Liliana Salazar pov's
(Feelings about him)
Nang bumaba ako nang hagdan,Ay agad naman akong nakaramdam nang awkwardness ng makita ko ang titig ni Zeus sa suot ko.
Pero ang mas ikinagulat ko,ay ang biglang pagtikhim nang pamilyar na boses,at agad akong nag angat ng tingin...At nakita ko lang naman si Heiross na kakapasok lang sa pinto.
Mabilis akong nag iwas nang tingin dito,Ewan ko,pero hindi ko talaga makalimutan ang ginawa niyang pagtulak sa akin sa pool,sobra akong nasaktan..
Agad akong lumapit kay Zeus,na tila ba ay walang ibang taong nakatingin sa amin.
" Tara na,baka abutin pa tayo nang init" Ang pag aya ko dito,dahil sa totoo lang ayaw kong makita ang pagmumukha ni Heiross.
Nakita ko kung paanu tinignan ni Zeus si Heiross,at si Heiross naman ay nakatitig sa akin,na bigla nalang itong nagsalita,na parang wala lang nangyari!
" huy,ipagtimpla mo nga ako nang kape! bilisan mo! " Ang mauturidad na wika nito sa akin,Ayaw ko man sana,pero gaya nang palagi kong sinasabi,bayad ako kaya dapat akong sumunod sa mga utos nito.
Susunod na sana ako sa utos niya,pero mabilis hinila ni Zeus ang palapulsuhan ko.Na agad naman akong natigilan.
" madaming katulong jan! dun mo nalang iutos sa kanila! we need to go!" ang mauturidad na wika ni Zeus at kita ko kung paanu niya tinitingnan nang masama si Heiross.
Agad naman napailing iling si Heiross.
" Nakakatawa ka talaga! nung una si Fraye! ngayon ,pati ba naman ang mang mang na yan! pagkakainteresan mo pa?! you're pathetic!" Ang wika ni Heiross na agad kumyuom ang kamao ni Zeus.
Mabilis ko itong,hinawakan at hinila palabas.
" Tara na...mainit na kasi mamaya." ang wika ko habang nakatitig pa din ito nang masama kay Heiross.
Nang nasa labas na kami,at nasa harapan na kami nang flower garden.Bigla akong umimik.
" Zeus.. sorry kanina ah,hindi mo na sana sinabi yun, mabilis lang naman magtimpla nang kape eh." ang wika ko kay Zeus.
" You should've let him did those to you,Hindi tama eh,you're his wife! he should treat you better" ang wika nito na agad lang akong napabuntong hininga.
" You don't have to explain..I know everything..." ang pormal na wika nito.Na agad akong natigilan.So alam niya ang tungkol sa kasunduan?
" And you don't have to worry about,I understand,kung bakit mo tinanggap iyon.Well I never expected naman na mamahalin ka talaga agad agad ni Heiross,but I didn't expect na ganun siya kasama sayo,hindi na kasi tama" Ang wika ni Zeus na labis akong napahanga sa kanya.Magkaibang magkaiba talaga silang dalawa.
" Ayos lang naman,para sa mga magulang ko,gagawin ko lahat.. besides Isang taon lang namang pagdudurusa ko, pagkatapos nun,Masaya na kaming magkakasama nila nanay at tatay.At Isa pa gusto ko pang madugsungan ang buhay ni inay." ang malungkot na turan ko kay Zeus.
"I understand..uhm.. I'm sorry if I have to ask this,pero wala kaba talagang feelings para kay kuya?" ang tanong nito sa akin.
Agad akong napaisip,Anu nga ba ang naramdaman ko para kay Heiross?
" Hindi ko alam ihh..At ayaw kong alamin.Kaya mas okay na din sa akin na malupit siya sa akin,nang sa ganun,hindi ko siya magugustuhan " Ang wika ko sa kanya,at ngumite ako nang mapait.
" You're too young,pero bilib ako sayo,sana nga mas matatagalan mo pa si Heiross,don't worry palagi akong nasa likod mo." ang ngiteng wika nito sa akin
"Baka naman magagalit na sa akin asawa mo niyan" ah biro ko naman.
" Athena is a very nice girl,I love her,at sapat na iyon sa kanya.And she always trust me.At Hinding hindi ko iyon sisirain.Im just right here for you,dahil hindi tama ang ginagawa nang kapatid ko sayo" Ang derechung wika nito sa akin.
Hindi ko mapigilang mapangite nalang nang marinig ko ang sinabing iyon ni Zeus,no wonder blessed siya sa buhay dahil napakabute niyang tao.
Kahit papanu ay gumagaan gaan ang pakiramdam ko sa mga sandaling iyon,dahil napakagaan lang kasama ni Zeus,at sobra pa nitong bait.
Nang makauwe kami sa mansion,mabilis akong pumasok sa loob nang kwarto namin ni Heiross sa pag aakalang wala siya dun,pero nagulat nalang ako nang nakita kong nasa study table niya ito at busy sa kanyang computer.
Hindi ko ito pinansin,Kaso lang kailangan ko nang maligo.Kaya mabilis akong kumuha nang damit at tuwalya sa closet at balak kong sa ibanag banyo nalang akong maliligo.
Pero akmang palabas na ako nang bigla itong humarang sa pinto.
" What are you doing? " ang mauturidad na tanong nito sa akin.
" Maliligo ako" Ang sagot ko sa kanya.
" May sarili tayong banyo! bakit kailangan mo pang lumabas? did he asked you to join him in his bathroom?" Ang tanong nito na agad akong napatingin sa kanya, Isang tingin na kailan man ay diko ginawa sa kanya.Ngayon lang.
" oh..so what's that stare huh? matapang kana ngayon kasi may ipagmamalaki kana? hindi ka umobra sa akin! kaya dun ka kay Zeus nagsusumiksik?! nakakaawa ka!" ang wika nito sa akin ,pero pilit pa din akong nanahimik at hindi sumagot.
" Paraanin mo ako," Ang wika ko dito.
Pero ganun nalang ang gulat ko nang bigla nalang niya akong hinila at isinandal sa pader,medyo napa -untog pa nga ang ulo ko sa sobrang dahas nang ginawa niyang iyon.
" Pinili mong magpakasal sa akin,diba? kaya magdusa ka! walang lalabas! kung gusto mong maligo! pumasok ka sa banyo! at dun ilunod mo ang sarili mo kung gusto mo! Wag mo akong pilitin Liliana! baka Hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo!" ang diin na wika nito sa akin,at hindi ko napigilan ang mga luha ko sa aking mga mata!
At nang nakita niyang umiyak ako,ay bigla nalang itong umalis,at bumalik sa kanyang ginawa.
Mabilis akong pumasok sa loob nang banyo,at dun ko inilibas ang lahat.Ang lahat nang sama nang loob ko,Ang lahat nang sakit! Hindi ko alam kong kakayanin ko paba lahat dahil pakiramdam ko ay parang bibigay na talaga ako.
Lumabas ako nang banyo na bihis na,agad akong nagsukla at mabilis akong nagtungo sa pinto, at akmang pipihitin ko na ang doorknob nang pinto,ay muli kong narinig si Heiross na nagsalita.
" Don't you dare put a dart on my head! Yes I don't like you! but still.. you are my wife! at igalang mo ang pangalan ko!dahil malalagot ka sa akin kapag makita kong lumalandi ka sa ibang lalake!Hindi kana nahiya!" Ang galit na tonong salita nito.
Hindi ako sumagot,ni hindi ko ito nilingon at nagtuloy na akong lumabas nang kwarto niya,dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako kapag mananatili ako dun.
Pero ganun nalang ang gulat ko nang pagbaba ko nang hagdan ay nakita ko si Zeus at Elly na nag uusap.
Agad naman akong kinabahan,baka mamaya sinabi ni Zeus kay Elly,malalagot ako kay Heiross nito,panigurado.
" Hi Lia," Ang bati ni Elly sa akin,na agad naman akong napatingin kay Zeus.
" Ha- hi" ang bati ko naman dito.
" uhm..I just wonder kung,pwede kaya kitang isama sa grand ball the day after tomorrow?hindi daw kasi pwedeng umattend kapag walang date" Ang ngiting wika nito na agad akong napatingin kay Zeus.
"Uhm..Anu kasi Elly,hi- hindi ako pwede sa mga ganun,hi- hindi ako sanay.Baka..alam muna,mapahiya kalang dun,ng dahil sa akin" ang nahihiyang wika ko dito.
" Hindi,Anu kaba, syempre ako bahala sayo" Ang sagot naman ni Elly
" Pasensya na talaga Elly,pero Iba nalang imbetahin mo,Wala pati akong maisuot sa mga ganung daluhan" Ang wika ko dito,na agad naman akong natigilan nang marinig kong magsalita si Zeus.
" sumama kana Lia,Si Elly na bahala sa lahat,come on,let yourself explore,paanu ka masasanay sa ganun,kung dimu susubukan" Ang wika ni Zeus sa akin.
Agad akong napatingin sa kanya.At alam ko ang ibig sabihin ng tingin na yun.
" pe-ro-" Ang wika ko na agad niyang pinutol.
" enough of that buts,ako na bahala kina mom and dad,don't worry about them"Ang wika ni Zeus at agad lang akong napatingin kay Elly.
" So paanu,bukas samahan moko bibili tayo nang maisusuot mo,okay? ,thank you Zeus,Thank you Lia,Mauna na muna ako,I just have to attend an important meeting"Ang masayang paalam ni Elly sa amin ni Zeus.
At agad akong nagsalita kay Zeus.
" bakit mo naman sinabi yun,Wala kasi akong kahilig hilig sa mga ganun,Isa pa.." Ang wika ko na bigla niyang pinutol.
" trust me,you have to do it..just don't mind him.. Akong bahala" Ang wika nito na agad naman itong napangite.
" Sige,ikaw bahala..At dahil jan, ipagtimpla kita ng masarap na kape." ang wika ko dito na agad naman itong napangite.
Kung minsan hindi ko mapigilang mapaisip,masama lang ba talaga ang nagawa ko,kay Heiross kaya siya malupit sa akin? Kasi nakikita ko naman si Zeus sobrang bait nito.
Kung sa bagay kami nga ni ate Ana, magkaiba kami nang ugali, Bigla nalang akong napabuntong hininga,at gumawa na nang kape.