Chapter 19.

1199 Words
Habang naglalakad sa labas ng kaharian ng Emperor si Fhail ay nakatungo na agad ang mga tauhan ng emperor. Pagpasok ni Fhail sa loob, bumungad sa kanya ang limang mafia boss na hawak niya. Nakatungo ang mga mafia boss. Pumalakpak ang emperor. “Magaling, magaling. Nandito ka na pala, Fhail.” Nilingon ni Fhail ang kadarating lang na emperor. “Bakit nandito ang mga mafia boss ko, emperor?” Hindi tiningnan ng emperor si Fhail. Tumitig siya sa mga mafia boss. “Lumuhod kayo!” “Ano bang kasalanan nila sa'yo?!” galit na sigaw ni Fhail. “Gusto na nilang umalis sa position nila. Alam mo na kapag isa lang ang umalis ay hinahayaan ko na ikaw na ang pumatay. Pero this time, lima?! Tangina. Napapabayaan mo ba sila?” “Totoo ba ang sinabi ng emperor? Gusto niyo nang umalis sa position ninyo?” Tumango ang mga mafia boss. “Potangina! Sira ba ang ulo mo, Fhail? Bakit mo pa sila tinatanong? 'Di ba dapat ay pugutan na sila ng ulo? Sira ang ulo mo! Gago! Potangina. Ano, lumambot ka na ba?” “Mga tauhan ko sila. Ako na ang bahala na pumatay sa kanila.” “Hindi ako naniniwala na papatayin mo sila, Fhail! Look at you! Mukha ka ng malambot na saging!” “Ano ang gusto mo, emperor?! Magpatayan tayo ngayon?” Tumawa nang malakas ang emperor, “Baka nakakalimutan mo na ako ang mas superior sa'yo? Wala kang magagawa, Fhail. Wala kang magagawa. Alam mo 'yan simula pa lang.” Napatingin si Fhail sa malayo. “Pagmasdan mo kung paano ko pugutan ng ulo ang mga mafia boss mo!” malakas na sigaw ng emperor. Ngunit hindi lumilingon si Fhail. Isa kasi sa mga mafia boss ay matanda. Ang matandang lalaki na 'yun ay itinuturing niyang lolo. “Ano, Fhail! Tumingin ka! Patunayan mo na isa kang tunay na lalaki!” Mariin na tumitig si Fhail sa mga nakaluhod na mafia boss. Hindi niya ipinapakita na apektado siya. Pinugutan na ng emperor ng mga ulo ang mga mafia boss. Hindi pumikit o kumislap ang mga mata ni Fhail kahit na natalsikan siya ng dugo. At kahit na sobra na siyang nasasaktan. Itinapon ng emperor ang matalas at mahaba na sword. “Gan'yan ang mangyayari sa isang tao na tatalikod sa organization na ito.” “Masakit ba, Fhail?” masayang tanong ng emperor. “Maghahanap ulit ako ng limang aspiring mafia boss, emperor,” seryoso ngunit madiin na bulong ni Fhail. Naglakad siya papalayo. ** Dumiretso si Fhail sa underground na pagmamay-ari niya. Itinapon at hinagis ni Fhail ang lahat ng nakikita niya dahil sa sakit na nararamdaman niya. Galit na galit siya sa emperor dahil mahal niya ang matandang mafia boss na isa sa mga namatay. Ngunit alam niya sa sarili niya na wala siyang magagawa dahil mahirap kalaban ang emperor. Alam ni Fhail at naniniwala siya na isinanla o ibinenta na ng emperor ang kaluluwa nito sa demonyo dahil hindi ito natatamaan ng bala. Alam niya na mayroong agimat ang emperor hindi lang basta trillionaire ito. Hindi niya man aminin, ngunit sa dami ng koneksyon nito, kahit siya na halos ka-level na nito ay hindi kakayanin na lumaban. For the first time in his life, bigla siyang napaiyak dahil alam niya ang kalalabasan kapag ipinaglaban niya ang kanyang pagmamahal kay Dia. Pero buo na ang loob niya. Napagdesisyunan niyang uminom ng alak. Biglang nag-ring ang phone niya kaya sinagot niya agad. Nakausap niya si Xanaya. Tinanong sa kanya ni Xanaya kung nabalitaan na ang nangyari sa limang mafia boss. Sinabihan niya si Xanaya na huwag papaatrasin sa position ang kanyang ama kahit na ano'ng mangyari. ** Pagpasok ni Fhail sa loob ng mansion nila Diamonika ay nakita niya na magkatabi sa sofa sina Dia at Zebak. Umigting ang kanyang panga sa galit. Niyukom niya ang dalawa niyang kamao sa sobrang inis. “Ikaw pala, Fhail!” masayang tawag ni Zebak. Ngumisi lamang si Fhail. Nag-aalalang tumayo si Dia. “Fhail, namumula ka. Lasing ka ba?” “Hayaan mo na siya. Magpapahinga na siya.” Hinila ni Zebak si Dia para maupo. Mabilis na naglakad papalapit si Fhail kay Zebak. Sinuntok niya ito ng malakas. “F-Fhail! Ano bang problema mo, ha?!” galit na sigaw ni Zebak. Pinunasan nito ang kanyang labi na mayroong dugo. Sapilitan itong tumayo. “Ano ang karapatan mo na hilahin si Diamonika?” mahinahon ngunit makapangyarihan na tanong ni Fhail. “Ano bang pakialam mo? Sino ka ba sa buhay niya? Maid ka lang niya!” “What the f**k, Zebak! Tumigil ka nga! Umalis ka na muna! Wala kang karapatan na maliitin at sigawan si Fhail.” Itinulak niya papalayo si Zebak. Hindi nagdalawang isip na umalis si Zebak. Seryosong lumapit si Fhail kay Dia. “Patingin ng braso mo.” “Fhail, okay lang ako... Salamat, hon. Deserve ni Zebak na masuntok, tsk.” “Hindi ka okay. Alam ko na nasaktan ka. Ayaw ko ng ganu'n. Gusto ko siyang patayin, Diamonika. Gusto ko siyang durugin.” “Naiintindihan kita, Fhail. Pero hindi sagot ang pagpatay. I love you ha.” Niyakap niya si Fhail. Kumuha ng wipes sa lamesa si Fhail. “Maupo tayo, hon.” Tumango lamang si Dia. Binuksan ni Fhail ang wipes. Pinunasan niya ang braso ni Dia. “Isa siyang maduming lalaki. Ang isang katulad niya ay dapat ay hindi ka hinahawakan.” “I know, Fhail. I know. Salamat.” Inilapit niya ang ilong niya sa bibig ni Fhail. “Lasing ka. Saan ka nag-inom?” “Napainom kami sa palengke, hon. Sorry.” “Shh. It's okay, honey Fhail. Halika na, magpahinga ka sa room ko.” “What? Sa room mo, Dia?” “Yes, my future husband. Halika na!” He smiled, “Okay sige, bubuhatin kita papunta ro'n.” Hindi maiwasan ni Diamonika na tumitig kay Fhail. Ang pungay kasi ng mga mata nito ngunit masaya. Hindi niya ma-imagine ang future na wala siya. Inihiga ni Fhail sa kama si Dia. “Halika Fhail ko, upo tayo.” Tumabi si Fhail sa kanya. “Fhail, mayroon ka bang balak na pakasalan ako?” Ngumiti si Fhail. Ngunit unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Biglang tumulo ang kanyang luha. “W-why, F-Fhail?” “Oo, mayroon akong paninindigan na papakasalan kita, Dia.” Pinunasan niya ang kanyang luha. “Pasensya ka na kung bigla akong naiyak ha.” “It's okay, Fhail. Entitled kang umiyak. Hindi kailangan o required na pigilan ng isang lalaki na umiyak. You are free to cry. I love you.” “Mas mahal kita, Dia ko. Ako na ang pinakamasaya na lalaki habang pinagmamasdan kita na papalapit sa altar. Hindi ako nagsisisi na minahal kita, Dia. Sobra kitang mahal.” Hinalikan niya ang noo ni Dia. “Excited na ako sa kasal natin! Tara na kaya! Tumakas tayo!” masayang sabi ni Dia. Pumatong siya sa ibabaw ni Fhail. “Honey Dia, hindi p'wede. Ayaw ko. Hindi naman ako papayag na ikasal ka kay Zebak. I love you.” “Yieeh! I love you more!” masayang isinandal ni Dia ang kanyang ulo sa dibdib ni Fhail.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD