“SINAS, you wanna hang out with the boys later?” Silas asked his minute-old twin. It was the same day he had the Isla Atlas in his hands without doing anything.
Sa kakambal niya lumapit ang may-ari ng naturang beach resort—kay Sinas ni-negotiate ang Isla Atlas. But looked what happen? Sa kanya napunta ang beach resort na matagal nang gustong mapasakamay ni Sinas. Noong makita ni Silas ang kagandahan ng Isla Atlas—which was five hours ago—he was also lured by the beauty of the nature.
Ang sarap gawing pasyalan at bakasayunan ng beach resort na ‘yon.
Silas watched his identical twin loosened his black necktie. Nakasalubong niya ang kakambal sa corridor ng ikadalawampung palapag na gusali. Papasok na sana si Sinas sa loob ng opisina nito, pero pinigilan ni Silas ang kakambal para ayain itong mag-celebrate.
Sinas shook his head in his disapproval. “I can’t,” sagot nito. “I still have something to do, Silas.”
Nginisihan niya ang kakambal. “Sus! Just tell me you are holding grudge against me because I owned your Isla Atlas without difficulties,” pambubuska niya.
Sinas sighed, his tired eyes bearing onto him as if he’s been bugging him all day. “I am not,” he emphasized.
“Then, come on!”
Tuluyang hinubad ni Sinas ang itim na necktie. “Look, Silas. You can party all you want today, but I told you, I still have something to do. Kailangan kong i-meeting ang mga manufacture staff natin thirty minutes from now,” katwiran nito. “Wala ka rin naman iaambag sa meeting kaya go ahead. Pwede ka nang magwalwal together with Lucas and others.”
Inismiran niya ang kakambal. “Palusot ka lang, eh.” Mabilis na umilag siya nang ihuma ni Sinas ang kamao nito at akmang bibigwasan siya. “Kalma! Binibiro lang kita. Kaya walang nagco-confess sa iyo dahil ang seryo-seryoso mo.”
“Kaysa naman sa’yong papalit-palit ng babae.”
“At least I am enjoying every drop of my life. Unlike you, tinapos ang masasayang araw mula nang gumraduate tayo ng college,” balik ni Silas sa kausap. “Ang page-enjoy sa buhay, dapat tuloy-tuloy ‘yan, kapatid.”
Inirapan siya ni Sinas. “Whatever. Lumayas ka na sa harapan ko at baka hindi kita matantya.” Pinulupot pa nito ang necktie sa kamao.
“Woah! Heto na! Lalayas na!” Mabilis siyang lumayo mula sa kakambal. “Ang init agad ng ulo.”
Sa inasta niya, ngumiti si Sinas. “Say hello to the club for me, Silas.”
Sinuklian niya rin ng ngiti ang kambal. “Sure.” Bago niya tinalikuran si Sinas ay nakatanggap pa siya ng huling kaway at ngiti mula sa kakambal.
Sumakay ng elevator si Silas na hindi mawala ang ngiti sa labi at bahagyang iniiling ang ulo. Yeah. His identical twin might be serious and profound, but he knows how to put and curve a smile on his face. Nagmumukha lang talagang suplado si Sinas kapag hindi ito ngumingiti. Iba kasi ang aura na nakapalibot kay Sinas. ‘Yong aura na nakakapangatog tuhod.
Unlike Silas, he’s the definition of the ball of sunshine. He always put a smile on his face as he wanted to keep the positive and cheerful aura around him. Ayaw niyang katakutan at iwasan siya ng mga tao katulad ni Sinas. At ayaw niyang bigyan ng malaking trauma ang mga staffs nila kung tutularan pa niya ang kanyang kakambal.
Besides, nakakatanda at nakaka-wrinkles ang hindi palaging pagngiti. He doesn’t want to look old in his age. Baka wala nang lumapit na babae sa kanya kung pati ang pagngiti ay ipagkait niya sa sarili.
Nang makarating si Silas sa ground floor ng company building, mabibilis ang mga hakbang na dumiretso siya ng parking lot kung saan naka-park ang kanyang kotse. Kaagad na binuksan niya ang pinto ng driver seat at sumakay. Binuhay niya ang makina ng kulay puti niyang sports car at tuluyan na niyang inilabas iyon mula sa parking lot at pinaharurot sa malawak na highway.
“WHICH ADLER ARE YOU? THE ARCHITECT OR THE MEDTECH?” Ang tanong na iyan ang bumungad kay Silas nang maabutan niya ang mga kaibigan na inookupa ang mesa at sofa sa isang sulok ng Wild Rover Pub—isang modern night bar kung saan madalas tumambay ang mga katulad nilang mga bachelor.
Palubog na ang araw nang makarating siya sa naturang pub. May ilang customers na rin ang pub nang makapasok siya sa loob. Ilan pa lang naman, pero alam niyang ilang oras lang ang lilipas ay mapupuno na naman ng tao ang Wild Rover.
Hindi alam ni Silas kung ginagago lang siya ng mga kaibigan o sadyang hanggang ngayon ay lito pa rin ang mga ito sa pagkilala kung sino si Sinas at Silas.
Silas can’t help but roll his eyes heavenward before he displays his right hand to them, showing the mole on his thumb. That was the only mark to know who is who between his twin brother.
Kung bakit ba kasi hindi sa mukha napunta ang nunal na ‘yon.
“Oh! It was the architect!” Lucas chanted as he handed him a glass of brandy. “Where’s the MedTech?”
Tinanggap niya ang inabot na alak ng kaibigan saka umupo sa bakanteng espasyo ng sofa. Sumimsim siya ng inumin bago sinagot si Lucas. “He needs to meet his staffs today. That’s why he’s not with me.”
Napabuntong hininga si Ken habang iiling-iling. “That guy really loves being busy, isn’t he?”
“He might get blue balls if he continues busying himself in your company,” Henry added between his chuckles.
“Tama na ang pagpapayaman, Silas.”
“Maghanap ka na ng asawa.” Sa tinuran ni Lucas, nagtawanan ang mga kaibigan niya.
“No way!” mabilis na sagot niya sa sinabi ng kaibigan. Inisang lagok niya ang iniinom na brandy. Sa naging reaksyon niyang pagsimangot, mas lalo siyang tinukso at tinawanan ng kaniyang mga kaibigan. Mas lalo tuloy nag-usok ang kaniyang ilong at bumbunan dahil do’n.
Pabagsak na pinatong niya ang baso sa mesa. Wala pa sa isip ni Silas ang mag-asawa. Ayaw niyang isipin ang pag-aasawa. Mayroon siyang dalawang dahilan kung bakit ayaw niya. Isa naroon ang ayaw niyang matali habambuhay at gusto pa niyang ma-enjoy pa ang pagiging bachelor.