Chapter 15.

1170 Words
DIAMONIKA Nagising ako ng madaling-araw. Napaupo ako sa kama nang makita ko si Fhail na tulog sa bintana habang nakaupo. Bigla na naman akong naawa sa kanya. Lumapit ako sa kanya. Tinitigan ko siya ng mabuti. Hindi ko alam pero napangiti ako. Ayaw ko siyang gisingin dahil ang sarap ng tulog niya. Pero baka mahulog siya sa bintana. Upang siya'y hindi magising, dahan-dahan kong isinara ang bintana para hindi siya mahulog. Tinabihan ko siya sa bintana. Sumandal ako sa balikat niya. ** “Hey, my Queen.” Nagising ako dahil sa malambing na tawag ni Fhail. “Hmm?” “Bakit dito ka natulog sa tabi ko?” “Wala..." Kinurot niya ang pisnge ko. “You're so cute. Good morning.” “Fhail... Ayaw ko talaga na lumabas.” “Pero kailangan mo silang harapin, Dia.” “But! How about you? Ayaw kong masaktan ka habang nakikita kami nia Zebak na magkasama.” “Hindi naman matutuloy ang inyong kasal.” “What? Mayroon ka bang gagawin para hindi matuloy?” “Dia, kung inaantok ka pa, matulog ka ulit. Magluluto lang ako sa baba for your breakfast.” “Uhm... P'wede ba akong sumama sa'yo habang nagluluto ka?” “Sigurado ka? Magpahinga ka na muna.” “No, Fhail, please... I want to be with you.” He laughed. Tinapik ko siya sa braso. “Hey, why mo ako tinatawanan?” “Ang cute mo kasi, Dia. 'Yung ka-cute-tan mo ay walang makakatalo.” “Hmmp, siguro ay marami kang babae before.” “Tsk. Ikaw lang ang babae ko. Ikaw pa lang din ang first kiss ko.” “Hey! Liar.” Kinurot ko ang pisnge niya. Tinitigan niya ako ng mabuti sa mga mata ko, “Tell me, titigan mo ako, mukha ba akong nagsisinungaling, honeybunch?” Niyakap ko ang kaliwang braso niya. “No. Nakakakilig naman.” “Sure ka ba na sasama ka sa kitchen? Baka makita nila tayo ro'n na magkasama.” “Maaga pa naman, tulog pa ang mga iyon kahit ang mga maid.” Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin. Nang makarating kami sa kusina ay ini-setup na niya ang mga gagamitin niya at ang mga iluluto niya. Uupo na sana ako sa upuan pero hinila niya ako. Ipinuwesto niya ako sa unahan niya. “Gusto ko habang abala ako sa pag-slice, paghahalo, at iba pa habang ako'y nagluluto ay nasa harapan kita.” Hinalikan niya ako sa balikat, dahilan para mapapikit ako. Hindi ko napigilan na mapakagat labi dahil sa kilig at dahil na rin sa lambing ng boses niya. Hindi ko maipaliwanag ang sarap na nararamdaman ko habang nasa unahan niya ako. “Dia, I love you.” “Thanks for loving me, bunch.” Mas lumapit si Fhail sa unahan ko dahilan para magulat ako. Mayroon kasing tumusok sa p'w*t ko. “I love you, Dia.” Dahan-dahan niyang hinalikan ang leeg ko. “Uhmm,” mahinang tugon ko. Para akong nakarating kaagad sa langit sa pagdampi pa lamang ng labi niya. Patuloy pa rin siya sa paghalik sa leeg ko kahit na abala siya sa ginagawa niya. Napapaliyad ako dahil sa kilig at saya. “Uhm... Fhail?” “Yes, my honey?” “Kailan mo ako ipapakilala sa parents mo? Don't worry, tanggap ko sila even though poor sila.” Iniharap niya ako sa kanya. “Wala na akong parents.” “S-sorry... I'm so sorry...” “It's okay, hindi mo naman sinasadya.” Tumunog ang isang cell phone. “Fhail, sa'yo ba 'yun?” “Yes.” Mabilis siyang tumakbo papunta sa lamesa. Humarap siya sa akin habang nakatapat ang cell phone niya sa tainga niya. Ngumiti ako sa kanya. Ibinaba niya ang phone. “Honeybunch, sorry pero kailangan muna kitang iwanan dito.” “B-but... Okay... Why?” “Mayroon lang emergency ang kakilala ko sa palengke.” Tumakbo ako papalapit sa kanya. Nagpakarga ako sa kanya. “Hey, mami-miss kita.” “Mas mami-miss kita.” Hinimas niya ang likod ko. At isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. “Natatakot ako mamaya if makita ko si Zebak.” “Huwag kang mag-alala, marami akong mga mata,” he whispered. “What do you mean, Fhail?” “Hindi ka mapapahamak. Kung mayroon mang mangyari, asahan mong darating ako sa tamang oras.” Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko akalain na magiging ganito ako ka-attach sa kanya. Gustong-gusto ko ang amoy niya. “Tatapusin ko lang itong mga niluluto ko. After mong kumain, tsaka ako aalis.” “Fhail, no need. Sige na, umalis ka na. Luto na rin naman itong isang ulam.” “Are you sure?” Bakas sa mga mata niya ang lungkot. “Yes, bunch...” Tatalikod na sana ako pero bigla niyang sinunggaban ang labi ko. Ipinatong niya ako sa lamesa sabay muli niyang sinakal ang leeg ko habang hindi binibitawan ang labi ko. Bumitaw siya sa paghalik sa akin. “Mahal na mahal talaga kita, Dia. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin.” “Mahal din kita.” Hinimas ko ang buhok niya. Pinalo ko ang braso niya. “Hoy ikaw ah, bakit sobrang bango mo? Baka mayroong kang babae sa pupuntahan mo ah.” Muli niyang sinunggaban ang labi ko. Ipinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko dahilan para mapaatras ako. Nakakakiliti ang dila niya, ang likot sa loob ng bunganga ko kaya wala akong ibang tugon kundi ang pagkapit ko sa leeg niya. “Uhmm,” mahinang bulong ko sa tainga niya. Hinawakan ko ang right hand niya. Inilagay ko sa breast ko pero kaagad niyang inalis ang kamay niya. Napakamot ako sa aking ulo. “B-Bunch, why?” “No. Tsaka na.” Hinalikan niya ako sa pisnge. “But I love you.” Iniharap ko ang dibdib ko sa kanya. Lumiyad ako para mas makita niya. Muli niya akong hinalikan sa pisnge. “Tsaka na, bunch ko. I love you.” Napanguso ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. “Parang ayaw ko ng umalis.” Tinapik ko ang likod niya. “Hey, hindi p'wede, emergency 'yun, 'di ba?” Dahan-dahan niyang hinahalikan ang leeg ko dahilan para mapaungol ako. “Dia, I have to go.” Hinimas niya ang leeg ko. “Hoy, Fhail! Ikaw ah, ang hilig mo akong sakalin.” Tumawa siya, “Yeah.” “Fhail... Gustong-gusto kong malaman kung sino iyong taong nanakit sa akin before. 'Yung taong dahilan kung bakit ako nag-agaw buhay. 'Yung taong sabi ng parents ko na umuntog sa ulo ko.” Kumunot ang noo niya. “I see. Ano ang gagawin mo sa kanya?" “Ipapakulong ko siya, Fhail. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.” “Hindi mo pa rin ba siya mapapatawad kahit na siguro ay mayroon kang kasalanan sa kanya?” “Oo, kasi mali pa rin iyong ginawa niya. Paano kung namatay ako? Siguro ay hindi kita nakilala.” Niyakap ko siya ng mahigpit. Ngunit mas niyakap niya ako ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD