The wedding

1110 Words
WALA nang sasakit pa sa puso ang makitang ikinakasal sa iba ang iyong nobyo. Katulad ni Georgia ngayon na sinasaksihan ang pakiki- isang dibdib ni Nicholai sa iba. Sa kanya siya nabuo at nagsimula pero sa iba siya nagwakas at nakumpleto. Anong sakit na halos ikatigil na ang puso nitong tumibok. Napahikbi si Georgia at hinayaang maglaglagan ang kanyang mga luha. At kung puwede lang sana na maglaho siya sa mga oras na iyon ay ginawa na niya. Hindi sana siya pupunta pa pero tinalo siya ng kanyang pusong umaasa. Gusto niyang pigilan ang kasal subalit nakapako na lamang ang kanyang mga paa at hindi siya makalakad upang makalapit sa kanila. Pati ang kanyang labi ay tila nilagyan ng packing tape at hindi niya mabuka- buka. Kaya ang siste, nakatayo lamang siya sa labas na umiiyak. "Bakit ka pa pumunta, Ma'am?" tinig ni Miguel ang narinig ni Georgia. Hindi nilingon ng dalaga si Miguel. Hiyang- hiya siya dahil nagalit pa siya rito gayong nagmamalasakit lamang ito sa kanya. "Masakit mang tanggapin pero kailangan. Hanapin mo ang iyong sarili, at matutunan mo sanang magtira kahit na katiting lamang. Nang sa gayon, hindi ka totally broken down!" patuloy ni Miguel. Mas lumakas ang hikbi ni Georgia at nagawa niyang maglakad papunta sa kanyang sasakyan. At agad niyang nilisan ang lugar na iyon. Walang humpay ang pagluha ni Georgia habang nagmamaneho. Nakarating ito sa may dalampasigan at doon niya ibinuhos ang lahat nang sama ng kanyang loob. Nagsisisigaw din ito at tuluyang napaluhod sa buhanginan. Matagal siya sa ganoong ayos hanggang sa wala ng luha na lumalabas mula sa mga mata nito. Madilim na nang magpasiya siyang umuwi na. Wala siyang ganang kumain at ni hindi siya nakakaramdam ng gutom. Pagkarating niya sa kanyang bahay, nagulat siya nang makita ang kotse ni Nicholai sa labas ng gate. Kaya't nagdudumali siyang bumaba ng kanyang sasakyan. Sabik niyang binuksan ang pinto at bumuluga sa kanya si Nicholai na nakaupo sa sofa. "Nicholai," anas ng dalaga. Kinusot- kusot pa nito ang sariling mga mata upang sigurasuhing hindi siya namamalik- mata. Lumapit siya kay Nicholai at agad siyang yumakap dito. "Hindi ba sabi mo, kahit maging pangalawa ka lang na babae sa buhay ko ay okay lang sa'yo?" sabi ni Nicholai nang kumalas na si Georgia sa pagkakayakap niya rito. Mabilis na tumango si Georgia. "Para naman hindi ako magmukhang napakasama sa paningin mo, tinatanggap ko ang alok mo. But don't assume na sa'yo lang iikot ang mundo ko, Georgia. Ginagawa ko ito para hindi ako usigin ng aking konsensiya." "Payag ako! Basta huwag ka lang tuluyang mawawala sa buhay ko. Mahal na mahal kita Nicholai, nang higit pa sa sarili ko!". Iyon lamang at hinalikan ni Georgia si Nicholai. Tumugon naman si Nicholai nang walang pag- aalinlangan pa. Labis ang nadamang kaligayahan ni Georgia nang mga sandaling iyon. Wala ma siyang pakialam kung anuman ang kakahitnan ng lahat basta ang alam niya, hindi niya kayang mawala si Nicholai. Si Nicholai ang kanyang buhay at hindi niya kakayanin kapag tuluyan na nga silang magkakahiwalay. Ngunit ang kaligayahang iyon ni Georgia ay panandalian lamang. Mahigit tatlong buwan na siyang matatawag na kerida. At kagaya noong una, siya lang ang nagpapahalaga sa relasyong meton sila ni Nicholai. Dahil para lang siyang parausan na kung kailan kailangan ay saa lamang pupuntahan. Kaya nagpasya si Georgia na magtapat sa kanyang bestfriend na si Chona. Handa na siyang sabihin sa dalaga ang buong katotohanan. Ayaw na niyang mag- isang nalulungkot at umiiyak. Alam niyang magugulat si Chona sa kanyang ipagtatapat ngunit hindi sukat- akalain ni Georgia na siya ang magugulat. Dahil kitang- kita niya ngayon sa sarili niyang mga mata ang kababuyang ginagawa nina Chona at Nicholai. Habang maingay na umuungol ang mga ito at tila sarap na sarap sa milagrong kanilang ginagawa. Habang si Georgia ay tila masusuka at mahihimatay. Sapagkat para sa kanya, mas masakit pa ito nang pinapanood niyang ikinakasal sa iba si Nicholai. At ang hindi niya matanggap, ang taong labis niyang pinagkakatiwalaan at itinuturing na kapamilya ay may relasyon din pala sa lalaking kanyang minamahal. Naliyo si Georgia dahilan upang makalikha siya ng ingay. Saktong narating ng dalawa ang rurok ng kaligayahan nang mapansin nila si Georgia na luhaang nakatayo habang nakatunghay kina Chona at Nicholai. "G- Georgia?!" gulat na bulalas ni Chona at mabilis na binalot ang sarili sa pamamagitan ng kumot. "A- Anong ginagawa mo rito?" nautal namang tanong ni Nicholai. "Mga walang hiya kayo!" sigaw ni Georgia at sinugod si Chona. Sinampal- sampal niya si Chona at sinabunutan. Sagad na sagad na si Georgia at hindi niya akaling traydor din pala ang kanyang bestfriend. Ubod lakas namang umawat si Nicholai hanggang sa nagkahiwalay sina Chona at Georgia. "Wala kang hiya, Chona! Pinagkatiwalaan kita, lahat ng problema ko sinasabi ko sa'yo! Paano mo ito nagawa?" umiiyak nang sabi ni Georgia. "Let me explain! Gusto kong sabihin sa'yo noon pa man pero nag- aalinlangan akong baka ka masaktan. Ako ang nauna, Georgia bago ikaw!" maluha- luha na ring sagot ni Chona. "Sana, sinabi mo na lang na kayo na noon pa man. Para itinigil ko na ang kahibangan ko bago pa man dumating sa ganito. Alam mo naman hindi ba? Mula umpisa, alam mo naman! Ikaw pa ang nag- suggest sa akin na idaan ko sa sweet gesture! Bakit, dahil ganoon din ang ginawa mo kaya siya pumatol sa'yo?" luhaan pa ring wika ni Georgia. Hindi nakaimik si Chona, napaiyak din ito. "We are secretly married, Georgia I'm sorry!" anas ni Chona. "What?!" hindi makapaniwala si Georgia sa kanyang narinig. "Ano bang ipinagpuputok ng butse mo, Georgia! You had me, hindi kita hiniwalayan. You know your limitations, am I clear?" sabad ni Nicholai na noon ay nakasuot na ng damit. "At ano kami, laruan mo? Sana lang ay hindi na tayo nagkakilala pa at nagkalapit. You turned me into pieces, Nicholai. Labis- labis akong nasaktan, pero still binigyan kita ng chance. Pero paulit- ulit mo pa rin akong sinasaktan." umiiyak na sabi ni Georgia. Saka siya bumaling kay Chona. "At ikaw, I guess ito na ang tuldok ng ating pagkakaibigan. And thank you for everything!" sabi ni Georgia at mabilis na itong naglakad palabas ng bahay ni Chona. Nagtatakbo ito hanggang sa may kalsada. Kinalimutan nito ang kanyang kotse basta gusto lang nitong tumakbo papalayo. Habang panay ang agos ng kanyang mga luha. Halos hindi na niya makita ang kanyang dinaraanan. At sa kanyang pagtawid, langitngit ng gulong ng isang kotse ang tanging narinig ni Georgia. Ang kasunod ay ang pagtilapon niya sa kalsada at ang pagdilim ng kanyang paningin. Ngunit bago siya tuluyang mawalan ng malay, napausal siyang sana ay hindi na siya magising pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD