"Why you looked surprised?" tanong ni Keandrix kay Nicholai na namumutla na ang mukha.
Napatikhim naman si Nicholai saka mabilis na ibinalik ang hawak na litrato sa ibabaw ng mesa.
"Huwag mong sabihing hindi mo siya kilala, Mr. Cervantes. Isa siyang regular employee ng inyong kumpanya for many years. Imposible namang hindi mo kilala ang mga matagal na sa inyong kumpanya?" muling sabi ni Keandrix.
Muli ring napatikhim si Nicholai tinitigang mabuti si Keandrix.
"What do you mean by showing this picture to me?" madiing tanong nito.
Napangisi naman si Keandrix at sumandal sa kanyang upuan.
"We talked about honesty a while ago, do you know her?" sagot ng binata.
"Ofcourse, I know her! So, what's the big deal?" mababa man ang tinig ni Nicholai subalit halatado namang nagpipigil lang itong huwag magalit.
"Good! Do you know that this lady was in the hospital six days until now?" sabi ni Keandrix.
Napaawang naman ang labi ni Nicholai.
"Yeah, you heard it right! She's in coma, and the first person that I saw in her belongings was you. Ikinalat ko ang mukha niya sa kahit anong online sources para kahit papaano ay malaman ng mga taong concerned sa kanya. But, why? Ni multo yata ay walang pakialam sa kanya including you! I found out that you fired her because of irresponsible behavior as your employee. Don't get me wrong pero nakakatawa!" Saad ni Kean.
"Will you just shut up, Mr. Fuentebella? Can we not talked this anymore? She's no longer our employee, at hindi ko alam na nasa hospital siya. Yes, ako kasi ang boss niya kaya I'm the first person that you can saw in her personal belongings. She's just my recently employee nothing more and nothing less!" Mariing tugon ni Nicholai.
Nahimas ni Keandrix ang kanyang sariling baba habang kanyang pinagmamasdan ang kanyang kausap. Alam niya sa kanyang sariling may itinatago si Nicholai at may pinagtatakpan itong ayaw malaman niya. Subalit hindi siya tanga upang basta maniwala na lamang sa sinasabi ng kanyang kaharap. May kasabihang actions speak louder than voice. At ang kanyang mga nakita sa kagamitan ni Miss Tañeza ay sapat mg ebidensya na hindi lamang relasyong mag-amo ang namamagitan sa dalawa kundi higit pa roon. Kapagkuwan ay kinuha na ni Keandrix ang larawan ni Georgia na nakalapag sa mesa at tumayo na ito.
"Are we done?" nagtatakang tanong ni Nicholai.
"Yes! May importante pa akong lalakarin! Nice meeting you, Mr. Cervantes!" nakangiting sagot ni Kean sabay abot sa kanyang kamay upang magkamayan silang dalawa.
Bantulot namang tumayo si Nicholai at kinamayan niya si Keandrix.
"Akala ko mag-uusap tayo about partnership sa isang business!" wika ni Nicholai.
"Apparently, oo sana! But I decided na, it's not yet time para roon. Pag-iisipan ko pa kung magiging partner ba tayo o hindi. Kasi, honestly round one pa lang failed ka na sa standard ko." Tahasang sabi ni Keandrix.
"Anong ibig mong sabihin? Na amay relasyon kami ng aking employee na si Georgia?!" nag- init na ang ulo ni Nicholai at naibagsak nito ang kanyang kamay sa mesa.
Nagsitayuan ang mga kasama ni Keandrix sabay lapit sa kanilang dalawa. Ganoon din ang ginawa ng mga tauhan ni Nicholai subalit mas marami sina Keandrix.
"Relax ka lang! Hindi ako ang may sabi niyan, kundi ikaw! Ang isda, nahuhuli mismo sa kanyang bibig!" nakangising turan ni Keandrix.
Hindi nakasagot si Nicholai at napatulala ito. Nang mahimasmasan ay papalabas na sina Keandrix sa may pinto. Naikuyom na lamang ni Nicholai ang kanyang kamao at nagngangalaiting nakatingin sa pinto ng resto bar. Kapagkuwan ay naglakad na rin ito palabas at lulugo- lugong nagtungo sa kanyang sasakyan kasunod ang kanyang mga bodyguards.
"Umamin ba siya?" tanong ng Atty na kasama ni Keandrix.
"Nope. Pero sapat na sa akin ang kanyang mga nasabi at reaksyon tungkol kay Miss Tañeza. Remember, prosecutor ako dati alam ko kung kailan nagsisinungaling ang isang tao." Sagot ng binata.
Tumango- tango naman ang Attorney at hindi na ito nagsalita pa.
"Ngayong gabi kami lilipad papuntang San Francisco kasama si Miss Tañeza. Baka si Iñigo ang siyang magbabantay sa kanya sa hospital. Dadalaw- dalawin ko na lamang siya upang ma- monitor pa rin ang kanyang kalagayan." Saad ni Keandrix.
"Okay! Kung may ipapagawa ka pa sa akin, itawag mo na lang!" sagot ni Atty. Hernandez.
"Salamat, Atty! Basta, keep tracking Chona and manmanan si Nicholai. Kung magkakamalay ang babae, papupuntahin kita sa San Francisco. Pero ngayon pa lang, asikasuhin mo na ang kanyang passport. Para anytime na babalik siya ng Pilipinas, ready na ang lahat." Pahayag ni Keandrix.
"Copy that, don't worry!" tugon ng Abogado.
Maya-maya pa'y nasa harapan na sila ng Mansyon na pag-aari ni Keandrix. Pumasok na sila roon sa loob nang makababa silang lahat. Agad namang sinalubong ng Mayordomang si Aling Molly ang kanyang amo at binati ito sampu ng kanyang mga kasamang katulong.
"Nakahanda na ba ang lahat Aling Molly?" agad na tanong ng binata.
"Nakahanda na po, Senyorito!" Sagot ng Ginang.
"Good! Pakilagay na po ang mga maleta sa compartment ng sasakyan. Magpapahinga lang po ako sandali saka kami lululan sa private Airplane natin." Wika ng binata.
Tumango si Aling Molly at sinenyasan na ang kanyang mga kasamang katulong para ibaba ang mga maleta. Binuksan naman ni Atty. Hernandez ang kanyang attache case para ibigay ang iba pang dadalhin ni Keandrix na papeles patungong abroad.
"Uuwi na rin muna ako, Kean! Basta kapag may ipapagawa ka pa sa akin, itawag mo agad!" sabi ng Attorney.
"Okay, thank you! Mag-iingat ka!" sagot ni Keandrix sabay tapik sa balikat ni Atty. Hernandez.
Tumango ito at tuluyan nang nagpaalam sa binata. Sinenyasan naman ni Keandrix ang kanyang mga bodyguards na magpahinga na rin muna tutal nasa bahay na silang lahat. Mabilis na tumalima ang mga ito at sabay-sabay nilang tinungo ang kanilang quarters kung saan doon na rin sila natutulog. Umakyat naman na si Keandrix patungo sa kanyang kwarto. Nginitian niya sina Aling Molly nang makasalubong niya ang mga ito. Lima ang kwarto sa taas, habang apat naman sa baba. Ang iba pang bahagi ng Mansyon ay may nakatokang paggagamitan. Lahat ng mga naroon ay maganda ang pahingaan kung kaya't ang mga ito ay matagal na ngang naninilbihan sa pamilya ni Keandrix. Maliit pa ang binata ay mga tauhan na ng Mansiyon ang lahat ng mga naroon maliban sa mangilan- ngilang bodyguards ni Keandrix na ito mismo ang pumili. Kaya suwerte sina Aling Molly at ang iba pa dahil sadyang mababait ang kanilang mga amo maliban kay Krystal na nag- iisang babaeng kapatid ng binata. Hindi man literal na masama ang ugali ng dalaga, ay nakakasakit pa rin ito ng damdamin sa mga naninilbiha sa kanila bagay na ikinagagalit minsan ni Keandrix. Hanggang sa silang magkapatid na ang magtalo dahil sa pagtatanggol ng binata sa kanilang mga tauhan. Wala rin lang namang nagagawa si Krystal dahil si Keandrix pa rin ang masusunod sa Mansiyon. Kaya laging out of town ang dalaga o kaya ay parati ito sa sariling condo unit niya. Para maiwasan ang parating pagbabangayan nilang magkapatid lalo na kapag nagpapasaway si Krystal sa kanyang kuya. Siyempre bilang bunso talagang kailangang sumunod ang dalaga sa kanyang utol dahil kung hindi grounded ang aabutin nito kapag nagalit ang hari ng Mansyon.