marco Polo. Halakhak at mabilis na smack sa lips niya na mas lalong nagpa- init sa buong sistema na yata ni Monaliza. "Crazy!" "For you!" "Sira talaga! Ingat!" "Yep, I will. For you. 'Love you." Nag- flying kiss pa si Marco Polo at kumaway bago tuluyang sumakay sa kotse niya. She heaved a sigh. Wala na si Marco Polo sa paningin pero nanatili pa rin siya na nakatayo sa pinto at ninanamnam sa isipan niya ang mga naganap ngayong gabi. "I love you too, MP..." "MS. NAQUI?" Ang tinig na 'yon ng doktor sa ospital na rin na 'yon ang pumutol sa naglakbay na pala na isipan niya. "Ahm--- yes, doc, ako nga po." Isang malawak na ngiti ang binigay ng doktor sa kaniya at pakikipagkamay bago ito nagpakilala at inakay siya sa kuwarto na alam ni Monaliza kung ano ang daratnan niya sa loob. "Congratulations, Ms. Naqui..." Er... NANGINGINIG ang mga palad ni Monaliza sa nerbyos. Halo- halo na yata ang emosyon na nasa sistema niya sa mga oras na 'to kaya ganoon. Ah, sino ba ang niloko niya, saya at lungkot lang naman ang nangingibabaw sa kaniya ngayon kaya nag- rambulan na yata at nauwi na 'yon sa kaba. "Ang tagal naman yata ni Marco Polo dumating..." Tinext na niya kanina ang boyfriend na magkita sila sa field ng ospital kung saan siya naroon. Agad naman itong sumang- ayon kahit sinabi niya na pagdating na lang nito niya sasabihin ang rason kung bakit siya nasa pribadong ospital na 'yon. Nilibot ni Monaliza ang paningin sa paligid. Nagkaka- ingay kasi ang mga taong naroon. Nasa malawak na field siya ng UST na kasalukuyang napapalibutan ng nagkakagulong estudyante na naglalaro ro'n ngayon. Ilang buwan din siyang nagpabalik- balik sa ospital na 'yon until this day came. Ito na ang katapusan ng pagpapabalik- balik niya sa UST. Ito na ang katapusan ng... "Hon?" "MP!" Kaagad niyang sinugod ng yakap ang boyfriend. Niyakap niya si Marco Polo ng mahigpit at ipinulupot niya ang mga binti niya sa binti nito. Yep, nagpakarga siya sa boyfriend niya. Natatawang hinaplos ni Marco Polo ang likod niya. "Hey, umiiyak ka ba?" Patlang. And what she really love to Marco Polo the most is he's not selfish. Patunay ang nangyayari sa pagitan nila ngayon. Hinayaan lang siya nito hanggang sa si Monaliza na rin ang kusang kumalas sa yakap niya at paglambitin sa boyfriend. "What's up?" Simpleng tanong ni Marco Polo. Simpleng tanong pero hindi siya magiging girlfriend ni Marco Polo kung hindi niya alam kung ano- ano pang emosyon ang kaakibat ng tanong nito na 'yon. Pangamba. Kapwa sila mayroon no'n ngayon. Inabot niya ang papel na hawak niya kanina pa kay Marco Polo. The latter simply read it. "I-- I'm leaving," nahihirapan na sabi ni Monaliza. "Y--Yeah, 'looks like-- congrats, Hon!" Kinabig siya ni Marco Polo at hinalikan sa bumbunan. "Mag- iingat ka palagi ro'n at email ka, chat, call. Akala ko naman kung ano na ang iniiyak mo. This is not the end of us, right?" Validation. 'Yon ang nahi- hint ni Monaliza sa tinig ng boyfriend niya. Validation na walang magbabago sa kanila. Na magpapatuloy sila kahit nasa malayo siya. Pero malayo 'yon sa plano niya. Dahil hindi niya kayang iwan si Marco Polo, alam niya sa sarili niya. Pero kailangan. At para magawa niya ang matagal na niyang gusto ay lalabanan niya ang nararamdaman. It's their relationship against her goal, you can fvcking say that. "Ayaw kitang iwan-- ayaw kong may maiwan na commitment." Ah, kung may iwawasak pa ang puso ni Monaliza sa mga oras na 'yon ay ewan na lang niya. Dahil habang binabanggit niya ang mga salitang 'yon ay tila na winawasak niya hindi lang ang puso niya, maging ang buong pagkatao niya. "He--Hey..." "Seryoso ako, pero babalik ako, Hon. 'Yon ang sigurado 'ko. Babalik ako at babawi sa'yo. Kukunin kong muli ang puso mo sa pagbabalik ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD