By Michael Juha
----------------------
Isang gabi, umuwi si Ezie sa apartment na sobrang lasing. Nag-attend kasi siya ng birthday ng boss niya. Bagamat nagpaalam naman sa akin ngunit ang sabi ay uuwi kaagad. Kaso napilitan siyang uminom dahil nahihiya sa kanyang boss. Hinatid naman siya sa apartment ng kanyang mga ka officemates.
Gaya nang unang beses na nalasing siya, pinunasan ko uli ang buong katawan niya. Ramdam ko pa rin ang pagnanasa, at mas tumindi pa ito dahil nga sa sobrang ka-sweetan niya at sa nakita kong tumigas na pagkalalaki niya. Kaya ko namang kontrolin ang aking sarili. Kagaya ng nauna kong pagpunas sa kanya, nalampasan ko ang tukso hanggang sa matapos ko siyang punasan.
Ngunit sa hindi ko inaasahan, nang tatayo na sana ako upang bumalik sa aking kama, bigla akong hinawakan sa kamay ni Ezie at puwersahang hinila niya ako pabalik sa kanyang kama. Na out of balance ako at bumagsak sa ibabaw ng katawan niya. Doon na niya ako niyakap ng mahigpit at siniil ng halik. Hindi ako nakagalaw sa sobrang pagkagulat. Noong una ay hinayaan ko lang siya. Ngunit habang patuloy niya akong sinisiil ng halik, hindi ko na nakayanan ang tawag ng laman. Bumigay na rin ako at sinuklian ang kanyang mga halik. Mapusok ang palitan amin ng mga halik. Niromansa ko siya. Sinipsip ang kanyang utong, ang kanyang tainga, ang kanyang ilong, ang kanyang bibig, ang kanyang leeg, pati na ang kanyang tiyan, ang kanyang pusod, at ang kanyang maselang bahagi ng katawan. Pinaliguan ko siya ng halik. Walang bahagi ng kanyang katawan ang hindi ko pinalampas. Nilaro-laro ko sa aking bibig at isinubo ang kanyang pagkalalaki. Walang humpay ang kanyang pag-ungol. Hanggang sa pinadapa niya ako sa kama at pinasok niya ako sa aking likuran.
Sa gabing iyon ay nangyari ang bagay na iyon sa amin ni Ezie.
Hindi ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isip. Kung alam ba ni Ezie ang kanyang ginawa, kung sinadya ba niya iyon sa akin, o ang buong akala niya ay ang girlfriend niya ang kanyang katalik. Nabalot ng takot at hiya ang aking isip. May lungkot din akong nadarama na baka sa paggising niya sa umaga ay mag-iba na ang tingin niya sa akin dahil nadiskubre niya na bakla pala ako. Halos hindi ako makatulog sa kaiisip sa nangyari. Pabalingbaling na lang ako sa higaan.
Alas 7:00 ng umaga nang magising ako. Dali-dali akong nagluto ng agahan. Kahit sa paghanda ko sa aming makakain ay naroon pa rin ang kaba at takot na baka iyon na ang huli kong pagtira sa apartment ni Ezie.
Nang matapos na ako sa pagluluto, muli akong nahiga sa sofa. Hindi na ako bumalik sa kuwarto niya, sa takot na baka sigawan niya ako, pagagalitan o hindi na kausapin. Habang nahiga ako sa sofa ay tuliro ang aking utak, tila nasa ikapitong alapaap pa rin ako dahil sa nangyari sa amin.
Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kanyang kuwarto. Bigla akong napabalikwas at naupo sa sofa, pinakiramdaman ang yabag niya. Tapos ay palihim uli akong humiga sa sofa, nagkunyaring tulog.
“Hi Jim, good morning! Nakapagluto ka na?” ang narinig kong sambit niya. At tila wala lang nangyari. Kagaya ng bawat gising niya, ramdam kong walang ipinagbago. Masaya pa rin siya. Mistulang gumaan ang aking pakiramdam.
Nagkunyari akong galing pa sa pagtulog at nagising sa kanyang tanong. “Oo...” ang sagot ko sabay balikwas. “Sige ihanda ko na.” ang dugtong ko.
Nakita kong naupo siya sa hapag-kainan habang nagsandok ako ng kanin mula sa rice cooker. Bagamat parang wala siyang naalala sa nangyari, hindi pa rin maalis sa aking isip ang takot. Ni sa pagsandok ng pagkain ay halata ang aking panginginig.
“Pasensya na talaga kagabi. Halos wala akong maalala. Paano pala ako nakabalik dito sa apartment?” ang sambit niya nang kasalukuyang kumakain na kami.
“Hinatid ka ng mga kasama mo sa work. Nagtaxi sila.” Ang sagot kong nakangiti.
“Ganoon ba? Nakakahiya! Hindi naman ako sumuka?”
“Sumuka siguro doon pa lang sa party ninyo. Basa ang damit mo eh.”
Napangiti siya ng hilaw. Napailing. “Sobrang nakakahiya na talaga! At pati ikaw ay naabala ko pa.”
“Okay lang iyon...”
“Salamat pala sa pagpunas mo sa akin kagabi ha?”
Doon na naman ako biglang nagulat. “Alam mo iyong ginagawa ko sa iyo?”
“Oo. Kasi pagkagising ko ay nakahubad na ako at bago na ang boxers short ko. Pinalitan mo, di ba? Salamat...” ang sambit niya uli.
“Ah...” ang sagot ko.
Isang araw habang nag-mall kami, dinala niya ako sa isang stall kung saan ay may mga tindang iyong tinitrintas na pulseras. Pumili siya ng dalawa, iyong couple. Ang nakasulat sa parehong pulseras ay “I’m yours”.
Nang binasa ko ito, napatingin ako sa kanya na pinagmasdan din pala ang aking reaksyaon. Biglang pumutok ang tawanan naming dalawa. “Bakit ‘I’m Yours’?”
“E walang iba eh. Gusto mo iyong ‘I’m your hubby’ at ‘I’m your wife’?”
Natawa na lang ako. “Sige na nga…” ang sambit ko.
Nang nabayaran na niya iyon, pareho naming isinuot sa aming pupulsuhan.
“Mula ngayon, ‘Mate’ na ang tawagan natin.” Ang sabi niya.
“Mate? Bakit mate?” ang tanong ko.
“Roommate. Alangan namang ‘Room’ ang tawawan natin. ‘Hoy kwarto! Halika nga rito?” ang biro niya.
“S-sige. M-mate.” Ang sabi ko na ewan, sa loob-loob ko ay may naramdamang kilig. “Thank you.” Ang dugtong ko.
“Anong thank you ka d’yan. Bayaran mo iyan, mate ah!” ang biro din niya.
Sa totoo lang, lalo pa akong nalito sa mga inasta ni Ezie. Parang gusto ko na tuloy mag-assume na love din niya ako. Atsaka iyong may nangyari sa amin, feeling ko ay alam niya ang lahat, ayaw lang niyang aminin. Pero ang pinakamalaking katanungan talaga sa isip ko ay bakit ganyan na siya ka-sweet sa akin? Mahal din kaya niya ako? Aaminin ko naman na masaya ako bagamat ayaw ko rin dahil ayoko na talaga. Alam ko na kasi ang kahahantungan ng lahat.
Nang nakauwi na kami ng apartment, hinugot niya mula sa drawer ang inilagay niyang remembrance namin ni Joseph. “Gusto mo pa ba siya? O susunugin na natin?” ang sambit niya habang iniangat iyon sa harapan ko at nakatingin siya sa akin, nakangiti na parang may halong pang-aasar.
Nang hindi ako nakasagot kaagad, “Uy… mahal pa rin niya. Di pa nakamove on.” Ang pang-aasar niya.
Kaya ang naisagot ko ay, “Anong hindi pa naka-move on? Sunugin mo na nga siya!” ang sagot kong syempre, may kahit papanong bagay pa ring nag hold back sa akin para gawin iyon.
Dali-dali siyang kumuha ng frying pan at inilagay iyon doon. Binuhusan ng gas atsaka gamit ang lighter niya ay sinindihan. Sumiklab ang key chain at unti-unting nalusaw. Syempre, may sakit pa rin akong naramdaman. Iyong mga masasayang alaala, iyong mga mumunting awayan, iyong pagka-sweet ni ex, at iyong huli naming pag-uusap na puno ng sisihan at sumbatan.
“Uy… iiyak na yan.” Ang pang-aasar ni Ezie sa akin nang mapansing hindi ako kumibo at seryoso ang mukha na nakatingin sa natutunaw na key chain.
“Wag ka ngang maingay d’yan, di ako maka-emote! Letche!” ang sambit ko.
“Owww… kawawa naman. Lika ka, hug na lang kita.” Ang sagot naman niya habang inunat ang kanyang mga braso pahiwatig na handa niya akong yakapin.
Niyakap ko siya. Nagyakapan kami. Doon na pumatak ang mga luha ko. “S-salamat…” ang bulong ko sa kanya.
“Saan?”
“Heto, tinulungan mo akong makapagmove on.”
“Wala iyon…”
“Ang bait mo.”
“Ngayon lang ito. Mamaya-maya lang ay salbahe na uli ako. Kaya i-enjoy mo na habang naka mabait mode pa ang utak ko. Baka biglang mag-take over na ang pakasalbahe ko, mabugbog na kita.”
Tawanan. Para akong gago na umiiyak tapos tumatawa.
Ganyan na ang level ng aming pagiging magkaibigan ni Ezie.
(Itutuloy)