Kabanata 6.

1073 Words
DIAMONIKA Kinaumagahan. Kahit ako'y hindi pa naliligo ay tumakbo ako papunta sa bodega. Nang makarating ako ro'n ay nakita ko si Fhail na nasa gilid ng malaking pinto. "Buksan mo ang pinto," I ordered. He just nodded at sinunod ang utos ko. Bumungad sa akin ang isang lalaki na maraming pasa sa mukha na nakatali ang mga kamay at paa. Nahuli ni Fhail ang lalaking 'to kahapon. Siya ang nagtangka sa buhay ko. Well, kaya medyo mabait ako ngayong araw kay Fhail. Hindi ko ipapahuli sa mga pulis ang lalaking 'to, kailangan muna na umamin siya. Kinuha ko ang matabang kahoy sa gilid sabay pinukpok ko sa ulo ng lalaki. "Sabihin mo sa akin, sino ang amo mo?!" "Bakit ko sasabihin sa 'yo?! Sa sama ng ugali mo Miss Dia ay marami ang magtatangka sa buhay mo!" Lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya pinukpok ko siya nang pinukpok sa ulo. "At kilala mo talaga ako ah?! F*ck you! Akala niyo ba ay mapapatay niyo ako ng ganu'n lang? Well I have Fhail-" napatigil ako sa pagsasalita dahil nabanggit ko ang pangalan ni Fhail. Para bang ipinagmamalaki ko siya. Pero hindi! Tinulungan niya lang ako at duty niya 'yun as maid ko. Napatingin ako kay Fhail, seryoso lang siyang nagbabantay sa malaking pinto. "Hindi ako aamin," pagmamatigas ng lalaki. Huminga ako ng malalim, "Umamin ka na!!!" Nagulat ako nang biglang nakawala ang mga kamay ng lalaki sa tali. Mabilis na tumakbo ang lalaki sa gilid sabay kinuha ang itak. Nanlaki ang mga mata ko nang gilitan niya ang leeg niya. "Fhail!! 'Yung lalaki!" nanginginig na sigaw ko. Mabilis namang tumakbo si Fhail papalapit sa lalaki sabay tiningnan niya. "Mam, patay na po." Napaatras ako sa aking narinig. Bigla akong natakot at na-guilty. Oo, masama akong tao at laitera pero na-guilty ako sa pagpukpok ko sa ulo niya. "Fhail! Bakit nagpakamatay 'yan?!" "Sa tingin ko ay pinoprotektahan niya talaga ang amo niya, mam." "Ganu'n? Ilayo mo na 'yan dito o ipalibing nang maayos. Na-trauma yata ako sa nakita ko. Alis na!" Tumango si Fhail at mabilis na binuhat ang lalaki. Mas lalo akong nanginig. Natatakot ako dahil sino naman kaya ang boss nu'n na sobra niyang mahal dahil kinitil niya ang sarili niyang buhay? Bigatin ba na tao 'yun?! Ipakukulong ko ang taong 'yun kung ganu'n. Marami akong kilalang abogado at marunong din ako sa mga batas kaya lagot siya sa akin. Ganu'n na ba ako kasama para ipapatay?! Samantalang wala namang nagtatangka na bumangga sa akin sa pagkakaalam ko. Siguro ay 'yung kahapon lang pero patago. Pumasok na akong muli sa mansyon. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho. Sila mom and dad ay magbabakasyon daw muna sa ibang bansa. Kaya kami lang ni Lowen ang natira rito. Speaking of Lowen, nasaan na ba 'yun? Ah, baka pumasok din sa trabaho niya. Naligo na ako at nagbihis. Pagbaba ko ay wala ang mga maid. Ah, day off pala nila. So ako lang pala rito mag-isa dahil si Fhail ay abala do'n sa nagpakamatay na lalaki. Nag-breakfast muna ako. After nu'n ay lumabas na ako. Sasakay na sana ako sa kotse ko pero may biglang humila sa akin. Nang iangat ko ang mukha ko ay si Fhail ang nakita ko. Ang tangkad kasi masyado. "Ano bang ginawa mo?! Tsaka ang bilis mo naman." "Mam, nais ko lang sabihin na mag-iingat kayo." "Alam mo, sa demonyo ang ugali ko kaya 'di ako mamamatay kaagad." "Mas hindi ka mamamatay dahil kagaya ng sinabi mo ay nandito ako." "Ha?! Assuming ka?" "Hindi. Pero sa bawat kapahamakan ay palagi akong nasa tabi mo. Handa akong iligtas ka." "Excuse me?! Magka-level ba tayo para hindi ka magsabi sa akin ng mam?" "Hindi po, mam." "'Yan! Hindi 'yung nagsasalita ka na parang napakamisteryoso mong tao." "Mam, maaga pa naman, gusto niyo bang sumama sa akin?" "W-what?! Saan mo ako dadalhin? Don't tell me na dadalhin mo ako sa palengke?" "Hindi po." "Saan nga?!" Hindi siya sumagot. Mabilis niya akong kinarga sabay isinakay sa kotse. "Fhail! Ano bang akala mo sa akin-" hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan ni Fhail ang bunganga ko. Hmm... sobrang bango ng kamay niya. Aalisin ko na sana ang kamay niya pero inalis na niya. "Hoy, Fhail! Ang lakas ng tama mo! Kapag ako talaga ay dinala mo sa lugar na ayaw ko ay sasakalin kita!" "Go, basta ikaw Diamonika ay handa akong magpasakal." Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako. Ano raw?! Diamonika? Buo ko pa talagang pangalan! Aba ang lalaking 'to! Sisigawan ko na sana siya pero nagulat ako nang bigla niyang himasin ang buhok ko. At ngumiti siya. Para tuloy akong naging maamo na tupa. Mariin akong tumitig sa kanya. Si Fhail, mas pink pa ang magkabila niyang pisnge keysa sa akin, mas mahaba ang pilik mata niya, mas pink ang labi, mas matangos ang ilong, at ang ganda ng shape ng mukha. He is so perfect. Natutulala ako sa ka-perfect-kan niya. Ang tagal ng biyahe. Hindi ako makasigaw dahil masakit na ang lalamunan ko. Sumandal na lang ako at tumitig sa bintana. "Mam, ayaw niyo bang ma-in love sa isang criminal?" "Oo! Bakit ha? Criminal ka ba? Malamang ayaw ko sa mga criminal dahil nag-aral ako ng law!" "Ang gusto ninyo ay legal ang trabaho 'di ba?" "Oo naman." "Halimbawa, ang isang guwapong lalaki ay nagtitinda ng taho. Legal 'yun, posible ba na ma-in love ka sa taong 'yun?" "Oo kasi legal ang trabaho niya. Pero hanggang do'n lang ako sa in love. Bakit? Kasi hindi mayaman. Alam mo, ako ay bagay lang sa kapwa ko mayaman. Gets mo?" "O-opo, mam." "Ay teka! Bakit ko nga ba sinagot ang tanong mo?! Hindi naman kita close, maid kita. Tsaka malayo pa ba 'yun? May pasok pa ako!" "Malapit na po." "Good." Maya-maya pa ay napasigaw ako, "Ang sakit ng ulo ko!" Parang kumirot na ewan. Ang kwento kasi nila mom and dad ay ako raw ay inumpog nang inumpog sa pader ng 'di nila kilalang tao noon. Kaya ako noon ay nag-agaw buhay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang gumawa nu'n sa akin. Pero sisiguraduhin kong magbabayad siya. Itinigil ni Fhail ang sasakyan. Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Fhail. Hinawakan niya ang magkabila kong sintido gamit ang mga kamay niya sabay hinimas niya nang dahan-dahan. "Tell me, masakit pa ba?" "Hindi na masyado." Mabilis akong lumayo sa kanya. "Malayo pa ba, Fhail?" "Malapit na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD