SAKTONG ALAS-SAIS NANG dumating siya sa bahay ng mga Hernandez. Si Manang Belen, ang mayordoma, ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Napangiti siya nang niyakap siya nito. Lagi niya itong kausap kapag dumadalaw siya rito kaya napalapit sila sa isa’t isa.
“Na-miss kita, anak!” anito at iginiya siya papasok ng bahay.
“Na-miss din kita, Manang Belen! Tapos na po ba kayo magluto ni Tita Ann? Tulungan ko na po kayo,” nakangiting sabi niya.
“Naku, ’wag na, hija! Katatapos lang namin,” nakangiting sabi nito.
Dumeretso sila sa dining room. Pagpasok nila roon ay nakatalikod si Tita Ann. Sinenyasan niya si Manang Belen na magdahan-dahan. Agad naman na niyakap niya si Tita Ann mula sa likod, sabay sabing, “I missed you!”
“Hmpp. Buti naisipan mo pa akong dalawin dito. Kung ’di pa ako naglambing, ’di ka pupunta,” sabi nitong parang nagtatampo.
Napahagikhik siya sa narinig at sinilip ang mukha nitong nagtatampu-tampuhan. Napangiti naman ito sa ginawa niya, kaya inulit niya ang sinabi niya. “I missed you, Tita Ann!” aniya.
Nilingon na siya nito at niyakap.
“Hmm, you’re forgiven,” nakangiting sabi nito. “Hay, magpaampon ka na kasi sa amin. Para may prinsesa na kami rito,” pagkuwa’y sabi nito.
Napangiti si Manang Belen nang lingunin niya ito. Alam kasi nito na matagal na siyang kinukulit ni Tita Ann.
“Tita, hindi naman sa ayaw ko—” ’Di na niya natuloy ang sasabihin nang biglang pinutol nito. “Fine, then marry my son!”
Nagulat siya sa sinabi nito. ’Yung totoo, pinamimigay na nito ang anak? Pero sino? Si Keith o Kent? Kung si Keith, kaibigan lang ang tingin niya rito. Yes, guwapo rin ito, hindi rin mahirap mahalin, pero malakas ang dating sa kanya ng boss na si Kent! She’s attracted to Kent. Kahit wala pang dalawang linggo niya itong nakakasama sa opisina, iba na ang nararamdaman niya para sa binata.
“P-po?”
“Pakasalan mo si Keith, Kendra! Matututunan mo rin namang mahalin ang batang ’yon,” anitong parang nakikiusap.
Napakamot siya ng ulo sa sinabi nito. Nginitian niya ito at dinampot ang mga kutsara para tulungan ito sa pag-aayos ng mesa.
“Hmp, I know that face. Eh, kung si Kent?” bigla namang sabi nito.
Napatigil siya sa pag-aayos ng kutsara nang marinig ang pangalan ng binata. ’Di na niya ito sinagot pero nginitian niya pa rin ito.
“Kaso may girlfriend na siya, anak! Sa katunayan n’yan kaka-text niya lang na susunduin niya si Darlene sa airport.”
How sad!
So may girlfriend na pala ito, eh, bakit pa siya nito hinalikan kanina! Bigla tuloy siyang nalungkot. Pero hindi na niya pinahalata sa dalawang matanda. Pinipilit niya pa ring ngumiti.
Hihintayin daw nila ang pagdating ng dalawa, kaya nagbihis muna siya sa kuwartong laging inuukupa niya. Sabik sa babaeng anak ang mag-asawa kaya may kuwarto silang pambabae ang design. Sayang at hindi pinagkalooban ng babaeng anak ang mga ito. Nang dumating siya sa buhay ng mga ito ay siya na ang gumagamit ng kuwarto kapag nandito siya. May mga damit din siya roon na binili sa kanya ni Tita Ann.
Pagkatapos ay nagpaalam siya kay Tita Ann na papasok sa music room ng mga ito. ’Pag gantong nalulungkot siya, nakikinig siya ng music o ’di kaya’y nagpe-play ng piano o ng gitara.
Tatawagin na lang daw siya kapag dumating na ang mga ito. Madami na rin naman silang pinag-usapan ng Tita Ann niya kaya naisipan na lang niyang magkulong sa music room.
Kay Keith lahat ang mga instrumento na nandito sa loob. Isa kasi itong miyembro ng isang sikat na banda. Minsan ay napagkakasunduan ng banda nito na mag-practice dito, kaya kumpleto ang gamit. Pero wala ito ngayon sa Pilipinas dahil sunod-sunod ang concerts nito abroad.
Hindi rin siya nito nakakalimutang tawagan kapag may free time ito. Na-miss niya bigla ang makulit na kaibigan nang makapasok sa loob.
Mas pinili niya ang piano na gamitin. Napalingon siya nang pumasok si Manang Belen. May dala itong juice. Makikinig din daw ito sa kanya. Tutal wala pa naman daw na gagawin. Naupo ito sa couch na naroon.
Una niyang tinugtog at kinanta ay ang paboritong Everytime ni Britney Spears.
Pumalakpak naman si Manang Belen. Nag-request din ito na kung p’wede raw ay kay Imelda Papin naman. Napangiti siya at sabay na nagtipa sa piano saka tinugtog at sinabayan ng kanta ang Isang Linggong Pag-ibig.
As usual, bilib na bilib na naman ito sa kanya. Pagkatapos nitong pakinggan ang ni-request ay nagpaalam na ito.
Hallelujah ni Leonard Cohen naman ang sinunod niya pero version ni Lucy Thomas. Always Remember Us This Way ni Lady Gaga, Jar of Hearts, You Are The Reason, All of Me, No Matter What, Dusk Till Dawn, ’yan ang ilan sa kinanta niya at ang panghuli ay ang pinakapaborito talaga niya, ang I’ll Never Love Again.
Nagulat pa siya nang may narinig na nagpalakpakan sa likod niya. Paglingon niya ay nandoon sina Tita Ann, Tito Gener, ang dalawang katulong, at si Manang Belen ulit, mga nakangiti ito.
“Kanina pa po kayo r’yan?” Napangiti siya sa mga audience niya.
“Wala pa ring kupas, hija! Napakagaling mo pa ring kumanta! Kaya na-in love sa ’yo ang bunso namin!” ani Tito Gener. Nakangiting lumapit ito sa kinaroroonan niya at niyakap siya.
Gumanti naman siya ng yakap dito.
Napansin niyang nagsialisan na ang mga katulong na nasa pinto nang nginitian niya ito, kaya nakita niyang may nakasandal sa labas ng pintuan at tanging braso lang nito ang tanaw niya. Mukhang nakapamulsa ito, pero maya-maya ay umalis din agad. Alam niyang si Kent ito. Narinig kaya siya nitong kumanta?
Binalingan niya si Tita Ann na nakangiti rin at nilapitan siya nito.
Dumating na raw ang dalawang hinihintay. Si Kent at ang nobya nito. Sumunod siya sa mag-asawa nang yayain na siya ng mga nito.
Pagpasok nila ng dining room ay sakto namang pinaghihila ng upuan ng boss niya ang nobya nito. Napatingin ito sa gawi niya.
Nginitian niya si Manang Belen nang pinaghila siya nito ng upuan.
How she wish na si Kent ang maghila no’n.
“Poor, Kendra!” aniya sa sarili at pinakalma ang brokenhearted na puso.
Nagpasalamat siya rito.
Maya-maya ay ipinakilala siya ng binata sa nobya. Matamis naman niyang nginitian ang nobya nito.
Malambing masyado ito magsalita and it sounds pabebe for her or maybe she’s jealous!
Panay naman ang ngiti niya kina Tita Ann at kay Tito Gener habang pinagmamalaki siya nito sa nobya ng binata. Halata namang walang interes sa kanya ang babae na ikinangiti niya nang maganda.
Bored ka na, ’te? Nais niya iyong isatinig. Wala na naman sa sarili na napangiti siya nang maganda.
Pero napawi ang ngiti niya nang mahuling nakatitig ang boss niya sa kanya. Ibinalik niya ang tingin sa pagkain.
Narinig niyang napa-“Oh” ito nang sinabi ni Tita Ann na puro paborito niya ang nakahain sa mesa.
Maya-maya ay parang bata siyang napa-“Wow!” nang ihain ni Manang Belen ang paborito niya. Ube Halaya!
“You will like it, hija! Taste it. I prepared it for you!” Binalingan niya si Tita Ann na nakangiti.
“Thanks, Tita! I love you!” Mabilis na kumuha siya at tinikman ito. “Oh, god! How I missed this, Tita! Ang sarap nito!” Napapikit siya at ninamnam ito. Pagmulat niya ay natigilan siya nang mapansing titig na titig sa kanya si Kent. Pagkuwa’y napangiti ito sa kanya.
She pouted her lip.
Napansin niyang napataas ng kilay ang nobya nito at tiningnan ang boss niya. Nagulat siya nang magsalita ang babae.
“Mukhang close po kayo masyado, Tita, sa secretary ni Kent,” anito.
“Yes, super! Parang anak ko na iyang batang ’yan! Ah, soon-to-be my daughter,” masaya namang naisatinig nito.
Nakangiti naman si Tito Gener na sumang-ayon.
Napakunot-noo naman ang boss niya.
“Oh, I see,” sabi lang ng nobya ng boss niya na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
“Pagbalik ng bunso ko na si Keith, pipilitin ko na mag-propose kay Kendra,” ani Tita Ann.
Alam na niya ito pero hindi lang kasi niya na-expect na sasabihin ito sa harapan ng dalawa. Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Darlene.
“Tita, hindi pa naman namin napag-usapan ’yan ni Keith and alam n’yo naman pong—” Hindi na naman siya nito pinatapos.
“He loves you, hija! Kaya matutuwa ’yon ’pag sinabi ko.”
Nginitian na lang niya ito. Ayaw niya lang mapahiya ito kaya hindi na siya nagsalita.
Natapos ang hapunan nang hindi na siya tinitingnan ng binata.
Narinig niyang nagpaalam naman ang dalawa na pupunta sa condo ng binata. Doon daw muna ito maglalagi nang isang buwan.
Lalo naman siyang nilukuban ng lungkot sa isiping magsasama ang dalawa sa condo nito. Nagpaalam na rin siya pagkaalis ng dalawa. Ipinahatid siya ng mag-asawa sa driver. No’ng una ay tumanggi siya pero mapilit talaga ang mga ito kaya napilitan na naman siyang magpahatid.
Maaga pa naman. 8:30 pa lang. Tinext niya si Zyqe. Agad namang nag-reply ito. Niyaya niya ito na mag-bar hopping. Nagtaka pa ito no’ng una dahil hindi naman siya masyadong nagpupunta sa mga gano’ng lugar.
Bumaba siya sa fast food na malapit sa lugar na napagkasunduan nila ni Zyqe. Ayaw niyang magpahatid sa mismong bar dahil alam niyang magtatanong ang dalawang matanda rito. Nagpasalamat muna siya bago bumaba.
Pagdating niya sa ZL Lounge ay sakto namang dating ng kaibigan niya.
Napangiti naman ito sa kanya at niyaya na siya sa loob.
Parami nang parami ang mga taong nagdadatingan sa ZL Lounge.
Nalaman din niyang pag-aari ni Zyqe ang bar.
Pumasok muna sila sa opisina nito.
Napasalampak siya sa sofa na naroon.
“Problem mo, mylabs?” Tumabi ito sa kanya.
’Yan na naman siya. Pero this time, parang concerned ang tono ng tanong nito sa kanya.
“Nothing, gusto ko lang maglibang?” aniya.
“Hey, maglibang? Question mark? It seems you have!” Pagkuwa’y tumayo ito at hindi na siya nito pinilit na magsalita. Nanibago yata sa kanya.
Naglagi sila roon nang sampung minuto dahil may pinirmahan muna ito sa table. Matapos iyon ay tumayo na ito at niyaya siyang lumabas.
Lumapit sila sa counter. May nagmi-mix ng inumin doon. Lady’s drink ang in-order nito sa kanya. Mabilis na hinanda ng lalaki ang in-order ni Zyqe para sa kanya.
Niyaya siya ni Zyqe na sumayaw, pero tumanggi siya kaya naiwan siya sa bar counter.
Matamis na ngumiti ang lalaking nasa counter. Ginantihan niya naman ito ng ngiti.
“Bago ka lang dito? I’m Dave!” pakilala nito sa kanya habang malaki ang ngiti. Guwapo pala nito ’pag nakangiti. Hinawi nito ang buhok na nakalaylay. Naka-ponytail pala ito. Saka lang niya napansin. Hindi naman gaano kahaba ang buhok nito.
Lumiwanag ang mukha nito nang hinawi ang buhok. Ang ganda ng pares ng mata nito. Blue eyes. Mukhang may lahing banyaga.
“Kendra!” pakilala naman niya.
“Boyfriend mo si boss?” Nginuso nito si Zyqe.
“No, we’re just friends!” mabilis na sabi niya.
“Mabilis pa sa alas-kuwatro kung makatanggi, ah!” natatawang sabi nito.
Natawa na rin siya sa sinabi nito.
Habang lumalalim ang gabi ay padami na nang padami ang naiinom niya, Sinubukan niya ang brandy na pinagmamalaki ni Dave kanina. Marami na rin silang napapagkwentuhan ng binata.
Para bang matagal na silang close. Nakagaanan niya agad ito ng loob.
Hanggang ngayon ay wala pa si Zyqe. Dumating kasi bigla si Diane kaya mas pinili ng dalawa ang mag-moment sa opisina ni Zyqe.
Maya-maya ay nagpaalam muna siya kay Dave na pumunta sa ladies’ room. Medyo tipsy na rin kasi siya dahil sa nainom.
Tiningnan niya ang dance floor. ’Yung iba ay nakatayo lang, may mga todo hataw, at may mga naglalandian din. Lalong umingay ang kapaligiran nang mga oras na ’yun dahil sa mga taong nagsidatingan. Parang ngayon pa lang yata nagsisimula ang gabi.