Kabanata 13.

1017 Words
DIAMONIKA Habang ako ay umiinom ng tubig ay may yumakap sa akin. Napapikit naman ako dahil alam kong si Fhail. Pero nang tumingin ako sa gilid ay nakita kong nakasilip si Fhail. Seryosong-seryoso ang mga mata niya na nakatitig sa akin, nakakatakot. Humiwalay ako sa taong yumakap sa akin. Nakita ko si Zebak. Nang lumingon ako sa gilid ay wala na si Fhail. "Zebak, bakit mo ako niyakap?!" "S-sorry." Kaagad akong umalis. Kailangan kong sundan si Fhail. Pumunta ako sa maid's room. Bubuksan ko pa lang sana ang room ni Fhail pero naka-lock. Kaya ginamit ko ang susi ko. Nang bumukas ay bumungad sa akin si Fhail na nakahiga at nakapikit. "Fhail, ang nakita mo kanina ay wala lang 'yun." "Sino ba naman ako sa 'yo 'di ba? Okay lang," sabi niya habang nananatiling nakapikit. "S-sorry. Nasaktan ba kita? B-bigla na lang niya kasi akong niyakap." "Umalis ka na, mam. Magpapahinga na ako." "Pero maaga pa, Fhail." "Wala namang oras ang pagseselos." "I-I k-know, sorry." "Naglaba rin ako ng mabibigat na dresses mo kanina kaya napagod ako." "I see. Uhm... magpahinga ka na muna. Ako naman ay papasok." Mabilis siyang tumayo. At seryosong tumitig sa akin. "Ihahatid na kita." Woah! Maldita ako pero natatakot na ako kay Fhail. "H-huwag na, magpahinga ka na lang." "Kapag sinabi kong ihahatid kita ay ihahatid kita." Tumayo siya sabay binuksan ang kanyang cabinet. Hindi ko alam pero niyakap ko siya habang abala na naghahanap ng isusuot niya. "Alam kong nagselos ka ng sobra kaya sorry." Humarap siya sa akin. "Malamang." "Fhail, why so sungit?" "No, I'm not." "Magbihis ka na. Magbibihis na rin ako." Lumabas na ako sa kwarto niya. Nakakalungkot naman. ** Pinagbuksan ako ng pinto ni Fhail. Bumungad sa akin ang aming company. Naglakad na ako. Naramdaman ko naman na nakasunod sa akin si Fhail kaya lumingon ako sa kanya. "Sasama ka ba sa loob?" "Oo, babantayan kita." "Bakit hindi mo na ako tinatawag na h-honeybunch, Fhail?" Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa malayo. Siguro'y nagtatampo pa rin siya sa akin. Papasok na sana ako sa loob pero nagulat ako dahil may bumato sa akin ng mga itlog. Nanlaki ang mga mata ko at halos masuka ako sa amoy. Nang humarap ako sa mga bumato ay nakita ko ang tatlong lalaki na may mga hawak na isang tray na itlog. "Loser President! Sinesante mo kami kahit wala ka namang karapatan!" sigaw ng isa. Babatuhin pa sana nila ako ng mga itlog pero biglang tumalsik ang kanilang ulo. Ang pumugot ng ulo nila ay ang isang lalaki na nakamaskara. Paglingon ko sa gilid ay wala si Fhail. Baka siya na ang nag-park ng kotse. Nakaka-trauma ang aking nakita kaya tumalikod ako agad. Ano ang gagawin ko?! Natatakot na ako. "Mga guard!" tawag ko sa dalawang guard na naka-focus lang ang tingin sa unahan. Lumingon sila sa akin. "Mam, bakit po?" "Tingnan niyo ang nasa gilid. Ligpitin niyo agad! Hanapin niyo ang gumawa sa kanila nito! Tumawag na rin kayo ng mga pulis!" Tumakbo ako papasok. Nang hawakan ko ang dibdib ko ay sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko akalain na makakakita ako ng ganu'ng krimen. Nag-panic na ako. Natataranta na ako at nanginginig ng sobra. 'Yung tipong kahit hindi ako nilalamig ay nilalamig ako ng sobra. Pero nagulat ako nang may yumakap sa akin. Nang iangat ko ang ulo ko ay nakita ko si Fhail. "Nandito ako, huwag kang kabahan. Hayaan mong ang bisig ko ang magpakalma sa 'yo." Humikbi ako sa aking narinig. Mas niyakap ko siya nang mahigpit. "Fhail! Hindi mo nakita ang nangyari kanina! Nasaksihan ko ang isang anonymous na tao na pinatay ang tatlong lalaki na mayroong galit sa akin! Oo, gusto ko silang mawala sa paningin ko pero ayaw ko silang mamatay! F-Fhail, natatakot ako! Baka ako na ang isunod ng anonymous na 'yon!" Hinimas niya ang likod ko. "May ginawa ba silang masama kaya sila napatay ng ganu'n?" "Sa akin oo, binato nila ako ng mga itlog. O malay ko ba kung may atraso sila sa iba! Paano kung madamay ako? Natatakot ako, Fhail! Wala naman akong kasalanan!" Iniharap niya ako sa mukha niya. "Kapag ako'y nasa tabi mo ay asahan mong kahit lamok ay hindi makakalapit." "T-talaga? S-salamat." "Nakakabahala ang 'yong nasaksihan. Magpahinga ka na muna. Bukas ka na lang pumasok." Huminga ako ng malalim, "T-tama ka, Fhail. Tara na." Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam pero bigla akong kumalma. Siguro'y dahil sa hinahawakan ko ang sinabi niya. Dinala ako ni Fhail sa dagat. Parehas kaming nakaupo sa dalampasigan. Sabi niya ay mare-relax daw ako rito, totoo nga dahil maganda ang view. Palihim ko siyang tinitigan na seryosong nakatitig sa dagat, mas lalong gumanda ang view dahil ang guwapo niya. Ang tangos ng ilong, mahaba ang pilikmata, at mapula ang labi. Ngayon, parang hindi ko siya maid. Para siyang- "Fhail, alam mo, para kang angel." Bigla siyang naubo, "B-bakit?" "Ang payapa ng mukha mo at mabait ka sa akin kahit na halos laitin ko pati kaluluwa mo. Sorry ha kung sinasabihan kita noon na hampaslupa." "Wala 'yun Dia, basta ikaw ay pinapatawad ko na agad kahit 'di ka pa nagawa ng kasalanan." Niyakap ng mga salita niya ang puso ko. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Sana pala ay noon pa kita nakilala, Fhail. "Nabibilang mo ba ang alon, Dia?" "Ha? Hindi." "Kagaya ng pagmamahal ko ang alon, hindi mo mabibilang." "Pero Fhail, ang alon ay nawawala rin. I mean oo bumabalik din na panibagong alon." "Pero 'di ba nagkakaalon ulit? Ang ibig sabihin nu'n ay kung mawawala man ang pagmamahal ko ay babalik pa rin para lang sa 'yo." "Talaga lang ha? Nakakakilig naman. Pero alam mo, natatakot ako na baka maghiwalay tayo." "Huwag kang matakot, hindi ka makakasal sa lalaking 'yon." "Talaga? Ipaglalaban mo ako?" "Oo, ipaglalaban kita. Ikaw ay sa akin lang. Matagal kaya kitang hinintay-" hindi natuloy ang sasabihin niya. "Ano? Matagal mo na akong hinintay? What do you mean?" Hindi siya nakasagot. Sumandal lang siya sa balikat ko. Kahit na medyo naguluhan ako ay masaya ako dahil mayroon akong katulad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD