Liliana Salazar pov's
(Maganda ka)
Hindi talaga ako nakatulog sa buong magdamag na iyon,dahil hindi maalis alis sa utak ko ang ginawa ni Heiross sa akin sa gabing iyon.
May parte sa akin na sobra akong natakot,at may parte din na ayaw ko man aminin,ay tila pakiramdam ko ay nagugustuhan ko iyon.
Haay naku Lia,Anu ba naman yang pinag iisip mo! erase erase..umayos ka nga!Wag kang expectorant.
Maaga akong umalis nang bahay at namalengke,kahit naman Asawa na ako ni Heiross ay gumagawa pa din ako sa mansion,kahit ayaw ni ma'am Mildred ay nagpupumilit pa din akong tumulong kina manang Susan.
Medyo nadismaya din kasi sila sa mga nangyari,dahil wala naman silang alam tungkol sa kasunduan,kaya ang tingin nila sa akin ay malandi at mababang uri.
Hindi ko nalang iyon pinansin.Mas mahalaga sa akin ang kapakapan nila nanay at tatay.
Saktong pauwe na ako , galing palengke,,nang bigla nalang may tumigil na sasakyan sa aking harapan.
At nagulat talaga ako sa hitsura nang lalakeng nagbukas nang kanyang bintana,sobra itong guapo at mukhang mayaman, napakatangos nang kanyang ilong, At sa tancha ko ay para itong modelo.
Ngumite ito,kaya naman ay agad akong napalingun at sinisigurado ko kung ako ba talaga ang nginingitaan niya.Hindi ko mapigilang makaramdam nang hiya dahil nag offer ito na pasakayin ako sa kotse niya.
Mabilis akong tumanggi,dahil hindi naman kami magkakilala ,tapos sasakay ako sa sasakyan niya,Anu kaya yun,baka mamaya sindikato ito,o kung anu pang masamang tawag dun.
" Diba kina Tito Abel ka? don't worry,dun din punta ko,halika kana,baka nangawit kana jan sa bit bit mo" Ang wika nito,at nagulat nalang ako nang nagsalita ito,dahil Ang akala ko ay englisero ito,pero napaka galing pala niyang magtagalog.
Naiilang man ako,pero sumakay nalang din ako dahil bumaba na ito nang sasakyan niya,at kinuha ang aking mga bitbit.
Grabe ang guapo niya pala talaga sa malapitan,at ang bango bango pa! Gentleman pa!
" s-salamat" Ang wika ko dito.
Pinaandar niya agad ang sasakyan nito,at ngumite ito sa akin.
" Ako nga pala si Elias Gael,but you can call me Elly,Para hindi mahaba" Ang biro niyang wika sa akin.Agad naman akong napangite.
" Ako naman si Liliana,pero pwedeng Lia nalang din itawag mo sa akin" Ang nahihiyang wika ko naman dito.
At hindi katulad kay Heiross ay mabilis kong nakalagayan nang loob ito, Sobrang gaan niya lang kasing kausap at napakahumble pa.
Hindi ko tuloy namalayan nasa tapat na kami ng mansion.
Inilalayan niya akong makababa at siya na din ang nagbaba nang mga pinamili ko.
Pakiramdam ko tuloy ay may instant driver ako.
Nasa tapat kami ng gate,at siyempre nagpasalamat ako sa kanyang pagpapasakay sa akin,
" Wala yun..but if you insist a cup of coffee will do" ang ngiteng wika nito.Na agad naman akong napangite din.
"Grabe mas lalo siyang gumaguapo kapag nakangite" Ang bulong ko sa aking sarili.
" Uo ba..un lang pala ihh ..igagawa kita ng masarap na kape" Ang wika ko naman,habang nagtawanan kami.
Agad namang lumapit sila ma'am Mildred at sir Abel,sa amin.Dahil pamangkin pala ni sir Abel si Elly,kaya pala alam niya ang bahay nito.
At mas nagulat pa ako nang malaman kong siya pala ang bagong nakatira sa tapat namin.
Pero kahit pa man ay hindi ko masyadong pinapahalata na excited ako,na magkapitbahay kami.Hindi dahil type ko siya,kundi dahil magkaroon na akong guapong kaibigan.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong napatingin sa itaas nang veranda.At ganun nalang akong kinabahan nang magsalubong ang tingin namin ni Heiross,hindi ko alam pero parang bigla kong naalala ang ginawa niya sa akin kagabi..
" hay naku Lia! lasing siya kagabi,for sure hindi niya alam Ang mga pinaggagawa niya! tumigil ka sa kahibangan mo!" Ang bulong ko sa aking sarili.
Pumasok kami sa loob nang bahay kasama si Elly at Sina maam Mildred at sir Abel,dahil wala naman akong balak makihalubilo sa kanila,minabute kong magpaalam sa kanila,at ipapasok ko ang mga pinamili ko.
Agad ko namang naiisip ang kape ni Elly, syempre I want to thank to him.Kaya igagawa ko siya nang masarap na kape.
Nang pabalik na ako sa salas at dala ko na ang isang tasa ng kape,Agad akong napahinto,ng nakita si Heiross,Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam ng kaba ng makita ko si Heiross.. at Ipinakilala sila sa isat isa ni Elly.
Nakatalikod si Heiross kaya hindi niya ako nakikita.sa totoo lang, pagkatapos kagabi,hindi ko na din maintindihan ang sarili ko parang may nagbago. Ewan!basta!
Lalapit na sana ako nang marinig ko ang sinabi ni Heiross.
" I know him already dad,Hindi lang ako na inform na related pala siya sa atin" Ang wika ni Heiross,At bigla naman itong lumingon nang narinig niyang nagsalita ako.
"Elly,heto na yung kape mo,salamat talaga kanina..Hindi ko tinamisan yan,Sabi mo kasi hindi ka mahilig sa sweets." ang ngiteng wika ko kay Elly,at sa hindi sinasadya,ay napalingon ako kay Heiross na tila para akong sinasaksak sa pamamagitan nang kanyang mga titig.
Anu nga bang bago? lagi naman siyang galit sa akin,Wala na nga akong tamang ginawa para sa kanya ihh.
Agad namang kinuha ni Elly ang kape at agad itong tinikman..
" Hmm..this is the best coffee I'd ever tasted" ang wika ni Elly,na pakiramdam ko ay sa wakas may nakaappreciate din sa akin.Hindi katulad nang iba jan! akala mo'y laging may monthly period,sungit!
" Mukhang mapapadalas ata ako dito ah,Tito,lalo nat ganito kaganda ang kaharap ko" ang wika ni Elly na agad naman nag init ang aking mga pisnge,hindi ko maiwasang makaramdam nang hiya lalong lalo na nung sinabi ni Elly yun sa mismong harapan nila ma'am at sir at ni Heiross.
Bigla nalang umalis si Heiross at narinig ko pa ang huli nitong sinabi.
" Tss! mga loser! " Ang wika ni Heiross.
Pero pinili ko nalang wag pansinin iyon,gaya nang sinabi ko,Anu pa bang bago.
Nagpaalam na sana akong papasok sa loob nang biglang nagsalita si Elly.
"Tito, Tita can I borrow Lia for awhile? kailangan ko kasi nang may makasama sa pamimili,and ayaw ko nang magpaliguy liguy pa ho,I like her..I just want to know her more,Yun kong okay lang senyo" ang paalam ni Elly na agad naman sumagot si mam Mildred.
" uhm ganun ba..well it's all up for Lia,kung okay lang ba sa kanya" Ang wika ni mam Mildred.
" ah.may gagawin pa po kasi ako,Elly ihh.. pasensya na ah,saka nakkahiya kina ma'am Mildred at sir Abel" Ang wika ko naman.
" No Lia,you can go.its okay ..sige na..para. naman mahangin hanginan ka, kailangan mo din minsan mamasyal" Ang wika ni ma'am Mildred.
" uo nga naman Lia, samahan mo muna si Gael,I'm sure Gael will take good care of you" ang wika naman ni sir Abel.
" P-pero-" Ang pagtanggi ko sana pero hindi na natuloy nang bigla nalang nagsalita si Elly.
" Okay na nga daw Lia,let's go na" ang hila ni Elly sa akin.Agad naman akong napalingon kay ma'am Mildred na ngayon ay nakangite lang ito at tumango lang siya sa akin.
Ayaw ko sana talagang sumama kay Elly,dahil unang una, hindi naman talaga kami ganun ka close, pangalawa nakkahiya kina ma'am Mildred at sir Abel,dahil kahit papanu ay sila pa din ang mga magulang ng..ng.. Asawa ko.
Pero sila naman ang may gustong sumama ako kay Elly,kaya siguro Wala akong dapat ikabahala.Isa pa baka matutuwa pa si Heiross kapag makita niyang may Iba akong kasama.
Akala niya kasi ay patay na patay ako sa kanya! Tss!
Madaming pinamili si Elly,at masasabi kong napakasarap niya talagang kasama,Yung tipong dika talaga maboboryo.At kahit kakilala palang namin,ay hindi na ako naiilang pa sa kanya.
Natapos kaming mamili,at may bitbit pa akong cappuccino dahil nilibre niya ako nang kape,at sa totoo lang, ito ang pinakaunang mamahaling kape na natikman ko.
At grabe sobrang sarap talaga nang ganun klaseng kape,nakakaadik.
" Mas masarap pa din jan ang timpla mong kape"Ang wika nito na agad akong napangite.
" bolero! ang layo kaya nito sa kape ko!" ang sagot ko naman.
Pinaandar niya na ang kanyang sasakyan nang bigla itong nagsalita.Hindi ko alam,pero hindi ko inaasahang itatanong niya iyon sa akin.
" Lia,may boyfriend kana ba?" ang tanong nito na agad akong napasamid.
Agad agad? Wala pa nga kaming Isang araw na magkakilala, boyfriend agad ang itinanong!
Sa totoo lang ,loyal ako sa tarbaho na pinapagawa nila ma'am Mildred at sir Abel sa akin,Ang kaso lang,paanu?eh ayaw ni Heiross na malaman nang iba na mag Asawa kami.So anu ba dapat kong isagot sa tanong ni Elly?
Bahala na..
" Ha? boyfriend? na- naku! wala po,madami pa po kasi akong gustong gawin,kaya ayaw ko munang mag boyfriend,at Isa pa sa pangit kong ito may magkakamali paba sa akin" ang wika ko kay Elly.
" At sinong maysabing pangit ka?At papatayin ko!" ang wika nito at tumingin ito sa akin.nagbibiro ba siya? seryoso nang mukha niya ah..
Ang pinsan mo na sobrang sama nang ugali! Yun ang nagsabing pangit ako! tss!
Kung pwede ko nga lang sabihin kay Elly ang totoo! Kaso lang malalagot ako sa tandang na yun, kapag ilalabas ko ang secreto namin.Luging lugi pa naman daw siya sa akin.
" Oh natahimik ka jan, nagbibiro lang ako.. natakot ba kita?" ang tanong nito sa akin.
" Hindi ah,iniisip ko lang kung tatawa ba ako o malulungkot sa sinabi mo,Kasi parang hindi naman tamang pumatay ka dahil sa sinabihan akong pangit,dahil totoo naman iyon" Ang wika ko na agad lang itong humalakhak nang tawa.
" You're too funny! you think I can really kill someone?just because sinabihan kang pangit? o come on Lia,I was just kidding..and besides ..maganda ka talaga! Yun ang totoo,and I think everybody sees that.." ang wika nito na agad kong naramdaman ang pag iinit nang aking pisnge.
"Bakit ba ganun siya sa akin? samantalang ang guapo at ang yaman naman niya.Baka nga binobola niya lang ako." ang wika ko sa aking sarili at hindi ko maiwasang mapatingin dito na ngayon ay seryosong nakatuon ang atension sa pagmamaneho.