Nang Dahil Sa Sulat

1868 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- “Sinabi ko sa kanya na hintayin ka lang niya sa bahay dahil malayo rito at maputik pa. Kaso gusto raw niyang pumunta rito. Hayan, puro putik na tuloy ang ang sapatos niya pati pantalon!” Hindi ko mawari ang tunay kong naramdaman sa sandaling iyon. Iyong feeling na naiinis ka dahil gusto mo na siyang kalimutan ngunit hindi mo maitatwa na may tuwa at excitement ka ring nadarama sa effort na ginawa niya. “Okay lang po. At least nakarating ako rito,” ang sagot naman ni Ezie sa aking Ninang. Halos nasa harapan na ko na siya. “O sya, babalik na ako ng bahay Jim, may gagawin pa ako,” ang sambit ng Ninang. Tumalikod siya at naglakad nang pabalik. “Salamat po Ninang!” ang sigaw ko. Nang nagkaharap na kami ni Ezie, halos hindi naman ako makatingin sa kanya. “Ba’t ka ba napadayo rito?” ang tanong kong medyo galit. “Eh... uhm... dinalaw lang kita,” ang sagot niyang parang hindi sigurado kung ano ba talaga ang pakay niya. “Iyon lang?” “Hmmm, oo.” “Wala naman akong sakit para dalawin mo eh. Okay lang ako.” “Ito naman, ang init ng ulo. ‘Di ka ba masaya na nandito ako?” “Masaya? Saan? Ayan o, ang dami kong trabaho” sabay turo ko sa mga niyog na nakatambak. “Iyong iba ay aakyatin ko pa, tapos bibiyakin, ipupugon, tapos ay dadalhin sa bilihan ng copra. Paano ako magsasaya niyan?” “S-sorry kung naistorbo kita.” “Magtrabaho muna ako, mag-antay ka lang d’yan.” “Okay,” ang sagot niya. Tinumbok ko ang isang puno ng niyog na malapit sa kanya at nang akmang aakyat na ako ay saka naman siya sumingit. “Wow! Umaakyat ka rin?” Inirapan ko na lang siya. Nang nasa tuktok na ako ng puno, sinadya kong ilaglag ang mga niyog malapit sa kanya. “Woi! Hindi mo naman ako papatayin niyan!” “Lumayo-layo ka kasi! Matuto kang magmatyag, huwag kang manhid! Kapag ayaw sa iyo, dumestansya ka!” sabay bulong, “Tangina mo!” Kitang-kita ko ang pagkalito niya sa aking sinabi. “Ano???” ang nakangiting tanong niya. “Iyong niyog na inilaglag ko, saluin mo!” sabay hagis uli ng niyog malapit sa kanya. “Woi! Nananadya ka na ah!” “Saluin mo nga!” ang sigaw ko uli. “Paano ko saluin iyan, ‘di naman nakakaramdam ang mga iyan! Baka ikaw ay puede ko pang saluin.” “Nakakaramdam din ang mga iyan. Sadyang manhid ka lang talaga.” “Ano uli???” ang tanong niyang naguluhan. Ngunit hindi ko pinansin ang tanong niya. “So gusto mong ako ang tatalon para saluin mo?” “Puwede. Pero ‘di ako sure kung kaya kita!” “Oo nga! Ikaw talaga iyan, Ezie. Kapag hindi ka sure sa naramdaman mo, sinasaktan mo iyong tao! Manhid! Walang bayag!” ang sigaw ko ngunit pigil upang huwag niyang marinig nang buo. Bigla siyang nahinto tapos tumingala sa kinaroroonan ko. “Anong sabi mo uli?” “Wala! Sabi ko hetong buko saluhin mo! Kainin mo, walang bayad iyan!” sabay sunod-sunod na paghagis sa kanya ng ilang pirasong buko. “Bumaba ka nga riyan at dito tayo mag-usap!” ang sigaw niya. “How about kung dito tayo mag-usap sa itaas ng puno?” ang sagot ko rin. Binitiwan niya ang malakas na halakhak. “Baliw!” Nang nakababa na ako, walang imik na binutasan ko ang isang buko at ibinigay ko iyon sa kanya. “Salamat,” ang sagot niya habang tinanggap ang buko. “Oo ganyan lang talaga. Salamat. Sa mga kagaya namin, salamat sa lahat na lang. Iyon na iyon.” “Ano ba iyang pinagsasabi mo? Hugot ka nang hugot, ginawa mong biro ang kalagayan natin.” “Anong ginawang biro? Hindi ah. Sa kagaya kong umaakyat ng niyog, salamat lang ang katapat. Hayan, buko, binigyan kita,” sabay turo ko sa buko. “Sabi mo, salamat. Anong hugot ang pinagsasabi mo?” Napangiti siya ng hilaw. Doon ko napansin ang pulseras na kapareha noong sa akin na binili niya para sa amin. Bahagyang napatitig ako sa kanyang pupulsuhan. Nang napansin niyang nakatingin ako sa pulseras niya, agad kong ibinaling ang aking paningin sa aking braso at kunyari ay may pinagpag akong insekto na dumapo roon. Hindi pa rin ako umimik. Nang matapos na niyang inumin ang katas ng niyog, kinuha ko uli ito at hinati. Gumawa rin ako ng pangkuskus mula sa balat ng niyog. Ibinigay iyon sa kanya. “Ang galing mo talaga,” ang sambit niya habang tinanggap ang pangkuskus. “Oo naman. Ang masaklap lang dahil kahit magaling, iniiwanan pa rin.” Hindi siya makasagot. Tinitigan lang niya ako. Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. “At huwag mong sabihing ako pa ang magkuskus niyang laman para sa iyo?” ang mataray kong sabi nang mapansing nakatunganga na lang siya sa harap ko. “Hindi ah!” ang bigla rin niyang pagtutol. “Ba’t ka nakatayo lang d’yan?” “Ito naman, tiningnan lang kita eh,” sabay talikod din, umupo at nagkuskus ng buko habang ako naman ang nagbukas ng isa pang buko para sa akin. Nang humarap na siya sa akin at nakatayo, hawak-hawak ang isang hati ng buko na natapos na niyang kuskusin, nagsimula na akong kumain. Nagulat siya. “Waaahh! Ambilis!” ang sambit niya. Hindi ko na siya sinagot. Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain. Nang matapos, binigyan ko ng instruction ang aming taga-kopra na ituloy na lang nila ang kanilang ginagawa dahil may bisita pa ako. Dinala ko si Ezie sa aming bahay. Lampas alas 5 na iyon ng hapon. “Ito ang aming bahay. Bahay ito ng lola ko,” ang sabi ko sa kanya nang nasa loob na kami at nakaupo na siya sa isang bangko. “Maganda… presko. At tahimik.” “Anong gusto mo? Bibili ako ng pang miryenda,” ang tanong ko. “Huwag na. Kakakain lang natin ng buko. Nabusog ako.” “Ok, then bibili na lang ako ng softdrink ba o beer na lang kaya?” ang tanong ko. Tiningnan niya ako. “Beer. At taya ko,” ang sabi niya sabay hugot sa kanyang wallet. “No-no-no! Bisita kita kaya ako dapat ang bibili niyan para sa iyo.” “Okay. You’re the boss. Sama na lang ako.” “Malapit lang naman d’yan. Dito ka lang.” Lumabas ako ng bahay. Nang bumalik ako, nagulat siya sa aking dala-dala. “Nasaan ang beer?” ang tanong niya. “Naubusan na raw sila. Kaya ito na lang ang inumin natin.” Inilabas ko ang Emperador, kape, at coffeemate, pati condensed milk. Inilabas ko rin ang binili kong mga sitserya Natawa siya. “Ang hard naman niyan, emperador? Tapos chaser natin ay kape na may coffeemate o ‘di kaya ay gatas?” “Antay ka lang,” ang sagot ko. Hinalo ang laman ng emperador at kape, coffeemate at condensed milk sa isang pistil habang siya naman ay nakatingin. “Anong lasa niyan?” “Malalaman mo rin.” Nang matapos ko nang ihalo ang aming inumin, nagtagay ako para sa kanya. “s**t! Bat ngayon ko lang ito natikman? Ang sarap!” Hindi na ako kumibo. Uminom na rin ako. Halos wala kaming imikan habang umiinom. Tila lumilipad ang kanyang isip, seryoso ang mukha. Ngunit hindi ko na ito pinuna pa. Para sa akin, gusto kong mag-init ang aking katawan upang magkaroon ako ng lakas upang tanungin siya tungkol sa aking sulat. Nang halos nasa kalahati na ng laman ng pitsel ang aming nainom, ramdam ko na ang alak sa aking sistema. “N-nabasa mo ba ang sulat ko?” ang seryoso kong tanong. Tumango lang siya. Nakayuko. Malungkot. “Anong masasabi mo tungkol doon?” “Okay lang...” “Okay lang... iyan na ang best mong sagot?” “Okay na okay siya,” sabay tingin sa akin at binitiwan ang isang hilaw na ngiti. Nadismaya ako sa sagot niyang iyon. “Wala ka namang kuwentang kausap. Ginawa mo lang na biro ang mga naramdaman ko. P-parang nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa ginawa ang sulat na iyon, kung bakit ko pa sinabi sa iyo ang mga naramdaman ko. Sana ay hindi na kita tinanong pa. Wala naman palang kuwenta ang mga iyon para sa iyo.” Napatingin siya sa akin. Huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi mo lang alam ang pinagdaanan ko. Hindi mo alam kung ano ang mga bumabagabag sa isip ko. Hinid moa lam ang paghihirap ng puso ko. Alam mo na ba ang tunay na dahilan kung bakit narito ako? Dahil hindi ko alam ang aking gagawin,” ang sabi niyang seryoso ang mukha. Mistulang may isang sibat na tumusok sa aking puso sa kanyang sinabi. Gusto kong malaman kung bakit siya nalungkot o ano ang bumabagabag sa kanyang isip. “D-dahil ba iyan sa girlfriend mo?” ang tanong ko. Tumango siya. Doon na naman ako nakaramdam ng selos. “Bakit?” “A-alam mo… may sasabihin ako sa iyo. ‘Di ba ang sinabi ko sa iyo noon na iyong girlfriend ko ay hindi nagustuhan ng aking mga magulang dahil isang guro lang siya? Hindi talaga iyon ang dahilan. Hindi siya nagustuhan ng mga magulang ko dahil nang malaman nilang nagkaroon ng operasyon si Pam sa isa sa kanyang ovary, ang sabi ng doktor ay hindi na siya maaari pang magkaanak dahil ang naiwang ovary niya ay nagkaroon ng complications sanhi ng operasyon. Atat na atat na ang aking mga magulang na magkaapo, dahil nag-iisang anak lang nila ako… Kaya ayaw na nila kay Pam at gusto nilang layuan ko siya. Kaya hindi na ako kumontact sa mga magulang ko. Lumayo ako sa kanila, naghanap ng trabaho rito, kumuha ng apartment. Dahil ayaw din ng mga magulang ni Pam na magsama kami kung hindi kami kasal. Kaya wala ring magawa si Pam. Kaya solo lang ako sa apartment.” “T-tapos?” “Last week, nagulat na lang ako nang sinorpresa ako ni Pam na buntis siya, at lumabas sa ultrasound na isang lalaki ito. Lingid sa aking kaalaman, pinadalhan na pala ni Pam ang aking mga magulang ng resulta ng ultrasound ng bata sa sinapupunan niya. Tinawagan ako ni Pam. Sinabi niya na kinongratulate daw ako ng aking mga magulang. Binigay din ni Pan sa kanila ang aking numero. Tinawagan nila ako.” “Tapos? Anong sabi nila?” “Gusto nilang pakasalan ko si Pam…” Sa sinabi niyang iyon ay tila biglang gumuho ang aking mundo. Naramdaman kong ang pangingilid ng aking mga luha at mistulang sasabog ang aking dibdib. Ngunit pinilit ko pa ring magpakatag. Pinilit kong huwag magpaapekto. Pinilit kong buo pa rin ang aking pagsasalita sa kabila ng pag-c***k ng aking boses. “T-tapos?” ang tanong ko. “N-aguluhan kasi ako…” “Bakit?” “Dahil sa sulat mo sa akin.” “Bakit naguluhan ka sa sulat mo sa akin?” “H-hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa inyo ni Pam…” (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD