KABANATA UNO
HINAYAAN ng isang babae na mamalisbis ang kanyang mga luha pababa sa kanyang pisngi. She's in pain and vain begging in front of her lover.
"Baka naman puwede nating ayusin ang lahat, Nicholai!" umiiyak na sabi nito.
"Hindi ka ba nakakaintindi, Georgia? Ayoko na! Sawa na ako sa relasyon natin! Hindi na kita mahal, mahirap bang intindihin 'yon?" inis na sagot ni Nicholai.
"Matatanggap ko kung magiging pangalawa lang ako sa puso mo! Just don't leave me!".
Napailing- iling si Nicholai. Lumuhod naman si Georgia sa harapan ng binata at humawak pa ito sa pantalon niya.
"Look, parehas tayong pagod! Maybe we can talk again tomorrow!".
Agad na pinunasan ni Georgia ang kanyang mga luha. At bahagyang napangiti sa pag- asang magbabago ang pasya ni Nicholai bukas.
"Tumayo ka na riyan! Miguel!".
Agad namang dumating ang tinawag ni Nicholai.
"Pakihatid si Georgia sa kanyang bahay!" malamig na wika ng binata at hindi man lang tinapunan ng tingin ang dalaga.
Pagkasabi niyon ay humakbang na ito papalayo kay Georgia.
"Nicholai!" malungkot na tawag nito.
Subalit hindi man lang huminto at lumingon ang binata. Napayukyok naman si Georgia at nayakap ang sarili. Nakagat niya ang ibabang labi nito upang pigilang huwag mapahikbi.
"Ma'am?" untag ni Miguel.
Nag- angat nang tingin si Georgia. Nakita niya ang awa sa mga mata ni Miguel. Inilahad nito ang kanyang kamay para sa kanya. Marahan naman niyang inabot iyon at tinulungan na siyang makatayo. Wala silang imikan hanggang sa umandar na ang sasakyan upang maihatid si Georgia. Hanggang sa makarating na siya sa kanyang bahay.
"Ma'am, huwag niyo sana pong mamasamain ang aking sasabihin. Payong kaibigan lamang po, hayaan niyo na si Sir Nicholai. Para po hindi na kayo masasaktan ng todo, magtira naman po kayo para sa sarili niyo." Seryosong sabi ng binata.
Natigil si Georgia sa kanyang paghakbang papalabas ng sasakyan. Ilang ulit na nga ba siyang ipinagtabuyan ni Nicholai? Hindi na niya mabilang, siya ang pilit na bumubuo sa unti- unti ng nasisira nilang relasyon. Pero sadyang mahal niya si Nicholai. At pinaghirapan niya ang anumang mayroon sila ngayon.
"Mahal ko siya, Miguel." 'Yon lang ang namutawi sa labi ng dalaga.
At tuluyan na itong humakbang patungo sa gate ng kanyang bahay. Hindi na niya nilingon pa si Miguel dahil alam niyang awa lang ang makikita niya sa mga mata nito. Ayaw niyang madagdagan pa ang sakit na kanyang nararamdaman. Gusto niya pa ring paniwalaan na mahal pa rin siya ni Nicholai. Hanggang sa kanyang pagtulog ay pilit na kinalimutan ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Nicholai. Umaasa pa rin siyang muling magbabago ang desisyon ng binata bukas kapag nagkausap na sila. Pinilit ni Georgia ang matulog na may ngiti sa kanyang mga labi.
Kinabukasan. Matagal ng gising si Georgia pero nanatili lang na nakatingin ito sa kisame. Nang magsawa ay marahang bumangon at tinungo ang banyo na nasa kanyang silid. Tila robot itong kumikilos na parang walang pakiramdam at kumikilos lang ayon sa galaw ng kanyang katawan. Paglabas niya ay nakita niya ang malaking frame na larawan nila ni Nicholai. Nilapitan ito ni Georgia at hinaplos.
"Nahirapan akong abutin ka, kaya hinding- hindi kita susukuan Nicholai!" wika niya sa sarili habang nakatitig sa larawan ng binata.
Naalala niya bigla ang mga pinagdaanan niya bago maging kasintahan si Nicholai. Unang tingin pa lang niya sa binata ay alam na niyang mahal niya agad ito. That was the day na nagtrabaho siya sa kumpanya nila as regular employee. Araw- araw niya itong pinapantasya at palaging napapanaginipan. Then, sa isang party nagkapalagayang loob sila. Everyday niyang binibigyan ng kung anu- ano ang binata. Pagkain, damit, mga gamit at mga sweet notes. Ilang buwan din silang ganoon bago officially naging sila. Kaya lang ay sikreto lang nilang dalawa hindi puwedeng malaman sa kumpanya. Pumayag naman siya dahil nga mahal niya ang binata. Even he's with another girl hindi siya nabahala dahil ang nakatatak sa kanyang isipan ay ang pangako ni Nicholai sa kanya. Na kahit anong makikita niya ay huwag mabahala dahil siya lang ang nasa puso nito. Naniwala naman siya subalit may mga pagkakataong nakakadama rin siya ng paninibugo. Tao lang naman siya na may damdaming nasasaktan. Ngunit naging palala nang palala si Nicholai, naroong nahuhuli niya itong may kasiping na babae. But still, napapatawad niya ito because she love Nicholai so much. At ang huli na pinagtalunan nila ang pagkompronta niya kung bakit hanggang ngayon ay hindi siya magawang ipakilala sa iba? Lalo na sa pamilya nito, or even man lang sa bestfriend niya. Lagi siyang nasa anino lamang ng kanilang relasyon pero tinatanggap niya. Dahil kumapit siya sa pangako nitong ipapakilala siya that day. Pero ibang babae ang ipinakilala nito isang anak mayaman. At doon, nagalit siya sinumbatan niya si Nicholai at they ended breaking up again as usual. Pero as usual nga, siya ang sumusuko at nagmamakaawa na maaayos pa ang lahat. Siya na walang kasalanan at isang certified na tanga. Nasa kanya na lahat yata ng tawag sa isang babaeng handang gawin at ibigay ang lahat para sa kanyang minamahal. Napaigtad ang dalaga nang tumunog bigla ang kanyang selpon. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag, medyo excited pa ito sa pag- aakalang si Nicholai iyon. Subalit ang kanyang bestfriend pala, si Chona.
“Hello, Chona?” wika ni Georgia.
“Georgs, nakausap mo na si Nicholai? Okay na ba kayo? Or, break na kayo? Tell me, Georgia!” sunod- sunod na tanong ni Chona.
“Don’t worry, okay lang ako! Saka okay naman kami naayos naman namin ang aming relasyon.” Pilit ikinubli ni Georgia ang lungkot na kanyang nadarama.
Ayaw niyang malaman ng kanyang bestfriend na this time talagang nagkakalabuan na silang dalawa.
“Ganoon ba? Mabuti naman kung naayos niyo pa para hindi ka masyadong masasaktan. Alam ko namang marami na kayong memories at pinagsamahan. Sayang naman ang mga iyon kung bigla na lang kayong magkakahiwalay.” Tugon ni Chona.
“Oo nga eh! Sige, pauwi na kasi ako! Usap na lang tayo mamaya,” wika ni Georgia pero ang totoo, gusto na niyang putulin ang kanilang pag- uusap.
Baka kasi hindi mapigilan ni Georgia ang kanyang sarili ay baka bubulahaw siya ng kanyang iyak. Ayaw niyang malaman ni Chona ang tunay na estado ng relasyon nila ni Nicholai. Dahil nakakatiyak siyang sesermunan siya nito at susumbatan. Ito na lang kasi ang talagang karamay niya noon pa man. At nagpapasalamat siya dahil naging nandiyan si Chona para sa kanya.