Papuri O Panunnuya

4017 Words
Note: Ipinost ko uli rito ang Chapter 6 dahil Hindi na ako maaring mag-edit sa naipost ko nang chapters. Hindi ko maintindihan kung bait kinocontrol ng Dreame ang kuwentong into samantalang free naman ito at hindi nakakontrata. Kaya ditto ko na Lang iponost Kang edited na Chapter 6. ----- Chapter 6: "What If We Fall In Love" By: Mikejuha email: getmybox@hotmail.com ----- Isang hapon habang nasa lawn ako ng apartment, nagmunimuni, nakipagkuwentuhang muli sa akin si Arjay. Gusto ko sanang paalisin siya o kaya ay papasok na lang ako sa kuwarto sa takot na baka mahuli muli kami ni Ezie. Ngunit hindi ko magawa kasi mabait naman na bata si Arjay, baka ano ang iisipin niya sa akin. At iyon nga ang nangyari. Nadatnan kami ni Ezie. Ngunit sa pagkakataon na iyon, imbes na dideretso siya sa loob ng apartment at doon ako pagagalitan, umupo siya sa tabi namin. Bigla kaming natahimik. Pati si Arjay ay nakatingin na lang sa kanya. “Pare… gusto ko lang malaman mo na boyfriend ko ito,” ang biglang pagsingit ni Ezie, sabay akbay sa akin. Kitang kita ko sa mga mata ni Arjay ang pagkagulat. Ako man ay nagulat din at nagkatinginan kami. “T-talaga po?” ang sagot ni Arjay. “C-congratulations po sa inyo!” ang sabi ni Arjay. “Para saan ang congratulations?” ang tanong ni Ezie. “Sa inyong dalawa po. Maswerte po kayo kay Kuya Jim dahil mabait po siya, masipag, at… bagay na bagay po kayo. Pareho kayong guwapo.” “Salamat. Kaya ngayong alam mo na, gusto kong friend na lang kayo, okay ba?” “O-opo Kuya Ezie. F-friend lang naman talaga kami ni Kuya Jim eh.” “Mabuti naman at nagkaintindihan tayo.” Halos hindi ako makapaniwala sa mga binitiwang salita ni Ezie para kay Arjay. Parang gusto kong magalit na kinilig na ‘di ko maintindihan. Nang nasa loob na kami ng apartment niya habang naghain ako ng pagkain at nakaupo siya sa hapag-kainan, doon ko na siya kinausap. “Grabe ka naman sa bata,” ang sambit ko. “Bakit grabe? Maganda na iyong klaro.” “Klaro? E, ‘di naman totoo iyong sinabi mo na mag-boyfriend tayo, eh?” ang sambit ko habang umupo na rin sa hapag kainan, nakaharap sa kanya. Tinitigan niya ako, iyoong titig na nakakaloko. “Bakit? Gusto mo ba?” “Gusto? Gusto saan?” “Sa sinabi ko sa bata, na magjowa tayo.” “Gago! Wala akong sinabing ganyan!” ang sagot ko. “Kay nga nainis ako sa sinabi mo sa bata. Nag-imbento ka pa ng kuwento!” “Eh… para umiwas siya sa iyo.” “At bakit kailangang umiwas iyong bata sa akin? Ang bait noong tao at napaka-inosente pa!” “Iyon na nga eh. Inosente iyong bata. Eh, ikaw?” Tiningnan ko ang mukha niya na ang bibig ay halatang pinigailan ang pagtawa. “Tsura nito! Anong akala mo sa akin? Manyak? Atsaka ‘di ba ayaw mo sa bakla? Ayaw mo ng kabaklaan? Ba’t ngayon ay ganyan na ang takbo ng isip mo? Ang dumi!” “Iyon nga ang punto eh. Ayaw ko ng kabaklaan. ‘Di mo ba nakikita kung makatingin sa iyo iyong bata? Parang lalamunin ka eh. At kapag nakikipag-usap, akala mo ay lulunukin ng bunganga niya ang bunganga mo sa sobrang lapit. Eh kung ma in-love iyong bata sa iyo? E ‘di kabaklaan na iyon! Paano kung hindi makapag-concentrate iyon ng pag-aaral, tapos matutong maglasing, magdroga, ma-tokhang, ma-salvage dahil sa pagmamahal niy sa iyo? O ‘di kaya ay mapariwara ang buhay, baka magbigti! Hindi ka ba makonsyensya niyan?” ang sambit niya na ang porma ay handang tumakbo. Doon na ako dali-daling tumayo, dinampot ang sandok mula sa kaldero na pinaglutuan ng kaldereta at papaluin na sana siya ngunit simbilis din ng kidlat na tumakbo. Naghabulan kami, paikot-ikot sa loob ng kanyang apartment, hanggang sa humantong kami sa ibabaw ng kanyang kama. “Mapariwara ha? Magbigti? Matokhang? Gusto mo talian ko ng lubid iyang leeg mo at isabit kita sa kisame?” ang sabi ko habang nasa ibabaw na kami ng kanyang kama at nakapatong ako sa kanyang katawan, hawak-hawak ko ang sandok at itinutok ko ang dulo noon sa mukha niya. “Sige, tawa ka pa… at maglalanding sa noo mo itong sandok,” ang dugtong ko. “Kapag tumama ang sandok sa noo ko, didilaan mo ba at sisipsipin ang sabaw ng kaldereta na didikit sa noo ko?” ang tanong niya. Doon na ako natameme. Nagkatitigan kami. Sa aming posisyon na nasa itaas ako ng katawan niya at halos magdikit ang aming mga mukha. Para kaming nasa eksena ng teleserye na naka-close up pa ang mga mukha na halos maghalikan na. Habang nasa ganyan kaming pagtitigan, hindi ko maiwasang humanga sa kanyang kapogian. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na tinitigan ko siya nang malapitan. Iyong halos dalawang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha at ang aming mga ilong ay isang hibla na lang ng buhok ang pagitan at bago sumayad ang mga ito sa isa’t-isa. Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kanyang mukha. Hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa pagka-flawless nito, makinis, matangos ang ilong, makakapal ang mga kilay at ang kanyang mga mata ay mistulang nang-aakit, nanunukso. Nanumbalik tuloy sa aking alaala ang nangyari sa amin sa gabing iyon. Iyong pinaglaruan ko ang buo niyang katawan. Iyong pinaliguan ko ng halik ang lahat ng bahagi nito… At naramdaman ko na lang na nag-init ang aking katawan at tumigas ang aking pagkalalaki. May-maya ay dahan-dahang niyang inilingkis ang kanyang mga bisig sa aking katawan. Niyakap niya ako sabay bulong, “Ano… ihampas mo na ba sa aking noo ang sandok?” ang panghahamon niya. Dahil nahiya ako sa pagtigas ng aking pagkalalaki, dali-dali akong kumalas mula sa kanyang yakap. Tumayo ako, tinumbok ang pinto ng kanyang kuwarto. “Kain na tayo! Lalamig na ang pagkain!” ang sambit ko na tila wala lang nangyari. “Akala ko ba ay ihahampas mo iyang sandok sa nook o?” ang sagot niya. Ngunit hindi ko na siya pinatulan. Tulot-tuloy lang ako sa kusina. Maya-maya ay nasa kusina na rin siya. Pareho na kaming nakaupo sa hapag-kainan at nagsimula na akong sumubo ng pagkain nang bigla naman siyang tumayo at pumasok sa kuwarto. Narinig ko na lang na umalingaw-ngaw ang tunog ng isang kanta. Maliban sa kuwarto niya, may mga speakers ding naka-install sa kusina, sa sitting room na ang main source ay ang kanyang component na nasa kuwarto niya. Kaya dinig na dinig sa kainan ang pinatugtog niya. Bumalik uli siya sa kanyang inupuan at nagsimulang kumain. You laid your feelings on the line, I never stood a chance We found the perfect love this time, Why let little doubt turn us inside out What if we fall in love, what if we can’t get out What if we’re in too deep, guess we both got doubts What if it doesnt last, what if the road gets rough Only fools ask what if we fall in love Life never gives a guarantee (That) love doesnt always last Why worry bout our destiny, I’m with you tonight, lets not question why If you ever find yourself confused, If you ever think of leaving me Just remember how much I love you, Love is never worry-free What if we fall in love…? Luma na ang kantang iyon. At kagaya ng mga kanta, ang dating nila sa akin ay isang musika lamang na nakapagtanggal ng stress, nakapagpagaan ng mga dinadala. Hindi masydong mahalaga sa akin ang mensahe ng kanta kundi doon ako humahanga sa ganda ng pagkagawa at tono ng kanta, ng mood nito, ng ritmo, ng harmony. Ngunit sa pagkakataong iyon ay tila isang sibat na tumusok sa aking puso ang mga liriko nito. “Anong pamagat niyan?” ang tanong ko. “What if we fall in love by Sheena Easton at ka duet niya d’yan ay si Eugene Wilde.” “Ah… theme song ninyo ng girlfriend mo?” “Hindi ah!” ang mabilis niyang sagot. “Ba’t mo pinatugtog?” “Wala lang, may naalala lang ako.” “Anong naalala mo?” “Ah… ano nga ba iyong naalala ko?” Nahinto siya, kinamot ang ulo na kunyari ay nag-isip. “Ay sorry! ‘di ko na pala naaalala.” “Gago!” ang bulong ko. Inismiran ko na lang siya. “Hindi ka nakakatawa,” ang sambit ko. “At least napansin. Bumenta pa rin.” “Sino kayang bumili?” “Basta gusto ko ang kantang iyan…” nahinto siya sandali at tinitigan ako, iyong titig na parang nang-iinis. “Para sa atin,” ang halos ibinulong na lang niyang pagkasabi tapos tumawa. Halatang nang-iinis. Doon na tumaas muli ang boses ko. Nang-ookray ba. “Theme song daw namin, tanga! Ba’t ang title ay ‘What if we fall in love?’ Bakla ka ba?” ang dugtong ko. “Kaya nga ‘What if… eh! What if!!!!!!!!!!’” ang malakas na sagot niyang nag-astang siga at kunyari ay nagbabaga ang mga matang nakatingin sa akin bagamat ang bibig ay mistulang bibigay para sa isang malakas na tawa. “At ako, bakla??? Ako pa talaga???” In fairness sobrang cute ng kanyang mga mata na naggagalit-galitan at ang kanyang bibig… ang sarap talagang halikan. Hindi ko maiwsang hindi matawa sa ayos niya. “Sino bang bakla sa atin? Alangan namang ako! Tandaan mo ‘to ha, kapag may marinig akong nagsasabing bakla ako, bubugbugin ko!” ang paggagalitgalitan ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagpigil sa kanyang tawa. Tinakpan ng kamay niya ang kanyang bibig at yumuko upang hindi ko makita ang bibig niya na halos puputok para sa isang tawa. “Wala, pare… pareho tayong lalake rito!” ang sagot niya. Tawanan. Nang matapos na kaming kumai ay niyaya niya akong mag-inuman. Syempre, taya naman niya kaya ano ba ang magagawa ko. Ang siste, maraming alak ang binili niya at ewan kung sinadya niya, nalasing uli siya… at nagsuka. At kagaya nang huling nangyari sa amin, muling nangyari ang pagpapasasa ko sa kanyang katawan. Kinabukasan, kagaya rin ng dati, acting inosente ako. Parang wala lang nangyari, wala akong ginawang kalaswaan sa kanya, wala akong naramdaman na kung ano bagamat sa kaloob-looban ko ay sinasamsam ko ang sarap nang ginawa ko sa kanya. At kagaya ng dati, ganoon din siya; inosente, at walang kaalam-alam. Sa mga inasta niya ay mas lalo pa akong nalito at natuliro. Sinadya ba niyang maglasing upang may mangyari uli sa amin? Tinukso ba niya ako sa pamamagitan ng pagparamdam sa kanta? Na dahil sa ginawa ko sa kanya, at ayaw niyang mapahiya ako, ang kanyang reaksiyon ay ipinadaan na lamang sa kanta, “What if we fall in love?” Hindi ba niya talaga alam na may nangyari sa amin? Kahit iyong pinasok niya ako sa aking likuran ay hindi niya talaga alam? At kung alam man niya, bakit wala siyang kumento sa mga nangyari? O iyon na iyong s kanta na “What If we fall in love?” O pinaglalaruan lang niya ako o ginamit na parausan dahil wala ang kanyang girlfriend? Dahil sa libog? Ano iyong couple na pulseras? Bakit bumili siya ng ganoon para sa amin? Nalilito na talaga ako. Parang gusto ko nang bumigay at aaminin sa kanya na may ginawa ako, na bakla ako at may nararamdaman ako para sa kanya… Feeling ko ay nadagdagan tuloy ang guilt ko at lalong bumigat ang aking kalooban. Kaya may balak akong nabuo. Kapag naglasing uli siya at may ganoon uling mangyayari, aaminin ko na talaga sa kanya ang lahat ng mga ginawa ko habang lasing siya… (Itutuloy) -------------------------------- Chapter 7: Papuri o Panunuya By: Michael Juha email: getmybox@hotmail.com ----- Isang linggo bago magsimula ang klase, nagpaalam ako kay Ezie na umuwi muna sa probinsya dahil gusto kong tingnan ang bahay ng aking lola. Wala kasing naiwan doon at ang kaibigan ng inay na ninang ko rin ang nagprisinta na siya ang titingin-tingin sa bahay. May mailiit na niyogan din na iniwan ang ang lola ko at titingnan ko rin kung puwede nang magpa-copra. Tatlong araw at tatlong gabi lang ako roon. Ngunit napaaga ang aking pagbalik dahil kakaunti pa lang ang puwedeng ma-copra na niyog kaya hindi ko na nahintay pa ang pangatlong gabi. Sa totoo lang, sobrang na-miss ko rin si Ezie at nasasabik na akong makita siya. Bago ako dumiretso sa apartment niya ay dumaan muna ako sa isang restaurant na paborito niyang bilhan ng siopao. Bumili ako ng apat na piraso, pasalubong ko sa kanya. Hindi ako nagtext na darating ako. Gusto ko siyang sorpresahin. May sarili naman kasi akong susi. Nang nasa apartment na ako, dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Walang tao sa sitting room kaya maingat akong naglakad na patiyad patungo sa pinto ng kuwarto namin. Dahan-dahan kong binuksan iyon. Ngunit imbes na siya ang masorpresa sa pagdating ko, ako itong na-shock sa aking nakita. Si Ezie ay hubo’t hubad na nakaupo sa kama paharap sa pintuan habang ang babae naman na nakaharap sa kanya ay bubo’t-hubad din at nakakandong sa kanya habang bumabayo. Kitang-kita ko sa mukha ni Ezie na nasarapan siya. Nakapikit ang kanyang mga mata na kagat-kagat pa niya ang kanyang mga labi habang naririnig ko naman ang pigil na pigil ngunit magkahalong ingay ng kanilang mga ungol. Nang iminulat ni Ezie ang kanyang mga mata, nakita niya ako na nakasilip sa bahagyang nakabukas na pinto. Nahinto si Ezie sa kanyang ginagawa. Nahinto rin ang babae sa pag-indayog at lumingon sa pintuan. Nang magkasalubong ang aming mga tingin, dali-dali kong isinara ang pinto at tumalikod. Nagtatakbo akong lumabas ng apartment. Hindi ko alam kung saan tutungo sa sandaling iyon. Ang alam ko lang ay umiiyak ako habang tumatakbo nang walang direksyon. Damang-dama ko ang sakit na parang tinadtad ang aking puso. Lalo na nang makita ko ang mukha ng babae. Ang ganda niya, at bagay na bagay sila. Nahinto lang ako nang nakita ko ang simbahan. Pumasok ako sa loob at doon ay umupo sa isang tabi, malayo sa iilang taong nagdasal. Lumuhod ako at ipinalabas ang aking saloobin. Pagkatapos ko sa loob ng simbahan ay tinungo ko ang tulay sa may likod nito. Ito iyong nagdugtong sa kalsada na hinati ng ilog. Sa mismong tulay ay may foot lane sa gilid at doon ako tumayo, sumandal sa barandilya paharap sa dagat kung saan naman nagsalubong ang tubig-ilog at tubig-dagat. Doon ay pinilit kong aliwin ang aking sarili. Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang biglang may nag- “uhum!” sa aking likuran. Nang nilingon ko kung sino, Si Ezie pala. Nakatayo lang sa aking likuran, at tiningnan ako. “N-nasaan ang g-girlfriend mo?” ang tanong ko. “Umuwi na, hinatid ko sa terminal. Hindi naman talaga iyon natutulog sa apartment. Kahit gabing-gabi na basta may bus pa na masasakyan, uuwi pa rin iyon sa kanila,” ang mahinang sagot niya. “P-psensya ka na. Hindi ko kasi akalain na naroon kayo sa loob, akala ko ay ikaw lang mag-isa.” “Okay lang iyon,” ang sagot niya. “Ako ang dapat magsorry sa iyo.” “Bakit ka magso-sorry?” “Kasi hindi kita natimbrehan na darating siya.” “Wala iyon, ano ka ba. Syempre, girlfriend mo siya at apartment mo iyon. Kaya kahit anong oras ay puwede siyang pumunta na hindi mo kailangang magpaalam sa akin.” “Oo naman. Pero syempre, bilang roommate, dapat mo ring malaman, ‘di ba?” Binitiwan ko na lang ang isang hilaw na ngiti. “A-anong sinabi mo sa girlfriend mo tungkol sa akin? N-nakita niya ako eh.” “Sinabi kong ikaw iyong napili ko sa mga nag-apply na gagawa ng aking mga trabaho sa office na hindi ko natatapos during office hours. Alam naman kasi niya na naghanap ako ng assistant. Okay lang naman sa kanya. Na-impressed nga siya sa malaking pagbabago ng apartment ko, pati na sa lawn ng building. Hangang-hanga siya sa iyo. Ang ganda raw ng pagkaayos.” “Uhm…” ang sagot kong tumango lang, hindi interesado sa kanyang sinabi. Tumabi siya sa akin. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa barandilya. “May sinabi pa pala siya.” “A-ano?” “Ang guwapo mo raw. Baka raw bakla ka at aakitin mo ako at sa kalaunan ay ma-in love ako sa iyo,” sabay titig sa akin, seryoso ang kanyang mukha. Ewan, hindi ko maintindihan ang facial expression niyang iyon. Hindi ko rin alam kung papuri ng girlfriend niya iyong sinabi niya sa akin o panunuya. “Sinabi niya iyon?” “Oo.” “Anong sagot mo?” “Sabi ko, hindi ka bakla, na tinanong kita sa interview at sinabi mo ang totoo. Sinabi ko rin na hindi ka pa nga naka-move on dahil kahihiwalay ninyo pa lang ng girlfriend mo.’” Doon na naman ako tinablan ng hiya sa sarili. Nagsisinungaling kasi ako at iyan ang bagay na kinatatakutan kong malaman niya. “N-naniwala naman siya?” “Syempre naman. Totoo naman, ‘di ba?” Hindi ko na sinagot ang tanong niyang iyon. Yumuko na lang ako. Tahimik. “P-parang gusto ko nang lumipat ng tirahan…” ang pagbasag ko sa katahimikan. Bigla siyang napalingon sa akin. “Awww… bakit naman? Dahil ba sa girlfriend ko?” ang tanong niya. “H-hindi naman. I-iyong best friend ko kasi… niyaya ako na sa boarding house na lang nila ako tumira. Malapit lang kasi sila sa university, wala pang 5 minutos ang lalakarin makakarating na sa gate ng campus. At halos lahat din ng boarders sa kanila ay mga Commerce students,” ang pag-aalibi ko pa. Hindi siya naka-imik agad. Seryoso pa rin siyang yumuko na tila nag-iisip. “B-bakit? Ayaw mo na ba sa apartment ko? M-may n-nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan?” “Wala ah… ano ka ba! Hindi ikaw ang dahilan. Sa totoo nga, nahihiya na ako sa iyo eh. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ka na nagpagawa sa akin ng assignments. Tinutulungan mo na ako sa paglilinis ng apartment at sa iba pang mga gawain. Halos wala na akong ginagawa.” “So, iyan ang dahilan kung bakit ka aalis? Puwede namang bigyan kita ng trabaho...” “Sinabi nang hindi iyan ang dahilan eh. Kulit mo!” ang med’yo tumaas kong boses. Natahimik siya, binitiwan ang isang malalim na buntong-hininga. “S-sige… Bahala ka. Pero k-kung ako lang sana ang masusunod, ayaw kong umalis ka…” nahinto siya sandal. “Basta pag-isipan mong mabuti at ilagay mo sa kukute mo na masasaktan ako kapag umalis ka,” ang tila may pagtatampong sabi niya. Hindi na ako kumibo. Ngunit buo na ang isip ko. Kasi bagamat sinabi niya na masasaktan siya kapag umalis ako, paano naman ang damdamin ko? Dapat bang manatili ako kahit kapag nakikita ko sila ng girlfriend niya na may ginagawa ay parang sinasaksak ang aking puso? Isa pa, baka lalo pang mahulog ang loob ko sa kanya. Ako pa rin ang talo sa bandang huli. Ako pa rin ang maiiwang mag-isa at luhaan. Umuwi kami sa apartment niya na walang imikan. Kahit sa pagtulog ay tila nakakabingi ang katahimikang namagitan sa amin. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Dating gawi, naghanda ako ng almusal para sa kanyang pagpasok. Kahit nang kumain na kami at magkaharap habang kumakain ay wala pa rin kaming imik, nag-iiwasan ng tingin. Ramdam ko ang lungkot niya “Aalis na ako…” ang sambit niya nang tuluyan na siyang umalis para sa kanyang trabaho. Naninibago ako sa kanyang inasta. Kung dati ay nakangiti siya na magpapaalam sa akin, sa sandaling iyon ay hindi siya makatingin sa akin at dire-diretsong umalis. Tumango lang ako habang nakatayo ako sa pintuan at pinagmasdan siyang naglalakad palabas ng gate. Nang nakasakay na siya ng taxi, sinundan ko pa rin siya ng tingin, hanggang sa tuluyang maglaho sa aking paningin ang taxi. Mistulang tinadtad ang aking puso. Bumalik ako sa loob ng apartment at tinungo ko ang kuwarto, inimpake ko ang aking mga gamit. Nang matapos ay kinuha ko ang isang papel sa drawer at gumawa ng sulat. “Dear Ezie, maraming salamat sa kabaitan mo. Hindi ko malilimutan ang lahat ng mga ginawa mo para sa akin, ang mga biruan natin, ang mga masasayang harutan. Aaminin kong sa pananatili ko sa apartment mo ay sobrang saya ang aking nadarama, nalilimutan ko ang lungkot at kirot sa mga masasakit na nagdaan sa buhay ko. Feeling ko ay hindi ako nag-iisa. Sa pananatili ko sa apartment mo ay tila nagkaroon ako ng pamilya, iyong taong hinahanap ko na magmalasakit sa akin, iyong taong nand’yan sa oras na nalulungkot ako, o may problemang dinadala. Nang sinabi ko sa iyo na ang pinakakinatatakutan ko sa buhay ay ang mag-isa, lalo na kapag umaasa ako ngunit sa bandang huli ay magising na lang sa katotohanan na wala palang nagmamahal sa akin, totoo ang takot kong iyan. Kaya nang makita ko ang girlfriend mo sa apartment, alam ko, dapat na akong lumisan... kasi, alam ko namang sa bandang huli, hindi ikaw ay palaging nariyan para sa akin. Sa pagitan niya at sa akin, hindi ako ang priority mo. Hindi rin ako bahagi ng pamilya mo, at lalong hindi ikaw ang taong magmamahal sa akin. May aaminin ako sa iyo. Hindi totoong isa akong tunay na lalaki. Bakla ako, Ezie at ang Josephine sinabi kong ex, Joseph ang tunay niyang pangalan. At ito ang tunay na dahilan kung bakit kailangan ko nang umalis. Nahuhulog na ang loob ko sa iyo. Mahal mahal na kita. Ngunit huwag kang mag-alala dahil hindi kita guguluhin at tanggap ko sa sarili na walang patutunguhan itong nararamdaman ko para sa iyo. Kaya minarapat ko na lang na umalis upang hindi ako umasa at lalong masaktan. At may kasalanan din ako sa iyo. Noong nalasing ka at pinunasan, may ginawa ako... Sana ay mapatawad mo ako. Good luck na lang sa iyo at sa girlfriend mo. Ipanalangin ko na maging masaya matatag ang pamilya ninyo at biyayaan kayo ng mga malulusog na supling. Your mate, -Jim.” “PS. Sa probinsya na ang tungo ko. Hindi totoong sa best friend ako tutuloy dahil hindi ako makapagpatuloy sa pag-aaral sa taong ito gawa ng hindi sapat ang kita namin sa copra. Baka sa susunod na semester na ako makapagpatuloy o sa susunod na taon. Inilagay ko pala ang binili mong pulseras sa maliit na garapon sa iyong drawer. ‘Di ba sabi mo, kapag gusto mong kalimutan ang isang tao, ilagay mo ang mga bagay tungkol sa kanya sa isang lugar na ‘di mo palaging nakikita. At kapag handa ka na, sunugin mo ito. Ipaubaya ko sa iyo ang pagsunog sa pulseras ko. Kinalimutan ko na ang halaga niya para sa akin.” Tinupi ko ang sulat at inilagay iyon sa ibabaw ng mesa ni Ezie. Binasa kong muli ang nakasulat sa pulseras, “I’m yours”. Hinalikan ko ito. “Paalam” ang bulong ko at hinugot ko ang drawer at inilagay ito sa maliit na garapon. Sa ibabaw naman ng sulat ay inilatag ko ang duplicate na susi ng kanyang apartment. Nang nasa bus na ako, kinopya ko ang mahahalagang number sa directory ng aking cell phone atsaka tinanggal ko ang sim at itinapon ito. Gusto kong magsimula muli at tuluyang burahin sa aking isip Ezie. APAT NA BUWAN na nanatili ako ng probinsya. Walang contact sa mga kaibigan sa Maynila, lalo na kay Ezie. Kahit walang sandali na hindi siya pumapasok sa aking isip, pinilit kong maging abala sa ibang bagay. Minsan ay umiiyak din lalo na kapag ganyang nag-iisa. Nguni tang ginagawa ko na lang ay hayaan ang sariling magsawa sa kaiiyak hanggang sa makatulog. Isang araw habang nasa niyogan ako at tumutulong sa pag-ani ng niyog, biglang dumating ang aking Ninang, nagtatakbo. “Jim! May naghahanap sa iyo!” ang sigaw niya. Ngunit hindi pa ako nakasagot ay nakita ko na ang taong sinabi niya, sumunod pala sa kanya. Si Ezie. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD