Kabanata 9.

1268 Words
FHAIL ZANDINGFOR Everyone had already fallen asleep. So I take the opportunity to go out. I walked around the side of the mansion. Then suddenly, a black limousine stopped in front of me. All my men who were in the limousine got off. And they bowed to me. I just nodded at them. One of the men opened the door for me. "Good evening, King Zandingfor." "Magandang gabi rin." Tuluyan na akong pumasok sa loob. Lahat ng mga tauhan ko na kasama ko sa loob ay tahimik lang. "Kumusta ang mga trabaho ng mga mafia bosses at ang ibinigay kong businesses sa kanila?" I seriously asked. "King, ang dalawang daan na hawak ninyong mafia bosses ay may mataas na kita kada araw. Ang businesses naman po nila ay hindi nalulugi o nare-raid ng mga pulis." "'Yan ang gusto kong marinig," I responded. Ako si Fhail Zandingfor. Twenty seven years old. Pero kilala ako sa pinapasukan kong mansyon as maid Fhail Dam. Ako ay isang billionaire ruthless Mafia King, isang organized and professional criminal. Ang pangalan ng malaking organization ko ay Zanfo o Zanfo Organization. Ako ay King ng mga mafias. Hawak ko ang mga mafia bosses, dalawang daan na mafia bosses. Sila ay nagtatrabaho para sa akin at sa organization na binuo ko. Ako ang nagpapasuweldo sa buong mafia bosses na hawak ko. At sa dalawang daan na mafia bosses ko ay mayroon silang tig isandaan na mga tauhan na pinapasuweldo ko rin. In short, ako ang nasusunod sa lahat at ang pinakamataas na uri ng mafia except sa mafia emperor. Sa sobrang dami ng mga mafia bosses ko na nagtatrabaho sa akin ay maituturing kong trillionaire na rin ako sa monthly na kinikita ng organization ko. ** Pagbaba ko sa limousine ay bumungad sa akin ang malaking mansyon. Ito ang kaharian ko. Maglalakad pa lang sana ako papasok sa loob pero may biglang ibinalibag na lalaki ang isa sa mga tauhan ko. Sinabunutan niya ang lalaki at iniharap sa akin. Ah, kilala ko na. "Ano ang kasalanan ni mafia boss 37?" I asked. "King, gusto na raw mag-backout." Natawa ako, "37, handa ka na bang pumunta sa impiyerno?" "King! Hayaan niyo na lang ako, please! Mayroon akong pamilya na umaasa sa akin. King, patawarin mo ako." Inabutan ako ng sword ng aking tauhan. Hinimas ko ang kumikinang at matalas na sword sa harap ni 37. Siya naman ay pinagpapawisan. "Sa 'yong sinumpaan na trabaho, wala kang karapatan na umalis. Lahat tayo ay sama-sama na mamamatay." Mabilis kong hinawi ang sword sa kanyang leeg. Kaya napugot ang kanyang ulo. Mayroon namang mag-a-apply na mafia boss na kapalit nitong lalaking 'to kaya hindi na ako mamomroblema. Tuluyan na akong naglakad. Pagtapat ko sa malaking pinto ay pinagbuksan ako ng mga tauhan ko. Bumungad sa akin ang mga tauhan ko na nakahilera sa kaliwa at sa kanan. At ang loob ng mansyon ko na gawa sa ginto. Naglakad na ako sa black carpet. Habang ako ay naglalakad ay nakatungo ang mga tauhan ko. Nang makarating ako sa malaking red throne ko ay umupo ako at bumuntonghininga. Na-miss ko ang upuan na 'to. Sumandal ako at pumikit. Biglang sumagi sa isip ko si Diamonika. Ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat. Sa katunayan, kahit na maraming babae ang p'wede kong pakasalan ay siya lang talaga ang gusto ko. Maraming mga bigatin na tao ang rumerespeto sa akin pero nagpapakababa ako para sa kanya na nagpanggap nga akong maid. Ang main reason ko kaya ako'y nagpanggap bukod sa mahal ko siya ay dahil sa nagawa ko noon sa kanya 5 years ago. Sa sobrang sama kasi ng loob ko sa sinabi niya noon nang ligawan ko siya ay inumpog ko ang ulo niya na nag-agaw buhay siya. Sa katunayan, ako ang nagbayad lahat ng bayarin sa hospital. Hindi ko nakalimutan ang sinabi niya na "Ikaw? Mamahalin ko? Ang kapal naman ng mukha mo. Look at you, isa kang organized criminal. Alam mo ba na dalawa lang ang bagsak mo? Sa kulungan at sa impiyerno! Hindi sa akin kaya huwag kang umasa." Noon ay nagpakilala akong mafia king pero ayaw niya sa akin, sukang-suka siya. Akala ko ay mai-impress siya. Nang iumpog ko siya ay nawalan siya ng memorya kaya ako'y 'di na niya kilala. Hindi naman ako masama nang gawin ko 'yun sa kanya. Pero kaya nga ako nagpanggap na maid niya ay para ako'y makabawi sa kanya dahil labis kong pinagsisihan ang nagawa ko. Gusto ko siyang alagaan at protektahan. Tsaka may may main reason pa pala ako, 'yun ay ang mahalin niya ako bilang maid. 'Yung tipong kahit mahirap lang ako sa paningin niya ay alam naman niyang legal ang trabaho ko. Unlike me as a mafia king na kinamumuhian at sinusuka niya dahil illegal ang trabaho. May mas pinaka-main reason pa ako, 'yun ay ang pagiging sabik ko sa kanya araw-araw. Sa sobrang pagmamahal ko nga sa kanya ay gusto ko na siyang itakas at pakasalanan. Pero gusto kong genuine ang feelings niya para sa akin. Kahit na minsan ay ang p*********i ko'y hindi na makatiis sa kanya. Wala akong ibang bisyo, si Diamonika lang. Kung siya'y mapupunta sa akin ay ako na ang pinakamasaya sa buong mundo. Lumapit sa akin ang isa kong tauhan para isuot sa akin ang itim na kapa. Tumayo ako para maisuot niya nang maayos. "Pakikuha ang IWI X95 rifle ko," I ordered. 'Yun ay ang gun ko na madalas kong hinihimas sa tuwing ako'y nakaupo sa aking trono. Nang iabot na sa akin ng isa kong tauhan ay nag-bow siya. "Wala bang parating na war sa atin sa pagitan ng ibang mafia King dito sa ating bansa o kahit sa ibang bansa?" I asked. "King, wala pa naman po." "Mabuti naman." Wala akong kapatid o magulang, mag-isa na lamang ako. Sa takbo ng aking buhay, kung patay ay patay. Pero noon 'yun nang hindi ko pa kilala si Dia. Noong nakilala ko siya, parang gusto kong patunayan na ang isang katulad ko ay hindi lang bihasa sa pagpatay. Kaya ko ring magmahal at magtiis para lang sa kanya. Lumapit si Xayana sa akin sabay nag-bow. Anak siya ni mafia boss 56. Siya ay naninirahan sa malaking mansyon na 'to. "Ano ang kailangan mo, Xayana? Hindi ba kayang sagutin 'yan ng 'yung ama?" "King Fhail, sorry po. But Fhail, alam mo na simula pa lang ay gusto na kita, wala ba talaga tayong pag-asa?" "Xayana, napag-usapan na natin 'to 'di ba?" "Alam ko, ayaw mo ba akong maging reyna?" "Mayroon na akong minamahal, Xayana." "S-sino? Mas better ba sa akin? Samantalang simula pa lang ay palagi na akong nasa tabi mo. Fhail, I know your worth." "Xayana, para na kitang kapatid. Hanggang do'n lang 'yun. At dahil sa mahal din kita, nakikipag-usap ako sa 'yo as tao sa tao hindi sa taong hari sa tao. Gets mo?" "O-opo, King," humikbi siya at tumakbo. Si Xayana, nasa kanya na ang lahat pero hindi ko siya magawang mahalin nang mas malalim. Sa ngayon, wala pa rin akong clue kung sino ang nagtangka sa buhay ni Diamonika. Madali ko lang naman nahuli ang lalaki pero matigas ang ulo, ayaw umamin. Papatayin ko na sana pero iniharap ko kay Dia. Sa katunayan, kaya ko rin namang i-trace kung paano nakapunta ang lalaki sa loob ng mansyon pero hahayaan ko muna na mag-assume ang nag-utos nu'n na malakas siya o sila. Tsaka gusto ko rin na may nananakot kay Dia para matauhan siya sa kasamaan ng ugali niya. Pero palagi lang naman akong nasa tabi niya para siya'y protektahan. Si Dia, siya ang anghel na nagputol ng mga sungay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD