Surprised

1000 Words
MAY dalang bulaklak si Georgia nang pumunta siya sa bahay nina Nicholai. Paboritong pagkain pa ng binata ang kanyang niluto nang umagang iyon. Binalewala niya ang pagtatalo nila kagabi para sa kanya natural na lamang iyon. Lagi naman na silang nag- aaway sa mga nagdaang buwan. Wala ng bago para sa kanilang dalawa. "Hi, po! Nandiyan po ba si Nicholai?" tanong niya sa maid nagbukas ng pinto. Kilala naman na siya ng mga guard kung kaya't konting busina lang niya ay pinapapasok na siya. Dahil hindi na siya iba, kung tutuusin nga ay para na siyang nakatira rito. Sa tagal ba naman niyang pabalik- balik dito, kaya palagi niyang nahuhuling may katalik na ibang babae ang kanyang magaling na nobyo. "Eh, Ma'am Georgia may mga bisita po si Sir!" sagot ng maid. "Sino 'yan, Manang?" boses ni Nicholai. Matamis namang napangiti si Georgia at inayos ang kanyang sarili. "Hi!" wika ng dalaga. Nakita niya ang pagtalim ng mga mata ng binata. Mabilis itong lumapit kay Georgia. "Sige na, Manang ako na ang bahala rito!" wika ni Nicholai sa maid. Tumango ang maid at lumayo na sa kanilang dalawa. Marahas naman siyang binalingan ni Nicholai at sinaklit pa siya sa braso. "What are you doing here?" madiin nitong tanong. "Bawal na ba ako rito?' malungkot na tanong din ng dalaga. "You're not supposed to come here today!". "But why? Gusto lang naman kitang makita and to fix everything like last night." Naihilamos ni Nicholai ang sariling palad nito sa kanyang mukha. "Who's that, Nicholai?" tinig ni Sir Nelson. "Ahm, nothing Dad!" sagot ng binata. "Bakit hindi mo papasukin kung sino siya?" muling tanong ng ama nito at namalayan na lamang ni Georgia na nasa harapan na nila ang matanda. "Magandang araw po, Sir!" kiming sabi ni Georgia sabay yuko bilang paggalang niya rito. "Miss, Tañeza?" gulat na wika ng matanda saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa. Tila nagtataka ito kung bakit siya naroon. Dahil maging ito ay hindi alam na nobyo niya si Nicholai. Dahil kapag narito siya ay natataong wala ang matanda. "Ahm, Dad nag- order kasi ako ng bulaklak sa pamamagitan niya." Tarantang sabad ni Nicholai. "Oh! Siya, papasukin mo muna siya Nicholai." Walang nagawa si Nicholai kundi papasukin si Georgia. Matalim niya itong tinitigan na tila nagbabanta sa kanya. Labis namang ikinatuwan ni Georgia at malapad siyang ngumiti. Marahil ito na ang tamang panahon para sabihin niya sa ama ng binata na matagal na silang magkasintahan. Pagkapasok ni Georgia ay nawala ang malapad niyang ngiti. Dahil naroon ang babaeng ipinakilala ni Nicholas na nobya nito sa harap ng marami. At tila kasama ang mga magulang nito. Napalunok si Georgia at napaatras, kinukutuban siya pero ayaw niyang malaman. "M- magandang araw po!" nautal na sabi ng dalaga nang maramdaman niya ang pagpisil ni Nicholai sa kanyang braso. "Hindi ba employee ka ni Tito Nelson? Na dating nagtatrabaho kay Nicholai?" tanong ng babae. If she was not mistaken, ito ang heiress ng Talavera group. Walang- wala siya sa kalingkingan nito. "O- Opo!" sagot ni Georgia. "Ahm, sweetie nag- order ako ng bulaklak for you. And sa kanya ko naibilin sa pagmamadali dahil siya lang naman ang free, right Georgia?" sabad ni Nicholai. Napakurap- kurap si Georgia upang hindi malaglag ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Pinilit niyang ngumiti. "Ah, oo! M- may niluto pa po akong kare- kare paborito po ni S- Sir Nicholai." nagkandautal- utal niyang sagot. "Oh, how sweet! I think, you're one of Nicholai's friend!" nakangiting tugon ng babae. Habang tuwang- tuwa namang nakatunghay sa kanila ang mga magulang nila Nicholai at Shanelle. Pero para kay Georgia, iyon na ang pinakamsakit na pangyayari sa kanyang buhay. Napaigtad pa si Georgia nang kunin ni Nicholai ang mga bulaklak mula sa kanya pati na ang lunch box. Nagkatitigan silang dalawa subalit si Georgia ang unang nagbawi ng kanyang tingin. "Thank you, Miss Tañeza!" narinig ng dalaga na sinabi ni Nicholai. Sanay na siya dapat subalit sa mga oras na ito, hindi lang kutsilyo ang patuloy na sumasaksak sa kanya kundi para na rin siyang binaril sa puso. Gusto niyang maiyak lalo na nang iabot ni Nicholai ang mga bulaklak kay Shanelle at hinalikan pa niya ito sa pisngi. "Thank you, Miss Tañeza!" sabay na sabi ng mga magulang ng dalawa. Alanganing napangiti ang dalaga kahit na gusto na niyang bumalahaw ng iyak. Nang hindi na makayanan pa ni Georgia ang magkunwari ay mabilis na siyang nagpaalam. Agad namang nagboluntaryo si Nicholai na ihatid siya hanggang sa may gate. "Don't you ever dare Georgia! I'm warning you, don't you ever dare to ruin my wedding!" pagbabanta ni Nicholai. "Ganyan lamang ba ang sasabihin mo sa akin? Pagkatapos nang lahat ng mga ginawa ko, pagbabanta ang maririnig ko mula sa'yo?" luhaan na ang mga mata ni Georgia saka napahikbi. Hindi nakasagot si Nicholai. "Nagbago ka pagkatapos mong makuha ang lahat- lahat sa akin. Para akong gamit na basta mo na lamang itinapon sa basurahan ng mapagsawaan mo na. Anong naging kasalanan ko? Ano ba ang pagkukulang ko? Tell me!" sigaw ni Georgia habang walang patid na bumabalong ang kanyang mga luha. "Georgia, I told you ang tao nagbabago. Nawawala ang feelings! Ikaw lang naman ang pilit na nagpapatuloy sa relasyon natin hindi ba?" sa wakas ay nakasagot na si Nicholai, this time mahinahon na rin ito. "Oo nga pala! Nakalimutan ko, ako lang pala ang gumawa ng relasyon na ito. Sorry ha? Ako lang pala ang nag- e- effort na huwag masira ang relasyon natin, pinipilit kita. Akala ko kasi, mahal mo rin ako katawan ko lang pala ang minahal mo!" tugon ni Georgia at mabilis na niyang tinalikuran ang binata. Mabilis niyang inandar ang kanyang sasakyan. Bago siya tuluyang lumabas sa bahay na iyon ay nakita niya si Miguel na seryoso ang mukhang nakatingin. Kung kaya't mas lalong napaiyak si Georgia nang maalala ang pangaral ng binata kagabi sa kanya. Sana ay nakinig na lang siya kay Miguel noon pa man. Nang sa gayon, hindi siya sobrang nasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD