NAKATUNGHAY si Keandrix sa babaeng kanyang nabangga noong isang araw. Grabe ang tama nito at nakokonsensiya siya but hindi naman niya iyon sinasadya. May trip siya abroad two days from now at kailangan niyang mahanap ang mga kamag-anak ng babae. He even posted it in television, social media at iba pang maaaring puwedeng maisapubliko ang dalaga. Kaya lang wala pang nagki- claim dito, mabuti na lang at pagmama- ari niya ang nasabing hospital. Maya-maya pa'y bumukas ang pinto ng ICU na kinaroroonan nila ng babae. Binisita niya ito kung may pagbabago na ba sa mga vital status ng babae.
"Good morning, Ken! How are you today?" bungad na sabi ni Dr. Johnson Castillo.
"I'm good, Doctor! How about our patient, any progress?" sagot ni Dr. Castillo.
"Well, nakakalungkot man pero wala pa rin. Parang hindi nakiki- cooperate ang may katawan, no response at all. And I suggest na puwede natin siyang ilipat sa abroad for further examination. Alam mo na kulang tayo ng apparatus na gagamitin sa kanya rito. And, mas mabisa ang kanilang mga gamot kumpara rito. Iyon kung willing kang tulungan siya, mukhang wala naman na siyang kamag- anak." Saad ng dalubhasa.
Nag-isip saglit si Keandrix may punto nga naman ang Doktor. Muli niyang tinitigan ang mukha ng babae, pakiramdam niya ay may masalimuot na pangyayari sa buhay nito ayon sa kanyang nakikita. At hindi niya alam kung ano iyon, basta malungkot lang talaga ang tingin niya sa mukha ng babae. And hindi niya alam kung bakit tila apektado siya at nakokonsensiya. Yes, gusto niyang tulungan ito at alamin kung ano ba ang madilim na nakaraan nito at bigla na lang tatawid ng kalsada na para bang wala ng mga sasakyan na makakabangga sa kanya.
"You have to decide now, Ken!" untag ng Doktor.
Naihilamos ni Ken ang sarili nitong palad sa kanyang mukha. Napabuga siya ng hangin, he had no choice but to help the girl. Kilala siyang responsableng tao, ayaw niyang madungisan iyon nang dahil lamang sa pagkababangga niya sa dalaga. Baka mamaya iyon pa ang pagmulan ng iba't-ibang haka- haka ng mga taong nakakakilala sa kanya. Hindi siya natatakot kung siraan man siya but their family used to be out of some controversial. At iyon ang kanyang pinaninindigan.
"Okay, we will transfer her in San Francisco for her speed recovery. Tutal, doon ako for ilang months mamo- monitor ko siya." Pagsang- ayon na rin ni Keandrix.
Tumango- tango si Dr. Castillo at tinurukan ang dextrose ng babae.
"Alam kong hindi ka tatanggi. Kilala kang matulungin na tao, tiyak isang buhay na naman ang maililigtas mo after this. Allright, aasikasuhin ko na ang kanyang mga kakailanganin niyang papeles para hindi magka- aberya. Pag-aari mo man ang hospital na pagdadalhan mo sa kanya roon alam kong hahanapan ka pa rin ng mga ilang papeles. Ngayon pa lang, isa na namang pasasalamat and we are proud of you!" pahayag ng Doktor.
"Go ahead, Doc! And, thank you!" sagot ni Keandrix.
Tinapik ng Doktor ang balikat ng binata at tuluyan na itong lumabas ng kwarto. Muling pinagmamasdan ng binata ang babaeng kanyang ipapagamot. Mabuti na lang at hindi naihagis sa malayo ang shoulder bag ng babae sa araw na nabangga niya. So, pinahanap niya ang taong bukod tanging kanyang nakita sa phone at sa wallet nito. At hindi niya akalaing may koneksyon pala ang babae sa isang anak ng negosyante kung saan dinaluhan pa niya ang kasal nito. Hindi niya lang alam kung magka- ano- ano silang dalawa. Malalaman niya mamaya kapag nakausap na niyang ang lalaki. Nagpa- settle si Keandrix ng isang urgent meet up sa lalaking iyon. Base sa mga larawan ng dalawa na kanyang nakita sa phone ng babae, magkalaguyo ang mga ito. O mas tamang sabihing may relasyon ang dalawa na baka hindi matanggap ang pagpapakasal ng lalaki. Kaya hayun, mas nanaisin pa ng babae na mamatay na lamang. Kawawa naman ang babae kung ganoon, anuman ang totoong nangyari malalaman niya rin.
"Boss, nasa Firm Resto na raw si Mr. Cervantes!" anunsyo naman ng kanang kamay ni Kean.
Tumango lang ang binata at sinenyasan nito ang kanyang mga bodyguards at lumabas na sila ng kwarto. Ngayon ang moment of truth kung ano nga bang relasyon mayroon ang babaeng nabangga niya at ang anak ng negosyanteng si Nicholai Cervantes. Paglabas ni Kean mula sa loob ng hospital ay naroon na rin ang kanyang abogadong si Atty. Hernandez. Nagtanguan lang silang dalawa at magkakasabay na silang lumulan sa loob ng kotse.
"Kumpleto na ang lahat ng mga kailangan mo para sa babaeng ipapagamot mo sa San Francisco. At kumpirmadong wala siyang kamag-anak rito sa lungsod kundi nasa probinsya ang mga ito. May matagal na itong kasama and her name is Chona. Pero simula ng araw na nabangga ang babae, nawala na rin itong parang bula. At ang babaeng nabangga mo ay si Miss Georgia Yvette Tañeza, regular employee sa kumpanya nina Mr. Cervantes for how many years." Saad ng Abogado.
"Hindi niyo ba mahanap itong Chona as in? No trace kung saang lungga ito naroon?" sagot ng binata.
"Ganoon na nga! Nakakapagtaka dahil ayon sa imbestigasyon ng ating private investigator, galing si Miss Tañeza sa bahay ng kaibigan nitong si Chona that day." Muling saad ng Atty.
"Okay! Keep tracking on her, kung talagang magkaibigan sila bibisitahin niya si Miss Tañeza sa hospital. Imposibleng hindi pa niya nabalitaan ang nangyari sa kanyang kaibigan." Turan ni Keandrix.
"Tama ka kaya may something's fishy nga na nangyari. Kaya nga we need to investigate far more." Tugon ni Atty. Hernandez.
"Yes! Ayoko namang basta tumulong lang dahil nabangga ko siya. Mukhang kailangan ni Miss Tañeza ng tutulong sa kanya lalo na ngayon at comatose siya. Sa ilang araw na aking panawagan walang bumisita sa kanya. Sobrang nakakaawa at dahil ako ang nakabangga sa kanya, responsibilidad ko na siya. Malalaman ko rin ngayon kay Mr. Cervantes kung anong ugnayan meron sila ni Miss Tañeza." Pahayag ni Keandrix.
Tumango ang Abogado kapagkuwan ay papasok na sila sa malawak na parking area ng Firm Resto Bar. Binilinan na lamang ni Keandrix ang iba na mag- double group sila at hiwalay para hindi halatang magkakasama sila. Agad namang tumalima ang mga tauhan ni Keandrix at nauna na ang unang pangkat na pumasok sa loob. Inayos naman ni Keandrix ang kanyang kurbata at buhok saka pinampag ang kanyang damit. Taas noong naglakad ito papasok sa loob ng Firm Resto Bar. Yumukod ang lahat bilang paggalang kay Keandrix na sinuklian ng binata ng isang matipid na ngiti. Pagkapasok nina Keandrix ay agad niyang nakita ang kumakaway na si Mr. Cervantes. Ngumiti ng bahagya si Keandrix at lumapit na sila sa mesang kinaroroonan ni Nicholai.
"How are you, Mr. Fuentebella?" agad na sabi ni Nicholai sabay shake hands ang mga ito.
"I'm good, Mr. Cervantes ikaw nakakatulog ka pa ba?" sagot ni Keandrix na ikinabawi ng ngiti ni Nicholai.
Medyo hindi maipinta ang mukha ni Nicholai dahil sa sinabi ni Keandrix.
"I'm just kidding!" bawi naman agad ni Keandrix sabay tawa.
Kaya tumawa na rin si Nicholai at niyaya nitong umupo si Keandrix.
"So, I'm glad na pinagbigyan mo akong makipagkita sa'yo ngayon. Sana simula na ito ng ating magandang relasyon about our company." Wika ni Nicholai.
"Well, ofcourse naman! Iyon kung honest ka sa akin all the time. Alam mo naman ang mga Fuentebella, ayaw nila ang napakasinungaling na tao. They should know what is their punishment when they betrayed us!" Saad ni Keandrix.
"Ofcourse naman! Maaasahan mong ang mga Cervantes ay tapat sa kanyang mga kaibigan." Masayang tugon ni Nicholai.
"Well, that's good! Before, tayo magkahiwalay ngayon I need you to take a look at this picture." Sabi ni Keandrix sabay lapag sa mesa ang isang litrato.
Natitigan naman ni Nicholai ang litratong nasa ibabaw ng mesa. Muling tumingin si Nicholai kay Keandrix. Nagmuwestra pa si Keandrix ng parang time is gold at ayaw niyang maghintay ng matagal. Napabuga ba lamang ng hangun si Nicholai sabay dampot sa litrato at kanyang tiningnan. Ganoon na lamang ang pagkagulat ni Nicholai na para bang nakakita ito ng multo. Agad itong namutla at naoalunyng magkakasunod. Pinagpawisan din si Nicholai na nakatitig sa litratong si Geargia pala ang laman noon.