Kabanata 5.

1112 Words
DIAMONIKA I'm busy putting makeup on my face. However, Lowen touched my back. "What's your problem, Lowen?" "May bisita ka sa baba." Humarap ako sa kanya na puno ng excitement. "Nakita mo na ba siya?" "Oo. Hmm... okay lang. Business partner mo ba?" "Ano ka ba? Mas malalim pa ro'n." Ibinigay ko ang hawak kong powder sa kanya sabay kumindat. Pagkababa ko ay nakita kong nakaupo ang isang lalaki sa couch na nakasuot ng white formal suit. Nang makita niya ako ay tumayo siya kaagad sabay nag-bow. "You are so beautiful, Dia," Zebak murmured. "Thank you," I replied. He is Zebak Gan, my suitor. Masasabi kong gusto ko siya dahil kagaya ng pamilya ko ay billionaire rin sila. "I'm so excited na maging girlfriend ka. I brought a flower for you." "Salamat. Tara, kumain tayo." He nodded and held my hand. He is so sweet. Pero nagulat ako nang biglang may nahulog na vase. Pagkalingon ko sa gilid ay nandoon si Fhail. Pinandilatan ko siya. "Ano bang ginagawa mo? Mag-ingat ka naman! Alam mong may bisita." "S-sorry, mam, sir ha? Hindi ko naman po sinasadya." "Okay lang. Sa susunod ay mag-ingat ka na lang. Uhm... gusto mo bang sumalo sa amin ni Dia?" "Huwag na po, Sir, nakakahiya po." "Tama naman siya, Zebak. Well, maid ko siya kaya hindi tama na makisabay siya sa atin." "Pero Dia, wala namang masama siguro kahit ngayon lang." "Fine, Zebak." Muli akong lumingon kay Fhail, tinitigan ko siya ng masama. Pero siya'y ngumiti. Ang ngiti na hindi ko inaakala na ganu'n kaganda. Fuck! Hinila ko na lang si Zebak papunta sa long table. Habang kami ay nakain ay naiirita ako. Kaharap ko kasi si Fhail. Tumititig pa siya. Kung wala lang talaga si Zebak dito ay binuhusan ko na 'to ng tubig. "Pagkatapos naming kumain ay ikaw ang maghugas, Fhail," I whispered. "Opo." "Hay! Ingatan mo ang mga pinggan ah?!" Zebak held my hand. "Bakit ba ang init ng ulo mo sa maid mo? You must be thankful dahil sinusunod ka niya kahit na responsibility niya 'yun." Huminga ako nang malalim at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. "Dia, gusto mo ba na mag-mall tayo? Ipagsho-shopping kita." "Ano ka ba, Zebak, hindi pa nga kita boyfriend. Tsaka hindi naman ako materialistic pero ano bang bibilhin mo sa akin?" "Uhm... necklace. At iba pa," Zebak murmured. Biglang umubo si Fhail kaya napatayo ako. "Ano ba?! Bastos ka ba?" "Dia, umupo ka na ulit. Normal lang na maubo. Ano, gusto mo ba ng necklace?" "Uhm... okay! Ngayon na ba? Let's go. Nawalan na kasi ako ng gana." "Fhail, gusto mo bang sumama sa amin ni Dia? Hindi ko kasi siya maihahatid dahil may kailangan pa akong asikasuhin. And padala na rin ng mga bibilhin ko sa kanya." "Ganu'n ba, sir? Wala pong problema." "Aba! Zebak naman-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong hinila ni Zebak. Nakakainis, lahat na lang sila ay kampi sa Fhail na 'to. ** Habang kami ay nasa mall ay parang kami ang katulong ni Fhail dahil siya ang mas pinagtitinginan ng mga tao. Si Zebak naman ay walang pakialam, pili lang nang pili nang ibibigay sa akin. Nang pumasok kami sa jewerly shop ay kaagad akong binilhan ng kwintas ni Zebak. Ang saya ko, one million kasi ang halaga. Inabot ni Zebak ang mga paper bag kay Fhail. Ayon, hirap na hirap siya. Habang kami ay naglalakad sa mall ay may mga men in black ang kakapasok lang sa mall na makakasalubong namin. Mga mukha silang mayayaman at bigatin na tao. Napanganga ako nang bigla silang nag-bow kay Fhail. Nang tingnan ko si Fhail ay seryoso lang siya. Pero bigla siyang nagulat at nanlaki ang mga mata. "S-sorry, Sir! Akala po namin ay ikaw ang King namin," sabi ng isang lalaki. KING?! Nagpapatawa ang mga 'to, napagkamalan pang King ang hampaslupa kong maid. Nag-bow si Fhail sa kanila sabay napakamot sa ulo. "King ka pala ah?" pang-aasar ni Zebak kay Fhail. "Ay! Mga malalabo yata ang mata nila Sir. Para nga kay mam ay isa akong hampaslupa." "Really? Hay, Dia," tumitig si Zebak sa akin sabay ngumisi. Psh! Magsama kayong dalawa. Dahil sa inis na nararamdaman ko ay nauna na akong naglakad. Habang nasa labas ako ng mall ay dumating na ang kotse ko. Zebak hugged me. "Mauna na kayo, Dia." "Okay, salamat." "Bakit parang hindi ka masaya?" "Kinakampihan mo kasi 'yan si Fhail!" Tumawa si Zebak, "You are so cute. Go na, bye." Pinagbuksan niya ako ng pinto. Then nakita ko si Fhail na sumakay na rin. Kasalukuyan na kaming magkatabi sa back seat. Nabigla ako nang pumreno ng malakas ang sasakyan. Napapikit ako dahil mauuntog ako pero biglang naramdaman ko ang isang palad. "Are you okay, mam?" Napalingon ako. Si Fhail pala. He is so serious. Basang-basa ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "Wow, nage-english ka na pala?" "Mam, may masakit ba sa 'yo?" he added. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Kuya Bed! Ano ka ba?! Ayusin mo naman ang pagmamaneho!" "Mam, huwag mo namang pagalitan si Kuya Bed." "Isa ka pa, Fhail!" "Bakit po? Ano ang ginawa ko?" "Nangingialam ka! Guwapo ka sana, slow ka lang!" "Hindi naman ako slow, mam. Gusto mo po ba na mag-joke ako sa 'yo ngayon?" "Che! Lumayo ka!" Bigla akong napayakap kay Fhail nang mabilis na pinaandar ni Kuya Bed ang kotse. Nang iangat ko ang mukha ko ay bumungad kaagad ang mukha niyang parang anghel. Napalunok siya sabay ngumiti sa akin. Kaya bigla akong lumayo. ** Nang makarating kami sa mansyon ay kaagad akong umupo sa couch upang magpahinga. Si Fhail naman ay nasa gilid ko lang. Pero nagulat ako nang may bigla akong narinig na putok ng baril. "Fhail! Ano 'yun?!" Lumapit sa akin si Fhail sabay niyakap ako. "You are safe with me." "Anong safe sa 'yo-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may bumaril sa mamahaling painting na naka-display sa taas ng pader. Bigla akong iniyuko ni Fhail. Nang makatago kami sa likod ng couch ay nagkatitigan kami. "F-Fhail, natatakot ako! Sino ba ang mga 'yun?" "Dito ka lang, ako na ang bahala." Tumayo siya. Pero mabilis ko siyang hinawakan sa kamay. "Fhail! Huwag mo akong iwan dito! Paano kung mapahamak ako?!" "Sa tingin mo ba ay hahayaan ko na mapahamak ka? Hindi. Kaya d'yan ka muna, hintayin mo ako. Sisiguraduhin kong kahit isang bala ay hindi ka tatamaan. Huwag kang matakot dahil ako ay nage-exist sa mundong ito. Sa ngayon, ako ang masusunod." Napanganga ako dahil hindi ko akalain na kikilabutan ako sa mga sinabi niya at lalo na sa sinabi niyang siya ang masusunod. May nagtatangka ba sa buhay ko? f**k!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD