Marami ang umalalay sa babaeng si Miss Tañeza upang maipasok ito sa loob ng private Airplane. Naroon na rin sa loob si Keandrix. At lahat ng mga kailangan nila para sa pagpunta nila sa San Francisco ay naroon na rin. Kasama nilang lilipad sa San Francisco ang dalawang Doktor na tumitingin sa dalaga. Nang matiyak nilang maayos na ang lahat nagpaalaman na sila sa isa't-isa. Muling binilinan ni Keandrix ang kanyang mga maiiwan lalo na sa kanyang mga negosyo. Maya-maya pa'y umandar na ang Airplane at handa na itong maglayag sa papawirin. Prenteng sumandal si Keandrix sa kanyang upuan at ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Itutulog na mina niya habang nasa biyahe sila dahil nakakatiyak siyang marami na namang trabaho ang siyang naghihintay sa kanya roon. Hapo ang kanyang katawang lupa subalit walang puwang para sa kanya ang salitang pagsuko.
"Boss, magla- landing na po tayo!" paggising sa kanya ni Terrenz.
Agad namang nagmulat si Keandrix at inayos nito ang kanyang sarili.
"Kumusta si Miss Tañeza?" tanong nito.
"Okay naman po siya! Wala namang naging problema!" sagot ni Terrenz.
"Good! Nakaabang na ba ang ambulance at mga staff na siyang titingin sa kanya?" muling tanong ng binata.
"Yes, Boss!" maigting na tugon ni Terrenz.
Tumango na lamang si Keandrix. Mabuti na lamang at hindi nagkaroon ng problema sa kanilang paglilipat kay Miss Tañeza. Umaasa na ngayon si Keandrix na mas mabilis ang recovery ng dalaga sa mas modern na facility na paglilipatan sa kanya. Para naman makahinga na rin nang maluwag ang binata at mawala na ang konsensiyang kanyang nararamdaman dahil nabangga niya ang dalaga. Pagkababa ni Keandrix ng eroplano ay sakto namang isinasakay na si Miss Tañeza sa loob ng ambulansya. May hinanap ang mata ng binata na isang taong labis niyang pinagkakatiwalaan. Kapagkuwan ay isang tapik sa balikat ang naramdaman nito. Paglingon niya ay ang nakangiti mukha ni Iñigo ang kanyang nakita.
"Kumusta bro?" nakangiting tanong ni Iñigo.
Nag- fierce fist silang dalawa sabay yakap at masayang nagbitawan kinalaunan.
"Mas macho ka ngayon ah! Well, mag-usap na lamang tayo sa bahay!" sabi naman ni Keandrix.
"Ofcourse! Siya na ba ang sinasabi mo sa phone?" wika ni Iñigo sabay nguso sa may ambulansya.
"Oo! Sana babantayan mo siyang maigi at hindi bantay salakay ah!" pagbibiro ni Keandrix.
Natawa naman si Iñigo sabay tapik sa likod ni Keandrix.
"Mabait ako sa mabait ano ka ba! Maliban na lamang kung si Miss Tañeza ang sasalakay sa akin. Aba, hindi ako tatanggi sa palay na gustong lumapit sa akin!" nakangising sagot nito sabay kindat
Agad namang binatukan ni Keandrix ang kanyang bestfriend.
"Igalang mo ang babae kahit gusto nang magpatuka sa'yo!" ani nito.
Tumatawa pa rin si Iñigo habang himas ang sariling batok nito.
"Huwag ka ngang feeling innocent diyan, Kean! Kung hindi ko pa alam halimaw ka rin naman pagdating sa mga babae!" kantiyaw nito.
"Noon 'yon! Noong bulakbol pa tayo, magkaiba na ngayon! Marami na ang nakaatas sa ating mga balikat ngayon bawal ng maging pasaway!" depensa ni Keandrix.
"Kuuuu...hindi masama kung paminsan-minsan eh, maging pasaway ka!" tugon ni Iñigo.
"Tama na, ang dada mo naririndi ako sa'yo!" singhal na lamang ni Keandrix kay Iñigo subalit natatawa naman ito.
Napapalatak na lamang si Iñigo saka napapailing. Ilang saglit pa at nasa bahay na sila. Nakahilera ang mga katulong maging ang mga tauhan sa pagdating ni Keandrix. Nakayukod silang lahat sabay sabing maligayang pagdating Senyorito!. Tango at ngiti lamang ang siyang naitugon ng binata. Sa malawak na sala ay naroon ang mga magulang ni Keandrix maging ang dalawa niyang kapatid na lalaki.
"Maligayang pagdating anak!" magkapanabay na sabi ng kanyang parents sabay yakap.
Para namang taon na silang hindi nagkita samantalang two months siyang naglagi roon. Four months naman siya sa Pilipinas, at ngayon naman baka abutin ulit siya sa San Francisco ng dalawang buwan.
"Good to see bro!" sabi naman ng kanyang Kuya Kyle.
"Kumusta ang Pilipinas?" wika naman ng kanyang kuya Kristoff.
"Ganoon pa rin, mas dumami ang nga infrastaktura!" sagot ni Keandrix.
Siya kasi ang susunod saka ang bunso. For good na ang kanyang dalawang kapatid sa San Francisco dahil doon sila nakapag-asawa. At doon rin ang kanilang mga negosyo paminsan-minsan din silang pumapasyal sa Pilipinas. Bale ang Mansyon sa Pilipinas na kanilang pagmamay- ari ay para na ring family house. Doon din ang gusto ni Krystal na kanilang nag-iisang kapatid na babae. Ayaw nitong maglagi sa San Francisco dahil dito naman kasi lumaki ito. Gusto niya raw mag- explore sa Pilipinas subalit bumabalik naman ito sa San Francisco kapag naboboring na rin ito.
"Akala ko kasama mo si Krystal!" sabi ng Mama nila.
"Out of town po siya, Mama. Nagpaalam sa akin na mag- jamming ng ilang araw saka susunod dito." Sagot ng binata.
"Talagang pasaway na ang kaparid niyong iyon!" sabi naman ng Papa nila.
"Papa, hayaan niyo na! She's enjoying her freedom!" wika naman ni Kyle.
"Ay ewan! Kaya lumalaki ang ulo ng inyong kapatid dahil sa inyo! Kinukunsinti niyo siya porke't nag-iisang babae!" naggagalitang sagot ng Ginoo.
Natawa naman silang lahat.
"Except me, Papa! Kilala niyo naman po ako!" turan naman ni Keandrix.
"Alam ko pero minsan nauuto ka rin ng kapatid mo!" mabilis na sagot ng Papa nila.
Muli silang nagkatawanan.
"Ito ba ang isasalubong niyo sa akin?" natatawa pa ring tanong ni Keandrix.
"Okay, tama na! Halina kayo at dudulog na tayo sa hapag- kainan." Sabi naman ng kanilang Mama.
Nag- group hug silang lahat saka masayang tinungo ang dinning room. Malayo pa lamang si Keandrix ay amoy na amoy na nito ang kanyang pabirong ulam, native dish adobong baboy. Iyong luto sa makalumang recipe mas gusto niya kasi iyon, mas masarap para sa kanya. Iyong babad sa soy sauce, maraming paminta at bawang. Marinade ang peg pero adobo siya, para sa kanya the best pa rin ang pagkakaluto ng isang adobong ganoon ang recipe na may twist itong konting asukal. Napaparami talaga ng kain si Keandrix kapag ganoon ang pagkakaluto ng adobong karne. Na hindi alam ng karamihan sila lang na pamilya. May kaya sila sa buhay subalit pagdating sa mga pagkain, si Keandrix ang namumukod- tanging gustong-gusto ang mga old recipes ng mga ulam o pagkain. Natatawa na lamang ang kanyang pamilya sa kanya subalit paminsan-minsan ay kumakain na rin naman na ang mga ito dahil sa impluwensya ng binata.
Nang matapos silang kumain ay nagtungo naman silang lahat sa may likod- bahay. Marami ang iba't-ibang tanim roon na sinadyang pinagawa bilang mini farm garden ng pamilya. Iyon ang libangan ng kanilang Mama. At ang mga butong naitanim roon ay galing pa mismo sa Pilipinas. Mas marami ang gulay na tanim na kay gagandang pagmasdan.
"Wow, malalaki na sila Mama!" sambit ni Keandrix na namimilog pa ang mga mata nito.
Napipinto nang mamunga ang mga siling hindi maanghang, pati na ang mga talong. Para ka lamang nasa bahay kubo na kung kantahin mo ang mga gulay doon ay siya naman ang nasa tanim ng kanilang Mama. Para ka na ring nasa probinsya ng Pilipinas. Kaya siguro hindi nami- miss masyado ng kanilang mga magulang ang Pilipinas dahil para na rin silang naroon sa pamamagitan ng kanilang mga tanim.
"Ofcourse mga anak! Alam niyo na ang Mama niyo mahilig sa fresh veggies!" msayang sagot ng Ginang.
Tumango- tango silang lahat bilang pagsang-ayon. Dahil totoo naman kaya nga parang hindi tumatanda ang kanilang Mama na fresh and young looking pa rin. Kasi nga sobrang love nito ang magtanim ng kung ano-ano. Lalo na ang mga namumungang gulay tapos iyon na ang aanihin nito para maulam. Kaya sobrang iniidolo ni Keandrix ang kanyang Mama and he want to marry a girl like his Mama someday. Dahil nakakatiyak siyang magiging huwarang ina rin ang kanyang mapapangasawa kapag katulad ito ng kanyang ina. Mas masaya ang pamilya at mas masaya ang pagsasama although paminsan-minsan hindi maiiwasan ang bangayan.