Kabanata 11.

1003 Words
DIAMONIKA Ako, si mom, dad, Lowen, and Zebak ay magkakaharap sa living room. Ang aga umuwi ng parents ko, 'di na lang nag-stay sa ibang bansa. Naaamoy ko na kasi ang pag-uusapan namin. "Diamonika, kailangan mo nang pakasalan si Zebak. Bata pa lang kasi kami ng dad niya ay nangako kami sa isat-isa na kapag kami ay nagkaroon ng anak na babae at lalaki ay ipapakasal namin," dad seriously said. "Share mo lang, dad? Sana ay pinagkasunduan niyo rin na kayo ang magpakasal." Binato ni dad ang vase sa gilid ko. Hindi ako nagulat, wala namang bago. Si mom, wala man lang sinasabi. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Under ni dad. Biglang sumulpot si Fhail, nilinis niya ang kalat. Bigla ko rin tuloy naalala ang nangyari sa amin ni Fhail no'ng isang araw. Hindi ko alam pero napangiti ako. "Dia, bakit ka nakangiti kay Fhail na naglilinis ng bubog?" bulong ni Lowen. Pero siniko ko lang siya. "Uncle, handa po akong maghintay kay Dia," Zebak said. "Alam ko naman 'yun, Zebak. Hmm... 1 week na palugit then ikakasal na kayo." Napatayo ako. Kinuha ko ang mamahaling painting ni dad sa pader sabay tinapon ko at sinira. "HINDI MO AKO P'WEDENG KONTROLIN!" Sinampal niya ako. "Bastos ka talaga kahit kailan! Hindi ka man lang nahiya kay Zebak!" "Ikaw ba?! Nahiya ka ba nang saktan mo ako? At nagtataka ka pa talaga na bastos ako? Wow! Nahiya ako sa inyo ni mom!" "Bakit ako nadamay?!" Tumayo si mom at nagdabog papalayo. "Dia! Kung ayaw mo kay Zebak, sino naman ang gusto mong pakasalan?! Wala kang karapatang mamili!" Hindi ako sumagot. Umakyat na lang ako ng mabilis papunta sa taas. Hindi ako papasok sa opisina, online na lang. Pagpasok ko sa loob ay napaatras ako dahil may nakaupo na naman sa bintana, si Fhail. Hindi na lang ako nagsalita dahil wala ako sa mood. "Okay ka lang ba?" he asked. Hindi ako sumagot. Umupo na lang ako sa upuan at humarap sa table. "Nandito lang ako, hindi ako aalis." "Bakit sa kabila ng lahat ng ginawa ko sa 'yo ay mabuti ka pa rin, Fhail?" "Dahil sa 'yo, natutunan kong maging mabuti." "Natutunan mong maging mabuti ng dahil sa akin? Samantalang ako ay demonyita." "Isa lang ang sagot. 'Yun ay dahil mahal kita." "Mahal mo ako agad? Hindi mo pa nga ako lubos na kilala. Wala ka pa ngang isang taon dito sa bahay." "Simula pa lang, mahal na kita, mam." "Masasaktan lang kita, Fhail." "Kung ganu'n ay ipaglalaban kita." "Baka magpakasal na lang ako kay Zebak. Wala namang problema sa akin 'yun. Siguro nga, pinanganak akong walang sariling desisyon." "Buo na ba talaga ang 'yong desisyon? Hindi ba p'wede na sarili mo muna, mam?" "Bata pa lang ako, si dad na ang nagde-decide kung ano ang dapat kong gawin. Noong bata ako, gustong-gusto kong kumain ng mga masasarap sa paningin at panlasa ko katulad ng mga junk food pero ang pinapakain niya sa akin ay mga gulay. P'wede namang gulay sana pero hindi naman dapat araw-araw dahil bata pa lang ako, mayroon din akong mga gustong kainin. Tsaka alam mo pa ba ang biggest trauma ko kung bakit ako naging masama? Ni minsan ay hindi nila ako binigyan ng advice. Ang plastic nga sa 'yo ni dad, naaawa siya sa 'yo pero sa sarili niyang anak ay hindi. Ang palagi lang nilang sinasabi ay dapat ay maging katulad nila ako. Si mom? Sunod lang 'yan kay dad kasi under. Noong bata ako ang gusto ko lang naman ay tamang trato. Mayaman nga kami wala namang moral support. Sa tingin mo, kaya ba akong advice-san ng pera? Hindi. Kahit nang ako ay mag-college, hindi natupad ang gusto kong kurso. Sa financial lang naman nila ako tinutulungan, hanggang do'n lang. So bakit pa sila nag-anak kung ganu'n? At ngayon, nang dahil sa pota nilang kasunduan na dinamay ako na trip lang yata nila ng dad ni Zebak ay magkakaroon ako agad ng asawa." "Sorry sa mga pinagdaanan mo." "Bakit ka nanghihingi ng sorry, Fhail?" "Akala ko kasi ay likas na kayong masama, spoiled brat, at walang pakialam sa mundo." "Kasi kung mag-e-explain naman ako ay may maniniwala ba sa akin? Lalo't ang palagi namang sinasabi nila sa akin ay ako ay masama na hindi ako pinapakinggan. Ang gusto ko ay isang taong makikinig sa akin, pero wala ako nu'n." "Ano ba sa 'yong palagay ang aking ginagawa? Nandito ako, nakikinig sa 'yo, Diamonika." "Alam ko. Pero sa tingin mo ba ay bagay tayo? Isa ka lang maid. Ano naman ang mapapala ko sa 'yo? Sa tingin mo ba ay kaya mo akong buhayin?" "Mam, madali lang naman mabuhay ng simple kung gugustuhin. Tsaka mayroon naman po akong pangarap sa buhay. Hindi naman po porke maid ay ganu'n na kababa. Kaya kung papayagan mo ako, handa akong maghintay sa 'yo." "Pero one week na lang, ikakasal na ako." "Ganito na lang, liligawan na kita agad. Malay mo, magustuhan mo ako sa loob ng isang linggo." "Sasaktan mo lang ang sarili mo." "Hindi ako susuko hanggang maging akin ka." "Pero Fhail, ang isang linggo ay kulang." "Ano ang ibig mong sabihin?" "Wala, Fhail. Bahala ka na sa gusto mong gawin." Binalik ko na ang attention sa aking laptop. Pero nakiliti ako nang may biglang yumakap sa akin sa likod. "Sobrang saya ko." "F-Fhail, bitawan mo ako." "Ayaw ko, gusto ko na yakap lang kita." "Huwag makulit, Fhail. Iwan mo na lang ako. Nais kong mag-isa." "Ayaw ko, sasamahan kita. Aalis lang ako kapag nakatulog ka na." "Pero may trabaho pa ako." "Ano naman? Mananatili lang akong nakayakap sa 'yo." "Nakakainis ka, Fhail." "Bakit, Dia ko?" "Wow! Sa 'yo ako?" "Magiging sa akin pa lang." Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. Nakiliti ako nang ikiskis niya ang labi niya sa tainga ko. "F-Fhail, ano ba ang ginagawa mo?" Hindi siya sumagot. Tumigil na siya sa pagkiskis ng labi niya. Pero mas niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko alam, pero gustong-gusto ko ang mga ginagawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD