Selos Pa More!

1611 Words
By: Michael Juha email: getmybox@hotmail.com ----- Isang hapon habang nasa lawn ako ng apartment, nagmunimuni, nakipagkuwentuhang muli sa akin si Arjay. Gusto ko sanang paalisin siya o kaya ay papasok na lang ako sa kuwarto sa takot na baka mahuli muli kami ni Ezie. Ngunit hindi ko magawa kasi mabait naman na bata si Arjay, baka ano ang iisipin niya sa akin. At naabutan talaga kami ni Ezie. Ngunit sa pagkakataon na iyon, imbes na dideretso siya sa loob ng apartment at doon ako pagagalitan, umupo siya sa tabi namin. Bigla kaming natahimik. Pati si Arjay ay nakatingin na lang sa kanya. “Pare… gusto ko lang malaman mo na boyfriend ako nitro,” ang biglang pagsingit ni Ezie, sabay akbay sa akin. Kitang kita ko sa mga mata ni Arjay ang pagkagulat. Ako man ay nagulat din at nagkatinginan kami. “T-talaga po?” ang sagot ni Arjay. “C-congratulations po sa inyo!” “Para saan ang congratulations?” ang tanong ni Ezie. “Sa inyong dalawa po. Maswerte po kayo kay Kuya Jim dahil mabait po siya, masipag, at… bagay na bagay po kayo. Pareho kayong guwapo.” “Salamat. Kaya ngayong alam mo na, gusto kong friend na lang kayo, okay ba?” “O-opo Kuya Ezie. F-friend lang naman talaga kami ni Kuya Jim, eh.” “Mabuti naman at nagkaintindihan tayo.” Halos hindi ako makapaniwala sa mga binitiwang salita ni Ezie para kay Arjay. Parang gusto kong magalit na kinilig na di ko maintindihan. Nang nasa loob na kami ng apartment niya habang naghain ako ng pagkain at nakaupo siya sa hapag-kainan doon ko na siya kinausap. “Grabe ka naman sa bata.” Ang sambit ko. “Bakit grabe? Maganda na iyong klaro.” “Klaro? E, di naman totoo iyong sinabi mo na mag-boyfriend tayo, eh?” ang sambit ko habang umupo na rin sa hapag kainan, nakaharap sa kanya. Tinitigan niya ako, iyoong titig na nakakaloko. “Bakit gusto mo?” “Gusto? Gusto saan?” “Sa sinabi ko sa bata, na magjowa tayo.” “Gago! Wala akong sinabing ganyan!” ang sagot ko. “At bakit nga ba kailangang lumayo iyong tao sa akin? Ang bait noong tao at napaka-inosente pa!” “Iyon na nga eh. Inosente iyong bata. Eh, ikaw?” Tiningnan ko ang mukha niya na ang bibig ay halatang pinigailan ang pagtawa. “Tsura nito! Anong akala mo sa akin? Manyak? Atsaka di ba ayaw mo sa bakla? Ayaw mo ng kabaklaan? Ba’t ngayon ay ganyan na ang takbo ng isip mo?” “Iyon nga ang punto eh. Ayaw ko ng kabaklaan. Di mo ba nakikita kung makatingin sa iyo iyong bata? Parang lalamunin ka eh. At kapag nakikipag-usap, akala mo ay lulunukin ng bunganga niya ang bunganga mo sa sobrang lapit. Eh kung ma in-love iyong bata sa iyo? E di kabaklaan na iyon! Paano kung hindi makapag-concentrate iyon ng pag-aaral, tapos matutong maglasing, magdroga, ma-tokhang, ma-salvage. O di kaya ay mapariwara ang buhay, baka magpakamatay! Hindi ka ba makonsyensya niyan?” ang sambit niya na ang porma ay handang tumakbo. Doon na ako dali-daling tumayo, dinampot ang sandok mula sa kaldero na pinaglutuan ng kaldereta at papaluin na sana siya ngunit simbilis din ng kidlat na tumakbo. Naghabulan kami, paikot-ikot sa loob ng kanyang apartment, hanggang sa humantong kami sa ibabaw ng kanyang kama. “Matokhang ha? Gusto mo ikaw ang itotokhang ko?” ang sabi ko habang nasa ibabaw na kami ng kanyang kama at nakapatong ako sa kanyang katawan, hawak-hawak ko ang sandok at itinutok iyon sa kanya. “Sige, tawa ka pa… at maglalanding sa noo mo itong sandok.” Ang dugtong ko. “Kapag tumama ang sandok sa noo ko, didilaan mo ba at sisipsipin ang sabaw ng kaldereta na didikit sa noo ko?” ang tanong niya. Doon na ako natameme. Nagkatitigan kami. Sa aming posisyon na nasa itaas ako ng katawan niya at halos magdikit an gaming mga mukha, para kaming nasa eksena ng teleserye nan aka-close up pa ang mga mukha na halos maghalikan na. Habang nasa ganyan kaming pagtitigan, hindi ko maiwasang humanga sa kanyang kapogian. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na tinitigan ko siya nang malapitan. Iyong halos dalawang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha at ang aming mga ilong ay isang hibla na lang ng buhok ang pagitan at bago sumayad ang mga ito sa isa’t-isa. Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kanyang mukha. Hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa pagka-flawless nito, makinis, matangos ang ilong, makakapal ang mga kilay at ang kanyang mga mata ay tila nang-akit. Nanumbalik tuloy sa aking alaala ang nangyari sa amin sa gabing iyon. Iyong pinaglaruan ko ang buo niyang katawan. Iyong pinaliguan ko ng halik ang lahat ng bahagi nito… At naramdaman ko na lang na nag-init ang aking katawan at tumigas ang aking pagkalalaki. May-maya ay dahan-dahang niyang inilingkis ang kanyang mga bisig sa aking katawan. Niyakap niya ako sabay bulong, “Ano… ihampas mo na ba sa aking noo ang sandok?” Dahil nahiya ako sa pagtigas ng aking pagkalalaki, dali-dali akong kumalas sa kanyang yakap at tumayo, tinumbok ang pinto ng kanyang kuwarto. “Kain na tayo! Lalamig na ang pagkain!” ang pagdadabog ko. Pareho na kaming nakaupo sa hapag-kainan at nagsimula na akong sumubo ng pagkain nang bigla naman siyang tumayo at pumasok sa kuwarto. Maya-maya lang ay umalingaw-ngaw ang tunog ng isang kanta. Maliban sa kuwarto niya, may mga speakers ding naka-install sa kusina, sa sitting room na ang source ay ang kanyang component na nasa kuwarto lang, kaya dinig na dinig sa kainan ang pinatugtog niya. Bumalik uli siya sa kanyang inupuan at nagsimulang kumain. You laid your feelings on the line, I never stood a chance We found the perfect love this time, Why let little doubt turn us inside out What if we fall in love, what if we can’t get out What if we’re in too deep, guess we both got doubts What if it doesnt last, what if the road gets rough Only fools ask what if we fall in love Life never gives a guarantee (That) love doesnt always last Why worry bout our destiny, I’m with you tonight, lets not question why If you ever find yourself confused, If you ever think of leaving me Just remember how much I love you, Love is never worry-free What if we fall in love…? Luma na ang kantang iyon. At kagaya ng mga kanta, ang dating nila sa akin ay isang musika lamang na nakapagtanggal ng stress, nakapagpagaan ng mga dinadala. Hindi ako masyado sa mensahe kundi sa ganda lamang ng pagkagawa ng kanta, ng mood nito, ng ritmo, ng tono. Ngunit sa pagkakataong iyon ay tila isang sibat na tumusok sa aking puso. “Anong pamagat niyan?” ang tanong ko. “What if we fall in love by Sheena Easton at ka duet niya d’yan ay si Eugene Wilde.” “Ah… theme song ninyo ng girlfriend mo?” “Hindi ah!” ang mabilis niyang sagot. “Ba’t mo pinatugtog?” “Wala lang, may naalala lang ako.” “Anong naalala mo?” “Ah… ano nga ba iyong naalala ko?” Nahinto siya, kinamot ang ulo na kunyari ay nag-isip. “Ay sorry! Di ko na pala naaalala.” Inismiran ko na lang siya. “Patawa. Di naman nakakatawa.” “At least napansin. Bumenta pa rin.” “Sino kayang bumili?” “Basta gusto ko ang kantang iyan…” nahinto sandali at tinitigan ako, iyong titig na parang nang-iinis. “Para sa atin.” Ang halos ibinulong na lang niyang pagkasabi tapos tumawa. Parang nang-iinis. Doon na tumaas muli ang boses ko. Nang-ookray ba. “Theme song daw namin, tanga! Ba’t ang title ay ‘What if we fall in love?’ Bakla ka ba?” ang dugtong ko. “Kaya nga ‘What if… eh! What if!!!!!!!!!!’” ang malakas na sagot niyang nag-astang siga at kunyari ay nagbabaga ang mga matang nakatingin sa akin bagamat ang bibig at mistulang bibigay para sa isang tawa. “At ako, bakla??? Ako???” In fairness sobrang cute ng kanyang mga mata na naggagalit-galitan at ang kanyang bibig… ang sarap talagang halikan. Natawa na lang ako sa ayos niya. Nang matapos na kami ay niyaya niya akong mag-inuman. Syempre, taya naman niya kaya ano ba ang magagawa ko. Ang siste, maraming alak ang binili niya at ewan kung sinadya niya, nalasing uli siya… at nagsuka. At kagaya nang huling nangyari sa amin, muling nangyari ang pagpapasasa ko sa kanyang katawan. At kinabukasan, kagaya rin ng dati, kunyari ay wala lang nangyari sa amin, wala akong naramdamana. At ganoon uli siya. Sa mga inasta niya ay mas lalo pa akong nalito at natuliro. Sinadya ba niya ang maglasing upang may mangyari uli sa amin? Tinukso ba niya ako sa pamamagitan ng pagparamdam ng kanta? Hindi ba niya talaga alam na may nangyari sa amin? Kahit iyong pinasok niya ako sa likuran ay hindi niya alam? Kung alam niya, bakit wala siyang kumento sa mga nangyari? Posible ba yun? Pinaglaruan lang ba niya ako o ginamit na parausan? Ano iyong couple na pulseras? Bakit bumili siya ng ganoon para sa amin? Nalilito na talaga ako. Parang gusto ko nang bumigay at aaminin sa kanya ang lahat na may ginawa ako sa kanya, na bakla ako at may nararamdaman para sa kanya… parang nadagdagan tuloy ang guilt ko at lalong bumigat ang aking kalooban. Kaya may balak akong nabuo. Kapag naglasing uli siya at may ganoon uli na mangyari, sasabihin ko na talaga sa kanya ang lahat… ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD