Chapter 18.

1132 Words
Napabuntonghininga si Fhail. Hindi niya ipinakita kanina na natatakot siya para kay Dia dahil alam niya na marami siyang tauhan na nakatago sa damuhan kanina. Nang tumawag kasi siya ng backup ay mas mabilis pa sa cheetah na dumating ang mga tauhan niya. Hinawakan niya sa pisnge si Dia. “I'm sorry, Dia. Pasensya na talaga. Go, magtampo ka sa akin. Sorry kung hindi ko ipinakita na nag-aalala ako sa'yo.” “Hoy, Fhail! Joke lang. Alam ko na nag-aalala ka sa akin dahil kitang-kita ko sa mga mata mo. Seryoso ka lang kanina pero nararamdaman ko ang pag-aalala mo. Tsaka 'yung tapang mo kanina na agawin ang atensyon nila. Mas na-appreciate kita keysa sa ginawa ni Zebak.” “Aysus,” biro ni Fhail. “Totoo, hon! Huwag kang magselos do'n ha. Responsibilidad naman niya na bayaran ang mga armadong lalaking 'yun dahil mas malaki ang nakukuha niyang pera sa dad ko sa pagpayag niya na papakasalan ako.” “Sa akin ka lang Dia ha.” Niyakap ni Fhail ng mahigpit si Dia. Hindi namalayan ni Fhail na may tumulo na luha sa mga mata niya. Umangat si Dia sa pagkakayakap ni Fhail. “Oh, Fhail! Why?” “Wala. Mahal na mahal kita,” ngumiti siya ng malawak. Labis na kinilig si Dia. Hindi napigilan ni Dia ang kanyang sarili, hinalikan niya ang leeg ni Fhail, dahilan para mapaungol ng mahina at mapapikit si Fhail. “Oh... Dia...” Pinagpatuloy niya ang paghalik sa leeg nito. Napakapit si Fhail nang mahigpit sa kanyang beywang, labis ang pagpipigil niya sa kanyang sarili. Tumitig si Dia sa mga mata ni Fhail, “Pangarap ko na magkaroon ng mga anak sa'yo, Fhail. Alam mo kasi, sa totoo lang, ayaw ko talaga na magkaroon ng anak.” “W-why, hon?” “Kasi Fhail, naranasan ko na ma-trauma sa sarili kong magulang. Ayaw ko na maranasan 'yun ng mga anak ko. Alam mo kung bakit? Dahil may posibilidad na maging katulad din ako ng mga magulang ko kahit na iba ako sa kanila. Alam mo 'yun, kahit na iba ako sa magulang ko, hindi naman stable ang mga mangyayari, hindi ko hawak ang future. Ayaw na ayaw ko na masaktan ko sila ng mas malalim kahit na kaya ko silang suportahan financially. Kasi bilang isang magiging magulang, hindi naman pinaka-top ang financial support, pangalawa lamang ito. At p'wedeng maging una kung okay ang lahat. Pero hindi ganu'n kadali. Gets mo ba ako, Fhail?” “Yes, Dia. Yes. I'm sorry dahil nararamdaman mo 'yan at naranasan. Pasensya na. Hindi mo deserve. And gets kita na ayaw mo lamang ipasa sa future na mga anak mo ang mga pinagdaanan mo dahil nago-overthink ka and that's okay.” Malalim ang topic na ito for Fhail dahil isa siyang criminal. Nang ipinanganak siya ay ang tadhana niya ay maging criminal. At habang lumalaki siya ay mayroon siyang training para maging criminal. Naisip niya na hindi deserve ng batang siya ang ganu'ng tadhana. “Salamat babe, Fhail, kasi naiintindihan mo ako. Salamat ha. Sobrang malaking bagay para sa akin na maintindihan mo ako. Noong sinabi ko kasi sa mom ito, sinabihan niya lamang ako na madrama.” “Dia, kailan man, hindi naging madrama ang pagbungkal sa nakapako mong mga nararamdaman at pinagdaanan. I love you so much, Dia. Sobra kitang mahal.” Hindi napigilan ni Dia ang mapaiyak. “Hindi ko pupunasan ang luha mo, hayaan mo lang itong dumaloy, Dia. Go. Umiyak ka lang dahil alam ko na sa paraan na 'yan ay mababawasan ang sakit na iyong nararamdaman.” Hinimas niya ang pisnge nito. Nakuha ang atensyon nila nang tumunog ang cell phone ni Fhail. Tatayo na sana siya ngunit pinigilan siya ni Dia. “Sino 'yun, honeybunch ko?” kunwaring nagtatampo na tanong ni Dia. “Katrabaho ko sa palengke, hon.” “Are you sure?? Wala ng iba pang natawag sa'yo?” He smiled, “Yes.” “Pero gusto ko pang umibabaw sa'yo, hon!” Dabog niya. “Okay sige. Gusto mo bang mag-sleep muna sa ibabaw ko? Go.” “Joke. Sige na, sagutin mo na ang tumatawag sa'yo. I'm sure na emergency 'yan. I love you!!” Umupo na sa kama si Dia. Hinalikan ni Fhail sa pisnge si Dia bago siya tumayo. Kasalukuyan nang sinagot ni Fhail ang tawag. Ang tumawag sa kanya ay ang isang tauhan ng Emperor. Ipinapatawag siya sa kaharian nito. Napamura siya sa kanyang isipan. Humarap siya kay Dia. Sumandal siya sa pader. Masaya niyang tinitigan ang kanyang minamahal. “Hey, why ka nakatitig? Ang ganda ko 'no?” biro ni Dia. “YES. Sobrang ganda mo. Hindi ka nakakasawang pagmasdan.” “Sus! Bolero.” “Nope. Kilala ako bilang tipid lamang magsalita, ngunit hindi ko titipirin ang pagsasabi sa'yo kung gaano ka kaganda.” Napatayo si Dia sa kilig. Tumakbo siya papalapit kay Fhail habang nakangiti. Hinampas niya sa braso si Fhail. “Nakakainis ka!!” “I love you, my honeybunch Dia.” Hinalikan niya ang kamay nito. “I love you more, my pogi!” “Pogi ako, Dia?” “Yes, sobra!! Sobra pa sa sobra! Ang sarap mong halikan maghapon! Hindi ka nakakasawa titigan! Hindi ko rin kaya na mawala ka sa buhay ko!” Labis na lumambot ang puso ni Fhail. Kung p'wede niya lang baguhin ang kanyang pagkatao ay gagawin niya. “Fhail!” “Yes po?” “Ayaw kong mawala ka sa buhay ko ha. Pinagdasal ko na sa Diyos na tayo na hanggang dulo, okay?! Gets?” Hindi sumagot si Fhail. “Honey Fhail... Why 'di ka sumagot?” “T-tayo hanggang dulo, Diamonika ko.” “Ayan! Nag-loading ka siguro. Okay lang, alam ko naman na mayroon kang iniisip. I love you!” “Mas mahal kita, Dia. Mahal na mahal kita.” Sinunggaban nila ang labi ng isat-isa. Kinarga ni Fhail si Dia sabay isinandal niya sa pader. Kasalukuyan na nilang sinasakop ang labi ng isat-isa. Mabilis ang pagsakop nila sa labi ng isat-isa ngunit nabagal upang makahinga sila ng maayos. Sobrang higpit ng pagkakayakap ni Dia kay Fhail. Ayaw na niyang pakawalan sa sobrang higpit. Hindi robot si Fhail para hindi masaktan dahil alam niya na 'yung ganu'ng klase ng yakap ay simbolo ng matinding pagmamahal. Nang matapos nilang sakupin ang labi ng isat-isa ay nagtitigan sila. Hinalikan ni Fhail si Dia sa noo. “Bibigyan kita ng maraming anak.” “Aysus! Ilan ba agad ang ibibigay mo?” “Lima.” Humalakhak ng tawa si Dia. “Quintuplets? May lahi ba kayo ng ganu'n?” “Ipagdarasal ko, para marami tayong baby agad ng ganu'n kabilis.” “Omg! Nakakatuwa kapag ganu'n. Hindi ako mahihirapan sa lima kasi nga nandyan ka.” Niyakap niya si Fhail ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD