Kabanata 12.

1089 Words
DIAMONIKA Nagdidilig ako sa garden namin. Nais ko kasing makatanaw ng magandang tanawin. Ayaw ko sa loob, ang bigat ng pakiramdam ko. "Mam!" Nagulat ako kay Fhail dahil bigla na lang siyang sumulpot sa malaking dahon. "Ano ka ba? Nagulat ako." "Sorry, mam. Himala na hindi niyo po ako sinigawan." "Bakit kita sisigawan? Pagod na ang bunganga ko." "Gusto mo bang pagurin ko lalo?" Umirap ako sa kanya. Pero may itinapat siya sa mukha ko na magandang bulaklak. Isang bouquet ng red rose. "Para kanino 'yan, Fhail?" "Para sa 'yo." "Nanliligaw ka na ba talaga?" He seriously looked into my eyes. "P'wede ba akong manligaw, Diamonika?" Hindi ako nakasagot. Pero tinanggap ko ang bulaklak. "Uhm... pag-iisipan ko." "Bakit hindi pa ngayon? Para maging tayo rin ngayong araw." "What? Seriously?" "Joke lang. Maghihintay ako, mam." "Good." Tumalikod na ako. Inamoy ko nang inamoy ang bulaklak, ang bango. Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay. Papayagan ko ba siya? Sayang naman ang opportunity na nilagawan ako ng isang guwapo na katulad niya. Kung i-co-compare sila ni Zebak ay parang paa lang ni Fhail though guwapo si Zebak pero iba si Fhail. Habang ako'y kumakain sa dining area ay may naririnig akong tumatawa, 'yun bang parang may hinaharot. Dahil sa inis ko ay pumunta ako sa living room. Nakita ko si Lowen na nakakandong kay Fhail. Tuwang-tuwa si Lowen samantalang si Fhail ay pinapaalis na siya. Nakaramdam ako ng kakaibang inis kaya nilapitan ko sila. "Hoy, Lowen! Ano bang ginagawa mo sa lap ni Fhail?!" "Ha? Kung maka-react ka naman dyan ay parang girlfriend ka niya." Itinaas ko ang isa kong kilay, "Fhail, payag na akong ligawan mo ako!" Tumitig sa akin si Fhail ng sobra. Siguro ay siya'y nagulat. Pero kalaunan ay ngumiti siya ng matamis. Ngumisi naman ako kay Lowen. Dahil sa labis na hiya ko ay umakyat na ako sa taas. Magkukulong ako sa kwarto. Nahihiya na ako kay Fhail dahil sa sinabi ko. Parang ayaw kong magpakita sa kanya. Humiga ako sa kama. Hindi pa rin mawala si Fhail sa isip ko. May 6 days na lang ako para pakasalan si Zebak. Sa tingin ko ay kapag nagpaligaw pa ako ng mas matagal kay Fhail ay baka may maging girlfriend pa siya. Lumapit ako sa bintana. Nakita ko si Fhail na nakaupo sa gilid. "Fhail!" Inangat niya ang ulo niya. "Po?" "Umakyat ka rito!" Tumango siya agad sabay umakyat sa emergency stairs. Nang makaakyat siya ay bigla niya akong niyakap. Nagulat ako pero wala akong nagawa. Sobrang sarap ng kanyang yakap. "May nangyari ba sa 'yo?" malambing niyang tanong. "Okay lang ako. Tinawag kita dahil gusto na kitang maging boyfriend ngayon. Sinasagot na kita." "Talaga?! YES!" Tumalon siya nang tumalon sabay sumigaw ng maraming yes. Tinakpan ko naman ang bunganga niya pero hindi siya nagpatinag. Umapak din siya sa bintana sabay tumalon kaya nagulat ako ng sobra. Sh*t! Ganu'n na ba siya kasaya?! "Hoy! Pasaway ka! Umakyat ka ulit dito!" Sumunod siya agad. Nang makaakyat siya ay ipinulupot niya ang kamay niya sa beywang ko. "Ano ang gusto mong itawag ko sa 'yo?" "H-ha? Kailangan pa ba nu'n?" "Opo." "Ikaw ba, Fhail? Ano ang gusto mo?" "Honeybunch." Bigla akong nakaramdam ng kakaibang saya sa aking puso. "I-ikaw ang bahala." "P'wede na ba kitang tawagin na honeybunch?" "O-oo, sige." "Honeybunch, wala ka bang work?" Napapikit ako dahil hindi ako sanay. Sh*t! Hindi ko akalain na si Fhail ang unang lalaki na makakasungkit ng oo ko. Sobrang arte ko kasi sa lalaki. Gusto ko ay naghihintay ng matagal. Pero ang katulad ni Fhail ay parang ayaw ko nang paghintayin. "W-wala." "Iniwan mo ang pagkain mo sa kusina, honey. Gusto mo bang dalhin ko sa 'yo?" "Huwag na, busog na ako. Uhm... Fhail, sana ay walang ibang makaalam ng tungkol sa atin Sana ay tayong dalawa na lang muna." "Masusunod, honeybunch." Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko dahilan para lumambot ang aking puso at buong katawan. Pakiramdam ko'y matutumba ako dahil sa kilig na aking nararamdaman. "F-Fhail." "Yes?" "Sigurado ka na ba sa akin? Baka may asawa ka sa kung saan ka man nanggaling." "Ikaw lang ang gusto kong asawahin." Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin. "Fhail, kaya mo ba akong buhayin? Samantalang ako ang nagpapasuweldo sa 'yo." "Gagawa ako ng paraan para lang sa 'yo. Lahat ng trabaho ay papasukin ko para sa 'yo. Papatunayan ko sa 'yo na karapat-dapat ako sa 'yo." Hindi ko alam pero napangiti ako. "Humiga ka na sa kama mo, honeybunch." Tumango ako. "S-sige." "Hindi mo ba ako tatawagin na honeybunch?" Halos matunaw ang puso ko sa itinanong niya. "S-sige, h-honeybunch." Ngumiti siya ng malaki. Sandaling tumigil ang mundo ko dahil hindi ko maipaliwanag kung gaano siya kaguwapo. Kagaya ng nasabi ko sa isip ko noon ay ang ganda ng ngipin niya, ang puti. At sobrang bango ng hininga, walang pagbabago. I chuckled, "Kinikilig ka naman masyado." "Ikaw ba, honey?" "Ha? Ako? O-oo naman." "P'wede ba kitang halikan?" "Saan, Fhail?" Mariin siyang tumitig sa akin. Ang pungay talaga ng mga mata niya. "Sa leeg." Dahan-dahan akong tumango. Mabilis naman niyang hinalikan ang leeg ko. Medyo napaungol ako nang ilabas niya ang dila niya. "F-Fhail." "Po?" "Hihiga na ako sa kama." "Sige. Uhm... p'wede ba akong tumabi sa 'yo?" "Boyfriend na kita kaya p'wede nama-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinila. Napaupo kami sa kama. At ako'y napakandong sa kanya. May naramdaman tuloy akong matigas. "Fhail, ano 'yung matigas sa baba mo?" "Alaga kong dragon, honeybunch. Galit nga." Napatakip ako sa aking bibig. Ah, gets ko na ang sinabi niya. Bakit ko pa kasi tinanong?! Pero ngayon lang kasi ako nakaranas ng ganito, ang makaupo sa harapan ng lalaki. Napapanuod ko lang kasi 'to sa television. Humiwalay ako sa kanya. Nagkumot na ako. "P'wede na ba akong humiga sa tabi mo?" "H-halika na." Tuluyan na kaming nagtabi. Napanganga ako nang bigla siyang sumiksik sa dibdib ko. Oh! Kita pa naman ang cleavage ko. "Gusto kong matulog sa dibdib mo, honeybunch." "O-okay lang. Napagod ka yata sa gawaing bahay." "Yes, honeybunch. Pero nang sagutin mo ako ay nawala lahat ng pagod ko. Mahal na mahal kita, Dia ko." Hinimas ko ang kanyang ulo. Pero nalungkot ako sa katotohanan na maaari kaming maghiwalay anytime kapag nalaman ni dad. Totoo nga, mahal ko na nga si Fhail. Hindi ko na p'wedeng itanggi. Palihim kong tiningnan ang ibang parte ng katawan niya dahil baka may sugat. Pero wala. Tumalon pa kasi kanina. Sana naman ay hindi siya nabalian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD