Chapter 17.

1195 Words
Hinintay ni Fhail na makalabas si Dia at Zebak sa gown shop. Nang makaalis ang kotse ni Zebak sakay si Dia, ay hinayaan muna niya na makalayo ang sasakyan. Tatakbo na sana siya para sundan sila, mabilis kasi siyang tumakbo, ngunit nakita niya ang itim na kotse na kanina ay nasa likod lang ng kotse ni Zebak habang naka-park, na umalis patungo sa direksyon nila Zebak. Naghinala siya sa kotse kaya sumakay na lamang siya sa taxi. Labis siyang nag-aalala habang nasa loob ng kotse. Inaaway na niya ang driver dahil mabagal itong magmaneho. Napagdesisyunan niya na palitan ang driver sa front seat dahil pabilis nang pabilis ang sasakyan ni Zebak at ng puting kotse na nakasunod sa kotse nito. Nakaramdam nang matinding galit si Fhail nang makita niya na mayroong nakaabang na dalawang itim na van sa unahan. Hinarang din ng itim na kotse ang kotse nila Zebak. Huminto ang taxi. “Sir, may ambush po ba na magaganap? Sir, ayaw ko pa pong mamatay dahil mayroong akong mga anak na naghihintay sa akin.” “Hey, driver, sa tingin mo ba ay hahayaan kitang mamatay?” “H-hindi niyo po ba ako hahayaan na mamatay?” “Yeah. Bababa na ako, dahan-dahan mo lang na iatras ang sasakyan mo.” “Sir, salamat, sir!” Bumaba na si Fhail sa taxi. Ni walang bakas na takot sa mukha niya nang bumaba na ang mga lalaking nakamaskara sa dalawang van na may mga dala na mga baril. Bumaba na rin ang limang lalaki sa itim na kotse na pinaghihinalaan niya kanina. Kitang-kita niya na pinipilit ng mga lalaki na bumaba sila Zebak at Dia sa kotse. Nang makababa na sina Dia at Zebak, tinutukan na ng mga lalaki ng baril si Dia sa ulo pati na rin si Zebak. “Ano ba ang kailangan ninyo?!” malakas na sigaw ni Zebak. Kitang-kita ni Fhail kung gaano kalakas ang loob ni Zebak. “P-please! Huwag niyo kaming patayin! W-wait! Tauhan ba kayo ng taong nagtangka sa buhay ko? 'Yung nag-utos na barilin ako sa bahay ko mismo?!” takot na takot na sigaw ni Dia. Nakaramdam ng labis na awa si Fhail sa kanya. Ayaw niya na nakikita na natatakot si Dia. Nagtawanan ang mga lalaki. Akma na sanang susuntukin ng isang lalaki si Dia pero nakuha ang atensyon nila sa tunog ng lata. Nanlaki ang mga mata ni Dia nang makita niya si Fhail na nakasandal sa poste. “Fhail?” nagtatakang tanong ni Zebak. “Fhail! Ano ang ginagawa mo rito? Mapapahamak ka!” nag-aalalang sigaw ni Dia. Hindi sumagot si Fhail. Nananatili lang siyang nakatitig sa mga lalaki. Ni walang bakas na takot o pangamba sa mukha nito na labis na ikinainis ng mga armadong lalaki. Tinutukan ng mga armadong lalaki si Fhail ng baril. Ngunit humikab lamang si Fhail. “Ang yabang ng gagong ito!” sigaw ng isang armadong lalaki. “30 million! 30 million kapalit ng kalayaan namin! Huwag niyo lang kaming papatayin!” malakas na sigaw ni Zebak. Napatulala si Dia sa kanyang isinigaw. Ngumisi si Fhail. “Ano?! Deal? Sumagot kayo!” dagdag pa na sigaw ni Zebak. Nagtinginan ang mga armadong lalaki. Tumango sila sa isat-isa. Naglabas ng check si Zebak. Mabilis niya itong pinirmahan. Itinapon niya ang check sa harapan ng mga lalaki. “Kung sino man ang nag-utos sa inyo na patayin kami o si Dia lang, sabihin niyo ay sana ay sapat na 'yan! Hindi ko hahayaan na mamatay ang babaeng mahal ko!” Hinawakan ni Zebak nang mahigpit sa beywang si Dia. Muling napangisi si Fhail. “Tarantado,” mahina ngunit mariin na bulong ni Fhail. Tumakbo si Dia papunta kay Fhail. “Ano ka ba! Paano kung napahamak ka? Pero huwag na tayong mag-alala, mayroon namang pera si Zebak. Okay na ang lahat, Fhail.” Napatingin sa malayo si Fhail. Alam niya kasi sa sarili niya na never siyang natakot sa ganitong klase ng sitwasyon. “Hey, Fhail! Na-trauma ka ba sa nangyari? Huwag kang mag-alala, kahit ako ay oo. Akala ko ay katapusan ko na. And akala ko ay hindi na kita makikita pa. Kanina, sobra akong natakot. Pero nang makita kita, mas natakot ako para sa'yo! Please, 'wag kang susugod ng ganu'n lang, please! Ayaw ko na mapahama-” hindi na natuloy ni Dia ang sasabihin niya dahil niyakap siya bigla ni Fhail. “Pasensya na kung nag-alala ka, Dia. I love you.” Hinimas ni Fhail ang buhok ni Dia. “Dia!!” masayang sigaw ni Zebak. Kaya mabilis na bumitaw si Fhail sa pagkakayakap kay Dia. “Fhail, mauna ka na umuwi. Sasabay na ako kay Zebak ha! And magpapasalamat din ako sa kanya. Sige na, Fhail.” Tumango si Fhail. Tumingin siya sa malayo dahil hindi niya kaya na panuorin na maglakad si Dia papalapit kay Zebak. ** Pasikreto na nagtungo si Dia sa kwarto ni Fhail. Siniguro niya na walang nakakita sa kanya. Hindi naka-lock ang pinto ng kwarto ni Fhail kaya kaagad siyang nakapasok. Nakita niya na mahimbing na natutulog si Fhail. Napangiti siya dahil safe si Fhail. Napalunok siya nang titigan niya ang abs ni Fhail. Wala kasing suot na damit si Fhail. Iniisip pa lang niya na mapapahamak si Fhail ay hindi niya kakayanin. Ngunit nalungkot siya kanina dahil nang magpasalamat siya kay Zebak ay hinalikan siya nito sa pisnge. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan niya si Fhail. Dahan-dahan na umupo sa kama si Dia. Hindi niya napigilan na pumatong sa ibabaw ni Fhail. “H-hey... Who are you?” Labis na nagtaka si Fhail dahil kakagising niya lang. Pero bumungad sa harapan niya ang magandang si Dia kaya napatulala siya. “B-bakit nasa ibabaw kita?” nagtatakang tanong niya. Nag-blush siya. At labis na nahihiya sa babaeng mahal niya. “Na-miss kasi kita, Fhail... And gusto kitang lambingin. Sorry kung umibabaw ako sa'yo. Sa sobrang pagka-miss ko sa'yo, gusto ko na dito na lang ako sa ibabaw mo palagi. Alam mo Fhail, nakakakilig na nasa ibabaw mo ako ngayon.” Kinurot niya ang ilong ni Fhail. He chuckled. “Oh, why, Fhail?! Nako! Kanina, huwag mo nang uulitin 'yun ah? Paano kung binaril ka bigla? Nakakainis ka! Ayaw ko na mapahamak ka dahil buhay kita!” “Ano ang sabi mo, hon?” masayang tanong ni Fhail. “I said, buhay kita!” ngumuso si Dia. Niyakap niya nang mahigpit ang babaeng mahal na mahal niya. “Dito ka na lang lagi sa ibabaw ko. Gusto kitang i-tape sa ibabaw ko. Gustong-gusto ko na bumubungad palagi sa akin ang maganda mong mukha at pagkatao. Mahal na mahal kita, Diamonika.” Hinampas ni Dia ang dibdib niya. “Hoy! Nakakakilig!” Sinakal siya ni Fhail ngunit hindi mahigpit. 'Yung sakal na naglalambing lamang. “Hindi ako makapaniwala na sa akin ka na. Sobra kitang mahal.” Ang lagkit ng titig ni Fhail kay Dia. At ang pungay ng mga mata nito. Kaya labis ang kilig na nararamdaman ni Dia na para bang sasabog ang puso niya at kanyang tyan sa dami ng paruparo. “But Fhail! Bakit parang hindi ka nag-aalala sa akin kanina? Nakakatampo ka ha,” umiwas ng tingin si Dia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD