Liliana Salazar pov's
(Drowning)
Dumating kami ni Elly sa mansion nang mga Dela Serna,at mabilis niya akong pinagbuksan nang pinto ng kanyang kotse.
Hindi ko mapigilan ang mga ngite ko sa labi ko,dahil para akong yung mga bida sa tv na napapanood ko,yung tipong pinagsisilbihan nang lalake ganun. At feel na feel ko naman..
Nang nasa labas na kami,nakuha pa nito akong biruin dahil sa di sinasad ay napadighay ako nang malakas,na siya namang tawanan namin.
Kasalukuyan kaming nagtatawanan nang bigla nalang narinig ko ang familiar na boses na akala mo laging pinaglihi sa sama nang loob.
" Huy!Hindi ka binabayaran dito para makipag harutan lang jan! may day off ka para sa mga bagay na yan! bilisan mo jan at linisin mo itong sasakyan ko at may lakad pa ako!" Ang mauturidad na wika ni Heiross na agad naman akong napatitig sa kanya.
"Ang layo niya talaga kay Elly,malayong malayo" Ang bulong ko sa aking isipan
Hindi ko alam,pero,Ang tagal niyang tumitig sa akin,at dahil dun nakaramdam ako nang pagkailang,lalong lalo na,yung bigla kong naalala ang ginawa niya sa akin kagabi.
Mabilis akong nag iwas nang tingin,At akmang magpapaalam pa sana ako kay Elly ay narinig ko itong muling sumigaw.
" Anu pang hinihintay mo? kilos na!" Ang wika nito,Na halos napaigtad ako sa diin nang kanyang pag utos.Hindi ko na naisip si Elly nang mga sandaling iyon,dahil sa labis na takot ko kay Heiross.
Dali dali kong dinampot ang hose at panlinis nang kotse,at mabilis ko itong pinasiritan.Dahil ayaw kong magalit na naman ito.
Pero hindi nakaiwas sa aking pandinig ang sinabi niya kay Elly.
" At ikaw naman! maghired ka nang sarili mong katulong! naantala ang gawain ni Liliana dahil sa ginagawa mo!" ang diin na wika nito kay Elly.At hindi ko alam parang nalungkot ako sa narinig kong iyon,Alam ko naman na katulong lang ako,pero bakit parang masakit kapag nanggaling sa kanya?
Dahil dun,para akong nakalimut na may hawak pala ako nang hose at hindi ko na namalayan kung san ko na ito napatutok.
Pero muli akong napabalik sa ulirat nang makita ko si Heiross sa harapan ko,na sobrang basang basa ito!
Parang bumagsak ang puso ko sa lupa nang makita ko kung paanu niya ako tinignan nang masama.
Mabilis nitong inagaw ang hose sa aking mga kamay,at walang awa niyang ipinasirit iyong sa mukha ko,sa katawan ko.
" Heiross! ..tama na ho! tama na po,Parang awa mo na." Ang pagmamakaawa ko sa kanya,pero tila wala itong narinig.
" Napaka tanga mo talaga! Wala ka nang ginawang mabute!puro ka kapalpakan!" ang galit na galit na wika niya sa akin,At hindi pa ito nakuntento, kinaladkad niya pa ako papuntang swimming pool.
Parang naramdaman ko ang sobrang galit niya sa akin,na nagkanda ipon ipon.Alam ko may kasalanan ako,pero tama pabang gawin niya sa akin ang mga pasakit na ito?
Sobra sobra ang pagmamakaawa ko sa kanya,pero tila hayop ang tingin nito sa akin sa mga sandaling iyon.Masyado siyang galit na galit.
" Heiross.. please..wag, please maawa ka,hindi ko sinasadya..tama na, please" ang pakiusap ko sa kanya pero parang wala pa din itong naririnig.
Ang masakit pa ay walang nakakita sa amin,m sa mga sandaling iyon,kaya walang umaawat kay Heiross.
" Tatanga tanga kana nga! malandi kapa! Iyan ang bagay sayo!" ang sigaw nito,At walang awang itinulak ako sa pool.
Agad akong napasigaw nang mahulog ako sa tubig nang swimming pool.
At ang mas ikinabahala ko,ay hindi ako marunong lumangoy.
Halos pilit kong inaabot nang aking mga paa ang sahig nang swimming pool,pero masyado itong malalim..
Nakita ko siyang nakatitig lang sa akin,kaya muli pa din akong nagmakaawa dito,kahit lumulubog na ako sa tubig pilit ko pa ding inaahon ang sarili ko.
" Hei-heiross..tu-tu-tulungan mo-a-ako" ang wika ko,pero hindi man lang ito gumagalaw.
" Heiross-" ang sigaw ko at tuluyan na akong lumubog sa ilalim.
Pero ganun nalang ang pasalamat ko nang may biglang dumating,at sumigaw ito..
" Kuya!! what are you doing?!" ang sigaw nang lalake,at yun ang huling natandaan ko,dahil pakiramdam ko ay dumilim na lahat.
Nagising nalang ako sa labis na pag aalala ni Ma'am Mildred sa akin,at nang nagmulat ako,ay agad kong nakita ang isang lalakeng hindi ko kilala,pero walang duda katulad ni Heiross ay guapo ito at napaka amo pa nang kanyang mukha.
Nakatitig siya sa akin,at nakikita ko ang mapupungay nitong mga mata.
" she's awake...are you okay" Ang tanong nito sa akin,at agad kong nakita si ma'am Mildred na labis ang pag aalala nito at lumapit sa akin.
" oh my god, Lia are you okay ijah?May masakit ba sayo? tell me ijah,ayos ka lang ba?" Ang natatarantang tanong ni ma'am Mildred sa akin.
At kahit si mam Mildred ang kaharap ko ay hindi ko mapigilang mapatitig sa lalakeng iyon,sino ba siya?bakit parang namamagnet ako sa mga mata niya?
" Ah nga pala ijah..he's Zeus ,Ang bunso kong anak,don't worry he's a doctor,siya ang nagligtas sayo,Anu ba kasing nangyari? bakit ka nagpahulog sa swimming pool?" ang tanong ni mama Mildred sa akin.
At muli ay napatingin ako kay Zeus,so siya pala ang kapatid ni Heiross,Ibig sabihin hindi niya sinabi ang totoong nangyari.
" Du- dumaan lang po ako dun ma'am, aksidenteng nagdulas lang po ako,kaya ayun po nahulog ako sa pool..Salamat po doc sa pagligtas" ang mahina kong wika dito.
"Nasaan naba kasi ang Asawa mo! bigla bigla nalang nawawala! nakakainis talaga ang batang yun! pagsabihan mo nga yung kuya mo Zeus!" ang wika ni ma'am Mildred na agad naman kumapit si Zeus sa kanya.
" Mom,wag kanang magalit I will talk to him, But for now baka pwede mong ikuha nang makakain si Lia baka nagugutom na kasi siya" ang wika ni Zeus at agad namang lumabas si maam Mildred sa kwarto.
" Salamat..salamat dahil hindi mo sinabi ang totoo kay mom,it's not that pinagtatakpan ko si kuya,hindi ganun.Iniiwasan ko lang sumama ang loob ni mom," ang wika ni Zeus sa akin.
" Wala yun.wala naman akong balak sasabihin ang totoo sa kanila" ang pormal kong wika.
" Salamat sa paggamot mo sa akin,pero okay na ako,pwede na akong magtarbaho ulit..baka magalit si Heiross,pinapalinis niya pa sa akin ang kotse niya." ang wika ko sabay tumayo ako mula sa pagkahiga.
" What? hey..you stay! Hindi kapa magaling,Anu kaba! don't mind him!malalagot talaga sa akin yung lalakeng yun! and he just let you drowning in the pool? he's impossible!" Ang galit na wika ni Zeus.
Pinipilit kong wag pabagsakin ang mga luha ko,pero hindi ko talaga mapigilan.
" Ssh..it's okay..hayaan mo kakausapin ko si kuya,Hindi tama ang ginagawa niya sayo." ang wika nito sa akin,at dahil sa sobrang sakit nang naramdaman ko lalo na nung naalala ko kung paanu ako itinulak ni Heiross sa pool kanina.
Hindi ko mapigilang makaramdam nang sobrang sakit sa aking puso.
Agad akong napayakap kay Zeus,pero walang malisya iyon,dahil sobra lang talaga akong nasaktan.
Nakaupo ako sa kama habang nakaupo din si Zeus sa tabi ko at bigla ko nalang itong niyakap.Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking likuran.
Bute pa si Zeus mabait,bakit ganun si Heiross? napaka salabahe niya.
" It's okay,Ilabas mo lahat yan, naintindihan kita."Ang wika niya sa akin,habang humahagulhul ako sa kanyang balikat.
Lumipas ang buong maghapon,at magdamag na hindi nagpapakita si Heiross.
At si Zeus naman ay piniling mananatili muna sa mansion at nasa states pa naman daw ang pamilya nito.At nais niya din daw kausapin si Heiross.
Isang umaga,nakita kong nakabihis si Zeus,alangan akong banggitin ang pangalan niya dahil sampung taon ang tanda nito sa akin.
" Oh gising kana pala,halika,baka gusto mong sumama sa akin,mag jogging ako." ang ngiteng wika nito.No wonder kung bakit nagkapamilya na ito kaysa kay Heiross,napakabait niya kasi talaga.
" may- gaggawin pa kasi ako ihh" Ang wika ko dito.
" Nah..mamaya na yan,halika at namumutla kana sa loob nang bahay kailangan mong magpaaraw,ipapasyal kita dun sa may flower garden,Dali hintayin kita dito.magbihis kana" ang masayang aya niya sa akin,at na excite naman ako.
Mabilis akong nagbihis nang maluwag na t-shirt at pinaresan ko iyon nang maiksing short.