Kabanata 8.

1128 Words
DIAMONIKA Nasa living room ako. Nakatapat sa laptop ko, busy sa pag-aayos ng bagong policies ng company. Si Fhail, nakatayo lang siya sa gilid. Ewan ko, parang hindi ko magawang mainis sa kanya ngayon lalo't kahit pala siya'y maid lang ay mayroon siyang maitutulong sa akin. Bigla tuloy akong napaisip na masama pala talaga akong tao. Naturingan na nag-aral ako ng law, pero hindi ko naman naaaral ang tamang ugali. Pero parang hindi naman nakakapagsisi na maging maldita ako, halimbawa sa company, lahat ng employee ro'n ay may takot sa akin kaya pinagbubuti nila ang trabaho nila. "Dia!" masayang bungad ni Zebak. "Oh, ikaw pala. Ano ang kailangan mo?" "Can you be my girlfriend na? As in ngayon. Then pag-usapan na rin natin ang ating engagement." "Ha? Cheetah ka ba?" "Dia, what do you mean?" "Sobrang bilis mo kasi. You know, I'm dalagang Pilipina kahit na maldita. Hindi naman ako ganu'n kadali na makuha. Yes, gusto kita pero basta ang bilis mo naman." Umupo siya sa tabi ko. "Ang sabi kasi ni dad ay kailangan na nating makasal as soon as possible." "Bakit naman?" "Kasi ay 'yun ang kasunduan nila ng dad mo." "Ano? May ganu'n? Hmm... pag-isipan ko. Ito talagang si dad, hindi man lang sinabi." "Sorry, Dia. Sorry kung sa tingin mo ay ang bilis ko." "Okay lang. Kung tayo naman para sa isat-isa ay why not? Pero again, isa akong dalagang Pilipina. Pero kapag si dad kasi ang nagsabi ay automatic na kailangan kong sundin. Pero aawayin ko talaga siya dahil wala siyang sinabi." Ngumiti lang si Zebak. Then hinawakan niya ang buhok ko. Nang tingnan ko si Fhail ay parang hindi maipinta ang mukha niya. Tsaka siya ay pinapawisan ng sobra. Ano ba ang nangyayari sa kanya? "Fhail, ano ang nangyayari sa 'yo?" I asked. "Wala po, mam." "Kung may sakit ka ay magpahinga ka na lang sa maid's room. Baka makahawa ka pa rito." "Pero babantayan ko po kayo, mam." "Ang kulit!" "Dia, ayan ka na naman. Calm down," Zebak whispered. "Oh, Fhail! Bakit pawis na pawis ka? Wait, pupunasan kita." Kumuha ng towel si Lowen sabay pinunasan niya si Fhail sa mukha, leeg, at k-katawan. Duh? Papansin talaga 'tong si Lowen. "Lowen, p'wede bang huwag kayong magpunasan dito? Nakakairita!" "Talaga ba, Dia? O baka naman ay nagseselos ka?" pagtataray niya. Aba, seryoso yata ang gaga. Nagtaka si Zebak, "Selos?" "Zebak, ganyan lang magsalita si Lowen. Huwag mo 'yang pansinin." "Tara na nga sa kwarto mo." Hinila ni Lowen si Fhail palabas. Kaya nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong tumayo at kaagad na sumunod sa kanila. "Lowen! Bakit mo ba siya tinatrato ng ganito? Porke ba guwapo siya?" naiiritang tanong ko. "Oo, guwapo siya at mabait. Hindi katulad ng Zebak mo, paa lang ni Fhail. Alam mo, Dia, sana ay ligawan ako ni Fhail." "Ewan ko sa 'yo, Lowen, magsama kayo." Tumalikod ako na para bang binagsakan ako ng malaking bato. Naglakad na lang ako papalayo. Pupunta ako sa tinatambayan kong puno. "Mam!" habol ni Fhail. Hindi ako lumingon. Bwesit siya! Nang makarating ako sa puno ay umupo ako. "Diamonika, galit ka ba kay Lowen?" "Ako? Magagalit sa haliparot na 'yun? Hindi 'no! Tsaka bakit naman?" "Halata po sa kilos ninyo." Parang may lumabas na usok sa ilong ko dahil sa sagot niya. Tumingin ako ng masama sa kanya, "Hoy, Fhail! Iniisip mo ba na nagseselos ako sa inyo?" Lumapit siya sa akin ng sobra kaya medyo lumayo ako. Pero lumapit pa rin siya. Aatras na sana ako pero ang naatrasan ko ay ang mismong puno kaya wala ng space. "Paano kung sabihin kong oo? Matutuwa ka ba, Diamonika?" "As if naman ay magustuhan kita." Inilapit niya ang mukha niya sa akin sabay lumunok. "Alam mo ang ayaw ko? Ang hindi nagsasabi ng totoo. Diamonika, ayaw kong maging boyfriend mo si Zebak at ma-engage ka sa kanya." "May karapatan ka bang magbawal?! Sino ka ba sa inaakala mo?" "Future boyfriend mo at asawa. Bakit? May angal ka?" "WHAT THE HECK?! Bakit sa tuwing tayo lang ay hindi mo ako tinatawag na mam? Tsaka ang seryoso mo kapag tayo lang. Pero para kang maamo na tupa sa harap ng iba!" "Ingay mo. Hmm... p'wede ba akong manligaw?" "Ligaw? Mas gugustuhin kong sagutin si Zebak!" "Subukan mo." Kinilabutan ako sa pagkakasabi niya dahil napakaseryoso niya. Fhail, sino ka ba talaga? "So it means may gusto ka sa akin, Fhail?" "Oo, bakit? May angal ka?" "Tigilan mo na 'yang nararamdaman mo, wala kang pag-asa kahit na napakaguwapo mo. Alam ko naman, kahit sino ay magkakagusto sa akin dahil maganda ako. Isa ka rin pala ro'n." "Diamonika, may first kiss ka na ba?" "Ang siga mo magtanong ah? Wala!" "Siga nga ako, pero binababa ko ang pride ko para sa 'yo." "Oh? Talaga ba, Fhail?!" "Gusto mo bang maranasan ang unang halik? Gusto mo bang maramdaman kung gaano kalambot ang labi ng 'yong kahalikan?" "Pag ikaw ang hahalik, ayaw kong maranasan." Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin sabay hinawakan niya ang panga ko gamit ang dalawa niyang kamay kaya nagkatapat ang aming mukha. Nang titigan ko ang mga mata niya ay ang pungay at nangungusap. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan sa labi. Biglang tumigil ang mundo ko dahil hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam ng unang halik. Para na akong nasa langit. Hindi ko alam pero bigla akong napapikit. Iginalaw na niya ang labi niya, ang galing, para siyang expert. Hanggang sa dahan-dahan niyang sinakop ang labi ko habang hinahalikan. Sh*t! Ganito pa lang ang ginagawa niya pero para na akong mababaliw. Sobra ring bilis ng t***k ng puso ko. Lalo akong nagulat nang bigla niyang ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Hihiwalay na sana ako dahil expected ko na bad breath siya pero mas hinigpitan niya pa ang hawak sa panga ko. Pero hindi naman masakit. Nang malasahan ko ang laway niya ay matamis at sa naaamoy ko sa laway niya ay mabango na sa panlasa ko ay ang gamit niyang mouthwash ay 'yung mamahalin. Nanginig ang buo kong katawan nang igalaw niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Hindi ko alam pero parang ang daming butterfly sa tyan ko. Sumabog ang puso ko nang unti-unti na niyang alisin ang dila niya sa loob ng bibig ko. Pero mas lalong sumabog ang puso ko nang laplapin niya ako nang dahan-dahan. Napapaangat ang p'wet ko dahil sa kiliti na nararamdaman ko sa buong katawan. Hindi ko akalain na napakalambot ng labi niya. Pilit kong tinutulak ang dibdib niya pero mas binilisan niya ang paglaplap sa labi ko kaya itinigil ko na. Hanggang sa dahan-dahan niya ulit akong nilaplap. Sh*t! Bakit ako pumipikit? Nakakainis! Hindi ko akalain na nanakawin niya ang first kiss ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD