Chapter 3

1952 Words
NAGULAT SIYA NANG biglang may humampas sa braso niya. “s**t!” sabi niya nang lingunin ang humampas! Si Zyqe! Bwisit! Pinanlakihan lang naman niya ito ng mata. “Hey, you’re cursing me! Tulala ka kasi, mylabs! Daydreaming, gano’n?” saad nito. “Sino ’yan, si Blake o si Kent ba?” dugtong pa nito sabay halakhak. “Shut up, p’wede? At hindi si boss ang dine-daydream ko!” pagsisinungaling niya. “Okay, fine! Then, who?” nakangiting tanong nito. “Si Kim Soo-Hyun!” sabi na lang niya! “Koreano na naman! Nilamon na kayo ng Koreano, even Diane hindi mo na makausap nang matino. Dapat n’yan i-ban ’yang mga palabas na ’yan, eh!” mahabang litanya nito. “Eh, kung ikaw kaya ang i-ban ko sa department namin!” balik niya rito. “Joke lang naman! Yayayain lang naman kitang mag-lunch mamaya!” pagkuwa’y sabi nito. “Treat mo?” pabirong sabi niya. “Yes! Ililibre kita, mylabs!” Kumindat pa ang mokong. “Okay, makakatipid na naman ako!” nakangiting sabi niya. “Kendra!” Napatingin siya sa pintuan nang biglang may nagsalita mula roon. Si boss pala! Agad na tumalima siya papasok ng opisina nito nang sinenyasan siya nito. “Possessive naman ng future boyfriend mo!” nakangiting biro ni Zyqe sa kanya. “Tumigil ka nga r’yan! Mamaya n’yan itsismis nila ako rito!” natatawang sabi niya sabay hampas sa braso nito at mabilis na tinungo ang pinto ng opisina ng boss niya. Nilingon niya si Zyqe at sinenyasan na umalis na. Pinanlakihan niya pa ito ng mata nang kumindat ito. Lakas ng sapak talaga nito sa ulo. Gaya ng nakaugalian niya ay kumatok muna siya saka binuksan ang pinto. Naabutan niyang nakasubsob ito sa table nito. Malaya na naman ang mga mata niya sa pagtitig dito. Lalo lamang lumalalim ang pagtingin niya sa binatang boss. Bigla namang nagtama ang kanilang tingin. “Are you done checking me out?” Shit! Mabilis niyang iniwas ang matang nakatitig dito at mabilis na naglakad palapit ng mesa nito. “May kailangan po ba kayo, Sir?” Naiilang na siya sa paraan ng pagtitig nito. Hindi ito sumagot, bagkus ay tumayo patungong pintuan at narinig na lang niya ang mahinang click ng pag-lock ng pinto. Kabado na siya. Kinabahan lalo siya nang marinig ang pagbaba ng blinds ng glass window. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya nang maramdamang papalapit na ito sa gawi niya. May nagawa ba siyang kasalanan dito? Gusto niyang tanungin ito pero kinakabahan talaga siya. Napapitlag siya nang magsalita ito. “Tell me Kendra, everyday ba ganyan kayo kalapit ni Zek? Naglalandian?” Palapit nang palapit ito sa kinaroroonan niya. “Jealous? Ay, ang possessive nga!” aniya sa sarili. Gusto tuloy niyang matawa rito. Pero ’di siya nagpahalata. “’Di naman po kami naglalandian, Sir! Nag-uusap lang,” pagkuwa’y sabi niya at tinitigan ito. Deretso lang itong nakatingin sa kanya. ’Di naman siya natinag sa paraan ng pagtitig nito, pero napaatras siya nang isang dangkal na lang ang pagitan nila. Napahawak siya sa dibdib nang maramdamang ’di na normal ang t***k nito dahil sa sobrang lapit ng binata sa kanya. Lalo pa itong lumapit sa kanya kaya napaatras ulit siya, at dahil mesa na ang kasunod ay napaupo siya. Napasinghap siya nang nilapit nito ang mukha sa mukha niya para magpantay sila at saka nito tinukod ang kamay sa kabilaan niya. “What have you done to me, Kendra?” nalilitong tanong nito at ’di inaalis ang titig sa kanya. Napalunok naman siya. Naguguluhan siya sa tanong nito, napakagat-labi tuloy siya, pero mali yata ang ginawa niyang pagkagat-labi. Napatingin kasi ito sa labi niya. Iba ang emosyong nilalabas ng mga mata nito. Parang may pagnanasa. “Don’t do that again or else pagsisisihan mo,” paos na sabi nito at titig na titig sa kanya. Lalo naman siyang naguguluhan. “P-po?” aniya. “Don’t bite your lip, babe! f**k, I’m turning on!” “S-Sir!” Hindi sinasadya ay napakagat-labi ulit siya. “f**k!” he cursed again. Walang sere-seremonyang hinawakan nito ang batok niya at sinunggaban ang labi niya. Nagulat pa siya sa una. Mapusok ang paraan ng paghalik nito sa kanya. Hindi na niya namalayang tinugon na pala niya ang mapupusok na halik nito. Napaungol pa siya. Ang sarap ng sensasyong dala ng halik nito. Ganito pala ang pakiramdam ng may kahalikan. Sinipsip nito ang dila niya na lalong kinaungol naman niya. Hingal na hingal sila nang maghiwalay ang mga labi nila. Tumitig ito sa kanya pero agad ding binalikan ang labi niya. Mas lalong lumalim ang tagpong iyon. Malikot na ang kamay ng binata, ’di na niya namalayang napasok na ng kamay nito ang pang-itaas niya. Napasinghap siya nang lumapat ang kamay nito sa dibdib niya. Napakapit siya sa batok nito. Ang init-init na ng pakiramdam niya. Akmang ia-unhook na nito ang bra niya nang biglang may kumatok. “f**k!” Tiningnan siya nito nang may pagnanasa. Wrong timing naman ang kumatok na ’yon. Halatang nainis ito. Para namang binuhusan siya ng tubig sa pagkabigla, naitulak ang boss at agad na inayos ang sarili at mabilis na tinungo ang pinto. Nilingon niya muna ang binata, nakaupo na ito sa swivel chair nito. Tinitigan muna siya nito at maya-maya ay tumango ito. Agad na binuksan niya ang pintuan. Niluwa naman nito ang VP ng kompanya nila. Si Sir Mikael De Leon. Yumuko siya at pinadaan niya muna ito para makapasok saka mabilis na lumabas at isinara ang pinto. ’Di na niya inabalang tingnan ang binata. Imbes na sa desk dumeretso ay tinungo niya ang comfort room. Hiyang-hiya siya sa ginawa niya. “s**t! I can’t resist your charm!” naisatinig niya tuloy at mabilis na naghilamos ng mukha. Pulang-pula ’yon, ’di pa rin nawala. Pati ang init ng katawan niya. Ano na lang ang sasabihin nila Tita Ann kapag nalaman ang kagagahan niya. Pero napangiti siya nang hawakan niya ang kanyang ang mga labi. Gano’n pala ang pakiramdam ng hinahalikan. Lalo na ng taong gusto mo. Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin at kinapa ang mga labi. Napatigil siya nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng ladies’ room at narinig ang boses ng mga kababaihan. Mabilis siyang lumabas at nginitian ang mga ito. Pasalampak na umupo siya sa sariling upuan at tumingin kung nasaan ang opisina ng lalaking kahalikan niya kanina. First kiss, sa first man na hinangaan niya kahit sa maikling panahon lang. Saan kaya sila aabot kung walang kumatok? Napangiti ulit siya sa isiping iyon, ngunit bigla niya ring binawi iyon nang marinig ang pagbukas ng pintuan nito at iniluwa ang lalaking pinagpapantasyahan niya kasunod ang VP nila. Napatuwid siya ng upo at nagkunyaring busy. Narinig niyang nagpaalam si VP. Napatingin siya sa kinaroroonan nito ngunit biglang bawi dahil nakatingin din ito sa kanya. Nakita niyang tumalikod na ito papasok ng opisina nito. Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang pagsara ng pinto. Maghapon niyang gustong iwasan ang binata. Kaya pagdating ng lunchtime ay sinundo na niya si Zyqe sa opisina nito para lang makaiwas sa boss niya. Gusto man niyang iwasan nang tuluyan ay ’di niya magawa dahil boss niya ito at secretary lang siya. Pero dalawang beses lang yata siyang pumasok sa opisina nitong hapon. ’Di niya namalayan ang oras. Mag-aalas-singko na! Napatingin siya cellphone nang mag-vibrate ito. Si Tita Ann! s**t, nakalimutan niyang doon siya magdi-dinner! Ibig sabihin ay makakasama niya ang boss niya! Binasa niya ang text nito, at napangiti sa mensahe nito. ‘See you later, baby!’ Sarap lang sa pakiramdam nang may nanay. Bigla niya tuloy na-miss ang kanyang ina. Napahawak siya sa dibdib, masakit pa rin para sa kanya ang pagkawala nito. Naramdaman niyang may tumulong mga luha mula sa mata niya. Niligpit at nilinis niya muna ang mesa. Mabilis na pinunasan ito ng pamunas na may alcohol at naghanda na para umalis. Ayaw niyang sumabay sa boss niya kaya nagpatiuna na siyang lumabas. Bahala na si Batman ’pag pinagalitan siya. Mukhang nagtaka naman ang mga kasamahan niya. Nginitian niya ang mga ito at niyaya na ring umuwi. Nag-book na rin siya sa Grab app niya para may masakyan agad habang nasa elevator. Saktong paglabas ng building ay nakaabang na rin ang sasakyang sasakyan niya. Napatigil siya sa paglalakad nang mag-ring ang cellphone niya. Napakunot ang noo niya nang makitang unregistered ang numerong tumatawag. Hindi na niya pinansin at mabilis na sumakay sa Vios na nakaparada. Nag-ring ulit ang hawak niyang cellphone. ’Di pa rin niya sinagot. ’Di talaga niya ugaling sagutin ang mga unknown number. Sa inis niya ay na-silent niya ito. INIS NAMAN NA ibinato ni Kent sa couch ang cellphone na hawak. “Damn!” Nakaraming missed call na siya pero hindi pa rin sinasagot ni Kendra ang tawag niya. Tinungo niya ang nakasabit na coat pati cellphone at mabilis na nilisan ang opisina. Hindi nagpaalam ang dalaga sa kanya. Dati naman ay nagpapaalam ito. Dahil siguro sa nangyari kanina sa opisina niya. Maghapon din siya nitong iniwasan at hindi ito tumitingin sa kanya nang deretso. Nakokonsensya siya, pero hindi niya pinagsisisihan ang paghalik dito. Dahil sa isiping iyon ay nag-init na naman ang pakiramdam niya. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang puson niya. Napalingon siya sa cellphone nang nag-ring ito. Ang mama niya! Sinagot niya at pinindot ang loudspeaker button. “Ma, I’m coming—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang pinutol ito ng kanyang ina. “Son, kasama mo ba anak si Kendra?” tanong nito. Lagot. “She’s not here, ’Ma, baka nauna na,” sabi na lang niya. “What! I told her na sumabay sa ’yo!” ’Yon lang at ibinaba na nito ang tawag. “Seriously, mukhang mas mahal pa nila si Kendra kaysa sa ’kin!” naiiling na sabi niya sa sarili nang nawala ang ina sa kabilang linya. Habang nasa biyahe ay panay pa rin ang tawag niya sa dalaga. Inis na hinampas niya ang manibela. Hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Napalingon siya sa kanyang phone nang may nagpop-up na notification. It was Darlene, she’s calling via f*******: Messenger! Oh, he almost forgot that he has a girlfriend! Mabilis na sinagot niya ang tawag nito. “Hon, I’ve been trying to reach you but your phone is always busy. Pick me at the airport, I’m here hon, I missed you!” malambing na sabi nito. Oh, she’s here! Hindi niya in-expect na uuwi ang nobya niya! Napangiti siya. Bigla niyang na-miss ang nobya. Excited na nag U-turn siya at binaybay ang daan patungo sa airport. “I missed you, too, hon! Wait for me there, I’m on my way!” masayang sabi niya at pinatay ang linya. Pasalamat siya at hindi masyadong traffic, mahigit forty-five minutes lang din ang biyahe papuntang airport. Tinext niya muna ang nobya na pababa na siya ng sasakyan. Pababa na sana siya ng sasakyan nang nag-text ang mama niya. Nandoon na raw si Kendra. Bigla na naman siyang naguluhan sa nararamdaman. Nandito siya ngayon sa airport para sunduin ang nobya, pero bakit parang nawala bigla ang excitement sa pagitan nila ng nobya niya. Nagtipa muna siya ng mensahe sa ina, saying na nasa airport siya para sunduin ang nobya at tuluyan nang bumaba at pumasok na sa loob. Ilang saglit lang ay natanaw na niya ang nobya. Kumaway siya nang ngumiti ito. Patakbo namang niyakap siya nito at hinalikan sa labi. Bakit gano’n, Darlene’s kiss is different from Kendra’s kiss. Napatitig ito sa kanya nang mapansing natigilan siya nang halikan siya nito. “Is there something wrong, hon?” pagkuwa’y tanong nito. “Nothing, hon! Pagod lang siguro sa work.” Iyon lang at hinapit na niya ito para halikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD