CHAPTER 4

1529 Words
“I AM SO SORRY, SIN. I didn’t mean to mess up your car! I drank too much yesterday, and—” “Enough.” Inangat ni Sinas ang kanang kamay para senyasan siyang manahimik muna bago kumuda. Napapikit pa ito ng dalawang segundo nang gawin nito iyon. “I understand that, ‘kay? What you did is disgusting to remember, and I won’t repeat it. But, what I put in mind is our code way back before.” Nasa malawak na garahe silang dalawa ng kanilang magarbong bahay—ang bahay na kung saan sila lumaki. It was a modern house, actually. A multiple outdoor terraces and floor-to-ceiling wall of glass and sliding door and window and done with a large wood deck. Tatlong palapag iyon na may pitong kwarto na may kanya-kanyang banyo. Open view ang second floor dahil naroon ang rectangular shape na swimming pool, apat na puting sun shelf. Nasa ikalawang palapag din ang kusina, dining area, living room at dalawang kwarto, ang isa sa mga iyon ay kwarto ng kanilang magulang. Mayroon naman dalawang guest bedrooms ang unang palapag. Sa balkonahe ay may outdoor dining set na pwedeng makaupo ang labindalawang katao. While the third floor has three additional bedrooms, which features a private balcony. Tatlong kotse din ang kakasya sa garahe. Tirik na ang araw kahit alas nuebe pa lang ng umaga. Gustong-gusto nang pumasok ni Silas sa loob ng kanyang kotse, ngunit parang ayaw pa siyang palagpasin ng kapatid. “Look, dude. I am sorry—” “Oh, no.” Sinas shook his head. A calm smile pressed on his lips. At ang tipo ng ngiting iyon ang ayaw na ayaw ni Silas. It was as if threatening his assets. “I’ll only accept your apology once you give me what I want. I know you still remember what we talked about.” Namutla si Silas sa hindi malamang dahilan. He will never forget. He never forgot what they agreed about when they were young. Kung ano ang nasira ng isa, dapat palitan iyon. But as far as Silas remember, nasukahan lang niya ang sports car ng kapatid. Hindi niya sinira iyon, minaltrato o ano. Sinukahan lang. Iyon na ‘yon. Yet, he knew Sinas well. Seryoso man ito sa buhay, ngunit alam niyang mapanghamon ito. Hangga’t hindi rin nito nakukuha ang kapalit, hindi siya titigilan nito. Katulad na lang ng pangungulit niya. May mga bagay rin itong gusto na nagkakataon namang meron siya. Eh, ganoon din naman kasi ang ugali niya, eh. May gusto rin siyang makuha sa kanyang kambal. Walang duda na magkapatid nga sila. Hindi lang mukha nila ang pinagbiyak na bunga, ultimo na rin ang kanilang ugali. “You know what I want.” “No. I can’t give you my baby.” “Baka gusto mong ipagkalat ko na kasal ka na?” His eyes widened in disbelief. “Hey! That wasn’t even real! How dare you spread false accusations against me?” Damn him! he thought. Alam na alam ni Sinas na ayaw na ayaw niya ang salitang kasal. Para bang sinisindihan ang kanyang pwet kapag iyon na ang usapan. If Sinas is really serious about it—which he knows he is—then their parents will question him. Atat na atat na rin kasi ang mga ito na matali ang isa sa kanila. Kinukulit na nga rin sila na gusto na ng kanilang magulang ng apo. Especially him. He doesn’t know what’s with him at bakit siya pa talaga ang inaasahan ng lahat sa pag-aasawa. And if ever Sinas do what he have said, tiyak na pagpipiyestahan siya ng media at ng kanilang magulang. Lalo na ng mga babae niya. He is confident na hahabulin siya ng mga iyon, claiming one of them was his bride. Sinas’ blackmail might sound childish, but for him, it was a big deal. He laughed at him nervously. “You can’t do that.” Yeah. He’s convincing himself, even though knowing his twin brother, he’s determined and deadly serious about it. Sinas’ unbothered smile remained across his lips. It was his calm and normal smile though, but Silas felt like he was mocking him. He never felt safe with that smile. Para kasing may binabalak talagang masama. F*ck. Am I doomed? Umangat ang magkabilang kilay ng kanyang nakakatandang kambal, gayon din ang gilid ng labi nito. They stared at each other for a while. Ayaw mag-iwas ng tingin ni Silas dahil kung gagawin niya iyon ay talo siya. Ngunit sadyang matibay sa ganito si Sinas. Hindi ito maiilang. Sa huli ay wala nang nagawa si Silas. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga sabay ng kanyang pag-iwas ng tingin. He lifted his both arms, acting like he surrendered himself to the police. “Alright. Fine. I’m gonna give my baby to you,” he taunt, pouting his lips a bit like a kid. “But please, keep your mouth shut. Ayokong matali nang wala sa oras dahil sa ikakalat mo.” Sinas clasped his hands, grinning in victory. “Sure. My mouth will always be sealed. Walang kakalat na fake news tungkol sa iyo,” he assured him, then outstretched his right hand and wiggled his fingers, like asking for something. “Give it to me now.” Once again, Silas sighed. Pinasok niya ang kamay sa bulsa ng suot niyang pantalon para ilabas mula roon ang susi ng kanyang sports car na Lamborghini Aventador. At first, he hesitated as he handed the car key to his twin brother. For Pete’s sake! His sports car cost millions! He just bought it six months ago! Hindi man lang umabot sa kanya ng isang taon! Para man siyang timang, pero mangiyak-ngiyak siya nang tuluyang makuha ni Sinas ang susi ng kanyang kotse. Well, it was Sinas’s now, not his. Sinundan niya ng tingin ang kapatid patungo sa sports car nito. Bago nito buksan ang pinto ng driver’s seat, lumingon ito sa direksyon niya para ibato sa kanya ang susi ng kotse nitong Hyundai Veloster N. Because of instinct, nasalo niya iyon. “My car is yours now,” pang-iinis pa ng kapatid niya bago ito tuluyang sumakay sa sports car. Maingat na nilabas nito iyon sa garahe bago pinaharurot sa malawak na kalsada. Napasuntok sa hangin si Silas at nagpapadyak na parang bata. A liftback, yes. Sinas’s car was a hatchback, the one which he made a mess last night, and that was not his style! “Damn you, Sinas,” he hissed under his breath. Naglakad siya patungo sa naka-park na kotse ni Sinas, na kotse na niya ngayon. Pumasok siya sa driver’s seat dahil hindi na niya kayang matiis ang init ng araw na dumadampi sa kanyang mukha. Naka-formal suit pa naman siya. Kahit loko-loko at tarantado si Silas, he never thought of having a day off or missed any work days. Kaya kahit tanggal angas ang kotse niya ngayon, pinaharurot pa rin niya iyon patungo sa kanilang kumpanya. LUKOT ang mukha na nilalakad ni Silas ang malawak na hallway ng ConAd building. Binati siya ng kanilang staff, ngunit hindi niya ginawa ang nakasanayan niyang gawin ngayong araw: ang batiin sila pabalik. Sino ba naman kasi ang matutuwa? Paggising pa lang niya kanina ay masakit ang kanyang ulo dahil sa hangover. Binalita pa sa kanya ni Sinas ang hindi kaaya-ayang ginawa niya kagabi sa hood ng kotse nito—na kotse na niya. Idagdag pa ang pamba-blackmail nito sa kanya kanina para lang makuha nito ang kanyang sports car! Bago siya makasakay ng elevator, dinig niya ang bulungan ng mga ilang tao tungkol sa kanya. “Si Sir Silas ‘yon, hindi ba? Bakit mukhang badtrip?” “Baka si Sir Sinas iyan. Hindi bumati pabalik sa atin, eh. Alam mo naman ‘yon, hindi ba? Parang galit lagi sa mundo.” “Eh, sino ‘yong unang dumating kanina? Don’t tell me, pinaglalaruan tayo ng mga mata natin, ha?” “Si Sir Sinas iyan. Kasabay ko siyang nag-park ng kotse sa ground floor kanina.” Oh, shoot. Napagkamalan pa talaga siyang si Sinas. He usually goes to work with a smile on his face. Lagi siyang bumabati pabalik sa mga nakakasalubong niya. Pero ngayon? He can’t even recharge his cheerful aura. Hindi na lang niya binigyan ng atensyon ang mga staff nila. He went inside the elevator. Before the door closed, he gave his staff a death glare. Bumalik naman sa kanya-kanyang gawain at iwas ng tingin ang mga ito dahil na rin siguro sa takot na masesante. But he won’t go beyond that. Silas was not a cruel owner. Baka si Sinas, oo. Nang makarating siya sa palapag kung nasaan ang opisina niya at opisina ni Sinas, agad na lumabas siya ng elevator. Malalaki at may pagmamadali ang kanyang mga hakbang. Maliban sa late na siya sa trabaho, gusto na niyang lunurin ang sarili sa kakapirma ng dokumento para sa approval ng kanilang mga upcoming projects. Ayaw na lang niyang maalala ang nangyari sa bahay kanina. Because his baby Lamborg wasn’t his now. Sa pagbukas niya ng pinto ng kanyang opisina, hindi niya inaasahan ang taong naabutan niya sa loob. “Natsumi?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD