Chapter 14.

1169 Words
DIAMONIKA Bigla akong bumangon sa kama dahil nakaramdam ako ng matinding konsensya sa panlalait at pangmamaliit ko kay Fhail. Ganito pala ang pakiramdam na makonsensya, 'yung tipong parang mayroong mga tao na inililibing ka ng buhay. Hindi deserve ni Fhail ng panghuhusga at pangmamaliit, pero ipinaras ko 'yun sa kanya. I hate myself. 5 days na lang, ikakasal na ako. Hindi ko alam ang pinasok ko kung bakit ko naging boyfriend si Fhail. Pero naniniwala ako sa kanya na ipaglalaban niya ako. Mayroong kumatok sa pinto ng aking room. I sighed, “Pasok.” “Dia, pinapasabi ni uncle na mag-leave ka muna sa trabaho para asikasuhin ninyo ang wedding niyo ni Zebak.” “Ganu'n ba, Lowen? Thanks.” “Omg! Tama ba ang narinig ko? Nagpasalamat ka sa akin?” “Yeah. Why?” “Wala naman, himala. By the way, gusto mo ba talagang pakasalan si Zebak?” Kahit na close ko si Lowen ay ayaw kong sabihin sa kanya na kami na ni Fhail. “Omg, Dia, kailangan mong makita ang nasa baba ng mansion.” “Bakit? Sino? O ano?” “May mga pulis sa baba.” “What?!” Kaagad akong bumaba. Nag-bow sa akin ang mga pulis. Pinapasok ko sila sa loob ng bahay. Kaagad nila akong tinanong kung totoo ba na galit sa akin iyong mga taong napugutan ng ulo o 'yung mga taong namatay sa harap ng kompanya. Simple lang ang isinagot ko, iyun ay oo. Pero sinabi ko ang totoo sa kanila na wala akong kamalayan sa nangyari. At sinabi ko na nainis ako which is normal lang dahil binato nila ako ng itlog. Nang makaalis ang mga pulis ay para akong nagkaroon ng hininga ulit kahit na wala naman akong kasalanan. Nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin patalikod. “Hmm... Fhail?” “Yes, honeybunch?” “Takot na takot ako kanina kahit na wala naman akong ginawang masama. Kahit na hindi naman ako ang nag-utos para pugutan ng ulo iyong mga dating nagtatrabaho sa kompanya namin." Lumuhod siya sa harapan ko. “Naniniwala ako sa'yo, my Queen.” “I'm your queen?" “Yes.” Hinimas niya ang right hand ko. “Pero pinag-aasikaso na ako ni dad sa wedding namin ni Zebak.” Napayuko ako nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya. “Dia! Where are you?” sigaw ni Zebak mula sa labas. “God! Si Zebak! Ano ang gagawin ko, Fhail?!” Binuhat ako ni Fhail. Habang buhat niya ako ay hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya. Hindi pa rin mawala ang konsensya na nararamdaman ko the way ko siya tratuhin before. Parang naiisip ko na hindi niya deserve ng katulad ko. Ipinasok ako ni Fhail sa kwarto ko. “Thanks, h-honeybunch.” Sumandal ako sa chest niya. “Uhm... Fhail, umupo ka sa upuan.” He smiled, “Sure.” Lumuhod ako sa harapan niya. “Hey! Ano ang ginagawa mo, Diamonika?” “Fhail Dam, I'm so sorry for everything. Sorry.” Tumayo siya. Lumuhod din siya sa harapan ko. Napapikit ako nang bigla niya akong halikan sa noo. Hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko. Pakiramdam ko kasi ay 'yung inner child ko ay natuto nang lumambot. At 'yung inner self ko na matigas ang puso ay tuluyan nang niyakap ng malambot na pagmamahal. Dahan-dahan akong isinandal ni Fhail sa pader. Dahan-dahan niyang inilagay ang dalawa niyang kamay sa leeg ko. Napatingala ako dahil nakiliti ako. Nang titigan ko ang mga mata niya, ang lalim ng tingin niya sa akin. Napapikit ako nang lumapit ang mukha niya sa leeg ko. “Hindi mo alam kung gaano kita kamahal, Dia. Salamat kasi binigyan mo ako ng pagkakataon na mas mahalin ka.” Ang sexy ng boses niya this time at ang husky. Normal na talaga ang pagiging mapungay ng mga mata niya. Ang ganda niyang pagmasdan. Mayroong kumatok ng maraming beses. “Hey, Dia! This is Dad! Where are you? Nandyan ka ba sa loob ng room mo? Lumabas ka na rito dahil kailangan ka ni Zebak.” “Fhail... Ayaw ko...” Hinawakan niya ang panga niya. Bigla akong natakot dahil sobrang seryoso ng mga mata niya. “Hindi ko hahayaan na lumabas ka. Hindi ko hahayaan na mapilitan ka sa isang bagay na hindi mo gusto.” “Hindi ako takot kay dad. Pero alam mo 'yun, kapag anak ka kasi ng mayaman, you know what is ‘business is business’. Since ako ang president ng kompanya, alam na alam ko na si Zebak ay mayroong magiging malaking parte sa business namin which is same lang din naman ako sa business nila.” “Naiintindihan ko,” matipid na sagot niya sabay tapped sa ulo ko. “Are you sure? Alam kong nasasaktan ka, Fhail.” “Dia, I love you.” “Thanks for loving me, Fhail.” Nagulat ako nang biglang sunggaban ni Fhail ang labi ko. Kitang-kita ko kung paano pumikit ang mga mata niya nang dahan-dahan nang dumampi ang labi niya sa labi ko. Isinandal niya ang left hand niya sa pader. Samantalang ang right hand niya ay nakasakal sa leeg ko, pero hindi masakit, iyong masarap sa pakiramdam. Nang gumalaw ang labi niya sa labi ko, at nang kagatin niya ng dahan-dahan ang labi ko ay napaangat ako. Dahan-dahan ko siyang itinulak papalayo sa akin. “Fhail... Baka mayroong mangyari n-” “Papakasalan muna kita.” “T-talaga?” “Yes. Deserve mo ng wedding na hindi ka pinipilit. Pero... hindi sa nago-overthink ako sa love mo for me pero totoo ba talaga na mahal mo ako?” “Alam mo, halos isumpa ko na, na hindi kita mamahalin o never akong magkakagusto sa'yo, pero hindi pala natuturuan ang puso. Kaya ngayon, 'yung konsensya na nararamdaman ko sa pagtrato ko ng mali sa'yo ay umaabot hanggang sa ilalim ng lupa. Sorry, bunch.” Dahan-dahan niyang hinimas ang pisnge ko sabay sinakal niya ang leeg ko. “I love you so much.” “Fhail... Mayroon pa ring kulang sa pagkatao ko. Mayroon akong gustong malaman.” “Ano 'yun?” Sumandal siya sa dibdib ko. “Uhm... Tsaka na lang pala.” “Okay. Sa ngayon, magpahinga ka na sa kama mo. Hayaan mo sila na maghanap sa'yo. As usual, babantayan kita, sa bintana lang ako.” Tumayo ako ng mabilis. Kaagad akong humiga sa kama. Nagtaklob ako ng kumot dahil sa kahihiyan ko kay Fhail. Hindi ko lubos maisip kung paano ang reaksiyon ni mom na mayroon siyang 500 million sa akin at si Lowena na 1 billion kapag nalaman nila na na-in love na ako kay Fhail. Hindi ako manghihinayang sa pera kasi kay Fhail, nararamdaman ko na safe ako. Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot. Titingnan ko pa lamang sana si Fhail pero nakatitig na siya sa akin. Gumuhit ang ngiti sa labi niya, “Mayroon ka bang kailangan, my life?” Umiling ako. Tumalikod ako sa kanya dahil hindi ko napigilan na mapangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD