Kabanata 4.

1049 Words
DIAMONIKA Kinaumagahan. Napabalikwas ako sa kama dahil bumungad sa akin si Fhail na nasa bintana. "Ano bang ginagawa mo dyan?!" "Nakawala na naman po kasi ang mga aso." Hindi ako sumagot. Binato ko lang sa kanya ang mamahalin kong salamin pero nakaiwas siya kaagad. May pasok ako ngayon kaya hindi ako mag-aabala na makipag-away sa kanya. Pumasok na ako sa cr at naligo. Nang makalabas ako sa cr ay dumiretso ako sa kama. Pagtingin ko sa bintana ay wala na si Fhail, mabuti naman. Nagbihis na ako ng mamahalin kong kasuotan. At nagsuot ako ng mataas na heels. Pagkababa ko ay nakita ko si Fhail na nasa hagdan na nakatungo. Bigla ko tuloy naalala na kailangan ko nga pala ng model para sa meeting mamaya. Hmm... p'wede naman siguro si Fhail. Bumaba na ako, hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa long dining table kung saan nandoon na pala sila mom, dad, at Lowen. "Good morning!" bati ni dad. Si mom naman ay umirap lang sa akin pero nag-flying kiss. Umupo na ako. "Lowen, nagpa-deliver na ako ng formal suit. P'wede bang bihisan mo si Fhail at i-makeover?" "Sure! Hmm... para saan? Sa date ninyo?! Oh my gosh auntie!" Sumigaw rin si mom sa tuwa. Pero malakas kong ipinatong ang kamay ko sa lamesa kaya tumigil sila. "Siya ang gagawin kong model sa meeting. Alam mo na, ayaw kong kunin ang iba dahil ang mahal ng bayad. Tsaka kahit afford ko ay no way, ang aarte nila asikasuhin. Samantalang si Fhail ay uto-uto at kahit magkano lang ang ibayad ay okay lang." "You are so cheap, anak. Tsaka ang bad attitude mo ay umaabot hanggang impiyerno," dad whispered. Natawa naman si Lowen at mom. Nakakainis! Kaya naman humigop na lang ako ng kape sabay umalis na ako sa harap nila. "Lowen! Sa kotse ako maghihintay ha!" sigaw ko habang naglalakad papalayo. Nang makarating ako sa kotse ay natulog muna ako. Gusto ko munang pakalmahin ang aking sarili. Bigla akong nagising dahil may kumakatok sa bintana ng kotse ko. Kaagad ko namang binuksan ang pinto na nakakunot ang aking noo. "Nandito na siya! In one, two, and three!" masayang sigaw ni Lowen. Parang nag-slow motion ang lahat nang lumabas si Fhail sa pinto namin. Hindi ko akalain na babagay sa kanya ang blue formal suit dahil akala ko'y magmumukha siyang patay. Para na siyang ka-level ng mga highest paid model sa ibang bansa. Tsaka ang buhok niya ay maayos pati ang suot niyang shoes ay bagay na bagay rin. Lalong nag-slow motion ang lahat nang maglakad na siya papalapit. Tinitigan kong mabuti ang mukha niya, walang ginamit na makeup si Lowen sa kanya pero ang guwapo niya pa rin. Ang laki ng katawan niya, maputi, at matangkad. "Hindi raw mai-inlove pero ang laway ay natulo! Yuck!" Bigla akong nabuhayan sa sabi ni Lowen. Umiwas ako ng tingin kay Fhail, humarap ako sa harap. Then naramdaman ko na nakasakay na siya sa kotse, sa likod. "Ayiee! Tumitibok na ang puso," Lowen whispered. Sa sobrang inis ko sa kanya ay isinara ko nang malakas ang pinto. "Hoy, Fhail! Ayusin mo mamaya ha? Huwag kang magsasalita kapag tinanong ka. Ako na ang magsasalita para sa 'yo dahil model ka lang naman! Ayaw kong mapahiya! Manong, tara na!" sunod-sunod kong sabi na hindi man lang siya nililingon. Nakakainis kasi, parang nagsasayaw ang puso ko ngayon. Nasa loob na kami ng company. Sa meeting room. Si Fhail ay nasa tabi ko lang, tahimik na nakaupo. Samantalang ang secretary ko na si Madz ay titig na titig kay Fhail kahit na ang board members. "It's a new product called "Pink," as you can see on my model's lips. The lipstick's texture is smooth and very comfortable to apply. And it's waterproof and long-lasting." Tumango ang mga member. And kinilatis pa nila ang ilan pa sa mga detalye, lalo na ang presyo ng product. Then nagbigay ako ng samples product sa kanila. Kinakausap nga nila si Fhail at kinukulit pero ako na lang ang nasagot. Tsaka gusto nilang offer-an ng contract for modeling si Fhail pero tumanggi ako. Sayang naman daw ang potential at ang pagiging guwapo ni Fhail pero wala akong pakialam. Tsaka gusto rin nilang maging ambassador ng products ng company pero no way. Dahil sa successful ang pink lipstick ay inaya ko si Fhail na kumain sa labas. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Ako na ang nahihiya para sa kanya. Pero dahil malaki ang naitulong niya ay hahayaan ko na lang muna ang inis ko sa kanya. "Here's the menu. Pick all you want. And I will pay." "Salamat, madam. Gutom na po kasi ako." Tumango lang ako at umirap. Napansin ko, halos lahat ng kumakain sa restaurant ay nakatingin sa kanya na mga kinikilig. The hell, maid ko lang ang lalaking 'yan. Nailista na ng waiter ang order namin. After 5 minutes ay dumating na ang mga pagkain. Hmm... ang bango. "Fhail, marunong ka bang gumamit ng eating utensils? Huwag mo akong ipahiya," I whispered. "Opo, madam." Nang simulan niyang kumain ay nagulat ako dahil para siyang professional. Hmm... mabuti naman dahil itatapon ko sa pagmumukha niya ang mga pagkain kung dadalhin niya rito ang pagiging hampaslupa niya. Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami sa kotse. Uuwi na ako, sa bahay ko na lang tatapusin ang trabaho. "Madam, salamat po ha?" he murmured. Siya'y nasa likod. "Para saan, Fhail?" "Para po kanina. Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya ngayon." "Isipin mo na lang na ginamit kita, Fhail." Hindi siya sumagot. Nang tingnan ko ang reaction niya sa salamin ay nalungkot siya sabay sumandal at pumikit. Hindi ako dapat maawa sa kanya, totoo naman na ginamit ko siya dahil sayang lang ang mukha at katawan niya. Nang makauwi na kami sa mansyon ay seryosong bumaba si Fhail. Then nag-bow siya sa akin at naglakad na papalayo. Ano bang problema nu'n? Cold pa kuno. Pumasok na ako sa loob. Pinahubad ko sa mga maid ang suot kong coat at heels. At pinadala ko ang bag ko. Umupo ako sa couch at sumandal. "Nakakapagod! Fhail, nasaan ka na ba?! May iuutos ako!" Walang sumagot. Samantalang dati ay ang bilis niyang sumagot. Siguro'y dinadama niya ang suot niya at baka nagfe-feeling na mayaman. Dahil natulungan niya ako ay hahayaan ko siya. Pero ngayong araw lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD