Kabanata 10.

1121 Words
DIAMONIKA'S POV: Nagising akong nilalamig. At parang masama ang pakiramdam ko. Pagtingin ko sa orasan ay 4 a.m pa lang. Nang tumingin ako sa bintana ay napaatras ako dahil may isang lalaki na nakatalikod na nakaupo sa bintana. Sanay kasi ako na bukas ang bintana, 'di ako nage-aircon kapag ayaw ko. "Sino ka?!" Nang humarap siya ay ngumiti siya sa akin. "F-Fhail?" "Ako nga." Tumalon siya sabay naglakad papalapit sa akin. "Ano ba ang ginagawa mo? Don't tell na nakawala na naman ang mga aso?" "Binabantayan lang kita, mam. 'Di ba nga'y nasa panganib ang buhay mo?" "Oo nga. Pero hindi naman 'yung para kang tiktik dyan na nasa bintana!" "Saan mo ba ako gustong tumabi? Sa kama mo?" "Are you a manyak? TSAKA HOY! HINDI KO PA RIN NAKAKALIMUTAN 'YUNG GINAWA MO KAHAPON-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nahiya ako bigla. Para akong naduduwag. "Masarap ba?" he seriously asked. Hindi ako nakasagot. Para na akong nilalamon ng kama sa sobrang hiya ko sa kanya. Totoo naman, masarap ang kanyang ginawa kahapon na para bang hinahanap-hanap ko. Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa kama sabay hinila niya ako. Hinawakan niya ang ulo at leeg ko. "Mainit ka. May gamot ako rito." "Ha? Paano mo naman nalaman na-" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil itinapat niya sa akin ang isang bottled water at isang gamot. "Inumin mo na 'to. O gusto mo ba na ako ang sumubo ng gamot sa 'yo?" "Che! Hindi ko kailangan ng tulong mo." Hinawakan ko ang ulo ng bottled water para buksan pero nahihirapan ako. Hanggang sa hinawakan ni Fhail ang kamay ko, siya na ang nagbukas. Mabilis kong ininom ang gamot at inubos ko ang tubig sabay binato ko sa dibdib niya ang bote na plastic. "Do you want me to kiss you again?" he seriously asked sabay lumunok. "No!" "Ayaw mo pala, mag-behave ka." "Ha? Ano ako baby para mag-behave?!" "Yes, you are my baby. May angal ka?" Nag-crossarm ako. "Fhail! Tigilan mo na ako." "Matulog ka na, masyado ka na namang maingay, Diamonika." "Mam nga 'di ba?" "Bakit? Teacher ka ba?" pamimiloso niya. Nakagat ko tuloy ng sobra ang labi ko dahil sa inis. "Lumayas ka na, Fhail. Ayaw kita rito." "Weh? Bakit ako'y hinayaan mo pa rin na tumuloy at kausapin ka?" Oo nga 'no? "Sige na, matulog ka na," he whispered. "Oo, umalis ka muna sa kama ko!" "Ayaw," pagmamatigas niya. "Ah? Ayaw mo?! Babatuhin kita ng unan!" "Subukan mo." Natakot na naman ako sa linya niya na 'subukan mo' kaya hindi na lang ako kumibo. "Hoy, Fhail! Tatanungin nga kita, sobrang sama ba ng ugali ko?" "Oo." "Wow ah? Honest." "Pero kahit masama ang tingin sa 'yo ng maraming tao, asahan mong ako ang nag-iisang tao na iintindi sa 'yo at uunawain ang ugali mong magaspang." Matutuwa na sana ako sa una niyang sinabi pero sa dulo ay may magaspang. Tsk!!! Pero sa totoo lang? Siya pa lang ang unang tao na nagsabi sa akin niyan. Kadalasan kasi dati, bata pa lang ako ay ang sinasabi nila ay masama na talaga ako. Samantalang si Fhail, iba. Pero hate ko pa rin siya. "Matulog ka na, Dia." "Paano ako makakatulog kung nandito ka?" "Aminin mo man o hindi, alam kong gusto mong nasa tabi mo ako." "Aba!" "Bakit? Aangal ka, Diamonika?" Hindi ako nakasagot. Feelings boss! "Hindi mo naman 'to dapat ginagawa!" I exclaimed "Baka nakakalimutan mo na maid mo ako?" Napaisip ako ulit, oo nga. Humiga na lang ako nang tahimik. Hinayaan ko na lang siya na maupo sa kama ko. Tsaka ewan, ang comfortable ko kapag nasa tabi ko siya. Kukunin ko na sana ang kumot ko pero mas nauna si Fhail. Kinumutan niya ako habang siya'y nakatitig sa mga mata ko. Ako na lang ang umiwas. Hinawi niya ang buhok ko. "You may close your eyes. Think that every minute you are safe because I'm here beside you. Kung nag-o-overthink ka ay nandito lang ako para burahin ang mga gumugulo sa isipan mo." Marunong pala 'tong mag-english. Bukod pa ro'n ay tagos na tagos sa akin ang sinabi niya. Nagtakip ako ng kumot para hindi ko makita si Fhail. Pero naaaninag ko siya. "Ipikit mo na ang mga mata mo, huwag mo na akong titigan." Ha?! Naaaninag niya rin ba ako? Pumikit na lang ako dahil baka isipin niya na may gusto ako sa kanya kaya ako natitig. Pero naiihi ako. Paano ko ba sasabihin?! Pero kwarto ko 'to! May karapatan akong tumayo. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nagulat ako nang sobrang lapit ng mukha ni Fhail sa kumot kaya napapikit ulit ako. Sinisigurado niya siguro na tulog na ako. Umupo ako. At mabilis kong inihagis ang kumot ko sa kanya. "Iihi ako!" "Go, pero bakit ka galit?" "Ha? Ako? Galit? Hindi!" "Nasigaw ka, mam." "Hindi nga. Sige na, iihi na ako." Tumalon ako sa kama at tumakbo papunta sa cr. Parang gusto ko na lang na matulog sa banyo keysa bumalik sa kama ko. Amoy na amoy kasi ang pabango ni Fhail, para akong inaakit. Ay basta! Bwesit. Pagkatapos kong umihi ay dahan-dahan akong naglakad. Tumago muna ako sa gilid, pagsilip ko ay wala na si Fhail sa kama. Hay, mabuti naman. Tumakbo na ako papunta sa kama at tumalon. Nang humarap ako ay nagulat ako nang makita ko sa tapat ko si Fhail na nakasandal sa pader. "Matulog ka na ulit." "Sino ka ba para utusan ako, Fhail?!" "Future boyfried at asawa mo. May angal?" "Paulit-ulit ka." "Uulitin ko pa hanggang maging boyfriend at asawa mo ako." "Ano?!" "Ano ka rin." "Ayaw ko sa 'yo, Fhail." "Ngayon lang 'yan." "Ngayon? Habambuhay! Tsaka ayaw kitang makausap." "Pero bakit mo ako sinasagot?" "Makulit ka kasi! Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa 'yo." "Nang dumating nga ako ay naging okay ka." "H-ha? H-hindi 'no." "Bakit ka nauutal, Diamonika?" Hindi ako nakasagot. Muli kong kinumutan ang buong kong katawan. Pipikit na sana ako pero bigla akong gininaw. Nanginig ako sa sobrang lamig. Hanggang sa biglang inalis ni Fhail ang kumot. Pero hindi ko siya masigawan dahil nilalamig na talaga ako ng sobra. Nagulat ako nang maghubad siya. Bumungad sa akin ang six-pack abs niya. Napalunok ako at kinabahan. Kukunin ko na sana ang kumot pero pinigilan niya ako. "Hayaan mong yakapin kita. Sa paraan na ganu'n, mababawasan ang panginginig ng 'yong katawan dahil sa lamig. Huwag kang ma-pride, wala naman akong ibang gagawin." Humiga siya sabay mabilis akong hinila. Napasubsob tuloy ako sa dibdib niya. Ang bango. Dahil sa sobrang lamig ay niyakap ko na lang siya. Akala ko'y yayakapin niya ako pabalik pero hindi. Tama nga siya, wala naman siyang ibang gagawin. Tuluyan na akong pumikit dahil nakaramdam na ako ng init.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD