1: KANILANG SIMULA

1930 Words
"WAKE up, Mona, dali!" "Ungh... ano ba, Kate!" Naiinis na nagtalukbong muli ng kumot ang trese anyos na si Monaliza. Inaantok pa siya. Istorbo si Kate sa tulog. 'Pag ito naman ang natutulog ay hinahayaan niya lang. Argh, hustisya! Ah, basta, kung ano man ang kailangan ni Kate ay bahala ito. Hindi siya babangon para lang sa kapritso na naman ni Katherine Kate! "Sure ka ba talaga na ayaw mong tumayo at gumising, Monaliza Naqui?" Kahit hindi magmulat ng mga mata si Monaliza ay alam niyang nakapamaywang na sa harap niya si Kate sa mga sandaling 'yon. Ganoon niya 'to kakilala. Hindi sila magiging matalik na magkaibigan kung hindi niya 'to kilala, right? At alam niya rin na hindi naman 'to aalis do'n hangga't hindi niya pinapansin. Kaya napilitan tuloy siya na buksan ang isang mata. "Ano ba 'yon kasi?" Inaantok at nagmamaktol na tanong niya kay Kate. Katunayan ang malaking pagnga- nga niya para maghikab at ang kunot na kunot niyang noo na sadyang pinapakita niya rito. "Naku, bahala ka! Ikaw rin. Kailan nga ba nang huli mong makita ang crush mo?" Umarte si Kate na nagbibilang at nag-iisip. "Crush ko?!" Balikwas ng bangon si Monaliza. "Oo! Sino pa ba? E, 'di 'yong crush mo na si Marco Polo Sandoval! Nasa ibaba sila kasama ng lolo niya. Dumalaw sila kay Lolo ngayon. Kaya nga kita--" Iiling- iling na napahagikgik ang labing dalawang taong gulang na si Kate nang walang sabi- sabing kumaripas na si Monaliza papunta sa banyo, hindi pa man siya tapos na magsalita. "Wait mo 'ko ah, saglit lang 'to!" Sigaw pa ni Monaliza sa kaniya mula sa banyo. "Oo, bilis! Dito lang ako, wait kita!" Humahagikgik pa na tugon ni Kate kay Monaliza. Natutuwa siya kay Monaliza at pagdating talaga kay Marco Polo ay ang bilis nito. Sa katunayan ay napakiusap na nila sa lolo nila na sa nalalapit na pasukan, sa school kung saan nag- aaral si Marco Polo sila mag- e- enroll din ni Monaliza. Kahit malayo ang school na 'yon sa kanila. Well, charming at g'wapo naman kasi ang Sandoval na apo na 'yon ni Don Marco Sandoval. At mabait pa! Kaya hindi na rin nagtataka si Kate kung magka- crush si Monaliza kay Marco Polo. Hindi rin makakalimutan ni Kate ang araw na nakilala nila si Marco Polo at ang araw na umamin si Monaliza na crush niya 'to. 'Yon kasi ang araw na lubusan nilang naunawaan ni Monaliza ang salitang crush at ang definition niyon. Sampung taon lang si Monaliza at siya ay siyam na taon lang nang una nilang ma- meet si Marco Polo. Birthday noon ng lolo nilamg na si Don Manuel Olivarez. Dumalo sa kasiyahan si Don Marco Sandoval Sr. kasama ang paborito raw nitong apo na si Marco Polo. Nang mga panahon na 'yon ay umiiyak si Monaliza sa isang tabi dahil nasira ang suot niyang gown. Habang si Kate ay naroon lang din at nakikiiyak sa matalik na kaibigan. Busy ang mga oldies no'n kaya wala silang magawa na dalawa kung hindi ang umiyak lang sa isang tabi. Ngayon nga na naiisip nila ni Monaliza 'yon pareho ay na- realize nilang para pala silang siraulo nang mga panahon na 'yon. Sabay na lang nila na tinatawanan 'yon ngayon naman. Parte ng pagiging bata nila kasi 'yon. Funny memories. Na no'ng dumating si Marco Polo ay naging sweet memories na para sa kanila. Paanong hindi? Nagmistula itong prince charming noon na to the rescue sa kanila ni Monaliza. Nilapitan sila noon ni Marco Polo at binigyan sila ng tissue, pamunas daw ng luha. Si Marco Polo na rin ang nagsabi sa mga oldies ng problema nila habang inakay niya si Monaliza papunta sa mommy at daddy nila. Buong gabi nilang kasama si Marco Polo no'n. Nakipaglaro sa kanila, nakipagkulitan, nakipag- asaran. Nakipag- kuwentuhan at nakikulit sa kanilang dalawa. Nang kumain na sila at inalis ni Marco Polo ang mismis sa labi ni Monaliza noon, nakita ni Kate kung paanong natigilan si Monaliza at nahiya. Batang puso na ang nagsabi na hinahanggan nito si Marco Polo. Hinangaan ni Monaliza ang pagiging mabait ni Marco Polo. Ang effort nito na pasayahin sila that night at piliing samahan sila buong gabi kahit marami-rami naman sa mga bisita ng oldies no'n na may kasamang apo at anak na lalaki na kaedaran niya. "AMIGO, oo nga at hindi ako nagbibiro. Nagpaalam sa akin ang mga apo ko na kung saan nag- aaral itong apo mo na si Marco Polo ay roon din sila mag-e-enroll." "At hindi ka naman nakatanggi, Amigo?" Biro ni Don Marco sa kausap. Habang naroon lang si Marco Polo sa tabi ng abuelo at pinakikinggan ang dalawang matanda na nagsipaghanda na ng alak at iniinom na 'yon. Kaya siguradong maiinip na naman siya sa kakahintay sa lolo niya na matapos sa bahay ng mga Olivarez. Naririnig niya ang pinag- uusapan ng mga 'to na malabo naman na hindi. Natutuwa siya sa narinig sa totoo lang. Nakakatuwa naman kasi ang magkaibigan na Monaliza at Kate. Sa minsanan na punta nila ng lolo niya sa mga Olivarez noong maliliit pa sila ay nakakalaro niya ang mga 'to. "Paano pa ba naman ako na makakatanggi, mga babae ang aking mga apo. Naisip ko na lalake ang sa'yo, siya na ang bahala sa'king mga apo 'pag magkakasama na sila sa iisang escuela. Hindi ba Marco Polo?" Tango at ngiti lang ang naisagot ng binatilyong si Marco Polo. Nagtawanan ang dalawang don habang siya ay naman ay tahimik lang na nakaupo ro'n at hinihintay niya na lumabas mula sa pinagtataguan ng mga ito sina Kate at Monaliza. Akala yata ng mga ito ay hindi niya napuna na nakasilip sila sa taas. Nagtutulakan, nagbubulungan, naghahagikgikan at nagkakantyawan ang dalawa mula sa peripheral vision niya. MAINGAT na sinampa ni Marco Polo ang kaniyang mga binti sa sementong bakod na nasa likod na bahagi ng kanilang school. Ginagawa niya 'to ngayon dahil ang unfair lang at ang fourth year high school na tulad niya'y hindi makalabas sa school sa gano'ng oras. Samantalang ang third year high school na sina Kate at Monaliza, kahit hindi pa oras ng uwian nila ay dire-diretso lang na nakalabas kanina sa gate. Nagmamadali na rin siya na akyatin ang bakod at baka makita siya ng mga bodyguards niya na pinakain niya muna sa cafeteria sandali at oras naman ng merienda na. At s'yempre baka makita rin siya ng pinsan niyang si Alejandro. Sumbungero pa naman ang huli. Ginagawa niya lang naman ang bagay na 'to dahil sa dalawang makukulit na babae na sina Kate at Monaliza. Inaya siya ng mga ito na kumain ng fishball at kwek- kwek sa labas ng school. Yep, para 'to sa street foods. Isa pa sa mga pagkain na nakahiligan niya nang palihim. Okay, aaminin niya rin na gusto niyang nakakasama ang dalawang makulit na babae na talagang sinundan nga siya sa kung saan siya nag- aaral. Masaya naman kasi silang kasama. Ang dalawang babae na lumaking parang magkapatid kaya naging malapit na magkaibigan. Makukulit ang mga ito at madadaldal. Naikuwento na sa kaniya ng mga ito na inampon pala ng mga Olivarez si Monaliza noong ito ay limang taong gulang pa lang. Sa kagustuhan daw kasi ni Kate na magkaroon ng kapatid na hindi na kayang ibigay rito ng mga magulang dahil pinagbuntis si Kate sa labas ng matris, pinapili na lang ng mag- asawang Olivarez si Kate ng magiging kapatid sa ampunan na tinutulungan ng pamilya nila. Si Monaliza nga ang kaniyang napili. And the rest, as they say is history. "Hoy, MP! Ano'ng ginagawa mo riyan ha?!" Shit, ang sumbungera rin niyang pinsan na si Elice! "OMG! Magka- cutting classes ka??" Mariin na naipikit ni Marco Polo ang mga mata. Saka niya nauubusan ng pasensya na hinarap ang herederang pinsan. "Look, huwag kang maingay, okay..." "No! Bad 'yang ginagawa mo--" "Eli, hindi ako magka- cut ng class. Bibili lang ako ng fish balls sa labas." "Okay." Wow, ang dali naman yatang kausap ni Elice ngayon? "Gotta go," paalam niya sa pinsan. Ngunit sa gulat niya ay biglang pumasan ito sa likod niya! "Eli--" "Sasama ako. Bilis na, careful ha? Baka masugatan tayo." Walang nagawa na inikutan na lang niya ng mga mata si Mary Chelice Sandoval habang prente na itong nakapasan sa kaniya. Ang pinsan niyang 'to talaga, oo. Well, sabi nga ni Alejandro ay malayo ang katangian nito sa taglay na pangalan. At buong sistema ni Marco Polo ang sumasang- ayon sa sinabing 'yon ni Alejandro. Ah, maalala niya, nagbanggit nga pala siya ng fishballs. Baka kaya biglang sumama si Elice sa kaniya. May usapin kasi sa loob ng school na may unawaan ang pinsan niya sa tindero ng fishballs sa tapat ng school. Not that he cared. Naalala lang niya. Ang usaping puso ay komplikado na at mas magiging mas komplikado pa 'yong kung daragdag ang mga taong nakapaligid sa tulad ni Elice na heredera at unica hija sa magkabilang partido. Besides, mabait naman si Alas. Suki niya sina Kate at Monaliza kaya niya nakilala. "ANG tagal mo naman!" Kaagad siyang inabutan ni Monaliza ng cup with fishballs. "Si Eli kasi e, sumama." Hayun na nga ang kakabanggit lang niya na pinsan, kausap na ng tindero ng fishballs. "Punasan natin ang pawis mo." "Thanks," nahihiyang sabi ni Marco Polo kay Monaliza habang dinadampian na siya nito ng panyo sa mukha niyang pawisan. Ang bigat kasi ni Elice! "Mas pawis ka ata ngayon?" "Pumasan nga si Elice sa'kin kasi," reklamo ni Marco Polo. Kaya mas lalo siyang nahihiya kay Monaliza talaga. "Pumasan siya? Habang pasampa ka sa sementong bakod?" Natatawang tanong ni Monaliza sa kaniya. Marco Polo just nodded. Napakamot siya sa sariling batok. Shy pa rin siya. Tho, alam naman niyang mabango pa rin siya kahit pawisan, nakakahiya pa rin at knowing Monaliza, hindi siya titigilan nito sa pagpupunas hangga't may nakikita 'tong pawis sa kaniya. Ganoon ito kahit kay Kate. Maalaga siyang talaga. Natural na niyang gesture 'yon. 'Yong tipong automatically ay aalagaan ka niya without hesitations 'pag may nararamdaman kang may masakit sa'yo. "Wait lang." Inawat niya sa pulsuhan si Monaliza. "Nakakahiya sa'yo e." Hindi na hinayaan ni Marco Polo na makapagsalita ng protesta si Monaliza. Dahil sigurado rin naman siya na hindi 'to papaawat, hinawakan niya na nang tuluyan ang mga palad ni Monaliza para sigurado. Malawak na napangiti si Marco Polo nang makita niya kung paanong mamula ang mga pisngi ni Monaliza na nasisiguro niyang kung ang estilo lang ng buhok nito ay nakalabas ang mga tainga, maging 'yon ay namumula na. Ngayon lang niya kasi hinawakan si Monaliza sa mga palad nito. Kiniskis ni Monaliza gamit ang malaya niyang palad ang kaniyang pisngi habang nakatingin siya kay Marco Polo. "Sheeesh, feeling ko, ahm, er, I'm... burning...?" Ang malawak na ngiti ni Marco Polo kanina ay naging halakhak na nang dahil sa sinabi ni Monaliza. "Uy! Magka- holding hands sila!" Tukso sa kanila ni Kate. Kakalapit lang nito sa kanilang dalawa. "Sana all!" Dinig niyang panunukso rin ni Alas. Napangiti lang si Marco Polo nang maghagikgikan sina Monaliza at Kate. At nang muling mag- angat ng tingin sa kaniya si Monaliza ay pabiro lang niyang mas hinigpitan ang pagkaka- entwined ng kanilang mga palad at kinindatan niya si Monaliza. That's it. He knew, this thing is obviously called mutual feelings. Ah, but for Marco Polo Sandoval, hindi na kailangan ng kahit anong salita, alam niyang alam na ni Monaliza ang ibig sabihin niyon. At alam niya rin na lahat ng makakakita at nakakasaksi sa kanila ngayon ni Monaliza ay mahuhulaan na nagkakaunawaan na ang kanilang mga batang puso...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD