“F*CK YOU, Sil! I told you before, know your limitations!” inis na paninita ni Sinas sa lasing niyang kakambal.
Nakasampay sa balikat ni Sinas ang lupaypay na kanang braso ni Silas. Inalalayan niya ang kapatid sa paglabas mula sa pub kung saan ito naglasing kasama ang mga kaibigan. Pagewang-gewang na parang flat na gulong ang paglakad nito. Bagsak man ang ulo, pero dinig ni Sinas ang pag-ungot nito at pagbulong ng mga walang kabuluhan na bagay.
He shook his head in disbelief. As far as he remember, nakakatanda siya kay Silas ng tatlong minuto. Basically, kuya siya nito at hindi alalay. Ang lakas talaga ng loob nitong tawagan siya sa telepono kanina at utusan siyang sunduin ito dahil nakailang bote na ito ng alak na nilaklak!
Hawak-hawak ni Sinas ang braso nitong nakasampay sa kanyang balikat habang ang isang kamay niya ay nakapulupot sa baywang nito para alalayan. Sa bawat hakbang nila ay napapamura siya ng malutong. He wasn’t born just to be like this.
“I know you have a strong alcohol tolerance, but please, Silas! Hindi ibig sabihin niyon ay magpakalunod ka sa alak.”
Yeah, right. Anong silbi ng panenermon niya kung hindi nakikinig at lasing ang kanyang sinesermunan? Sometimes, he realises he’s like an idiot just like his twin brother.
Umangat ang ulo ni Silas para tingnan siya gamit ang mapupungay nitong mga mata dahil sa kalasingan. “What are you talking about?” The way he spoke was just like the way he walked right now.
A drunk man sh*t.
Ngumiwi si Sinas nang maramdaman niya ang pagtama ng mainit na hininga nito sa kanyang mukha at manuot sa kanyang ilong ang amoy alak nitong hangin. His cheeks were turning red, a sign of he drank too much. Kung hindi lang talaga niya inaalala ang kalagayan nito sa pag-uwi, nunca na susunduin niya ang alagaing ito.
“Maglalasing ka, tapos hindi mo man lang kayang alagaan ang sarili mo.”
Silas whined as he stopped from his track, so did he. Nakatayo silang dalawa sa tapat ng hood ng kanyang kotse. Yeah, it was miracle na umabot sila kung saan niya pinark ang kanyang sasakyan. Isang minuto rin silang walang ganap doon, hanggang sa nakuhang mainip ni Sinas.
He tried to take a step forward, but his twin didn’t budge. Sinubukan niyang muling humakbang. Isa pa. At isa pa, ngunit nagmatigas ang hunghang niyang kambal.
Kumunot ang kanyang noo sa inis. “F*ck it, Sil! What are you doing? Don’t you want to go home?” may diing tanong niya rito. “‘Wag ka na ngang mag-inarte riyan. Let’s go!”
“No! You told me to get a wife; then I won’t make a shtep. Baka itali mo pa ako sha iba.”
Mas lalong lumalim ang pagkunot noo ni Sinas. “What? What the eff are you talking about? I won’t do such a thing like that! Pakialam ko sa lovelife mo.”
May nasabi ba siyang gano’n at hindi niya maalala o sadyang napunta na sa utak ni Silas ang kalasingan at kung ano-ano na lang ang mga salitang bumubula sa bibig nito? And just like what he have said, wala siyang pakialam sa lovelife ng kakambal. Whether he wants to get married or not, that is out of his league. Sa edad nila ngayon, wala na dapat silang pakialam kung kanino at kailan sila magse-settle.
Well, si Sinas lang naman ‘ata ang may ganoong mindset sa kanilang dalawa. Silas is much more ‘pakialamero’ when it comes to his personal life. Palagi siya nitong nirereto sa iba at sine-set-an ng blind date—which he never showed up in any dates Silas have planned before.
Matanda na sila. They should be responsible for and make decisions themselves.
Binawi ni Silas ang braso. Pinilit nitong tumayo ng tuwid at tingnan siya ng seryoso. Para pa ngang galit pa ito sa kanya. “I heard you, old twin! I heard you wanted me to get married! Why don't you go first, huh?” panghahamon nito.
Sinas heaved a sigh, rubbing his calloused palm on his face. Ganito talaga ang kakambal kapag umabot na ito sa limit. Marami itong drunk speech na hindi naman makabuluhan. May panahon pa nga na nanghahalik ito. Mabuti na lang ngayon ay alam nitong siya ang kasama.
“You know what, Sil? Lasing ka lang at kung ano-ano na ang naiisip mo. We need to go home now.”
“No!” Silas stomped his feet like a child, sulking. “I don’t want to! Instead of heading home, you might take me to church to marry a woman I don’t love!”
“Parang gago, Silas! This ain’t your time to act like a boy. Hindi kita ipapakasal! Iuuwi lang kita kay Mama nang maalagaan ka niya. I won’t direct you home to our condo because no one will take care of you there.” Dahil ayaw mag-alaga ng lasing si Sinas.
Kung may ibang tao lang talaga sa parking lot maliban sa kanila, baka kanina pa sila pinagtitinginan.
“I won’t fall for your negotiation, Sin. I won—” at bumulwak na nga ang sama ng loob ni Silas dahil sa dami nang nainom nito.
TILA pinupukpok ng sampung martilyo na pinagsabay ng bulldozer ang ulo ni Silas nang magising siya kinaumagahan. Sa pagmulat ng kanyang mga mata, bumungad sa kanya ang pamilyar niyang kwarto.
Ang kwarto niya sa bahay na kinalakihan nilang dalawa ni Sinas. Minimalist lang ang design ng kanyang kwarto. Puti ang pinta ng apat na sulok nito. Ganoon din ang kulay ng kanyang hinihigaang kama at ang kumot na tumatakip sa kanyang hubad na katawan. May bedside table sa kanang bahagi ng kanyang kama at doon nakapatong ang lampshade at digital clock. Naroon din ang kanyang cellphone.
Ang kanyang closet ay may dalawang pinto. Mayroon din siyang bookshelf na punong-puno ng mga libro. He’s a jerk, yes, but he loves collecting books. Just like Sinas. May dalawang pinto sa loob ng kanyang kwarto; ang isa ay pinto ng banyo at ang huli ay maliit na opisina.
Unti-unting bumangon si Silas mula sa kama. He felt his vein in his head thump, making him groan loudly. Dinampot niya na ang puting cotton long sleeve na nakasampay sa gilid ng kama at tuluyan siyang lumabas ng kanyang kwarto.
Habang pababa siya ng hagdan ay sinuot niya ang damit. Hindi na niya pinagkaabalahan pang ibutones iyon at hinayaan niyang nakasilip mula sa manipis na tela ang magandang pangangatawan niya.
Nakayapak na nakarating siya ng dining area. Naabutan niya ang kanilang ina at si Sinas na nakaupo sa harap ng mahabang lamesa. Masayang nagsasalita ang kanilang ina habang nakikinig naman ang kanyang kamukha.
“Good morning,” paos ang boses na bati niya sa dalawa.
Natuon ang atensyon ng mga ito sa kanya. Umiling si Sinas nang makita ang kanyang ganyak. “I guess you're too lazy to clean yourself. Nag-toothbrush ka na ba?”
Silas squinted his eyes as his headache became more intense. Ano bang nangyari sa pub kahapon at ganito kalala ang hangover niya? “I haven’t eaten my breakfast yet, so later,” sagot niya sa tanong ni Sinas. “Manang, can I have a black coffee? Anyway, what happened yesterday, Sin?”
“You don’t remember a thing?” Hindi makapaniwala na ani Sinas.
Tumango siya habang kakamot-kamot ng ulo. “Masakit ang ulo ko ngayon. I can’t think straight kaya ‘wag ka nang magpaliguy-ligoy pa, sagutin mo ang tanong ko.”
“Well, you made a mess,” diretsang wika ng kausap.
“What?” He frowned.
“I said you made a mess—on my car.”
“What?!” Oh, sh*t. That will cost too much, Silas thought.