Chapter 20.

1107 Words
Nang matapos maligo si Fhail at mag-ayos ng kanyang sarili ay nagtungo siya sa kama. Umupo siya sa tabi ni Dia. Si Dia ay mahimbing na natutulog. “Napakaganda mo, Dia.” Hinalikan niya ang kanyang minamahal sa noo. “Hmm... Fhail, good morning!” masayang bati ni Dia, “where ka pupunta? Bakit ka nakabihis? P'wede ba akong sumama, hon?” Nalungkot si Fhail, “Sorry, hindi p'wede, hon.” “I see. Kung saan man 'yan, mag-ingat ka ha. Mayroon din kasi akong pasok sa kompanya.” “Mag-ingat ka, hon.” Hinalikan ni Fhail ng dahan-dahan ang labi ni Dia. “Ang sarap mo naman humalik, Fhail ko.” Umupo siya. Niyakap niya sa braso si Fhail. “Ang sweet naman ng maganda kong honey. Parang ayaw ko ng umalis.” “Oo, Fhail ko! Huwag ka na pong umalis,” she begged. “Huwag kang mag-alala, pag-uwi ko ay mayroon akong pasalubong sa'yo. Ano ba ang gusto mo, Dia ko?” “Gusto ko ng hotdog, hon. Gusto ko ng marami ha.” Napaiwas ng tingin si Fhail. Napangiti siya. “Hey, hey! Ano ang iniisip mo, Fhail?!” “Wala. Ang simple lang kasi ng gusto mo. Ang cute mo.” “Paborito ko kasi ang hotdog, honey Fhail. Ikaw ba, ano ang paborito mong pagkain?” He smiled sweetly, “Oyster.” “Oh! Talaga? Nako, sayang, masarap sana 'yan. Pero nahihilo ako sa tuwing kumakain ako nu'n.” “I love you. Hindi na lang ako kakain ng ganu'n sa harapan mo, Dia.” “Nako, huwag. P'wede kang kumain nu'n sa harapan ko.” Binuhat ni Fhail si Dia. Ipinatong niya ang mahal niya sa ibabaw niya. “Ang sweet mo, ganda. Kapag lumabas ako ng pinto ay mami-miss kita agad.” Ipinasok ni Fhail ang kanyang dila sa loob ng bunganga ni Dia sa sobrang pagkasabik. Iginagalaw niya ang kanyang dila. Sarap na sarap siya sa kanyang ginagawa. Ganu'n din si Dia. Sinakop ng buo ni Fhail ang labi ni Dia. Para bang kinikiliti ang kanilang katawan sa kilig na kanilang nararamdaman. “Ang sarap mo, Dia ko,” mariin na bulong ni Fhail. “Talaga?” Idiniin ni Dia ang mukha ni Fhail sa dibdib niya. He smiled, “Ang laki at ang lambot.” “Heh! Nako,” masayang tugon ni Dia. “Uhm. Hon, mauna na ako. I love you.” He kissed her forehead. “Okay. Mag-ingat ka ha, Fhail ko.” “Mas mag-ingat ka, hon ko. Uuwi ako na mayroong hotdog ha. I love you.” Nagyakapan silang dalawa. ** Mayroong meeting si Fhail sa mga mafia boss na mag-a-apply. Nakarating na siya sa isang mamahaling restaurant na tanging mga bilyonaryo lamang ang nakakapasok at kasama na ro'n ang mga tauhan nila. O ang mga taong mag-a-apply para magtrabaho sa mga mayayaman. Nagsuot siya ng maskara upang hindi makilala ng mga nandoon. Kasalukuyan nang nakaharap sa kanya ang limang aspiring mafia boss. Tapos na ang kanilang pag-uusap. Tinanggap ni Fhail ang limang lalaki. Umalis na ang limang bagong mafia boss. Tatayo na sana si Fhail dahil ayaw na niyang kumain, pero narinig niya ang pangalan na Zebak. “Sir Zebak, kailan ba natin pagpaplanuhan ang pagpatay kay Diamonika? Palagi na lang hindi natutuloy,” bulong ng isang lalaki. Kahit hindi lumilingon si Fhail ay alam niya na ang kausap ng lalaki ay nagmula sa phone. Uminit ang dugo niya. Gusto na niyang pugutan ng ulo ang lalaki. Hindi niya lubos maisip kung bakit gustong ipapatay ni Zebak si Diamonika. Kaya aalamin niya ang lahat. Dumiretso sa parking lot si Fhail. Tinawagan niya si Dia at sinabi na huwag na huwag siyang lalabas sa kompanya pag-out niya sa work hangga't hindi siya nakikita na nakasuot ng cap at face mask sa labas habang nag-aabang sa kanya kahit na ano'ng mangyari. Inaabangan niya sa parking lot ang lalaki na tauhan ni Zebak. Naisip niya na hindi na magdala ng kahit na anong armas dahil magaling naman siyang makipaglaban. Bumaba sa kotse si Fhail nang makita niya ang tauhan ni Zebak na sumandal sa kabilang kotse. Naglabas ito ng sigarilyo. Nananatili pa rin ang maskara sa mukha ni Fhail. Nilapitan niya ang lalaki. “Oh, weird. Bakit ka nakamaskara?” mayabang na tanong ng lalaki. Tumawa ito. “Kailangan mo ba ng tulong ko?” mahinahon na tanong ni Fhail. Tinulak siya ng lalaki. “Hoy! Baliw na nakamaskara, tumigil ka.” “Aware ka ba kung ano ang mafia?” Nanlaki ang mga mata ng lalaki, “Sa mga story lang sila nage-exist. Kaya manahimik ka d'yan.” “Talaga lang ha?” Fhail smirked. ** Totoo na suma-sideline si Fhail sa palengke. Kaya dumiretso siya ro'n para kunin ang kanyang sahod. Noong una ay hindi siya sanay sa paglilinis at pagbebenta ng isda ngunit nasanay na rin siya para magkaroon ng ipon na hindi galing sa masama. “Saan ko kayo dadalhin si Diamonika? Gusto ko siyang yayain na makipag-date sa akin. Matagal ko na siyang gustong yayain pero pinanghihinaan ako ng loob. Sa tingin ko kasi ay hindi sapat ang aking kinikita bilang maid at fish vendor sa mamahaling restaurant na kinakainan ni Dia.” Sabi niya sa sarili niya. Napayuko siya. Napadaan si Fhail sa isang flower shop. Napangiti siya nang makakita siya ng maraming bulaklak. Kung tutuusin, bilang isang mafia king, kaya niyang bilhin lahat ng may flower shop o i-date si Dia sa mamahaling restaurant. Ngunit ayaw na niyang madagdagan ang kasalanan niya kay Dia. Alam niya kasi na kapag nalaman ni Dia ang mga katotohanan, magagalit ito sa kanya. Gusto niyang magmula ang igagastos niya kay Dia sa mabuti. Pumasok sa isang mamahaling flower shop si Fhail. Masaya nyang pinagmamasdan ang mga bulaklak. Ngunit nawawala ang ngiti sa labi niya sa tuwing nakikita niya ang presyo. Baka kasi kapag bumili siya ng bulaklak ay kulangin ang pang-date nila ni Dia sa isang mamahaling restaurant. Napagdesisyunan nyang bumili ng bouquet of red roses. Sigurado siya na matutuwa si Dia. ** Kasalukuyan nang nag-aabang si Fhail sa labas ng kompanya nila Dia habang hawak ang bouquet of red roses. Maraming mga babae ang tumitingin at nagtatanong sa kanya. Ngunit naka-focus lamang siya sa entrance. Sumimangot siya nang makita niya si Zebak na nag-aabang din sa labas. Kaya kaagad nyang tinawagan ang mga tauhan niya. Wala pang limang minuto ay dumating na ang limang tauhan niya. Pinanuod niya kung paano papasukin ng mga tauhan niya si Zebak sa loob ng kotse nito. Sumakay rin sa kotse ang mga tauhan ni Fhail para ilayo si Zebak. “Bobong lalaki,” Fhail whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD