Chapter 16.

1081 Words
Third Person's POV: At the castle of Emperor Hansk. Kasalukuyan na kaharap ni Fhail Zandingfor sa lamesa ang kanilang Mafia Emperor, ang pinakamataas na rank ng mga mafia. “Zandingfor, bakit parang hindi na kita nakikita sa mga operation kasama ang iyong mga mafia bosses? Mayroon ka bang ibang pinagkakaabalahan?” “Wala, Emperor.” “Wala? Ngunit ano ito?” Binato ng Emperor ang litrato sa harapan niya. Seryoso siyang tumitig sa mga mata ng Emperor, “Emperor, alam ninyo na kayo lang ang kaisa-isang tao na nirerespeto ko sa lahat ng mafia rank. Pero ang batuhin mo sa akin ang litrato na ito, na litrato ng babaeng mahal ko ay baka mapugutan kita ng ulo ngayon.” Napalunok ang Emperor. Tumingin ito sa malayo. “Iniisip ko lamang ang future ng ating organization. Alam mo na bawal magmahal ng taong hindi natin kapwa criminal! Marami dyang ibang babae na nakapila sa'yo, bakit ayaw mo sa kanila?!” “Wala kang magagawa sa gusto ko. Kung tutuusin naman ay pangalawa ako sa may mataas na rank kaya makinig ka sa akin.” “Sa tingin mo ba ay tatanggapin ka ng babaeng mahal mo kung malalaman niya na mafia king ka? Ilan na nga ulit ang napatay mo? Milyon na tao? O billion pa? What the f*ck!” “Wala na ba kayong ibang sasabihin? Ito lang ba ang sinasabi niyong organization?" “Fhail, tandaan mo ito, kapag napabayaan mo ang mga mafia bosses mo at ang mga hawak nilang business, papatayin ko ang babae mo at kakainin ko siya.” Mabilis na tumayo si Fhail sa lamesa. Hinugot niya ang kanyang sword. Pupugutan na niya sana ng ulo ang Emperor ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. “Emperor, tumingin ka sa akin. Kailan man, hinding-hindi ko mapapabayaan ang organization na ito.” “Talaga?! Paano kung malaman ng babae mo ang lahat. Then ang gusto niya ay magbagong buhay ka? Potangina, Fhail, mamamatay muna ako bago ka makalaya sa organization na ito! Pero you know na matagal ang buhay ko dahil matagal ko nang isinanla ang kaluluwa ko sa impiyerno!” Dumura si Fhail sa harapan niya. “Hindi kaya ng demonyo ang kapangyarihan ko para mapatay ka.” “Fhail Zandingfor!! Naririnig mo ba talaga ang iyong sarili? Nawalan ka na ng respeto sa akin!” “Dahil masakit para sa akin ang sinabi mo na papatayin mo ang babaeng mahal ko! Potangina ka, Emperor! Wala kang alam kung paano ako naghintay sa kanya!” Hindi makapaniwala ang Emperor sa pagmura sa kanya ni Fhail. Nag-walk out siya. Umuwi si Fhail sa mansyon niya na magkasalubong ang mga kilay. Kaya lahat ng tauhan niya na nakakakita sa kanya ay napapaluhod. Alam kasi nila kung kailan galit si Fhail. Pumunta siya sa lamesa. Kaagad na naghain ng pagkain si Xanaya. “Hi, Fhail, mabuti naman dahil bumalik ka na.” “Kumusta ang mansyon habang wala ako?” “Walang nagbago, Fhail.” Labis ang pagkauhaw niya kaya ininom niya ang tubig na ibinigay pa lamang ni Xanaya. Maya-maya ay nakaramdam siya ng antok. Makalipas ang sampung minuto. Naramdaman ni Fhail na mayroong humahalik sa kanyang leeg. “Dia?” Hinimas niya ang likod ng babae at niyakap nang mahigpit. “Sige lang, Dia, halikan mo pa ang aking leeg.” Nang imulat niya ang mga mata niya, nanlaki ang mga mata niya dahil si Xanaya ang nasa ibabaw niya. “What the f*ck! What are you doing, b***h?! Desperada ka na ba talaga?” Nagmadali na tumayo si Xanaya habang hubo't hubad. Kumunot ang noo ni Fhail. “Alam ko na walang nangyari sa ating dalawa.” “Fhail... Sorry..." “Wala, 'di ba?” “Fhail...” “Potangina mo! Wala 'di ba?” “W-wala...” “Potangina ka, sino ka ba sa tingin mo para sipingan ko? Potangina, look at yourself! Nakakaawa ka! Ano ang nilagay mo sa inumin ko?” “Pampatulog... Fhail...” “Dahil d'yan ay papatawan kita ng parusa na kamatayan.” Mabilis na lumuhod si Xanaya sa harapan niya. “No, no, Fhail! Huwag! Malulungkot ang papa ko! Please, no!!” “Isa kang taksil. Ang dapat sa'yo ay mamatay.” “Bakit ba kasi, hirap na hirap kang mahalin ako, Fhail? Sana nang makita mong ako ang nasa ibabaw mo ay ginamit mo ang katawan ko! Sana in-imagine mo na ako ang babaeng mahal mo!” “I'm not bobo like you.” Hinila niya palabas si Xanaya. Pinaluhod niya ang babae sa gitna ng mansion. Maraming mga tauhan niya ang nakatingin sa kanila. “King... S-sorry...” Pupugutan na niya sana ng ulo si Xanaya pero biglang dumating ang tatay nito. Nagmakaawa sa kanya ang mafia boss na matagal na niyang tauhan simula bata pa lang siya. Nawala ang lahat ng galit ni Fhail nang biglang tumunog ang cell phone niya. Nag-text si Diamonika na papunta sila ni Zebak sa gown shop. Umalis si Fhail sa harap ni Xanaya at sa ama nito na walang tigil sa pag-iyak. Kasalukuyan na nakasandal si Fhail sa poste na medyo malayo sa gown shop. Tanaw na tanaw niya si Diamonika habang kasama si Zebak. Hindi niya maiwasan ang selos na nararamdaman niya. Ngunit wala siyang magawa. Maya-maya ay nakaramdam siya ng mabigat na hangin. Kaya pinagmasdan niyang mabuti ang paligid. Nakita niya sa hindi kalayuan na mayroong itim na kotse sa likod ng kotse ni Zebak. Muntik nang tumulo ang luha niya nang makita niya na hinalikan ni Zebak sa pisnge si Dia. Nanginginig ang kamao niya. Ngunit pilit niyang pinipigilan ang sarili niya na manuntok. Ngunit mas uminit ang ulo niya nang hawakan ni Zebak ang beywang ni Dia. Ngunit kaagad na lumayo si Dia kay Zebak. Halos para ng gripo ang pawis niya dahil sa selos na nararamdaman kay Zebak. Sa isip niya ay paano nga ba niya mabubuhay si Dia kung si Dia mismo ang nagpapasahod sa kanya? Maaari naman niyang buhayin si Dia sa sideline niya sa palengke bilang fish vendor ngunit alam niyang kulang ito. Kilala niya si Dia, kilala niya na ang babae ay ayaw sa criminal. Kaya paano niya maipaglalaban si Dia sa marami niyang pera na galing sa illegal. Naiinis siya sa sarili niya dahil magkaiba ang estado nila sa buhay. Gusto niyang mas mahalin siya ni Dia bilang siya, iyong maid lamang at fish vendor. Kaya mas nagseselos siya kay Zebak dahil isa itong mayaman ngunit hindi isang organized o professional criminal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD