Kabanata 7.

1011 Words
DIAMONIKA Nandito kami ngayon ni Fhail sa isang malawak na vaseball field na kung saan maraming mga ibat-ibang klase ng baril. At may mga shooting range target. "Ano bang ginagawa natin sa lugar na 'to, Fhail? Parang abandonado. Tingnan mo ang mga upuan, sobrang daming damo. Tsaka ang dumi rito!" "Huwag ka munang maarte, mam. 'Di ba nga ay maraming nagtatangka sa 'yo? Sa lugar na 'to, walang makakasunod sa 'yo. Tsaka nandito tayo para turuan kita kung paano bumaril at ang mga basic self-defense na dapat mong malaman." "Ha?! Mayaman ako, maaari akong mag-hire ng mga bigatin na tao para lang maging guards ko!" "Sa tingin mo ba ay palagi silang nasa tabi mo? Kahit ba sa kwarto mo ay isasama mo sila? Na habang tulog ka ay nakatingin sila sa 'yo?" "Hindi 'no! Nakakainis ka!" "Pwes kailangan mong matuto." "Ha?! Fhail naman, ano ka na ba ngayon? Parang no'ng nahuli kita ay isa kang fish vendor ah? Ang gulo mo! Instructor ka ba? Sideline mo 'to? Magkano ang gusto mo?" Nagulat ako nang hawakan niya ako sa balikat sabay tinitigan niya ako ng seryoso sa aking mga mata. "Baka mamatay ka sa gulat kapag nalaman mo kung sino ako." "Sus! Sino ka ba talaga, Fhail?" "Joke lang, mam. Ginagawa ko lang naman 'to para po sa 'yo. Ayaw kong mapahamak ka. May knowledge naman po ako sa ganito." "Ayaw ko!" "Ayaw mo? Ikaw ang bahala, uuwi kang mag-isa." "Ano?! Sakalin kita eh!" "Mam, hindi ka ba napapagod na sumigaw? Tsaka sa totoo lang, palagi pong tumatalsik ang laway niyo sa mukha ko." Bigla akong nahiya sa sinabi niya kaya inamoy ko ang bunganga ko. "Hoy, mabango naman ang laway ko." "Willing ka bang matuto o." Hinila niya ako sabay inilapit niya ang ulo niya sa leeg ko. "Fhail! Lumayo ka nga!" Itinulak ko siya pero mabilis niya akong niyakap. Ibinaba niya ang kamay niya sa beywang ko sabay mas mariin niya idiniin ang ulo niya sa leeg ko. "Fhail! Ano bang ginagawa mo?" "Magpapaturo ka ba o sisiksik ako rito maghapon?" "Wow! Ipakulong kita eh!" "Sa 'yo ko gustong makulong, sa loob mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya pinalo ko siya sa balikat. Pero ang laki niyang tao kaya ang hirap patalsikin. At duh! Feeling close, grabe mangyakap. "Fine! Payag na ako!" Mabilis niya akong binitawan sabay kumindat siya. Para tuloy natunaw ang masama kong ugali dahil sa kindat niya. Hinila na niya ako sabay dinala niya ako sa isang lamesa na maraming mga baril. May mga essential equipment din na nasa lamesa. "Fhail, saan ka kumuha ng pambili ng mga 'to?" "Malaki ang suweldo ko sa inyo. Hindi na masama na makaipon ako ng mga ganyan. Pero joke, rent ko lang 'yan sa kakilala ko na may firing station." "Ah I see." "Ganito ang tamang pag-baril." Hinawakan niya ang baril sabay itinutok niya sa shooting target. Nagulat ako nang iputok niya nang ilang beses. Nang tumingin ako sa shooting target ay grabe, sa gitna lahat. Ang galing niya. Humarap siya sa akin. "Handa ka na bang bumaril?" "Kinakabahan ako, Fhail." "Nasa likod mo lang ako. Hindi ako aalis." "O-okay, Fhail." Pumwesto na siya sa likod ko. Mariin niyang hinawakan ang beywang ko kaya nagulat ako. Then hinawakan na niya ang kamay ko kung paano ang tamang paghawak ng baril. Hindi ko alam, pero dapat ay sinisigawan ko na siya ngayon pero kalmado lang ako. Nahimas niya ang braso ko kaya medyo nakiliti ako. "Itutok mo lang," he whispered. Mas lalo niya pa akong niyakap para mas ayusin ang paghawak ko sa baril. Pero may kakaiba akong nararamdaman sa likod ko na tumutusok sa akin. Bigla ko siyang naitulak. "Fhail! Huwag mong idikit ang harapan mo sa pwet ko." "Sorry, mam! Nagfo-focus lang naman po ako sa pagtuturo. Wala pong malisya." "Aba, dapat! Ako pa rin ang amo mo." Sinimulan ko nang bumaril. Pero sa malayo tumama kaya ibinato ko ang baril sa sobrang gigil. "Ayaw ko na niyan! Hindi para sa akin 'yan! Naturingang may target pero hindi ko natatamaan! Bwesit!" Ni-lock ako sa lamesa ni Fhail gamit ang dalawa niyang kamay. "Bago ka pa lang naman na nag-aaral, matututunan mo rin 'yan." "Ayaw ko na, Fhail. May pasok pa ako." Lalo siyang lumapit sa akin. Kaya ang mga dibdib namin ay nagkikiskisan. "Makinig ka naman, mam." "Okay! Susubukan ko ulit!" Sinubukan ko na namang bumaril. Pero palya kaya binato ko na naman ang baril. "Mam, exercise ka muna." "Ha?! Papawisan ako!" "Mabango ka pa rin naman." Lumapit siya sa akin sabay hinawakan ang balikat ko. Mabilis niya akong pinaupo at hinila niya ang legs ko. Then pinatungan niya ang paa ko gamit ang mga kamay niya. Grabe sobrang lapit ng mukha namin sa isat-isa. "Ano ang gagawin mo sa akin?!" "Magsi-sit-up po." "Ah!" After ilang minutes ay pinag-push-up niya naman ako. Bwesit siya! Nang matapos ako ay tumitig ako ng masama sa kanya. "Self-defense na tayo, mam." "Paano naman 'yun? Pagod na ako!" Hinila ako ni Fhail sabay niyakap niya ako habang ako'y nakatalikod sa kanya. Naramdaman ko na naman ang matigas na nanunusok kaya kinabahan ako. Iniharap ako ni Fhail sa kanya sabay itinutok niya ang mga kamao niya sa mukha niya. Sumuntok siya nang sumuntok sa harap ko kaya umilag ako. "Hoy! Baka matamaan mo ako!" "Edi lumaban ka, mam!" Patuloy pa rin siya sa pagsuntok. Kaya napilitan akong sumuntok din pero mabilis niyang napaikot ang mga kamay ko kaya nayakap niya ako ulit. "Aba, Fhail! Puro ka yata yakap dyan!" Binitawan niya ako sabay sumipa naman siya nang sumipa pero kaagad akong nakaiwas. Nang sipain ko siya pabalik ay bigla akong nabaliktad dahil ang bilis niyang kumilos. Ang galing niya. Inalalayan naman niya ako para makatayo. Nagseryoso na ako, hinayaan ko nang turuan niya ako ng self-defense. Makalipas ang ilang minuto na pagtuturo niya ay napaupo ako sa sobrang pagod. Hindi ko alam pero masaya ako sa ginagawa namin. "Mam, ihatid ko na kayo sa company niyo." "Okay." "Napagod ka po?" "Ay hindi! Che!" Naglakad na ako papalayo habang nakapamewang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD